You are on page 1of 6

ANO ANG PANITIKAN?

➣ Maraming pakahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan.


May nagsasabing:
“ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip at
karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na pahayag.”

➣ Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal na pinamagatang Panitikang Pilipino


Ipinahahayag na: “ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng
damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang
Maykapal.”

➣ Bro. Azarias
Ang pagpapahayag daw ng isang damdamin ng nilikha ay maaaring sa pamamagitan ng pag-ibig,
kaligayahan, galit o poot, pagkahabag, pag-alipusta, paghihiganti, at iba pa.

➣ Webster
Sa kanyang pinakabuod na pakahulugan: “Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa
pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan.”

➣ Maria Ramos
“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan nasasalamin mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa
maganda, makulay, makahulugan, matalalinghaga, at masining na mga pahayag.”

• Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o


nasyonalismo.
• Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran
at katarungan.
• Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga
karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.  Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan
ng kultura ng bawat lipunan.
• Dito nasusulat ang henyo ng bawat panahon.
• Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan.
• Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.
• Kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng
kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat.

Walang kamatayan ang panitikan at mapalad ang mambabasa sa kasalukuyan sapagkat


nababasa niya ang iba't ibang pagbabagong nagaganap di-lamang sa daigdig na ginagalawan niya kundi
sa daigdig ng nakalipas na panahon.
Salamin ito ng panahon, ng kaligayahan, kalungkutan, ng pakikibaka, ng pagbabago, ng
pagkakasundo, at ng pag-unlad. Larawan ng sangkatauhan ang panitikan.

Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino


1. Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila
hanggang sa kasalukuyan.
2. Angmgaakdangsinulatsawikangbanyagangmga Pilipino at dayuhang manunulat subalit ang nilalaman
ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino.
3. Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga paksain ay sa
dayuhan.
4. Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng mga manunulat na Pilipino at
ang mga paksa'y nahihinggil sa lahi't kalinangang Pilipino.

ANG PANITIKAN AT KASAYSAYAN


➣ Matalik na magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan.
➣ Sa pagtatalakay ng Kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian
o tradisyon ng lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na
➣ Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Ang lahat ng mga bagay na
naisatitik at tunay na mga nangyari ay makatotohanang panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitikan
ang kasaysayan.

ANO ANG PAGKAKAIBA NG PANITIKAN SA KASAYSAYAN?


Panitikan - maaaring kathang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na
naisatala.
Kasaysayan - pawang mga pangyayaring tunay na naganap – may pinangyarihan, may sanhi ng
pangyayari, at may panahon.

BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG PANITIKAN


LIMANG mahahalagang bagay na dapat ay pag-aralan mo ang Panitikang Pilipino:
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at
angking talino mula sa ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyon.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y
matuwid at mabago.
4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at
mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang
pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensiya sa
buong daigdig:
1. Banal na Kasulatan o Bibliya — Ito ang nagging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at
Gresya.
2. Koran —Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
3. Ang Iliad at Odyssey — Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ni
Homer.
4. Ang Mahabharata — Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito
ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
5. Canterbury Tales —Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang
panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
6. Uncle Tom's Cabin —Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging
karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.
7. Ang Divine Comedia — Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali
ng mga Italyano nang panahong yaon.
8. Ang El Cid Compeador — Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang
kasaysayang pambansa.
9. Ang Awit ni Rolando — Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay
ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
10. Ang Aklat ng mga Patay - Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng
Ehipto.
11. Ang Aklat ng mga Araw —Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.
12. Isang Libo’t Isang Gabi — Mula ito sa Arabia at Persa. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN


1. Tuluyan - mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pang-ungusap
2. Patula - pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong

ANG MGA TULUYAN


1. Nobela
➣ Mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.
➣ Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
➣ Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Halimbawa: "Banaag at Sikat" ni Lope R. Santos.

2. Maikling Kuwento
➣ Ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan.
➣ May isang pangyayari sa kakintalan:
Halimbawa: "Pag-babalik” ni Genoveva E. Matute

3. Dula
➣ Ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.
➣ Nahahati ito sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
Halimbawa: "Kahapon, Ngayon at Bukas" ni Aurelio Tolentino

4. Alamat
➣ Salaysaying hubad sa katotohanan.
➣ Tungkolsa pinagmulan ng isang bagay ang karaniwang paksa nito
Halimbawa: "Ang Alamat ng Pinya”

5. Ang Pabula
➣ Salaysaying hubad din sa katotohanan ngunit ang layunin ay gisingin ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog sa kanilang pag-uugali.
➣ Natutungkol sa mga hayop ang kwento.
Halimbawa: “Ang pagong at Ang Unggoy”

6. Anekdota
➣ Likhang isip ng manunulat na layuning makapagbigay ng aral sa mambabasa
➣ Maaaring ito ay kuwento ng mga hayop o bata.
Halimbawa: “Ang Gamugamo at Ang Munting Ilawan”

7. Sanaysay
➣ ito'y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
Halimbawa: Editoryal ng isang pahayagan.

8. Talambuhay
➣ ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito'y pang-iba o pansarili.

9. Balita
➣ ito'y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya
at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.

10. Talumpati
➣ Ito'y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
➣ Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at
magbigay ng opinyon o paniniwala.

11. Parabula
➣ Ito'y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota.
➣ Ang layunin Dito'y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig.
Halimbawa: "Ang Matandang Mayaman at si Lazaro”

MGA AKDANG PATULA


1. ANG TULA
Ang pagsulat ng tula ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at
paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais
ipahayag ng isang manunulat. Ito’y isang pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng
gumguni't ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-aangkin ng
wastong aliw-iw, at higit na mainarn kung may sukat at tugrna sa taludturan.
Ang paksa ng tula'y hinahango sa:
• Kalikasan
• sa buhay ng tao
• sa bagay na nakikita
• sa balanang naiibigan
• sa ginagawa ng tao
Tradisyunal na katangian ng tula:
1. Tugma
2. Sukat
3. Talinghaga
4. Kariktan.
Katangian ng makabagong tula:
o may malayang taludturan - hindi nabibilanggo sa sukat at tugma.

Tatlong Interpretasyon o Pakahulugan sa isang Tula:


1. yaong sa manunulat
2. sa guro
3. mag-aaral
Bagama't ang pinakadiwa ay iisa lamang.

Mga katuturang ng tula:


a. Ayon kay Julian Cruz Balmaceda
"ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan
upang maangkin ang karapatang matawag na tula."

b. Ayon kay Inigo Ed. Regalado


"ang tula ay kagandahan, diva, katas, larawan, at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng
alinmang langit.”

c. Ayon naman sa katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay


“ang pagtula'y panggagagad at ito'y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok, at pagtatanghal.
Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad ng mga sinin,
pagsamasamahin man ang mga iyon.”

d. Ayon kay Alejandro G. Abadilla


ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell na napili niya ay nagsasabing ang tula ay kamalayang
napapasigasig (heightened conciousness)”

APAT NA URI NG AKDANG PATULA


1. Tulang Pasalaysay
2. Tulang Pandamdamin
3. Tulang dula o pantanghalan
4. Tulang Patnigan

Tulang Pasalaysay
- Pagsasalaysay ng mga pangyayari o kuwento sa anyong patula
- Paglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangynyari sa buhay
Halimbawa:
• Kabiguan sa pag-ibig
• Mga suliranin at panganib sa pakikidigma,
• Kagitingan ng mga bayani

MGA URI NG TULANG PASALAYSAY


a) Epiko
- Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
- Ito'y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at
kagipitan.
Halimbawa: "Ang Indarapatra at Sulayman" - Epiko ng mga Muslim
b) Awit at kurido
- ang mga ito'y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran
- ang mga tauhan ay mga hari't reyna, prinsipe't prinsesa.
- Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o
bandurya
- Ang kurido ay may walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa
Halimbawa: “Florante at Luara” ni Francisco Balagtas

k) Balad
- Ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
- Sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

Tula ng Damdamin o Tulang Liriko


– Karaniwang paksa ay pag-ibig, pagka-makabayan, paghanga sa kagandahan, kahiwagaan ng buhay at
kalikasan at lahat ng mga pumupukaw sa damdamin.
- Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito.

MGA URI NG TULANG LIRIKO


a) Awiting Bayan
- karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati. pangamba, kaligayahan,
pag-asa, at kalungkutan.
Halimbawa: “Chit Chirit Chit”

b) Soneto - ito'y tulang may labing-apat na taludtod - hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito'y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Moleon

c) Elihiya - nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya'y tula ng pananangis


lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Halimbawa: "AWIT SA ISANG BANGKAY" ni Bienvenido A. Ramos

d) Dalit - Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilososopiya sa


buhay.
e) Pastoral - May layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
f) Oda
- Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin
- walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa: “TUMATANGIS SI RAQUEL"

TULANG DULA O PANTANGHALAN


a. Komedya
- ang sangkap ay piling-pili
- ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood.
- Nagwawakas ito nang masaya.
- Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya
ng damdamin ng manonood.

b. Melodrama
- Ito ay karaniwan ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera.
- may kaugnayan sa trahedya tulad din ng sa komedya.
- Ang sangkap nito ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan
ng dula.

k. Trahedya
- Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng
pangunahing tauhan.
d. Parsa - layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring
nakatatawa.

e. Saynete - Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

TULANG PATNIGAN
a. Karagatan
- Batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong
mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kaniya na sisirin
ang singsing sa dagat at ang makukuha’y pakakasalan niya.
- Sa larong ito, isang kunwa'y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang
isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang
tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga.

b. Duplo
- humalili sa karagatan.
- paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
- Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, Sa mga sawikain, at mga kasabihan, Karaniwang nilalaro
upang aliwin ang mga namatayan.

c. Balagtasan
- Ito ang pumalit sa duplo
- pangangatwiran sa paksang pagtatalunan.

You might also like