You are on page 1of 9

ALARIN 7

Talambuhay ni Lualhati Bautista


Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng nobelista sa
kasaysayan ng kontemporaryong panitikan ng Pilipinas. Kabilang sa mga nobela
niya ang Dekada '70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?, at Gap. Bilang karagdagan sa
pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga
maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang
pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka
ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng
katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala
at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas,
maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga
ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung
Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsusulat para sa
pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best
story- best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star
Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay),
at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay
nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong
Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang
gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong
gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang- telebisyon: ang
Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani
Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong
pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards. Pinarangalan
si Bautista ng Ateneo Library of Women's Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga
Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8
Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng
mga Kababaihan sa Katutubong Wika.

Dekada '70 ang istorya ng pamumuhay ng isang pamilya noong 1970s na kung
saan dinetalye ang paghihirap at pakikibaka sa pagbagong naimplemente sa
rehimeng Marcos. Ang mga nagyaring pagbabago ay nagumpisa noong
mapawalang bisa ang Writ of Habeas Corpus, proklamasyon ng Martial Law,
pagbobomba sa Plaza Miranda at pagkakulong ng ilang mga tumutuligsa sa
gobyerno.
Ang lahat ng mga pagbabagong ito sa lipunan ay nasaksihan ng isang babaeng
tauhan, si Amanda Bartolome, asawa at ina sa 5 lalaki na lumaki at tumapak sa
ibat ibang landas at paniniwala. Nabuhay ang kanyang identidad at pagnanais na
ipahayag ang kanyang stand bilang isang mamamayan ng bansa, ina at babae.
Umapila ang istorya sa ebolusyon ng mga tauhan nito na kumakatawan sa bagong
henerasyon ng mga Pilipino. Istorya ng isang ina at ng kanyang pamilya at ang
lipunan na pumapaligid at nakakaapekto sa kanilang pamumuhay, isang istorya ng
katatagan at kung papaano pinairal ni Amanda ang kanyang pag-iisip at puso sa
hating damdaming dulot ng batas at ng kanyang pagiging ina.
Mga tauhan at katauhan
Vilma_Santos - Amanda Bartolome
Christopher_de_Leon - Julian Bartolome Sr.
Piolo_Pascual - Julian "Jules" Bartolome Jr.
Marvin_Agustin - Emmanuel "Em" Bartolome
Carlos_Agassi - Isagani "Gani" Bartolome
Danilo Barrios&action=edit&redlink=1 - Jason Bartolome
Kris_Aquino - pinunong mag-aaral
Dimples_Romana - Evelyn
Jhong_Hilario - Willy
Carlo_Muoz - Rene
Tirso_Cruz_III - ama ni Evelyn
Orestes_Ojeda - Dr. Rodrigo
John_Wayne_Sace - Bingo Bartolome
Marianne_de_la_Riva - ina ni Evelyn





ALARIN 4

NOBELA
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito
ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Uri ng nobela

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili
ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan,
mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o
sistema

Elemento ng nobela

1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong
Halimaba:
Kung ano ang buhay,
siyang kamatayan...
Ang hirap koy alam
ng iyong kariktan
tapatin mo lamang
yaring karaingan
At bigyan ng buhay,
ang pag-asang patay!
Tugma- ay ang tunog ng huling pantig ng dulong salita sa taludtod
Halimbawa:
1. pawis-dungis
2. kapit-pait
3. kalabaw-arwa
4. balat-sakit
5. puso-paso
6. pighati-ngiti
halimbawa ng sukat at tugma:
Diyos ang Bahala
ni: Ariana Trinidad

1
Kung tatayo ako sa gitna ng gyera,
at sasabihin kong tumigil na sila,
pagpapakamatay aking mapapala,
mabuting magdasal sa Dyos na dakila!
2
Pagkat nakalimbag nga sa Kasulatan,
bansa sa mundo ay magsisipaglaban,
kasali pa dito pati kaharian
at magsisitindig, lilong kasamaan.
3
Magtataka ba kung natutupad ito,
daigdig, sa ngayon ay tila imp'yerno?
tumatatak lamang ang tusong demonyo,
kayang ipaglayo ang buklod ng tao.

4
Sino ba ang dapat na ating sandigan,
hindi ba Diyos na dakila't mainam?
at kung mananalig sa kapangyarihan,
Diyos ang bahala sa kinabukasan.

5
Espiritu lamang ang makasusupil,
sa mga alibughang di na mapigil,
sama't kasalanang doo'y nakahimpil,
dagling matutunaw pati mga taksil!

6
Ang bansang sa asta ay tila nga hari,
maliit na masa ay nilulugami,
tiyak ang parusa ang apoy ang saksi,
hindi na aahon kahit na magsisi.

7
Ang mga nilalang na ganid sa laman,
at hayok sa lakas ng kapangyarihan,
inagaw ang gintot mga kayamanan,
siguradong pugnaw sa init ng kalan!

8
Kaya kung tayo ma'y umiiyak ngayon,
asahang sa oras nitong paghuhukom,
sa ligtas na pook ang tuloy ng layon
na tungo ng paa - kasama ang Poon
Layunin ng nobela

1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
Katangian ng nobela

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
Mga Halimbawa ng Nobela

Ang Huling Timawa
Ang Magpapawid
Ang Mestisa
Ang Monghita
Ang Probinsiyana
Ang Singsing nang Dalagang Marmol
Ang Tala sa Panghulo
Bagong Kristo
Banaag at Sikat
Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?
Bayang Nagpatiwakal
Binhi at Bunga
Bulaklak ng Bagong Panahon
Daluyong
Dekada 70
ALARIN 5
mabuhay ka anak ko
mga tauhan sa nobelang "Mabuhay ka, Anak KO
thay- mahusay sa usaping pampulitika
any- magandang babae
sudath- anak ni thay ay thary nawath- anak ni thay at amy
staud- pangalawang anak ni any at thay
thary- unang asawa ni thay
chhor at loan- mga magulang ni thay
anyung- nakatatandang kapatid ni any
oan- pinsan ni thay
prinsipe sihanouk- pinuno ng cambodia
huot tat- isang patriarkong budhista
lon nol- nagkulang na diktador
khmer rouge- nagrebelde dahil hindi nasiyahan sa ginawa ni sihanouk







ALARIN 6
TULA-
Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay maaaring distinggihin
sa tatlo na bahagi.
Mga anyo ng tula
Malayang taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma
Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula
Liriko o pandamdaming tula
Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding
pagkukuro-kuro
Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
Naratibo o nagsasalaysay
Padula/Drama
Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa:bal
agtasan
Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
Balagtasan
Duple
MGA HALIMBAWA NG TULA
1. KAY AMA Unknown
2. ANG PANDAY - Amado Hernandez
3. 3. Ang Guryon - Ildefonso Santos
4. 4. Luha - Rufino Alejandro
5. 5. Sa tabi ng dagat - Ildefonso santos

You might also like