You are on page 1of 5

WALANG PANGINOON

NI DEOGRACIAS A. ROSARIO

I. PAGPAPALIWANAG NG PAMAGAT

Isang masidhing damdamin ang masasalamin natin sa pamagat, merong hihinakit at pag-
uuyam. Ang aking pagkakaintindi sa maikling kwentong pinamagatang "Walang
Panginoon" ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali
sa mga mayayamang mapagsamantala. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang
tauhan na si Don Teong ang mapagmataas at sakim sa kapangyarihan at si Marcos
na mababang uri kung ituring dahil sa mahirap lamang. Ang maikling kwentong ito ay
nagpapakita ng katatagan at pagiging makatao. Lahat tayo’y ayaw maging alipin.
Kung kaya’t nararapat na walang sinuman ang dapat magpa-alipin.

II. TEMA

Ito ay tungkol sa isang matapang na magsasaka na handang ipagtanggol ang


kanyang pamilya.Hindi pagkakapantay-pantay ng mayaman at mahirap, pagiging
ganid at mapangpang-abuso sa kapangyarihan.Ang pagiging sakim sa
kapangyarihang tinataglay ang magdadala sa hidwaan at hindi pagkakaunawaan .
Huwag dungisan ang sariling mga kamay para sa hustisyang nais makamtan.

III. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG AKDA

Ang akdang Walang Panginoon ay isang maikling kwento na obra-maestra ni Deogracias


Rosario. Si Deogracias Rosario ay isinilang sa Tondo Maynila noong ika-17 ng Oktubre taong
1915.Sya rin ang sinasabing Ama ng Maikling Kwentong Tagalog sa bansa. Ilan sa kanyang
mga naisulat ay ang mga sumusunod: Ako’y mayroong Isang Ibon,Ang Dalagang
Matanda,Manika ni Tadeo,Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa.Namatay siya noong
Nobyembre 26,1936 sa edad na 42. Naisulat nya ang Walang Panginoon dahil sa kanyang
pagiging makawika at makabayan.

IV. PAGPAPAKILALA SA TAUHAN

Marcos – ang pangunahing tauhan sa kwento. Siya ay bilugan dahil noong una ay nagtitimpi
pa siya sa kanyang nararamdaman ngunit sa gitna ay hindi niya na ito napigilan at siya ay
gumanti na kay Marcos. Noong una si Marcos ay mabait, nang malaon siya ay naging
masama.

Ina ni Marcos – (walang pangalan sa kwento) siya ay lapad dahil mula umpisa siya na ay
maunawain at maalalahanin.
Don Teong – ang sakim na kumakamkam ng lupain nina Marcos. Siya ay lapad sapagkat mula
umpisa pa lang siya ay sakim na, hanggang sa dulo ay hindi pa rin nagbago ang kanyang ugali.

Anita- anak ni Don Teong, isang dalagang matapos mag-aral sa Maynila ay bumalik sa nayon
nila. Sila ay nag-iibigan ni Marcos.

Kalabaw- alaga ni Marcos na mahal niya sa lahat ng mga alaga niya. Kung umaga'y kasama
niya ito sa pagsasaka, at kung gabi'y iniiwan sa dulo ng lupang nililibot ni Don Teong araw-
araw.

V. MGA KULTURA NA MASASALAMIN SA AKDA

Ang kanyang akdang ginawa ay sadyang kahanga-hanga.Sa aking pagsususuri sa mga tauhan
iisa lang ang katangian ng karakter sa simula hanggang sa huli katulad ni Marcos sa simula
palang galit at poot ang kanyang ipinapakita sya ang sumisimbolo sa mga Pilipino na walang
kakayahan na ipaglaban ang kanilang karapatan. Si Don Teong naman ay karakter ng isang
mayamang asendero na walang ginawa kundi magpayaman sya naman ang sumisimbolo sa
mga taong mapagmataas . Sa tagpuan naman na sa Kabukiran. Ito naman ay sumisimbolo sa
ating bansa na kung saan ay walang pantay na pagtingin sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman.Sa kabuuan maganda ,maayos at madaling maiintindihan ang mga bagay na nais
iparating sa mga mambabasa.

VI. MGA PILOSOPIYA

"Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin; magtanim ng kalupitan, tiyak ika'y babalikan."

Dapat pantay-pantay ang pagtingin sa bawat isa walang mahirap o mayaman.

ang bawat isa sa atin ay may galit o poot sa ating mga puso at damdamin na dapat mailabas
upang gumaan ang ating mga nararamdaman.

ang bawat isa sa atin ay marunong magpatawad. Kung ang ating PAnginoon nga napatawad
tayo. Tayo pa kayang mga tao lamang.Dapat ding isipin natin ang mga bagay bago natin
gawin ito
VII. GAMITAN NG TEORYA

Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario na Walang Panginoon ay ginamitang ng Marxismong


kritisismo.Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw, pagbuwis
at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay
may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin
binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil
sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don Teong sa
pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na yumayaman si Don
Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang
lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo.
Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-suklam na
kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos
mabatid ang pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa
mga mabababang uri o alienation mula sa lipunan.

Ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa


kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling talata ng
kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng
isang mahirap sa mga kamay ng mataas na uri.Isang kasangkapan ang pamagat sa
pagpapatingkad ng pangkalahatang tema ng kuwento-angpagpatay sa isang sistemang
walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman.

Ang pagbanggit ng "walang panginoon" sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang


lipunang walang mataas at walang mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay
kumakatawansa mga tao o bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa
isang mapang-apingsistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay
kay Don Teong sa hulihan ngkuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe na ang
patuloy na pang-aabuso ng isang tao samga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa
kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may naaapi
kung kaya’t ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais nawalang panginoon.
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE

STA. MARIA CAMPUS

WALANG PANGINOON

ISANG PAGSUSURI

BAHAGING PANGANGAILANGAN

SA LIT. 101: SOSYEDAD Y. PAMPANITIKANG

PANLIPUNAN

ISINOMITE KAY:

G. JOHN PAUL RIC B. CORPUZ

ISINOMITE NI:

NIÑO D. PAGUERGAN

BSHM II- A

You might also like