You are on page 1of 26

PANITIKAN

BILANG
PAGPAPATIBAY
NG IDENTIDAD
NG PILIPINO

Prop. Winnie Werner-Galingana


Panitikan ang dapat ituro at hindi kung
ano pa man…
– Ayon kay Sloan (1975) kaugnay ng pagtuturo ng panitikan:

“ Literature must cast off its Cinderella rags. For too long it has
been a servant in the classroom; used to teach reading skill,
inculcate moral values, develop positive self-concepts, and/or
provide insights into the history of other people and other lands. Of
course , it is true that literature is useful in doing all these things
and more. But literature is first of all is an art and should be taught
as literature for its own sake and for its own inherent values.
Everything else associated with its study is of secondary
consideration”.
ANO ANG PANITIKAN?

– Atienza et.al, ipinahahayag na “ang tunay na panitikan ay


yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng
damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa
kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun
din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal”.
ANO ANG PANITIKAN?

– Bro. Azarias, nagsabing “ang panitikan ay ang


pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa
pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang
lumikha”.
– Ang pagpapahayag daw ng damdamin ng isang nilikha
ay maaaring sa pamamagitan ng pag-ibig, kalungkutan,
kaligayahan, galit, o poot, pagkahabag, pag-alipusta,
paghihiganti, at iba pa.
ANO ANG PANITIKAN?

– Ayon naman kay Webster, sa kaniyang


pinakabuod na pagkakahulugan, “ anumang bagay
raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-
iisip at damdamin ng tao, maging ito’y totoo,
kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan”.
ANO ANG PANITIKAN?

– Maria Ramos, “ ang panitikan ay kasaysayan ng


kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan
nasasalamin ang mga layunin, damdamin,
panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng mga
mamamayan na nasusulat o binabanggit sa
maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga,
at masining ng mga pahayag”.
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1. Pagsasalaysay- Ito’y isang uri ng pagpapahayag na
nagsasalaysay ng isang karanasan.
Halimbawa: “Isang Karanasang Hindi ko Malilimutan.”
2. Paglalahad- Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang
ideya o konsepto. Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa
ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay
dahilan, at nagpapayo ng mga kalutasan.
Halimbawa: “Ano ang Panitikan?”
MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
3. Paglalarawan- ito’y isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o
lunan. Ang mga detalye ng mga katangian, o kapintasan ng tao, o bagay
na namamalas ay nabanggit dito.
Halimbawa: “ Maynila… Kulay Anyo ng Lahi.”
4. Pangangatwiran- Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga
nakikinig na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumusulat. Malinaw
na mga katwiran at sinasamahan ng mga pagpapatunay upang lalong
mapaniwala sa kaniyang mga kuro-kuro.
Halimbawa: “Kailangan Ang Tapat Na Pagtawag at Pananalig sa
Diyos sa Anumang Oras.”
Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?
1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating
minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila
at marangal na tradisyong siya nating ginagawang sandigan ng pagkabuo
ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan
at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.
4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at
magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
Mga Kalagayang nakapangyayari sa
Panitikan

1. Ang Klima
2. Ang hanapbuhay o gawaing pang-araw-araw
3. Ang pook o tinitirhan
4. Lipunan at pulitika
5. Edukasyon at pananampalataya
ANG IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
1. Banal na Kasulatan o bibliya- Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa
Palestino at Gresya.
2. Koran – Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
3. Ang Iliad at Odyssey – Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng
Gresya. Akada ni Homer.
4. Ang Mahabharata – Ito ay pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman
ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng India.
5. Canterbury Tales- naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles
noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at isinulat ni Chaucer.
6. Uncle Tom’s Cabin – Akda ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.
Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng demokrasya.
ANG IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
7. Ang Divine Comedia – akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ng pananampalataya at
pag-uugali ng Italyano nang panahong yaon.
8. Ang ElCid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga kastila at
ng kanilang kasaysayang pambansa.
9. Ang Awit ni Rolando – Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya.
Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
10. Ang Aklat ng mga Patay – Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at
teolohiya ng Ehipto.
11. Ang Aklat ng mga Araw – Aklat ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik
sa kanilang pananampalataya.
12. Isang Libo’t Isang Gabi – Mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling
pampamahalaan, pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
PANGKALAHATANG URI NG
PANITIKAN

A. TULUYAN
- Ordinaryong anyo ng pagpapahayag
B. PATULA
- piling-piling at matimping paraan ng
pagpapahayag ng isang kaisipian
Ang mga akdang TULUYAN
1. Nobela
-mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.
-Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabang panahon.
- Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
Halimbawa: “ Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos
2. Maikling Kwento
- -salaysaying may isa o ilang tauhan.
- may isang pangayayari sa kakintalan
Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute
“Kwento ni Mabuti ni Genoveva E. Matute
Ang mga akdang TULUYAN
3. Dula
- Itinatanggal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.
- Nahahati sa yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
Halimbawa: “ Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino
“ Sa Pula, sa Puti” ni Rogelio Sikat
4. Alamat
- mga salaysaying hubad sa katotohanan.
- tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito.
Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”
Ang mga akdang TULUYAN
5. Pabula
- mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuning gisingin
- Ang kaisipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang
ugali at pagkilos.
- Natutungkol sa mga hayop ang kwentong ito.
Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”.
6. Anekdota
- mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na
ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa.
- maaaring kwento nf mga hayop o bata
Halimnbawa: “Ang Gamugamo at Ang Munting Ilawan”.
Ang mga akdang TULUYAN
7. Sanaysay
- pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin
o pangyayari.
- ang pinakamahusay na halimbawa nito ang bahagi ng editorial ng isang
pahayagan.
8. Talambuhay
- ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
-maaaring ito’y pang-iba o pansarili.
9. Balita
- isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap
sa buong bansa.
Ang mga akdang TULUYAN
10. Talumpati
- ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
- Ang layunin nito ay humukayat, magbigay ng impormasyon,
mangatwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
11. Parabula
- mga salaysaying hango sa bibliya na tulad ng anekdota.
- Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o
nakikinig.
halimbawa: “ Ang Matandang mayaman at si Lazaro”.
Mga Akdang Patula
ANG TULA
- nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng pantig, at paghahanap ng magkakatugmang
mga salita.
- Sa tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o
pakahulugan: yaong sa manunulat, sa guro at mag-aaral
bagamat ang pinakadiwa nito ay iisa lamang.
Mga Akdang Patula at uri nito
1. Tulang Pasalaysay
-ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay.
- halimbawa: kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin at panganib sa
pakikidigma o kagitingan ng mga bayani
URI NG TULANG PASAYLAYSAY
a. Epiko- nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan
pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
- nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na naging
matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan
hal. “ Ang Indarapatra at Sulayman
Mga Akdang Patula at uri nito
b. Awit at Kurido- mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo
at pakikipagsapalaran.
- mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa ang mga tauhan
- Ang awit ay may sukat na labindalawang pantig (12) at inaawit
nang mabaga sa saliw ng gitara o bandurya.
Ang kurido, may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa
kumpas ng martsa.
hal. “Doce Pares sa Kaharian ng Francia” at Florante at Laura”
ni Francisco Balagtas
C. Balad- may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang nagsasayaw
- nilikha noong unang panahon, sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa
tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig
Mga Akdang Patula at uri nito
2. Tula ng Damdamin o Tulang Liriko
- nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao,
o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay
sa isang karanasan.
- karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan.
a. Awiting bayan- ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-
asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
hal. “ Chit Chirit Chit”
b. Soneto- tulang may labing-apat na taludtud hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa
mambabasa.
hal. “Soneto ng Buhay” ni Fernando B. Monleon
Mga Akdang Patula at uri nito
c. Elehiya- nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan
o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
hal. “awit sa Isang Bangkay”
d. Dalit- awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
e. Pastoral- ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
hal. “Bayani ng Bukid” ni. Al Perez
d. Oda- nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saktong.
Mga Akdang Patula at uri nito
3. Tulang Dula o Pantanghalan
a. Komedya- Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at pangunahing
tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. Nagwawakas ito
nang masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng
mga tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
b. Melodrama- Karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musical,
kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya tulad
din ng parsa sa komedya.
- malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para
sa pangunahing tauhan ng dula.
Mga Akdang Patula at uri nito

c. Trahedya- Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang


nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
d. Parsa – Isang uri ng dula na ang layunin ay mapagsiya sa
pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring
nakatatawa.
e. Saynete – Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang
pag-uugali ng tao o pook.
Mga Akdang Patula at uri nito
4. Tulang Patnigan
a. Karagatan
b. Duplo- humalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula- hango sa bibliya, sa mga salawikain at mga
kasibahan.
- karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
c. Balagtasan – pumalit sa duplo. Karangalan kay Francisco Balagtas.
- tagisan ng talion sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran
sa isang paksang pagtatalunan.

You might also like