You are on page 1of 15

“ANG MABUTI AT MASAMANG EPEKTO NG PAGGAMIT NG

KOMPYUTER NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL

SA MATAAS NA PAARALAN NG CALULUAN

TAONG PANURUAN 2017-2018”

Shiela Mae Crisostomo Sigua

Ma. Aira Paulo Mangiral


KABANATA 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon

Ang panimulang punto ng Information Revolution ay ang kompyuter. Nilikha ni

Charles Babbage at binuo sa pamamagitan ng maraming mga mahuhusay na mga tao na

kasama sina Blaise Pascal, Otto Steiger, Konrad Zuse, at Howard Aiken. Ang kompyuter

ay ang produkto ng maraming mga tao na talino, sa paglipas ng siglo ay nasuri, kinalkula

at nagtrabaho bilang isang perpektong kasangkapan na maaaring pahabain ang mga

kaisipan tulad ng Industrial Revolution na pinalawak ang pisikal at mekanikal na aspeto.

Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang

pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang

tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang

teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang naiuugnay ang

katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang

natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham.

Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya

bilang ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin

ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang

maibubunga ng ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya

kung nadadagdagan ang ating kaalaman dito.

Ayon sa pahayag ni Robert Paul Nunang (Oct 03 , 2008) Mabuti at Masamang

Epekto ng Kompyuter. Umuunlad na nga ang ating panahon ngayun. Marami na ang
mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone , MP3 , MP4 , ipod at higit sa lahat

kompyuter . Para sa karamihan , ang kompyuter ay isang napakahalagang imbensyon at

malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat , bukod sa mga mabuting

epekto nito, mayroon din itong masamang epekto.

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o

nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa

ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay

nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kailangan muna nating

pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya ay may mabuting naitutulong o ito ay

nagdudulot ng masamang epekto. Nakasalalay sa ating mga tao kung paano natin ito

gagamitin.

Unahin natin ang mabuting epekto. Sa ating henerasyon ngayon (21st century)

masasabing ang kompyuter ay base sa makabagong teknolohiya na pinaka ginagamit ng

mga tao. Pangunahing kagamitan na ginagamit ng mga nasa industriya, paaralan,

kompanya, at mga establisimentong pang negosyo, malaki ang kontribusyon nito sa mga

nabanggit. Ginagamit ang kompyuter sa pagpapabilis at pagpapadali ng mga paraan o

proseso ng gawain o trabaho.

Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing

gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Kung may

internet connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anumang

social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based na

nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Alam din
nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa

mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag

impormasyon. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa

ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter.

Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga

operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ito

ay nakapaghahatid ng aliw, nakakapagpabilis ng gawain at nakakapagpayaman ng buhay

ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa.

Sa pag-usbong ng bagong ekonomiya at paglago ng makabagong panahon, unti-

unti na ring nagbabago ang pamumuhay ng mga tao sa mundo. Sa paglipas ng mga siglo

ay unti-unti nababago at napapadali ang pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao dito

sa mundo. Isa sa mga naging pangunahing sangkap ng pangma-padaliang pamumuhay

ng mga tao ay ang "kompyuter". Isang makabagong teknolohiya na nilikha ng mga tao

upang mas mapadali ang pagpoproseso ng mga iba't-ibang bagay dito sa mundo.

Maraming nagagawa ang isang simpleng bagay na gaya nito. Mas marami na din ang

higit na gumagamit nito hindi lamang sa paglaganap ng impormasyon, pagpapabilis ng

komunikasyon at pag-aaral ng mga bagong bagay dito sa mundo. Ang kompyuter bilang

paglaganap ng impormasyon ay malaki ang naitutulong di lamang para sa mga taong

gumagamit nito sakani-kanilang mga trabaho kundi rin para sa mga kabataang

nangangailangan nito para sakanilang mga pananaliksik na papel at iba't-ibang pag-aaral.

Nagagamit din ang kompyuter sa pagpapabilis ng komunikasyon dahil hindi noong mga

nakalipas na panahon, matagal-tagal bago pa makuha ang isang panulat na nagmula pa sa

isang tao papunta sa isa pa.


Ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay

hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang. Mapaghanap,

mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa pagkamit ng bawa’t bagay na alam

niyang kanya dapat mapasakamay.

Sunod naman ay ang masamang epekto ng kompyuter. Una na diyan ang

problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang

pag-aaral dahil sa kompyuter naadik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games

katulad ng dota.

Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang kundi pati na rin ang pera,

winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain.

Pangatlo at huling masamang dulot ng kompyuter ay ang sakit na pwedeng

maidulot nito, dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter hindi maiiwasang sumakit

ang kanilang ulo o kaya’y pagkahilo.

Sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang mga tao ang umuusad sa pagbabago

na dala ng mga makabagong teknolohiya. Habang umuusad at nagbabago ang mga tao

ay nagbabago din ang mga teknolohiya at mas lalong umuusbong at nababago ang

kakayahan nito at ang mga kaya nitong gawin. Sa kasalukuyang ekonomiya, gingamit na

ang makabagong teknolohiyang ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral hindi lamang mula sa

elementarya, sekondarya pati narin sa kolehiyo. Sakatunayan ay may mga kurso o

batsilyer na ang pangunahing kasangkapan ay ang kompyuter. Sila ang mga kabatan na

inaasahan na mas makakapagpabago at makakapagpalago ng mga kakayahan at kayang

gawin ng makabagong teknolohiyang ito, ibig sabihin ay mas mapapadali pa lalo ang
maaring magawang pagpasok pa ng mga susunod na siglo ng mga mag-aaral dito sa

mundo.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mabuti at masamang epekto ng

paggamit ng kompyuter ng mga mag-aaral sa Senior High School sa mataas na paaralan

ng Caluluan taong panuruan 2017-2018 na naglalayong matugunan ang mga sumusunod

na tanong:

1. Nais malaman ng pananaliksik na ito ang pangunahing propayl ng mga

respondante:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ang maaring maging epekto ng kompyuter batay sa mga sumusunod:

2.1 Mabuting Epekto

2.2 Masamang Epekto

3. Gaaono kadalas gumamit ng kompyuter ang mga piling respondante?

4. Anu-anong klase ng “software” sa kompyuter ang ginagamit ng mag-aaral?

5. Ano ang implikasyon ng kompyuter sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Kabataan. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga pangunahing naidudulot ng

pag –gamit ng kompyuter upang mapabilis ang mga pang araw-araw nilang gawain.
Upang maibahagi sa kanila ang mga mabuting epekto ng paggamit ng kompyuter at para

na rin mabigyan sila ng babala sa mga masasamang epektong hatid ng labis na paggamit

ng kompyuter. Nararapat lamang na maging handa ang mga kabataan samga masasamang

epekto upang hindi ito magdulot sa kanila ng paglabo ng mata at upang maiwasan na rin

ang iba pang maaaring makasama sa kanyang kalusugan.

Mag-aaral. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral kung paano sila madaling

makakakalap ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter.

Magulang. Para maipaalam sakanila na hindi lamang masasama ang epekto sa mga

kabataan at sa mga mag-aaral ang paggamit nila ng mga makabagong teknolohiya.

Sakatunayan ay mas napapagaan pa nito ang pag –aaral ng mga mag-aaral. Upang

mabigyan ila ng sapat na atensyon ang kanilanganak sa paggamit ng kompyuter. Mas

mabuting alam ng magulang kung ano ang ginagawang kanilang anak sa paggamit ng

kompyuter.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mabuti at masamang epekto

ng paggamit ng kompyuter ng mga mag-aaral sa Senior High School sa mataas na

paaralan ng Caluluan taong panuruan 2017-2018.

Nakatuon din ang pananaliksik na ito sa mga maaring maging epekto, mabuti at

masama, at mga kakayahang kayang gawin ng mga makabagong teknolohiya na maaring

makapagpabago at makatulong sa mga kabataan hindi lamang sa ibat’-ibang bahagi ng

pag-aaral kundi narin sa pagpapalawig ng komunikasyon at mga pangunahing

impormasyon.
Nakatulong sa pananaliksik na ito ang pagbibigay ng oras ng mga mag-aaral sa

Senior High School ng mataas na paaralan ng Caluluan sa taong panuruan 2017-2018

sakanilang responsable at boluntaryong pagsagot sa sarbey na pinamahagi sakanila.

Mga Katawagang Ginamit

Gadget- ay mga bagay na gumagana sa pamamagitan ng elektroniks.

Information Revolution- ay ang pagsabog ng availability ng impormasyondahil sa

paggamit ng computer, Internet, at iba pang mga elektronikong aparato.

Internet Connection- ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipápadala ang mga datos sa pamamagitan ng

packet switching na gámit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP)

Kompyuter- ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaring iprograma

upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o

lohikal.

Social Networking Sites- ay tumutukoy sa alin mang plataporma na lumilikha ng

mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may magkatulad na

interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay na buhay.

Software- ay pangkat ng mga utos na nababasa ng makinang nangangasiwa sa processor

ng kompyuter para gumawa ng mga tiyak na operasyon.

Teknolohiya- pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso

upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.


KABANATA II

MGA KAUGNAYAN SA PAG-AARAL NG LITERATURA

Ang pagsusuri ng literature at pag-aaral na ginawa ng mananaliksik ay kaugnay

ngmga sumusunod:

Kaugnay na Literatura

Ayon sa pahayag ni Robert Paul Nunang (Oktubre 03 , 2008) Mabuti at

Masamang Epekto ng Kompyuter. Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami

na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone , MP3 , MP4 , ipod at higit sa

lahat kompyuter. Para sa karamihan , ang kompyuter ay isang napakahalagang

imbensyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat , bukod sa

mga mabuting epekto nito , mayroon din itong masamang epekto.

Alinsunod sa pahayag ni Joseph Marie Jacquard (Marso 18 , 2008) Epekto ng

Teknolohiya. Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay

nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang

epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito

ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw

na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga

ba ay nakakatulong o nagdudulot.

Alinsunod parin sa pahayag ni John Baquiran (Enero 13 , 2010 ) tungkulin ng

mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagodna sa kanilang pag-aaral, sa

pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawaang maaaring gawin nila. Una ay

ang magpahinga o matulog para may lakas silaupang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa kabilang banda, maaari silangmaglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di


kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatit ng

teknolohiya ay maaaringmagdulot masama at mabuting epekto.

Ayon sa pahayag ni Jonah L. Tamayo (Feb 11 , 2014 ) Ang Epekto ng

Teknolohiya sa Pag-uugali ng mga Mag-aaral ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga

mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang

makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok, malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa

pagkamit ng mga bagay na dapat mapasakamay.

Kaugnay na Pag-aaral (Banyaga)

Ayon sa World Health Organization, gumawa sila ng isang pag-aaral noong 2002

ang nagpapakita na ang 20% ng batang lalaking taga-Finland sa pagitan ng labing-tatlo

hanggang labing-lima ay gumagamit ng kompyuter ng higit sa tatlong oras kada araw. Sa

kabilang banda, ang mga batang babae naman sa parehong edad ay nasa 2% hanggang

3% lamang. Ipinapakita rin sa pag-aaral na ginawa ng World Health Organization na ang

mgakabataang lalake ay ginagamit ang oras nila sa paglalaro ng “computer games” o

mga laro sa kompyuter, habang ang mga kabataang babae naman ay kadalasang

nakikitang nakikipag-usap sa mga “chat rooms” o di naman kaya’y nagpapasahan ng mga

mensahe sakanilang “e-mail.”

Ayon kay Nicolas Yee, isang Ph.D. ng Communications Department ng Stanford

University, may iba’t- ibang dahilan ang mga kabataan kaya sila naglalaro o gumagamit

ng kompyuter. Nagsimula ang kanyang pangangalap ng impormasyon noong taong 1999

at inilabas ang resulta sa isang web-site na tinawag niyang “The Daedalus Project”. Sa

resulta ng kanyang pag-aaral, nagawa niyang i-grupo ang mga dahilang ito sa lima at ito
ay ang mga sumusunod: achievement, socialization, immersion, vent/escape at

competition.

Ayon naman kay Mary Schlimme, ilan sa katangian ng isang “computer addict”

ay ang hindi mapigilang paglalaro ng kompyuter, hindi makapag-isip ng tama sa

paaralan na nagiging dahilan kaya bumababa ang marka, kakulanga ng atensyon sa

pansariling kalinisan, at kakulangan sa tulog. Ang mga kabataang lalake at babae ay

maaaring makaranas ng “withdrawal syndrome” na kung saan nakakaranas siya ng

matinding panginginig. (Schlimme 2002).

Kaugnay na Pag-aaral (Banyaga)

Ayon sa isang ulat ni Rafael Cabredo, isang Faculty sa De La Salle University,

nagsisimulang maglaro ang isang bata sa America sa edad na anim (6) at ang average na

edad ng mga naglalaro ay dalawampu’t - siyam (29). Hindi pa tiyak ang istatistikang

ganito sa Pilipinas, subalit maaaring pareho ang mga pigura o kung hindi man ay hindi

rin nalalayo.

Sintesis. Maraming pag-aaral na ang nagsasabing ang labis na paggamit ng kompyuter ng

mga kabataan ay dahilan ng paglabo ng kanilang mga mata dahil sa “radiation” na

inilalabas sa “monitor” ng kompyuter. Kaya, ipinapayo ng mga doctor na laging ipikit

ang mga mata dahil ang labis na pagdilat nito ay maaaring maging sanhi ng pamumula ng

mata. Ayon din sa mga doctor, dapat ding bigyan ng pansin ang kalinisan ng katawan at

maglaan ng sapat na oras sa pagtulog. Ang mga ito ay nakakatulong upang maiwasan ang

mga negatibong epekto ng paggamit ng kompyuter at malaman ang mga tanging

mabuting naiidudulot nito sa ating pan-araw-araw na pamumuhay.


KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

TEKNOLOHIYA

TEKNOLOHIYA
Mabuting Epekto Masamang Epekto
Ng Kompyuter Ng Kompyuter

Mag-aaral ng Senior High


School sa mataas na paaralan
ng Caluluan taong panuruan
2017-2018

PROPAYL ng mga
Respondante Dalas ng pag-gamit ng Klase ng software na
kompyuter ng mga laging ginagamit ng
1. Edad mag-aaral mga mag-aaral
2. Kasarian

implikasyon ng kompyuter
sa pag-aaral ng mga mag-
aaral

Ang mga respondante ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng Senior

High School sa mataas na paaralan ng Caluluan na gumagamit ng teknolohiya sa

kanilang pag-aaral.
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang uri o disenyo ng pananaliksik na ginamit dito ay isang deskriptibo, dahil

nakasaad dito kung paano gamitin ng mga mag-aaral ang teknolohiya sa kanilang pag-

aaral at kung paano ba ito nakakatulong sa kanila. Pinapakita rin dito kung anu-ano ang

mga maganda at di magandang epekto ng teknolohiya sa pag- aaral ng mga estudyante sa

mataas na paaralan ng Caluluan.

Respondante

Ang respondante ng pananaliksik na ito ay ang mga mag- aaral sa Senior High

School sa mataas na paaralan ng Caluluan taong panuruan 2017-2018 na kung saan nais

malaman ng pananaliksik na ito kung paano nakakatulong ang makababagong

teknolohiya sa kanilang pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik upang

sila ay makakalap o makakuha ng mga datos at maging ng mga impormasyon, ay sa

pamamagitan ng isang “Questionnaire” o mga katanungan. Ang lahat ng mga mag-aaral

na nasa ikalabing-isa at ikalabing-dalawa baitang sa mataas na paaralan ng Caluluan ay

maaring maging respondante sapagkat agamit ang mga mananaliksik na “random

sampling”.
Istatistikal Tritment

Ginamit sa pananaliksik na ito ang Frequency at Percentage upang mailarawan

ang mga nakalap na datos. Ang frequency ay ang simpleng pagbilang sa mga sagot sa

bawat tanong. Ang percentage ay may pormula na: f/N x 100


TALASANGGUNIAN

Nakuha mula sa: http://gabaysapagpilingcourse.blogspot.com/2008/10/mabuti-at-

masamang-epekto-ng-kompyuter.html

Nakuha mula sa: https://dokupdf.com/download/epekto-ng-paggamit-ng-internet-sa-

akademik-perpormans-ng-mga-mag-nn-_5a019d33d64ab2b9bd5aa10c_pdf

Nakuha mula sa: https://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/18/c-epekto-ng-

teknolohiya-nakakatulong-nga-ba-o-nakakasama/

Nakuha mula sa: http://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/teknolohiya-tulong-sa-

edukasyon/

Nakuha mula sa: http://www.buzzle.com/articles/impact-of-technology-on-

education.html

Nakuha mula sa: http://cjefo1.blogspot.com/2011/12/makabagong-teknolohiya-tulong-

sa.html

Nakuha mula sa: http://www.news-medical.net/news/2005/09/06/54/Filipino.aspx

Nakuha mula sa: http://kristalinahcielolawang.blogspot.com/

Nakuha mula sa: http://www.udyong.net/teachers-corner/5568-makabagong-teknolohiya-

at-edukasyon

Nakuha mula sa: http://sccbloggers.blogspot.com/2013/03/makabagong-teknolohiya-

nakakatulong- nga.html.

You might also like