You are on page 1of 2

PAGKILALA SA MAY AKDA

Ang Ama ng Maikling Kwentong Tagalog sa bansa na si Deogracias A.


Rosario ay ipinanganak noong ika-17 ng Oktubre, 1894 sa Tondo, Maynila.
Namatay siya noong ika-26 ng Nobyembre 1936. Siyang tinagurang makata,
peryodista at kuwentista. Naging manunulat sa murang edad na 13 taong gulang.
Ang kaniyang unang isinulat ay “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa
bansa na labis na nakatulong sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog. Siya ay
nakapagsulat ng labing-isang akda at naging manunulat siya ng “Ang
Demokrasya” noong 1915.

URI NG PANITIKAN

Ang uri ng panitikan ng mga akdang “Aloha” at “Walang Panginoon” ni


Deogracias A. Rosario ay isang maikling kwento sapagkat ito’y naglalayong
magsalaysay ng isang mahalaga at mangibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

SIMBOLISMO

ALOHA

Salapi- ang simbolo ng pagiging corrupt at pagmamanipula ng isang tao sa isa


pang tao

Aloha- ang simbolo na ang pag-ibig ang magpapalapit sa Silangan at Kanluran at


bunga ng tunay na pag-ibig

WALANG PANGINOON

Kalabaw – ang kalabaw ay sumusimblo sa mga Pilipino. Tulad ni Marcos, siya ay


may alagang kalabaw na siyang ginagamit o katulong niya sa pagsasaka.

Ang pag-animas ng kampana sa simbahan – ipinapakita ng mayakda na tuwing


tutugtog ang kampana ay oras narin ng pagsimaba ng mga katoliko.
BAKIT ISINULAT ANG AKDANG ITO?

Ang maikling kwento ng Aloha ay pangunahing tinatalakay ang


makatotohanang isyu na kinahaharap maging sa kasalukuyan ng lipunan na
kinakailangan na resulbahan ng mga tao upang nang sa ganoon ay magkaroon ng
kaayusan ang bawat isa.

Ang maikling kwentong “Walang Panginoon” ay isang kwento ng


paghihiganti sa kapwa. Walang Panginoon sapagkat ginamit ni Marcos ang isang
hayop upang makapaghiganti o patayin si Don Teongn a labis ang pagkamuhi ni
Marcos dito. Isinulat itong ito ng manunulat upang ipaalam sa mga mambabasa na
ang lahat ng sala ay may karampatang parusa. Ika nga sa isang sipi “May takdang
parusa ang lahat ng sala, ang pagtitimpi ay may hangganan, sa tao o sa hayop man
ang pagtatanggol sa sarili ay kailangan”.

TALASALITAAN: ALOHA

1. Kanaka- isang tao


2. Kamarote- isang dampa
3. Kubyerta- palapag ng barko
4. Dilidili- pagninilay-nilay o pagmumuni-muni
5. Kabalintunaan- pambabaligtad
6. Alibugha- mapagtapon o mapagwaldas
7. Palasak- pangkaraniwan o karaniwan
8. Aloha- paalam o magandang araw
9.
10.

TALASALITAAN: WALANG PANGINOON

1. Kampanaryo- tore na kinalalagyan ng kampana (bell tower)


2. Batingaw- malaking kampana
3. Nagpapagunita- nagpapaalala sa isang bagay
4. Ningas- apoy
5. Pag-iimpok- pagtitipid
6. Naibulalas- nasabi
7. Pithaya- nais o hangarin
8. Karalitaan- paghihirap
9. Kinuyom- pagkikimkim
10. Kabalintunaan- pagbabaliktad

You might also like