You are on page 1of 1

 Exposisyon - Isang batang mananalaysay ang gustong tuklasin ang mga nakalipas na kasaysayan

ng Pilipinas. Ang kaniyang pananaliksik ay nagdala sa kaniya kay Jose E. Marco. Si Jose Marco ay
isang historian na makikila dahil sa kaniyang mga natuklasan lalo na ang Code of Kalantiaw.

 Papataas na Aksiyon - Ang batang mananalaysay ay sinaliksik ng mabuti kung sino ang mga
kasama sa gumawa ng Code of Kalantiaw. Ang Code of Kalantiaw ay isa sa mga
pinakamahahalagang teksto sa kasaysayan ng Pilipinas.

 Kasukdulan - Bumalik mula sa pagkakahimlay si Jose E. Marco upang ipaliwanag ang kaniyang
ginawa kung bakit at ano ang kaniyang dahilan sa panloloko sa pagsulat ng Code of Kalantiaw.
Marami ang nadismaya rito kaya nainis sila kay Marco

 Pababang Aksiyon - May halong pagkadismaya ang batang mananalaysay. Ang buong akala niya
ay makakauha siya ng mga impormasyon kung sino ang mga taong kasama sa pagsulat ng Code
of Kalantiaw dahil isa ito sa mga importanteng teksto sa kasaysayan natin.

 Resolusyon - Ang batang mananalaysay ay natauhan sa mga sinabi ni Jose E. Marco. Ang buong
akala niya na ang Code of Kalantiaw na sinulat ng isang datu ay matutuklasan niya. Ngunit ito
pala ay isa lamang sulatin ni Jose E. Marco at pinaniwala ang nakararami rito.

 Ang tunggalian ng dula ay sa pagitan ni Jose E. Marco at ng mga napaniwala niya. May mga sari-
sarili silang tunggalian lalo na si Jose E. Marco laban sa batang historyador. May kinalaman ang
indibidwal na tunggalian sa kabuuang dula dahil umiikot ang dula sa pananaliksik kung totoo nga
ba ang Code of Kalantiaw o hindi.
 Trahedya ang tema ng dula dahil nakakasama ng loob ang nagging kwento ng batang
mananalaysay. Nabigo ang bata na makita ang tunay na nagsulat ng Code of Kalantiaw kaya ang
dula ay nagwaks ng malungkot.

You might also like