You are on page 1of 2

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA: MGA KAUGALIAN NG MGA KABATAAN SA

KASALUKUYAN, WALANG RESPETO SA MGA MAGULANG O NAKATATANDA

KABANATA 1

INTRODUKSIYON

A. RASYUNAL O PANIMULA

Paano nakakatulong ang teknolohiya sa ating mga gawain? Ano ang nagiging epekto
ng teknolohiya sa kaugalian ng tao? May maganda ba itong naidudulot o mas lalo lang
nitong pinapalala ang di magandang kaugalian ng tao? Tayo nganyon ay nasa
makabagong panahon na, kung saan ay nakadepende na sa teknolohiya ang mga
gawain ng tao. Ang teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng kasangkapan,
kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang pang araw-araw na gawain ng tao
Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga bagong teknolohiya
gaya ng cellphone, computer, ipod, MP3, MP4 at iba pa. Maraming magandang
naidudulot sa pamumuhay ng tao ang mga makabagong teknolohiya. Ngunit minsan ay
nasosobrahan na sa paggamit ang mga tao at wala na sa lugar gaya kapag nasa
hapag-kainan ang buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone. Nang
dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unti rin nitong binabaklas ang mga kaugalian ng
isang tao.

B. LAYUNIN NG PANANALIKSIK
-Matutukoy ang mga iba’t ibang mga kaugalian ng mga kabataan sa
kasalukuyan.
-Natutukoy ang mga ibat ibang impormasyon tungkol sa mga kaugalian ng mga
kabataan sa kasalukuyan.
-Nalalaman ang mga kadahilanan ng mga kabataan sa pagkawalang respeto sa
nakakatanda.
-Nangangalap ng mga datos sa mga kabataan ayon sa kaugalian ng mga
kabataang kasalukuyan.
C. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay makapagbibigay benepisyo sa
mga sumusunod:
Mag-aaral:Ang magiging resulta ng pag aaral na ito ay makapagbibigay dagdag
ng kaalaman sa mga mag aaral kung paano masusulusyunan ang mga susunod
na problema kakaharapin nila.
Paaralan: pagkatapos ng pag aaral na ito ay makakapag-implementa ng
oryentasyon ang paaralan sa mga guro na nagtuturo at upang matuonan ng
pansin ang mga mag aaral na gumagamit ng teknolohiya.

D. SAKLAW AT LIMITASYON
E. BALANGKAS TEORETIKAL
F. KAHULUGAN NG TERMINONG GINAMIT

You might also like