You are on page 1of 83

Benguet State University

College of Arts and Humanities


Department of Filipino
La Trinidad, Benguet

PANITIKANG FILIPINO/
PANITIKAN NG PILIPINAS
(LIT 21)

MANWAL

1|Page
Karapatang Ari 2023 ng Benguet State University

Ang aklat na ito ay hindi maaaring kopyahin ninuman sa pamamagitan ng anumang anyo
at pamamaraan upang ipagbili nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
tagapaglathala, maliban sa mga tiyak lamang na paksa na maaaring gamitin sa mga hindi
pangkomersiyal na layunin na pinahihintulutan ng batas sa pag- copyright.

ISBN:

May-akda: Penelope F. Tica-a BSU,


La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Benguet State University 2601 La Trinidad, Benguet, Philippines
Email: www.bsu.edu.ph Fax
Number: 422-2281
Telephone Number:422-2127/2402

Printed in the Republic of the Philippines

2|Page
PANIMULA
Ang asignaturang ito ay sumasaklaw at nagpapakita ng kaalaman
sa Panitikan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtalakay sa
pangkasaysayang pag-unlad nito, at pagpapahalaga sa mga halimbawa
sa pamamagitan ng pagsusuri, pag-awit, at iba pa. Tatalakayin ang
Panitikan ng Pilipinas sa bawat panahon: Sinaunang Panahon, Panahaon
ng Kastila, Panahon ng Propaganda, Panahon ng Himagsikan, Panahon
ng Amerikano, Panahon ng Hapon, Panahon ng Isinauling Kalayaan
hanggang Kasalukuyan.

Ang manwal na ito ay inihanda para sa lalong ikadadali ng iyong


pagkatuto sa asignaturang ito. Bawat paksa ay may mga pagtalakay. May
ilang gawain ding inaasahang iyong maisasagawa. Makatutulong ito
upang iyong mataya mismo ang iyong sarili kung may natutunan ka sa
mga aralin.

3
TALAAN NG NILALAMAN

I. Panimula

Ano ang Panitikan? 5

Panitikan at Kasaysayan 6

Pangkalahatang Uri ng Panitikan 6

II. Panitikan sa Iba’t Ibang Panahon

Panitikan sa Sinaunang Panahon 10

Panitikan sa Panahon ng Kastila 25

Panitikan sa Panahon ng Propaganda 45

Panitikan sa Panahon ng Himagsikan 53

Panitikan sa Panahon ng Amerikano 61

Panitikan sa Panahon ng Hapon 67

Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 67

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan 68

Panitikan sa Panahon ng Ikatlong Republika- Kasalukuyan 77

III. Talasanggunian 79

4
PANIMULA

ANO ANG PANITIKAN?

Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing


paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kayang kinabibilangan at pinapangarap.
Arrogante

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.


Salazar

Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan


sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.
Bro. Azarias

Anumang bagay na naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao,


maging ito’y totoo, kathang isip, o bungang tulog lamang ay maaaring tawaging
panitikan.
Webster

Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan


nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at guni-guni
ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinhaga, at masining na mga pahayag.
Maria Ramos

PANITIKAN AT KASAYSAYAN

Matalik na magkaugnay ang Panitikan at Kasaysayan. Sa pagtalakay ng


kasaysayan ng isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian, o
tradisyon ng lahing ito at ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan.
Ang kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Ang lahat ng mga
bagay na naisatitik at tunay na nangyari ay makatotohanang panitikan. Samakatwid,
bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba. Ang panitikan ay


maaaring mga likhang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa
katotohanan na naitatala, samantalang ang kasaysayan ay pawang mga pangyayaring
tunay na naganap – may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon.

5
PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN

I. TULUYAN

A. Nobela – Ito’y isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na


pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon,
kinasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

1. Nobela ng Tauhan – Kung ang binibigyang diin ay ang katauhan


o personalidad ng pangunahing tauhan.
2. Nobela ng Pangyayari – Kung ang binibigyang-diin ay ang mga
pangyayari.
3. Nobela ng Romansa – Kung ang nobela aay nakatuon sa pag-
iibigan.
4. Nobela ng Pagbabago - Kung ang diin ng akda ay ang
paghahangad ng ng may-akda ng mga pagbabago sa lipunan at
pamahalaan.
5. Nobela ng Kasaysayan – Kung nagsasalaysay ng mga
pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang lipunan.

B. Maikling Kuwento – ay isang salaysay ng isang mahalagang


pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang
kakintalan o impresyon. Katulad ng nobela, ang maikling kuwento ay
maaaring mauri batay sa sangkap na binibigyang diin sa salaysay.

C. Dula – isang uri ng panitikan na maaaring pang-entadblado o


pantanghalan, pantelibisyon o panradyo. Karaniwang nahahati ang
isang dula sa tatlo o higit pang yugto bagama’t marami na ring mga
dulang iisahing yugto.

D. Alamat – mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.


Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito’y
mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang
ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga
ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na
paliwanag.

E. Pabula – mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at


maging ang mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na
wari ba’y tunay na mga tao. Hubad din sa katotohanan ang mga
kuwentong ito ngunit may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa
mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali.

F. Parabula – Mga kuwentong hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng


pabula, may layunin din itong mag-iwan ng aral na kapakipakinabang sa
buhay.

6
G. Anekdota – Maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral
sa mga mambabasa. Maaari ring ito’y kasangkutan ng mga hayop o
bata.

H. Sanaysay – Isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinion ng isang may-


akda hinggil sa isang suliranin o paksa. Ang sanaysay ay maaaring
maging pormal kung ang paksa nito’y hindi karaniwan at kung gayo’y
nangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik. Maaari rin
naman itong maging impormal kung ang paksa ay karaniwan lamang at
kung gayo’y hindi na nangangailangan ng pag-aaral o pananaliksik.
Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may-akda ang
paksa ng isang impormal na sanaysay o ‘di kaya’y pagpapahayag
lamang ng kanyang sariling obserbasyon o pananaw.

I. Talambuhay – Kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring maging


pansarili ang isang talambuhay kung ang may-akda ang sumulat ng
kanyang sariling talambuhay at kung ang buhay naman ng iba ang
sinulat ng isang awtor ay talambuhay na paiba.

J. Balita – Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,


pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya,
kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang tabing.

K. Talumpati – Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga


tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa iba’t ibang layunin. Kung
gayon, ang isang talumpati ay maaaring may layuning humikayat,
magbigay-impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng
opinion o paniniwala o lumibang.

II. PATULA

A. TULANG PASALAYSAY – Kuwento ng mga pangyayari at nasusulat


nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari
at tauhan.

1. Epiko – Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan,


katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing
tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapanipaniwala.

2. Awit at Korido – Patulang pasalaysay na paawit kung basahin.


Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa
mga salaysay nito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag-
iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga
pantakas na karahasan ng katotohanan. Karaniwang
kinapapalooban ng mga ito ng mga pangyayaring hindi

7
kapanipaniwala katulad ng mahika, kababalaghan at mga
kapangyarihang super-natural. Ang kaibahan ng awit at korido
ay sa anyo at sukat. Ang awit ay may lalabindalawahing pantig
at ang korido naman ay wawaluhing pantig ang bawat taludtod.

B. TULANG LIRIKO – Mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin


na maaaring ng may-akda o di kaya’y ng ibang tao.

1. Awiting Bayan – maiikling tulang binibigkas nang may himig.


Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na matukoy
kung sino ang may-akda ng maraming mga kantahing bayan.
Karaniwang pinapaksa ng awiting bayan ang pag-ibig, kawalang
pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at
kalungkutan.

2. Soneto – Tulang may labing apat na taludtod hinggil sa


damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa
mambabasa.

3. Elehiya – Tulang magpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao


ng isang minamahal.

4. Dalit – Isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa mahal


na birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.

5. Pastoral – Mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay


sa kabukiran.

6. Oda – Isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

C. TULANG PADULA O DRAMATIKO – Mga tulang isinasadula sa


entablado o iba pang tanghalan.

1. Komedya – Isang uri ng dula na ang sangkap ay piling-pili at ang


pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng
mga manonood. Nagwawakas ito nang masaya. Ang tunggalian
ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.

2. Melodrama – Karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang


musical, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may
kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa komedya. Ang
sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging
kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan sa dula.

8
3. Trahedya – Angkop ang uring ito sa mga tunggaliang
nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing
tauhan.

4. Parsa – Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa


pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring
nakakatawa.

5. Saynete – Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga


karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

D. TULANG PATNIGAN

1. Karagatan – Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang


prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa
ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may
gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang
makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito’y isang kunwa’y
matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay
paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang
sinumang matatapatan nito ay siyang tatanungin ng dalaga ng
mga talinghaga.

2. Duplo – Ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay


sa pagbigkas at pangangatwiran na hango sa Bibliya, sa mga
sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin
ang mga namatayan.

3. Balagtasan – Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng


Siesne ng Panginay na si Francisco Baltazar “Balagtas”. Ito’y
tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran
sa isang paksang pagtatalunan.

9
SINAUNANG PANAHON

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Noon pa mang hindi pa dumarating sa ating kapuluan ang mga Kastila, at


maging ang iba pang mga dayuhan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang
panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi.

Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi itong wika


ng Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating pang-araw-
araw na buhay, na nababakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing
bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula at maikling kuwento.

Ang ating mga ninuno ay mayroong sariling baybayin o alpabetong kaiba sa


kasalukuyang ginagamit na dinala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata – ang abakadang
kahawig ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno.

Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay sinunog lahat ng mga


naturang pari sa paniniwalang ang mga iyon ay likha ng diyablo. Maliban sa katuwirang
iyon, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal ang mga talang nakuha nila sa
madaling pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko.

Subalit mayroong mga talang hindi pa rin nasunog. Kabilang sa mga ito ang
mga kantahing bayan na siya namang magpapatunay ng pagkakaroon natin ng sariling
kalinangan. Mabilis itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga katutubong mamamayan
hanggang sa dumating ang mga palimbagan na nagkaroon ng interes na ipalimbag
ang mga napulot na talang pampanitikan ng matatandang Pilipino.

Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o


niyog, at dahon at balat ng mga punongkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay
matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at bakal. Kahit na
ang bumbong na pansalok ng inumin ay tinatalaan nila ng mahahalagang pangyayari
sa buhay.

Pinatutunayan ng mga Kastilang nanakop sa Pilipinas na ang ating mga ninuno


ay talagang mahihilig sa mga tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan na
magpahanggang ngayon ay nagdudulot pa rin sa atin ng kasiyahan at nagiging
tagapagbadya sa salinlahi ng tunay na kalinangan at kultura ng ating lahi.

10
MGA ANYO NG SINAUNANG KATHA

Karunungang Tulang Mga Unang Mga Unang


Bayan Pasalaysay Kuwento Panoorin

mito
salawikain epiko wayang
Orang
alamat
sawikain
wayang
pabula purwa
kasabihan
embayoka
kuwentong
bugtong bayan
sayatan
palaisipan

Bulong
Awiting
bayan
Cañao

Pamamanhikan

SALAWIKAIN

Walang sumisira sa bakal Ang lumakad nang matulin


Kundi kanya ring kalawang Kung matinik ay malalim

Anak na hindi paluhain Kapag nagtanim ng hangin


Ina ang patatangisin Bagyo ang aanihin

Ang araw bago sisikat Kung walang tiyaga


Nakikita ang banaag Walang nilaga

SAWIKAIN/ IDYOMA

Magbatak ng buto Lakad pagong


Panakip- butas Bato sa katawan
May gatas pa sa labi Bahag ang buntot

11
BUGTONG

1. Likido ang ikinabubuhay niya 6. Bomba nang bomba si Lolo ko


Hangin ang ikinamamatay niya Suka na suka si lola ko
2. Ito namang pinsan ko 7. Hindi ito sag-two o sag-three
Saka lang kikilos kung pinapalo Ngunit alon ay mahahawan nito
3. Bayag ng baka 8. Bahay ni Donya Ines Napapaligiran
Puno ng paminta ng butones
4. Langit aking niyugyog 9. Dumaan si Tarzan
Bitui’y nangahulog Nabiyak ang daan
5. Prinsesang maliksi at bulandit 10. Tatlong matatanda
Ispada sa noo ay umukit Magkakaharap sila
AWITING BAYAN
(Mga Piling Saknong)
Hala, gaod tayo, pagod ay tiisin Issan puon di batang
Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin Wadan babassang
Malayu-layo man, kung ating bathin Babasang ay menbasang
Daig ang malapit na ayaw lakbayin gumadgadangdang

Mabuhay si Kudu-kudong makisig


Malalaki ang bisig, matatag ang dibdib Entako masasakdo 2X
Nag-uwi ng ulo, sasagana ang ani Dungdung-ay si dung-ilay
Tayo na ay lulusog sa masasarap na tugi Insinalidummaay

Etetem ta hunggopak Bagbagto 3X Tulambik


Tetentoh mahahturak Tulambik 3X Tulambawikan
Analpo adaddawi
Adaddawi dawin boble Manang Biday ilukat mo man
E… tetem 2X enoh ayoh Ta bintanam ikalumbabam
Ta hunggopak Ta kitaem to’y kinayawam
BULONG
A. Ilocano
1. Dayu-dayo – Binibigkas ng mga Ilokano kung sila’y nagtatapon ng mainit
na tubig.
2. Bari-bari – Binibigkas ng sinumang aakyat sa isang bahay sa unang
pagkakataon bilang pagbibigay galang sa kaluluwa ng mga taong
namatay sa bahay na iyon.
3. Bao-bao , Adtoy ti ngipen ko, Sukatam ti baro – Sinasabi naman ito ng
mga bata kapag sila’y nabubungian. Inihahagis nila ang nabunot nilang
ngipin sa bunganga ng kanilang bahay sabay bigkas sa bulong na ito.

B. Pangasinan

1. Tabi, Tabi 2. Kayo, Kayo


Laki, bai Arawi Kayo

12
Ang mga bulong na ito ay binibigkas bilang pagpapasintabi sa mga
kaluluwa o ‘di nakikitang espiritu habang dumaraan sa madilim o masukal
na lugar.

C. Tagalog

1. Huwag magagalit kaibigan 2. Tabi, tabi, Ingkong


Aming pinuputol lamang Makikiraan po
Ang sa ami’y napag-utusan

D. Ilonggo

Tabi…..tabi Tabi….tabi
Maigi lang kami Dadaan kami
Kami patawarin Patawarin kami
Kon kamo masalapay Kung kayo’y aming masagi
namon masagi
KASABIHAN
(Tugmang Pambata)

1. Pung, pung giyapong Pung, pung giyapong


Kamatis, paria, tarong Kamatis, ampalaya, talong
Pakbetek no parbangon Madaling araw aking lulutuin
Balunek a mapan talon Babaunin ko pagpunta sa bukid

2. Bulong ti apatut Dahon ng apatut


Paskuayo a naimot Aginaldo ninyong maramot
Umulog ti makarurod Bumaba ang nayayamot at
Ta pang-orek ti sarukod papaluin ko ng tungkod

EPIKO
Napakaraming epiko noong sinaunang panahon tulad ng Indarapatra at
Sulayman, Ibalon, Labaw Donggon, Tulalang,Biag ni Lam-ang, Hudhod ni Aliguyon
at iba pa.
SINA BANNA AT ONNAWA
(Hango sa Ullalim ng mga Kalinga)
Sa pagsasaayos ni Dr. Lourdes A. Bela-o

Lalaki: Noong unang panahon sa bayan ng Dulawon


Ay matatagpuan ang isang lalaking matapang
Dulliyaw ang kanyang pangalan

Babae: Si Ginnananayan ang kanyang butihin at mabait na asawa


Ay pinagkalooban ng Poon nang magsilang ng dalawa
Ang panganay na babae ay si Bannanay
At ang bunsong lalaki ay si Banna.

Lalaki: Lumaki si Banna, Makisig at matapang

13
14

Wala siyang kinakatakutan,


Naging tanyag sa Kalinga sa kanyang katapangan

Babae: Ngunit isang araw nagkaroon ng digmaan


Tribu ni Gittam ng Manluta ang kanilang kinalaban

Lahat: Sa gitna ng madugong labanan


Hindi nila kapwa nalalaman
Kung sino sa kanila ang kaibigan o kalaban

Lalaki: Si Banna ay tumakas at lumayo


Sa isang ilog siya nagpatungo
Sa tulong ng kanyang kalasag na ginto
Sa agos ng tubig siya’y napalayo

Babae: Sa pampang si Banna ay nakarating


Dahil sa matinding pagod siya’y napahimbing

Lalaki: Nang mag-umaga, dumating isang magandang dalaga


Taga- Lukiban siya ay si Onnawa
Dala-dala’y banga at iigib sana

Babae: Ayy! Banga niya’y nabasag sa kanyang nakita


Isang lalaking matipuno’t natutulog pa

Lalaki: O, Onnawa, huwag kang umibig sa kanya


Pagkat siya’y mortal na kaaway ng iyong ama

Dayalogo: (Banna at Onnawa)

Onnawa: Sino ka? Magiting na ginoo


Paano ka nakarating dito?

Banna: Ako’y nakikiusap mayuming dalaga


Aking sasabihin, ngunit magpakilala ka muna

Onnawa: Ako’y si Onnawa na taga-Lukiban


Ang aking ama ay walang iba kundi si Pangdan
Sa ngayo’y nag-iisa pagkat si ama’y lumisan
Naparoon sa Dulawon upang makipaglaban

Banna: O Dios ko! Bakit ganito?


Mortal na magkaaway ang aming tribu
Hindi ko sasabihin ang tunay na pinanggalingan ko
Pagkat siya na’y minamahal ko
15

Banna: Ako’y si Banna galing sa maynila


Ang ama ko’y si Tumbaga at si Gayuma ang aking ina
Ang daan sa aki’y ipaunawa
Pagkat babalik rin sa tulong ni Bathala

Onnawa: Tumuloy ka muna sa amin Banna


Nang ika’y makakain at makapagpahinga
Dahil ika’y gutom at nanlalambot pa

Babae: Si Banna ay magiting!

Lalaki: At si Onnawa ay maganda!

Lahat: Nagsumpaan silang dalawa


Samakatuwid ay naging isa
Sa loob ng dalawang buwan sila’y nagsama
Ang kanilang puso’y puspos ng ligaya

Lalaki: Ngunit lahat ng kaligayaha’y may katapusan


Ito’y nangyari pagdating ni Pangdan

Babae: Narito si Pangdan, siya ay dumating?


Tinanong kay Onnawan?

Pangdan: Sino yang lalaking magiting?


Hindi siya karapat-dapat sa lahi natin
Pagkat siya’y mahirap at palamunin

Pangdan: Ngayon din Onnawa, paalisin mo siya


Mabuti pang ika’y makasal pa sa buwaya
Kaysa isang pulubing tulad ni Banna!

Onnawa: Aking ama, maawa ka!


Pagkat si Banna’y mahal ko na

Pangdan: Kailangang umalis ang iyong si Banna


Wala siyang lugar sa ating pamilya
Marami pang lalaking hihigit sa kanya
Matapang at maiingatan ka pa

Onnawa: Banna, mahal ko paalam sa iyo


Tandaan mong ika’y iniibig ko
At ako’y aasang muli tayo’y magkatagpo

Banna: Mahal kung Onnawa huwag kang lumuha


Sa utos ng iyong ama’y wala akong magagawa
16

Iiwan ko sa iyo ang aking alaala


At tandaan mong babalikan kita

Lahat: Kaya’t si Banna ay lumisan


Ang mata niya’y luhaan
Ngunit puso niya’y naiwan
Kay Onnawa na kanyang hirang.

BUOD NG BANTUGAN

Sina Haring Madali at Prisipe Bantugan ay magkapatid. Si Haring Madali ang


hari ng kahariang Bumbaran. Balita sa lakas at tapang si Prinsipe Bantugan kaya’t
walang nangangahas dumigma sa kanilang kaharian. Maraming dalaga ang naakit sa
kakisigan at katapangan ni Prinsipe Bantugan. Naiinggit si Haring Madali sa kapatid.
Ipinagbawal niya sa kanyang mga nasasakupan na kausapin si Prinsipe Bantugan.
Nagbanta pa ang hari na ang sinumang mahuling nakikipag-usap sa prinsipe ay
lalapatan ng parusang kamatayan. Dahil sa matinding kalungkutan ay umalis si
Prinsipe Bantugan at nagtungo sa ibang lupain. Sa kasamaang-palad, ang prinsipe ay
inabot ng sakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng kahariang nasa pagitan ng
dalawang dagat. Nagulumihanan ang magkapatid na hari at prinsesa ng naturang
kaharian. Hindi nila nakilala si Prinsipe Bantugan kaya’t tinawag ang konseho.
Pinagpulungan kung ano ang gagawin. Habang sila’y nagpupulong ay isang loro ang
pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol ay ang balitang Prinsipe Bantugan
ng kahariang Bumbaran. Sinabi rin nito na galing ito sa Bumbaran. Lumipad na ang
loro at bumalik sa Bumbara. Ibinalita nito kay haring Madali ang nangyari sa kapatid.
Nanaig ang pagmamahal niya rito at napawi ang kinikimkim niyang inggit sa kapatid.
Kaagad lumipad sa langit ang hari kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang
kaluluwa ni prisipe Bantugan. Pinilit naman ni prinsesa Datimbang na madala sa
Bumbaran ang bangkay ni prinsipe Bantugan. Nagdiwang ang buong kaharian nang
muling mabuhay si prinsipe Bantugan. Bumalik sa dati ang mabuting pagtitinginan ng
magkapatid.
Nabalitaan ng haring Miskoyaw na namatay si prinsipe Bantugan. Dating
kalaban ni haring Madali ang naturang hari. Dagli siyang naghanda upang salakayin
ang Bumbaran. Kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay ni prinsipe
Bantugan nang sumalakay sina haring Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at
nagkaroon ng labanan. Buong giting na lumaban si prisipe Bantugan ngunit dahil sa
bagong galing siya sa kamatayan ay nanghina siya at nabihag ng mga kalaban.
Iginapos siya ngunit nakawala rin. Nang manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya
ang gapos at buong bangis na nakipaghamok hanggang sa malupig ang mga kaaway.
Dinalaw ni prinsipe Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran at
pinakasalan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa
Bumbaran. Ipinagbunyi siya ng lahat. Iniutos ni Haring Madali na magkaroon ng
panibangong pagdiriwang, naging maligaya si prinsipe Bantugan hanggang sa huling
sandali ng kanyang buhay.
17

HUDHUD HI ALIGUYON
(Hango sa Epiko ng mga Ifugao)
Sa pagsasaayos ni Dr. Norma S. Mayos

TAGPUAN:

Maririnig ng buong tribo ng Hannanga ang tangguyob ni Dunglayan.


Magtatakbuhan ang lahat papunta sa bakuran ni Apo Amtalao upang alamin ang
balita.
Sa kaliwang bahagi ng tanghalan ay makikitang nagmamadali si Langbabi
kasunod ang asawang si May-a. Sa gitnang bahagi ng tanghalan ay makikita rin si
Tupayna na aba ang kanyang sanggol at akay ang isa pang anak na babae. Sa kanang
bahagi naman ng tanghalan ay nag-uunahan ang ilang kalalakihang may dala-dalang
pakipak kasunod din ng ilang kababaihan. Nagtipun-tipon ang lahat sa isang malawak
na bakuran ni Apo Amtalao. Nasa harapan ang ilang kalalakihan samantalang nasa
likod naman ang mga kababaihang nagbubulungan. Mula sa kubo, lalabas si Aliguyon
kasama ang kanyang mga kaibigang mandirigma kaya’t magbubunyi ang mga tao.

LAHAT: Mabuhay ang bayaning si Aliguyon!

ALIGUYON: Mga kaibigan, ibig kong ipaalam sa inyong lahat na ako ay babalik
sa tribu ng Daligdigan upang muling harapin si Pumbakhayon na
anak ni Pangaiwan na kaaway ng ating angkan.

Isang taon at anim na buwan kaming naglaban noon ni


Pumbakhayon sa Daligdigan. Nahinto lamang ang labanan dahil
nasira ang tanim sa palayan. Nalanta ang mga palay at namatay
ang mga halaman at kawayan. Ngayon babalik ako roon upang
mabuhay ang karangalan ng ating angkan.

Kagabi, nakipagkita ako sa ibong Idao at ibinigay niya ang hudyat


na maaari na akong maglakbay. Ang paglipad ng ibong Idao ay
isang magandang palatandaan na dapat kong sundin.

BABAE: Talunin mo si Pumbakhayon upang mabuhay ang ating angkan!

LAHAT: Pugutan mu siya ng ulo at nang maipamahagi mo ang kanyang


katawan sa ating mga kanayon! (Sigaw…..)

APO AMTALAO: Anak kong Aliguyon, gamitin mo ang sibat at kalasag na ito upang
hindi ka mapatay sakaling dumating ka sa Daligdigan na tribu ng
aking kaaway na si Pangaiwan.

ALIGUYON: Iyamanek ay ama. Huwag kayong mag-alala sapagkat


papatnubayan ako ng ibong Idao.

LAHAT: Mabuhay si Apo Amtalao! Mabuhay ang bayaning si Aliguyon.


18

APO AMTALAO: Sana’y makatagpo ka ng kaligayahan sa Daligdigan.

LAHAT: Muling naglakbay ang bayaning si Aliguyon


Upang harapin ang matapang na Pumbakhayon
Doon sa Daligdigan ang dalawa’y muling naglaban
Upang itindig ang karangalan ng angkan.

LALAKI: Alam ba ninyong ang dalawa’y magkasinlakas?


Tunay na magigiting kapwa matatag?
Pasulong…paurong…. Ang kanilang ginawa
Mabangis ang pingkian ng kanilang mga sandata!

LAHAT: Araw at gabi ang labanan sa Daligdigan


Tumagal ito ng isang taon at apat na buwan
Ang malalagong halaman ay unti-unting nalanta
Ang mga palay at kawayan tuluyan nang nawala.

BABAE 1: Galit ang ina ni Pumbakhayon na si Dagunay


Sapagkat wala nang tumubo kahit isang tangkay
Inilabas ang kanyang itak na magkabila ang talim
Hinarap ang dalawa at sa kanila’y nagbilin

DAGUNAY: Kayong mga bata, sa anong dahilan at kayo ay naglalaban?


Patas kayo ng lakas, at patas din sa tapang!
Ang talino ninyo’y walang itulak – kabigin!
Pagkat kayo ay parehong apo ng magigiting!
Umuwi ka na Aliguyon!
At nang makakain si Pumbakhayon!

LAHAT: Tumibok ang puso ni Aliguyon sa kanyang nakita


Pagkat sa likod ni Dagunay, isang napakagandang bata

ALIGUYON: Sino siya? Sino ang batang maganda?

LAHAT: Ang tanong niya kay Pumbakhayon.

PUMBAKHAYON: Bugan ang pangalan ng kapatid kong bunso


Sa kanya inilaan ang diwa ko’t puso.

LAHAT: Napatingin si Aliguyon sa binatang kalaban


Ibinaba ang lahat at siya ay lumisan
Malalanta ang mga halaman kapag tuloy ang laban
Magugutom ang lahat pati ang magandang si Bugan
Umuwi si Aliguyon sa kanyang tribung Hannanga
19

Ngunit hindi mapakali si Bugan ibig niyang Makita


Lumipad ang kanyang mga paa, sa tribu ni Pangaiwan
Iisa ang hangad, ang dalaga niyang si Bugan

ALIGUYON: Pumbakhayon!...... Ibig kitang maging bayaw


Iuuwi ko si Bugan at ipakikilala sa aking mga magulang

PUMBAKHAYON: Kung siya mong nais, bayaw na Aliguyon


Ito ang gong
Bilang tanda ng aking pagsang-ayon

LAHAT: Naglakbay si Aliguyon na masayang-masaya


Ang dalagang si Bugan, kanyang isinama
Sa daan pa lamang, narinig ng lahat ang gong
Alam na ngayong dumarating si Aliguyon

DUNGLAYAN: Dumarating na ang bayaning si Aliguyon

ALIGUYON: Mahal na ama tulad ng iyong nais,


Wawakasan ko ang alitan ng ating tribu sa tribu ng Daligdigan

LANGBABI: Bayaning Aliguyon sa anong dahilan at wawakasan mo ang


matandang alitan ng ating tribu?
Dala mo ba ang ulo ni Pumbakhayon?
Iaalay mo ba ang kanyang ulo sa ating mga kanayon?

ALIGUYON: Magiting na mandirigma si Pumbakhayon


Pambihira ang kanyang paninindigan at iyo ay aking iginagalang
At habang buhay kaming dalawa, mananatiling patas at malinis
ang laban at igagalang ng bawat isa sa amin ang lakas at
karapatan ng ating tribu

Kailanman ay hindi marurumihan ng kataksilan ang mga kamay


na ito habang buo ang aking puso. Mahal kong mga taga-
Hannanga, panahon na upang wakasan ang anumang alitan.
Panahon na upang ibaon natin sa limot ang matandang alitan ng
ating mga ninuno. Alisin natin sa ating mga puso ang galit at tayo’y
magmahalan. Tayo ay magkaisa upang tumubo ang mga
kawayan at upang mabuhay ang mga halaman sa ating mga
palayan. Tayo ang mga kabataan ngayon. Hawak natin ang ating
hinaharap. Huwag nating hayaang diktahan tayo ng anumang
mapait na alaala ng kahapon. Hindi ko dala ang ulo ni
Pumbakhayon ngunit mga kaibigan ang dala ko’y si Bugan, ang
bunsong anak ni Pangaiwan ng Daligdigan.
20

APO AMTALAO: Mahal kong taga – Hannanga, ano ang sagot ninyo sa Hudhud ni
Aliguyon?

LAHAT: Mabuhay ang bayaning si Aliguyon! Mabuhay!

APO AMTALAO: Maghanda na kayo’t ipagdiriwang natin ang ating tagumpay!

ALAMAT

KUNG PAANO KAMI NAGING ILONGOT

Noong unang panahon, ang bathala ay lumikha ng dalawang tao – isang lalaki
at isang babae. Habang ang dalawa ay naninirahan sa bundok, pinag-isipan nila kung
ano ang dapat nilang gawin.
Kinabukasan, napagpasiyahan ng dalawang magpakasal. Pagkatapos ng
kanilang kasal, nagpatayo sila ng sariling kubo. Pagkaraan ng limang buwang
pagsasama, nagdalang tao ang babae. Habang siya ay buntis, ang lalaki ay
masayang-masaya. Ang bana ay nagpasalamat kay bathala sapagkat binigyan siya
ng asawang makakasama.
Dumating ang panahon at ang babae ay nanganak. Masayang-masaya ang
dalawa at umaasa na magkaroon pa sila ng isa pang supling. Natupad ang kanilang
kahilingan. Ang sumunod na anak ay babae samantalang ang unang naging anak ay
lalaki. Nang lumaki ang mga bata, hinikayat ng mga magulang na magpakasal ang
dalawa. Sumang-ayon ang dalawa na magpakasal. Bumukod sila at nagpatayo ng
sariling kubo. Ang pangyayaring ito’y naulit nang naulit. Taun-taon, sila’y dumarami at
ang bawat anak na mag-asawa ay bumubukod at maghahanap ng sariling lugar upang
matirhan.
Sinunod ng mga Ilongot ang gawain ng kanilang mga ninuno. Sinunod ang mga
hakbang patungo sa kanilang kinaroroonan ngayon.

BAYBAY KABUNIAN
(Otucan, Bauko Mt. Province)

Noong unang panahon, sa baryong Otucan ay may matandang babae na


nagmamay-ari ng malawak na sakahan. Buwan-buwan ay wala siyang problema sa
magsasaka o magbabaybay doon dahil halos lahat ng kanyang mga kababayan ay
gustong magsaka o nakikipuldiya sa kanya na agad naman niya silang pinasasahod,
maaaring pera o palay (alinman na kanilang gusto).
Ngunit isang araw, “Aba! Nakakapagtaka naman ang mga kababayan kong
iyon, ni isa sa kanila ay walang pumaritong magsaka!,” sabi ng matandang babae.
Inisa-isa nila silang pinuntahan ngunit bawat isa’y nagkataong may
pinagkakaabalahan. “Paano kaya ito? Kailangan pa man ding agad masaka iyon nang
hindi mahuhuli sa taniman,” sabi ng matandang babae.
Pag-uwi niya sa bahay, aba! may bendisyon palang naghihintay. May
matandang lalaking may mahabang balbas, may matipunong pangangatawan, mabait
na pagmumukha at sa unang tingin pa lang ay tunay na mapagkakatiwalaan.
21

“Magandang araw po, naghahanap po ako ng pakikipagpuldiyaan.” sabi ng lalaki.


“Tamang-tama! Talagang naghahanap ako ng magsasaka upang matamnan na
kaagad,” sabi ng babae.
Sa unang araw pa lang ng pagtatrabaho ng lalaki, hindi nga nagkamali ang
matandang babae sa pagkuha sa kanya dahil marami na itong nasaka. “Ginoo,
papaano po ba ninyo nasaka ang ganyang kalawak, e mag-isa lang kayo, may sekreto
po ba kayo?” tanong ng babae. Ngiti lang ang sagot ng lalaki sa kanya.
Kinabukasan, “kailangan kong maging maingat sa pagdadala ng baon sa
lalaking iyon.” sabi ng babae “ Kailangang hindi ako lilikha ng ingay upang aking
subukan kung ano ang kanyang sekreto.” Kinabukasan, naging maingat nga siya sa
pagdadala ng baon. Pagdating niya roon, “aba! Totoo ba lahat ito? Hindi kaya ako
nananaginip? La……hat ng bahagi ng kanyang katawan, nagtatrabaho? Ang kanyang
mga ngipin, buhok, daliri, kamay, ilong, paa, mata, at pati ang kaisa-isang BUNTOT
sa ha…..rapan, ginawang BARETA! “Sigaw tuloy ng babae kayat natunugan siya ng
matandang lalaki. Agad itong bumalik sa normal na anyo at nilisan ang lugar na iyon.
Hindi na siya muling nagpakita sa lugar na iyon. Ibinalita ng matandang babae
sa kanyang mga kababayan ang pangyayaring iyo. “Et way hiya adi han kanan da ay
kabunyan ha. (baka siya ang sinasabi nilang Kabunian)” sabi ng kanyang mga
kababayan. “Siya siguro ang sinasabi nilang Kabunian, dahil wala namang ibang
normal na nilalang na makagawa ng kanyang ginawa, ngayon bilang paggunita sa
tulong na kanyang nagawa, pangalanan na lang natin ang sakahang ito ng BAYBAY
KABUNIAN dahil siya naman ang nagbaybay/nagsaka.” Sabi ng mga kababayan.
Hanggang ngayon ay Baybay Kabunian pa rin ang pangalan ng lugar na iyon ngunit
mga punong kahoy ang mga nakatanim.

KWENTONG BAYAN

SI PILANDOK AT ANG BATINGAW

Minsa’y iniwan ni Pilandok ang kanyang mga magulang upang maghanap ng


pagkain. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa pagod niya’y hindi na niya
maigalaw ang kanyang mga paa. Ipinasya ni Pilandok na magpahinga sa ilalim ng
isang puno na may bahay-pukyutan. Ipininid niya ang isa niyang mata.
Hindi naglaon, dumaan si Somusun sa Alongan na nakasakay sa isang
magandang kabayo. Marami siyang dalang mga bagay-bagay na nakuha niya sa mga
bayang dinalaw niya. Nang Makita si Pilandok na nakaupo sa ilalim ng
puno,nagtanong si Somusun sa Alongan. “Ano ang ginagawa mo sa ilalim ng punong
iyan?” “Binabantayan ko ang mana’t manang gamit ng Solotan.” Sagot ng huli.
Tanong uli ni Somusun sa Alongan, “Anong uri ng mana’t manang gamit iyang
binabantayan mo?”

“Isang maharlikang batingaw,” sagot ni Pilandok. “Maaari bang patunugin?”


tanong ni Samusun sa Alongan.
“Hindi, hindi,” sagot ni Pilandok, parang pinatay mo rin ako. Ang mga kamag-
anak lamang ni Solotan ang maaaring magpatunog ng batingaw na ito.”
22

“Ako’y maharlika,” ang sabi ni Somusun sa Alongan kay Pilandok. Ako ang anak
ng Solotan sa Agama Niyog. Kung pababayaan mong patunugin ko ang batingaw ay
bibigyan kita ng isang sakong ginto.”
“Tatanggapin ko iyan kung pababayaan mo muna akong makaalis bago mo
patunugin ang batingaw.”
“Sige,” sabi ni Somusun sa Alongan. Ibinigay niya kay Pilandok ang sako ng
ginto at nagtatakbo si Pilandok na paalis.
Nang Makita ni Somusun sa Alongan na wala na si Pilandok, kumuha siya ng
kapirasong kahoy at hinampas niya ang bahay-pukyutan nang napakalakas.
Naboyak ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang mga pukyutan at sinugod si
Somusun sa Alongan. Pinagkakagat nila si Somusun sa Alongan hanggang mawalan
ito ng malay at saka lamang siya iniwan ng mga pukyutan. Sa kabutihang palad ay
may dumating na mandirigma’t dinala siya sa Solotan. Isang linggong ginamot si
Somusun sa Alongan.

ANG MGA SINAUNANG PANOORIN

1. Wayang Orang at Wayang Purwa – ito’y palabas ng mga Bisaya tungkol


sa pananampalataya, kapangyarihan ng bathala at pagpaparusa.
2. Embayoka at Sayatan – ang Embayoka ay palabas ng mga Muslim at
katulad ng balagtasan ng katagalugan. Ito’y ginagampanan ng isang
lalaki at isang babae. Ang Sayatan ay larong tulaan, awitan, at sayawan.
3. Bulong – ito ay kaugnay ng pananampalataya, panggagamot, at
paniniwalang pagpapagaling sa may sakit na nakulam o naingkanto.
4. Pamanhikan – ito ang paninilbihan ng lalaki sa tahanan ng dalaga.
5. Balak – ito ay pagsusuyuan ng isang dalaga at binata ng mga Cebuano,
Waray at Bohol sa pamamagitan ng awit na maindayog at matalinghaga.
6. Balitaw – sayaw at awit sa panliligaw ng mga Cebuano at Waray na
gumagamit ng balse.
7. Dallot – tulang epiko ng mga Ilokano na binibigkas sa saliw ng kutibeng
inaawit ng lalaki sa tabi ng babaeng nagsasambit din ng berso.
8. Cañao – ito ay ritwal ng mga Igorot na may awitan at sayawan.
Isinasagawa ito upang purihin ang pinaniniwalaang diyos o mababait na
ispiritu na nagbigay ng masaganang ani, tulong, kalusugan, at
kapayapaan. Isinasagawa rin ito upang hadlangan ang masasamang
anito.

Upang mataya ang iyong natutunan sa


katatapos na aralin, maghanda sa
pagsagot sa kasunod na gawain
23

MAGSANAY KA

Pangalan:_____________________ Iskor: __________


Kurso: _______________________ Petsa: _________

A. Tukuyin ang sumusunod kung salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan at


kasabihan. Kung ito’y bugtong o palaisipan, ibigay din ang sagot.

1. Bahay ng salita, imbakan ng diwa _______________


2. Hindi maliparang uwak _______________________
3. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindI makararating sa
paroroonan ______________________
4. Ubus-ubus biyaya, bukas nakatunganga ________________________
5. Ako ay aklat ng panahon, pinapalitan taun- taon. __________________
6. Ako’y lalaking maliksi, susong gumagapang hindi ko mahuli-huli
_______________
7. Prinsesang maliksi at bulandit, ispada sa noo ay umukit _________________
8. Sa isang kulungan, may limang baboy na alaga ni mang Juan, lumundag ang
isa, ilan ang natira? _____________________
9. Ang maagang gumigising ,siyang maraming aanihin ____________________
10. Ang hindi pinaghirapan, madali ka niyang tatakasan_____________________
11. Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas ________________
12. Tubig na pinagpala, walang makakukuha kundi munting bata
_______________
13. Sa tore ay may prinsesa, paano mo siya makikita nang hindi ka
titingala?___________________
14. Dayupay __________________
15. Ang anak ay umupo na, ang ina’y gumagapang pa ____________________
16. Bahay ni Ka Huli, haligi’y bali-bali, ang bubong ay kawali _________________
17. hayan na, hayan na, malayo pa’y humahalakhak na ____________________
18. Nang sumipot sa sangmaliwanag, kulubot na ang balat __________________
19. Isang matandang hukot, kayang tibagin maging bundok _________________
20. Isang balong malalim,punung-puno ng patalim ______________________

B. Mahalaga ba ang karunungang bayan sa iyo? Sagutin ito sa pamamagitan ng


isang saknong na tula (5 pts.)
24

Pangalan:_____________________ Iskor: __________


Kurso: _______________________ Petsa: _________

Gawain I. Sagutin ang mga bugtong sa ibaba.

1.Lumalakad walang paa, tumatakbo walang paa. Sagot:___________


2. Kung nakaupo mataas, kung nakatayo mababa Sagot:___________
3.Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna Sagot:___________
4.Hindi hari, hindi pari, suot niya’y sari-sari Sagot:___________
5. Hawakan mo ang buntot ko at sisisid ako Sagot:___________

Gawain 2. Ipaliwanag ang sumusunod.

1.Walang lumurang patingala


Na di sa mukha niya tumama
2. Ang namamali’y aralan
Huwag pag-upasalan
3.Gumagapang ang kalabasa
Naiiwan ang bunga
4.Ang gawaing kamihasnan
ay mahirap malimutan
5.Pag-aasawa’y di kaning isusubo
Na iluluwa pag napaso

Gawain 3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan.

Gawain 4: Pumili ng awiting bayan at ipaliwanag


25

PANAHON NG MGA KASTILA

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang isinasaalangalang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan


ay ang pananatili ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang
Kastilang gobernador- heneral. Dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa
ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon
ng digmaan sa Cavite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito
ng mga Kastila.

Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng mga


Pilpino. Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko, nagpalit sila ng mga pangalan at
nagpabinyag. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay. Nagkaroon ng bahay na
bato at tisa, mga magagandang kasangkapang tulad ng piyano, muwebles, at mga
kagamitang pangkusina. Nagkaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at
bapor. Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, sa
papa, at sa gobernador. Bilang libangan, nagkaroon ng sabong, karera ng kabayo, at
teatro.

Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan sa pagkakabuo ng ilang


pangkat ng “may-kaya” na may mga ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino
ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at
pagiging maestro. Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito na rin sa PIlipinas
sapagkat marami namang paaralan ang naitatag nang panahong iyon.

LAGOM PANANAW SA PANITIKAN NG PANAHON

1. Mga saling Akda ng mga Misyonero

Doctrina Cristiana

Nuestra Señora
Barlaan at Josaphat
del Rosario
Makatang
Pasyon misyonero Urbana at Feliza

Tandang Bascio Macunat Mga Dalit kay Birheng Maria


26

Halimbawa ng Pasyon (piling saknong)

Adan, ang iyong asawa Ikaw anak na suwail


Mahalin mo tuwina Walang munti mang pagtingin
At katawan mo rin siya Kung utusan ka marahil
Susundin mo anumang utos Dumadabog, umaangil
Tungkol sa gawang maganda
Sukat mong ikabalisa
At ikaw namang babae At gunitain tuwina
Sisintahin mong parati Hirap sakit na lahat na
Si Adan na iyong kasi

Tungkol sa gawang mabuti


Pawang tiniis at binata
Ng iyong ama’t ina.

Halimbawa ng Dalit (papuri kay Birheng Maria)

Namumuno: O Mariang sakdal dilag, dalagang lubhang mapalad


Tanging pinili sa lahat, nang Dios na haring mataas.

Mga Bata: Itong bulaklak na alay nang aming pagsintang tunay


Palitan mo birheng tunay ng tuwa sa kalangitan.

Halimbawa ng Akdang Tuluyan

Tandang Bascio Macunat – ito’y pasaring sa mga kabataang Pilipino na


mananatiling masama na di nararapat pang pag-aralin. Ito’y akda ni Padre
Miguel Lucio Bustamante.

2. Ang Panahon ng mga Makatang Tagalog

Mga Ladinong Makata – mga baguhang makata at bilinggwal ang mga akda.

Tomas Pinpin – siya ang tinawag na kauna-unahang makatang


Pilipino at unang manlilimbag sa pagkakalimbag ng kanyang aklat
na “Librong Pag-aaralan ng mga Tagalog ng Wikang Kastila” at
dito ay kasama ang isa niyang tulang pinamagatang “O Ama Con
Dios” 1610.
O Ama Con Dios (1610)

O ama con Dios, O gran Dios me padre


Tolongan mo aco, Quered ayudarme
Amponin mo aco, Sedme favorable
Nang mayari ito, Por que esto se acabe
At icao ang purihin, Y a vos os alaban
27

Fernando Bagongbanta – katulad ni Thomas Pinpin ang estilo


Pedro Suarez Osorio – siya’y taga-Ermita, Manila
Philipe de Jesus – ang kaunaunahang tunay na Makatang may
akda sa “Ybong Camunti sa Pugad”, ang itinuturing na tunay na
tulang Tagalog (akda ng ladino).

Ybong Camunti sa Pugad

Ybong camunti sa pugad Sa loob n’yong masilacbo


Sa inang inaalagad Parang ningas alipato
Ay hindi macacalipad Sa alapaap ang tungo
Hanggang sa di magkapacpac Ay bago hamac na abo.

Kantahing Bayan

May mga kantahing nagkaroon ng impluwensiyang Kastila kayat


nagkaroon ng mga salitang Kastila

Paruparong bucid na lilipad-lipad Ang ale kong Neneng, maganda’t


Sa gitna ng daa’y papaga- marikit
pagaspas May ta sa noo, may buwan sa
Sambara ng tapis, sadangkal ang dibdib
manggas Ang sinasaksi ko’y ang Diyos sa
Ang sayang de kolor, sampiyesang langit
sayad. Kung dayap ka lamang, kita’y
isinukbit.

3. Ang Panahon ng mga Manunulat na Klasista

Ang Awit at Korido

Narahuyong sumulat ang mga Pilipino ng mga awit at Korido dahil mismo
sa hilig ng mga mambabasa ng mga salaysay na punung-puno ng mga
kababalaghan. Maayos nilang nailantad ang tungkol sa kagitingan ng mga hari,
reyna, prinsesa, at prinsipe na ang layunin ay palaganapin ang kristiyanismo.
Nakilala sa panahong ito ang mga manunulat ng awit at korido na
kinabibilangan nina Jose dela Cruz, Francisco Baltazar, Ananias Zorilla, at
Eulogio Julian de Tandiana.

Korido – salitang Mehikano na ang ibig sabihin ay kasalukuyang balita,


binubuo ng 8 pantig sa bawat saknong at kung awiti’y mabilis

Awit – Metrical tale na may 12 pantig sa bawat taludtod. Kung awitin ay


mabagal.
28

Jose dela Cruz – guro ng maraming baguhang manunulat na sisiw ang


naging lambing niya sa mga tinuturuan kaya tinawag siyang
Huseng Sisiw. Mga akdang corridor: Buhay ni Principe Orentis,
Rodrigo de Villa, Bernardo Carpio, Doce Pares de la Francia,
at iba pa.

Ananias Zorilla – akda niya ang corridor: Doña Ines

Francisco Baltazar - ang tinatawag na Tunay na Makatang Pilipino at


ang kanyang Florante at Laura (awit), ang tinawag na tunay na
tulang Pilipino.

4. Sinaunang Tanghal na Tinipon ng mga Tagalog

1. Mga Dulang Pantahanan

Ang Karagatan

Itong laro’y ipinalalabas sa mga lamayan upang aliwin ang mga naulila.
Ito’y isinasagawa sa ika-30 araw ng lamay at unang taon ng kamatayan.
Ito’y tungkol sa isang alamat ng singsing ng dalaga na nahulog sa dagat.
Ang binatang makakakuha rito ang magiging mapalad sa pag-ibig ng
dalaga.

Ang Duplo

Isa itong larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at layunin


nitong aliwin ang mga naulila. Ginaganap ito sa ika 9 ng gabi, maraming
tauhan ang gumaganap, at ang mga kalahok ay mahuhusay sa pagbigkas
ng mga pananalitang hango sa kodigo penal, sa mga klasikong Griyego at
Romano, sa mga karunungang – bayan.

Ang Huego de Prenda

Isa pa itong laro sa mga yumao na ang pinuno ay misang hari o punong
halaman. Siya ay mauupo sa gitna ng mga kabataang lalaki at babaeng
magkakaharap sa ayos na pabilog. Patula ang pagbigkas ng mga kalahok
at ang mga matatawag na hindi agad sasagot ay mapaparusahan.

Ang Salubong o Pasko ng Pagkabuhay

Dalawang prusisyon ng pagkabuhay ang gagawin. Dala ng unang


prusisyon ang Panginoong Jesus na muling nabuhay at dala naman ng
ikalawang prusisyon ang Mahal na Birhen.
29

Ang Tibag

Layunin nitong linangin ang debosyon sa krus na kinamatayan ni Jesus.


Sa palabas na ito, maitatanghal ang paghahanap ng mag-inang Reyna
Elena at Prinsipe Constantino sa krus na kinamatayan ni Jesus.

Ang Santakrusan

Ito’y galing sa Tibag at ginaganap kung Mayo upang alalahanin ang


pagkuha nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino sa krus na kinamatayan
ni Jesus.

2. Ang mga Dulang Pantanghalan

Ang Karilyo

Ginagamit dito ang kartong ginupit tulad ng “Puppet Show”. Ang mga
karton ay pinakikilos sa pamamagitan ng alambre at panali upang
mapalabas na katawa-tawa. May dayalogo ang mga tauhang nagsasalita sa
likod ng tanghalan. Karaniwang tungkol sa mito, alamat, at pabula ang
pinakapaksa ng usapan. Ang pagtatanghal ay sa panahon ng anihan.

Ang Senakulo

Ito’y bersyon ng Pasyon at ipinapalabas sa Mahal na Araw at tungkol sa


buhay ni Jesus mula nang isilang hanggang sa muling pagkabuhay. Mga
uri:
Cantada – inaawit at pinalalabas sa loob ng tatlong gabi.
Hablada – binibigkas nang marahan upang mabigyan ng diin ang
mga tugma ng taludtod sa bawat saknong. Isang araw lamang
kungito ay itanghal.

Ang Moro-moro o Komedya

Ito’y ipinakilala ni Padre Juan de Salazar at ito’y tungkol sa tunggalian


ng Kristiyano at Moro. Sa labanan, laging panalo ang binyagan at laging talo
ang mga moro o ‘di binyagan.

Ang Panubong o Putona

Ito’y dulang panlipunan ng Marinduque. Ito’y parangal sa may kaarawan,


sa isang mataas na pinuno ng bayan o pamahalaan, o sa mga dignitaryo.
Mauupo sa gitna ng dalawang anghel ang pararangalan na may dalang
kandila at sila ang magpapatong ng koronang bulaklak. Isang pangkat
naman ang aawit at magsasabog ng bulaklak sa harap ng pararangalan.
30

Ang mga manonood ay maaaring makisali sa pagsasabog ng bulaklak at


perang barya.

Ang Pamanhikan

Ito’y tradisyon ng mga Tagalog tungkol sa pag-ibig, pagliligaw at


pagpapakasal. Ang pagsasagawa nito’y inaabot ng linggo o buwan. Sa
palabas na ito, matutunghayah ng mga manonood ang ilang aspekto ng
buhay pampamilya, paggalang at pagsunod sa mga magulang, pag-ibig,
pagliligawan, at pag-aasawa.

Ang Hugas-Kalawang at Pag-ibang Darama

Isa itong pagdiriwang na isinasagawa bilang pasasalamat ng mga


magsasaka sa Katagalugan dahil sa masaganang aning ipinagkaloob ng
Dakilang Lumikha.

3. Mga Dulang Panlansangan

Ang Panunuluyan o Pananapatan

Ito ang lokal na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan nina San Jose


at Birheng Maria sa bisperas ng Pasko.

Ang Moriones o Morion

Sa Marinduque, ito’y paghingi ng masaganang ani, tulong sa panginoon


upang gumaling ang may sakit, at humingi ng kapatawaran. Ang mga
kalahok ay nakamaskara at may kalutang o culindrical sticks. Ang
kasukdulan ay ang pugutan na ginaganap sa lingo na pagkabuhay ni Jesus.
Si Longinus na bulag ang isang mata ang pangunahing tauhan. Hindi siya
naniniwala kay Kristo ngunit nang matalsikan ng dugo ni Jesus ang kanyang
bulag na mata, gumaling ito at ito ang nagging daan upang maniwala kay
Kristo. Ang himalang naganap ay ibinalita kaya inusig ng senturyon. Tuwing
masusukol ay nakakatakas ngunit isang araw, siya’y sumuko. Sa utos ni
Poncio Pilato, siya’y pinugutan sa harap ng mga tao.

Ang Sarswela

Ito ay masayang dula na tigib ng tugtugin at awitin at kung minsan ay


may kalangkap na sayaw, may lakip na pampatawa, at may kaunting
aksyon. Ang salitaan ay sa paraang tuluyan, patula o paawit. Kung paawit,
ito’y dapat saliwan ng rondalya o orchestra. Ang lahat ng paksa ng sarswela
ay pangkaugalian, panunudyo, pambayan, pangangalakal, pangkabuhayan,
at iba pa.
31

IBONG ADARNA

Sina Haring Fernando at Reyna Valeriana ng kahariang Berbanya ay may


tatlong anak na lalaki. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Payapa ang kaharian;
nasisiyahan ang lahat.

Ngunit nagkasakit ang hari at ayon sa manggagamot ng kaharian, iisa ang


makakalunas dito: ang awit ng Ibong Adarna.

Unang naglakbay ang panganay na si Don Pedro upang hanapin ang


mahiwagang Ibon. Mahigit tatlong buwan siyang naglakbay bago narating ang
bundok Tabor na kinaroronan ng Piedras Platas, ang punongkahoy na tahanan ng
Ibong Adarna.

Namumukod ito sa iba pang mga puno dahil sa mayabong na dahong


kumikinang tulad ng diyamante lalo’t natatamaan ng araw. Sa ilalim ng nasabing puno
nagpahinga ang prinsipe hanggang sa makatulog nang mahimbing. Hindi na tuloy niya
namalayan ang pagdating ng isang napakagandang ibon, ang pag-awit ng pitong beses
at ang pitong beses na pagpapalit ng kulay ng balahibo pagkaawit. Pagkaraan,
nagbawas ang ibon at pumatak ang dumi nito sa natutulog na prinsipe. Noon din,
naging bato si Don Pedro.

Nainip ang kaharian sa hindi pag-uwi ni Don Pedro kaya’t ipinadala ng hari
ang pangalawang anak na si Don Diego. Limang buwang naglakbay ang prinsipe
hanggang sapitin niya ang bundok Tabor. Ngunit tulad ng nakatatandang kapatid,
naging bato rin si Don Diego sapagkat nakatulog siya sa lambing ng awit ng ibon.

Nang hindi makabalik ang dalawang magkapatid, si Don Juan naman ang
naglakbay. Sa kanyang paglalakbay, hindi nakalilimot si Don Juan na tumawag sa
Diyos. Apat na buwan na siyang naglalakbay nang makatagpo niya sa isang landas
ang isang matandang ketongin. Pinakain ito ni Don Juan at bilang ganti sa
kabutihang-loob ng prinsipe, pinapunta ito ng matanda sa isang ermitanyo na
nagtagubilin kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna. Matapos hulihin ang
mahiwagang ibon, binuhusan ni Don Juan ng tubig ang dalawang malaking bato sa
ilalim ng Piedras Platas at pagdaka’y nagbalik sa dating anyo sina Don Pedro at Don
Diego.
Sa landas pauwi, binugbog nina Don Pedro at Don Diego ang bunsong kapatid
upang napasakanila ang karangalan sa paghuli sa Ibong Adarna. Iniwan ng dalawa ng
32

pasa-pasa at ni hindi makabangon na si Don Juan. Ngunit pagsapit sa Berbanya,


ayaw umawit ng Adarna, naging pangit ang ibon. Samantala, pinagyaman ng isang
matanda si Don Juan kaya’t nakauwi rin ito. Pagkakita ng Ibon kay Don Juan, agad
nitong inawit ang tunay na pangyayari. Nang mabatid ng hari ang katotohanan,
iniutos nitong ipatapon ang dalawang anak na naglilo, ngunit nakiusap si Don Juan
na patawarin na ang dalawa. Mula noon, gabi-gabi’y naghahalili ang magkakapatid sa
pagbabantay ng Ibong Adarna. Isang gabi, pinakawalan nina Don Pedro at Don Diego
ang ibon upang palitawing nagpabaya sa tungkulin si Don Juan. Nang malamang
nakawala ang Ibong Adarna, kusang lumayo si Don Juan upang pagtakpan ang
kasalanan ng mga kapatid. Ipinahanap ng hari ang bunso at nagkita-kita ang
magkakapatid sa bundok ng Armenya.

Nakakita sila ng isang napakalalim na balon na walang tubig. Bumaba si Don


Juan sa balon at nakita roon ang palasyong yari sa ginto’t pilak na kinaroroonan ng
mga magkakapatid na Juana at Leonora. Napatay ni Don Juan ang higante at
serpyenteng may pitong ulo na nagtatanod sa dalawang dalaga. Pagkaraan, isinama
niya ang dalawang dilag sa itaas ng balon.

Pagkakita sa magkakapatid, agad umibig si Don Pedro kay Leonora at si Don


Diego kay Juana. Muling nagbalak ng masama ang dalawang prinsipe. Nang muling
bumaba sa balon si Don Juan upang balikan ang singsing na naiwan ni Leonora.
Biglang pinutol ni Don Pedro ang lubid na gamit nito sa pagbaba kaya’t nahulog ang
prinsipe at nagkabali-bali ang mga buto. Sa kapipilit ni Don Pedro, sumama na rin
sa Berbanya si Leonora, matapos pagbilinan ang engkantadang lobo sa balon na
gamutin si Don Juan.

Nakauwi ang magkapatid na kasama ang dalawang dilag. Ikinasal sina Don
Diego at Juana. Si Leonora ay nakiusap na hayaan na muna siyang tupdin ang
panatang mamuhay nang mag-isa sa loob ng pitong taon bago magpakasal kay Don
Pedro. Ang totoo hihintayin ni Leonora ang pagbabalik ni Don Juan.

Samantala gumaling si Don Juan nang gamutin ng engkantadang lobo.


Dumating ang Ibong Adarna at sinabi kay Don Juan na limutin na si Leonora at
hanapin ang Reyno de los Cristal na kinaroroonan ng napakagandang prinsesang
Maria Blanca, anak ni Haring Salermo. Naglakbay nang napakalayo si Don Juan, at
sa tulong ng mga ermetanyo ay nakarating sa inihimaton ng Ibong Adarna. Pag-ibig
sa uang pagkikita ang nadama ng prinsipe ngunit malupit ang ama ng babae. Bawat
manliligaw ay pinararaan sa pagsubok at ginagawang bato kapag hindi nakapasa.
33

Sa tulong ng mahika blanka, ni Maria nalampasan ni Don Juan ang sumusunod


na pagsubok: 1) pagpatag sa bundok upang pagtamnan ng trigo, na ang bunga ay
ginagamit sa paggawa ng tinapay na inihahain sa almusal ng hari, 2) pagbabalik sa
labindalawang negrito na pinakawalan sa dagat, 3) pag-uusod ng bundok sa tapat ng
palasyo, 4) paggawa ng isang kastilyo sa dagat, 5) pagbabalik sa dating lugar ang
bundok na ginawang kastilyo, 6) paghahanap sa dagat ng diyamanteng singsing ng
hari, 7) pagpapaamo sa simarong kabayo na sa katunayan ay si Haring Salermo
mismo na nag-ibang anyo. Lahat ng ito ay ipinagawa sa loob lamang ng magdamag.
Sa kapabayaan ni Don Juan napulot ang isang hintuturo ni Maria sa ikaanim na
pagsubok, ngunit ang putol na hintuturong ito ang naging palatandaan ni Juan ng
papiliin siya sa tatlong nakakulong sa isang kuwarto at hintuturo lamang ang
nakalabas.

Bagama’t nakapasa sa pagsubok si Don Juan, tumanggi pa rin na ipakasal dito


ang anak na prinsesa, kaya’t nagtanan ang dalawa. Nagkasakit si Haring Salermo
hanggang sa namatay.

Nang sumapit sa Berbanya ang dalawa, iniwan muna ni Don Juan si Maria sa
nayon at mag-isa siyang umuwi upang maghanda ng marangyang pagsalubong sa
prinsesa. Pagdating ni Don Juan sa palasyo, agad itong niyakap ni Leonora at ang
prinsipe naman ay nakalimot kay Maria. Inihanda ang kasal nina Don Juan at
Leonora.

Sa araw na kasal, dumating si Maria at naghandog ng palabas na


nagpapaaalala kay Don Juan ng nakaraan. Isinalaysay naman ni Leonora ang ginawa
niyang pagtulong kay Don Juan at ang matiyaga niyang paghihintay sa pagbabalik
nito. Nang ipasya ng arsobispo na kay Leonora ipakasal si Don Juan, nagalit si Maria
at pinabaha ang buong kaharian. Noon nagpasya si Don Juan na kay Maria
magpakasal. Si Leonora naman ay nagpakasal kay Don Pedro.

Ipinamana kay Don Pedro ang kaharian ng Berbanya. Bumalik sa Reyno de los
Cristal sina Don Juan at Maria at naghari doon nang masaya at mapayapa.
34

FLORANTE AT LAURA
Balagtas

Nagsimula ang salaysay ng awit sa isang gubat na mapanglaw. Nakatali sa


isang punong kahoy at naghihinagpis si Florante. Si Konde Adolfo ang dahilan ng
kanyang kasawian. Nawalan siya ng malay-tao habang ginugunita niya ang kanyang
kasintahang si Laura. Nalaman niyang pumayag daw magpakasal si Laura kay Konde
Adolfo.

Sisilain na lamang ng dalawang mababangis na leon si Florante nang biglang


dumating si Prinsipe Aladin ng Perysa ay siya’y kanyang iniligtas. Nang magkamalay
si Florante, nagulat siya dahil nasa kandungan siya ng kaaway at hindi kalahi.

Si Florante ay anak ni Duke Briseo na tagapayo ni Haring Linceo ng Albanya


at Prinsesa Floresca ng Crotona. Ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas upang
doon mag-aral sa ilalim ng pamamahala ng gurong si Antenor. Doon, nakilala niya si
Konde Adolfo na dating nangunguna sa paaralang iyon. Dahil nahigitan ni Florante
si Adolfo, tumubo ang inggit sa kanyang puso at minsan nga’y balak niyang patayin
si Florante sa pamamagitan ng totohanang pag-ulos sa kanyang espada sa isang
palabas na kanilang isinagawa. Mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro, ang
kanyang matalik na kaibigan at pamangkin ng gurong si Antenor. Itiniwalag ng
paaralan si Adolfo kaya’t napilitan siyang umuwi sa Albanya.

Pagkatapos ng isang taon ay sumunod na umuwi si Florante sa Albanya. Sa


kanyang pag-uwi ay isinama siya ng kanyang ama sa palasyo at doon niya nakilala si
Laura. Sa kanilang unang pagkikita ay umusbong na ang pag-ibig sa kanilang puso
para sa isa’t isa. Sa pakikipag-usap ng ama ni Florante sa hari, nasabi ni Haring
Linceo na may malaking problema ang hari ng Crotona dahil sila’y nilusob ng mga
moro. Sinabi ng hari na kailangan nila ang isang magiting na mandirigma para
matulungan ang nasabing kaharian. Ipinadala ng hari si Florante dahil lolo naman
nito ang nangangailangan ng tulong. Nagwagi si Florante sa Crotona at tinalo niya
ang tanyag na heneral ng Persya, si heneral Osmalik. Nang magbalik sila sa Albanya,
kasalukuyang kinukubkob ng mga Persyano ang Albanya. Tinalo rin nina Florante at
Menandro ang mga ito kaya nailigtas niya ang kanyang mga kababayan kasama na
ang buhong na si Adolfo.

Kasalukuyang nilulusob na naman nina Florante at Menandro ang Etolia nang


siya’y tumanggap ng tawag mula sa hari ng Albanya. Ayon sa liham kailangan niyang
35

umuwi mag-isa at iiwan kay Menandro ang kanyang hukbo. Ang hindi alam ni
Florante, ang tawag na iyon ay patibong lamang ni Konde Adolfo na umagaw sa
kaharian. Pinatay ni Adolfo sina Haring Linceo at Duke Briseo. Nang sumapit si
Florante sa albanya, dinakip siya ng mga kawal ni Adolfo at siya’y ipinagapos sa
gubat. Samantala, pinipilit ni Adolfo si Laura na magpakasal sa kanya.

Si Aladin naman ang nagsalaysay ng tungkol sa kanyang buhay. Anak siya ng


Sultan ng Persya, si Sultan Ali Adab. Siya ang namuno sa mga Persyanong lumusob
sa Albanya. Nang magbalik siya sa Persya, galit na galit ang kanyang amang sultan
dahil sa pag-aakalang pinabayaan niya ang hukbong nakipaglaban sa Albanya kaya
sila natalo. Pinahuli siya ng kanyang ama at siya’y ipiniit. Pinalaya lamang siya nang
pumayag si Flerida, ang kanyang kasintahan na pakasalan ang Sultan. Ngunit
tumakas si Flerida upang hanapin si Aladin.

Nasa gayon silang pag-uusap nang makarinig ang dalawa ng mga tinig-babae.
Dumarating sina Flerida at Laura. Ibinalita ni Laura kay Florante na nang hindi siya
mapapayag ni adolfo na magpakasal sa kanya, sapilitan siyang dinala ng buhong sa
gubat upang ilugso ang kanyang puri. Mabuti lamang at dumating si Flerida at siya
ang nagligtas sa kanya sa masamang balak ni Adolfo. Pinana ni Flerida ang taksil.

Sa Albanya muna nanirahan sina Aladin at Flerida na kapwa nagpabinyag


bilang mga Kristiyano habang hindi pa namamatay si Sultan Ali Adab. Nang namatay
na ang Sultan, nagbalik sila sa Persya at sila na ang lumuklok sa trono. Samantala,
sina Florante at Laura ay namuno naman sa Albanya.
36

ANG PAGSUSULATAN NINA URBANA AT FELIZA


Ni Padre Modesto de Castro (Isang bahagi)

Felisa,

Itong mga huling sulat ko sa iyo na nauukol sa kalagayan ko rito sa Maynila


at ang iba ay aral kay Honesto ay pinauunawa ko na hindi sa sariling isip lamang
hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan at ang karamihan ay aral na tinanggap
ko kay Donya Prudencia na aking maestra at siyang sinusunod sa eskwela namin kaya
ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan, sa bayan at mga baryo,
ay magkakaroon ng mga salin nito upang pag-aralan ng mga bata. Ipagpapatuloy ang
pagsasalaysay ng mga katauhan.

Si Honesto, bago pa sa eskwela, ay pabibindisyunan muna kay ama at kay ina;


sa lansangan ay huwag makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid
ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manlibak sa kapwa-bata o lalapastangan ng matanda
at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukod. Pagdating sa bahay ng maestro ay
magpupugay, magbibigay ng magandang araw o magandang hapon, magdasal na saglit
sa harap ng mga santong larawan na pinagdarasalan ng mga eskwela. Hihingi ng
tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria at nang matutong gumawa ng kabanalan
at maisaulo ang leksiyong pinag-aaralan. Sa paaralan, kung may papasok na pari o
punong-bayan, mahal na tao, o matanda ay tumindig, magbigay galang at huwag
mauupo kung hindi pinag-uutos. Ang galang na ito ay hindi dapat ikahiya sapagkat
ang kagalangan ay kapurihan ng gumagalang at hindi ang iginagalang. Ang batang
may bait at dunong ay kapurihan ng magulang. Pagpilitan mo na huwag katamarang
pag-aralan ang leksiyon, upang may matutuhan ay magtanong sa kapwa mag-aaral o
ng isang maestro o maestra, huwag mahiya sapagkat hiyas ng isang marunong ang
sumangguni sa bait ng iba, at kapurihan naman ng isang bata ang magtanong sa
marurunong sapagkat napahahalata na ibig matuto’y makamtan ang hubad na isip ng
karunungan’t tiyagang mag-aral, sapagkat ang karunungan ay bunga ng katiyagaan.

Kung tinatanong ng maestro ang ibang bata, huwag sasagot at kung


natatanong nama’y tumindig muna at saka sumagot. Pagbilinan mo na mag-aral siyang
huwag managhili sa maririkit na gayak, karunungan, kayamanan, kamahalan ng kapwa
bata sapagkat kapintasan sa kanyang asal. Pagbilinan mo ring huwag magsalita ng
nangyari sa bahay, ng ikamumura sa kapwa tao, at huwag ipapanhik ang nakikita sa
paaralan, sa lansangan, sa kapwa bata lalo pa’t ang mga ito ay nauuwi sa paninira ng
puri. Kung sakaling makarinig ng mura sa kapwa-bata, sa magulang o sa kamag-anak
37

ay ipagtanggol nang banayad at matuwid at pagdating sa bahay ay ilihim at nang


hindi pagmulan ng away.

Kung siya ay nagsasalita at ayaw paniwalaan ng kausap, ay huwag patutuhanan


ng sumpa, sapagkat ang manumpa ay walang kabuluhan at tanda ng kabulaanan. Sa
anumang utos ng maestro o maestra na naaayon sa matuwid ay huwag ,di
umalinsunod at kung sakali’t maparusahan ay huwag magbubugnot at matamisin sa
loob ang parusa at nang huwag makitaan ng kapalaluan.

Sabihin mo kay ina na ,di ko sila nililimot sa harap ng Diyos at malayo man
ako ay hinihintay ko ang kanilang bendisyon. Adiyos hanggang sa isang sulat.

Urbana

BARLAAN AT JOSAPHAT

Si Haring Abenir ay isang haring hindi binyagan. Siya ay hari sa malaking


bansa sa Indiya. Nasa kanya lahat ang kapangyarihan at kayamanan, ngunit hindi pa
rin maligaya sapagkat wala siyang anak na magmamana ng kanyang kaharian.
Pagkaraan nang mahabang panahon, ang kanyang asawa o ang reyna’y nagdalang tao
at siya’y pinagkalooban ng isang malusog na anak na lalaki. Ganyan na lamang ang
kanyang kagalakan ngunit ang kagalakang yaon ay napalitan ng galit matapos niyang
pahulaan sa labing dalawang bantog na maghuhula kung ano ang magiging kapalaran
ng kanyang bugtong na anak. Nagalit siya sapagkat ang kanya raw anak ay sasamba
kay Kristo pagdating ng kanyang hustong gulang. Ang bata’y pinangalanang
Josaphat.

Ginawa niyang lahat ang pag-iingat upang ang bata ay huwag makausap ng
sinumang Kristiyano. Ipinagawa niya ito ng isang kastilyo sa ilang pook at
pinatarunan sa mga tapat na alagad. Sa isang malayong bayan ng Indiya ay mayroon
namang isang banal na Kristiyanong ang pangalan ay Barlaan. Siya’y pinagmilagruhan
ng Diyos at sinabi sa kanya ang magandang kalooban ni Josaphat. Agad nagtungo
siya sa palasyo ni Josaphat na nagbalatkayong mangangalakal. Nakausap niya si
Josaphat at hinikayat niya sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga maliliwanag na
pangaral dito. Nahikayat si Josaphat at tuloy nagpabinyag sa Kristiyanismo.

Nang matalos ng Haring Abenir na ang kanyang anak ay Kristiyano na, siya’y
nagalit ng gayon na lamang ngunit pagkatapos ng anim na taong panghihikayat sa
38

kanya ng kanyang anak sa Kristiyanismo, siya’y napahinuhod at nagpabinyag na rin.


Lumipas ang panahon at ang Haring Abenir ay pumanaw na. Ang ginawa naman ni
Josaphat pagkatapos makapatayo ng isang malaking simbahan sa kanilang bayan ay
lumisan at iniwan ang kaharian sa kanyang tapat na alagad na si Barachias. Siya’y
naglakbay upang hanapin si Barlaan. Nagkita sila at namuhay nang magkasama at
ginugol ang panahon sa pagpapalagananp ng pananampalatayang Kristiyanismo. Hindi
naglaon ay namatay si Barlaan at pagkaraan ng dalawang taon ay sumunod naman si
Josaphat.

Nang mabalitaan ni Barachias ang pagpanaw ng dalawa. Siya’y nagsadya agad


sa libingan nila upang ilipat ang kanilang bangkay. Dinala sa Indiya ang bangkay nina
Barlaan at Josaphat at doon sili inilibing sa simbahang ipinagawa ni Josaphat. Sila’y
sinasamba ng buong bayan at ipinalagay na mga Santo.
39

PANGALAN ____________________________ ISKOR _________________


KURSO _________________________________ PETSA __________________

URBANA AT FELIZA

I. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang hango sa Urbana at Feliza.

Salita Kasingkahulugan
1. dunog
2. manlibak
3. yuyukod
4. maisaulo
5. hiyas
6. managhili
7. maririkit
8. gayak
9. banayad
10. matuwid

II. Kilalanin ang tinutukoy sa sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

________________________1. Siya ang sumulat ng Urbana at Feliza.


________________________2. Tinaguriang hari ng tuluyang Klasika.
________________________3.Siya ay pinalad na magkapag-aral sa lungsod.
________________________4. Siya ang isang Maestra sa akda.
________________________5. Kapatid nina Urbana at Feliza.

III. Maglahad ng lima sa mga payo ni Urbana na iyon daw ang nararapat na maging
gawi ng kanyang kapatid na lalaki.

1. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
PANGALAN ____________________________ ISKOR _____________
KURSO ________________________________ PETSA _____________

Sino si Padre Botod? Ipakilala siya sa pamamagitan ng pagguhit (15 pts.)

PADRE BOTOD
41

PANGALAN ____________________________ ISKOR _____________


KURSO ________________________________ PETSA _____________

1. Sa inyong palagay, ano ang nais ipahatid ni Francisco Baltazar nang talakayin
niya sa “Florante at Laura” ang pagtulong ni Aladin na isang Muslim kay
Florante na isang Kristiyano?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Lapatan ng mga salawikain ang mahahalagang pangyayari sa “Florante at


Laura”.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Anong uring anak si Donya Maria? May mga anak pa bang katulad niya sa
kasalukuyan? Patunayan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
42

PANAHON NG
PROPAGANDA

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagising pagkatapos ng higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga


natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Cavite ang
tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora at patayin sa
pamamagitan ng garrote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito’y
naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872. naragdagan pa ito nang makapasok dito
ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdig na
kalakalan, at ang pagdadala sa kapuluan ng liberal na lider na katulad ni Gob. Carlos
Maria de la Torre.

Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit ‘di na nila
nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino. Ang
dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa
pamamalakad sa simbahan at pamahalaan.

Ang Kilusang Propaganda ang mga kinikilala sa panahong ito na hayagang


lumalaban para sa karapatan ng mga Pilipino. Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat
ng mga intelektuwal sa gitnang uri ng tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar.
Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna. Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro
Paterno, at iba pa.

LARAWAN NG PANAHON

Sa panahong ito, nabago ang paksa ng panitikan. Kung sa mga klasista ay


tungkol sa kristiyanismo, at kagandahang asal ang pangunahing nilalaman ng mga
babasahin, naging mapanudyo, at batikos sa simbahan ang nilalaman ng mga akda
ng mga repormador. Sa madaling salita, ang pinaka-tema ng panitikan ay ang
paggising sa damdaming makabayan ng mga kababayang Pilipino.

Bigo ang mga repormador sa mga inaasahang pagbabago ngunit ang mga
idiyolohiya at kaisipang naipunla sa mga mamamayan ay lalong lumaganap. Ang
pagkakatapon kay Gat Jose Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging simula upang
magsanib ang magkakapanalig at itinatag nila ang KKK na may tatlong pangunahing
layunin: pulitikal, moral, at sibiko. Kung pagbabago ang naging tema ng Propaganda,
kalayaan naman ang tema ng Himagsikan.

Namayani sa mga panahong ito ang mga tula, sanaysay, nobela, at dula.
43

ANG LAYUNIN NG KILUSAN

1. Pagiging pantay ng mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas.


2. Papanumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa
Kortes ng Espanya.
3. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
4. Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagtitipon,
pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang karaingan
5. Gawing Pilipino ang Kura Paroko

❖ DR. JOSE RIZAL – (1861-1896) Sagisag sa panulat ang Laong Laan at


Dimasalang

a. Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) – Obra maestra ni Gat. Jose Rizal na


isinalin sa Tagalong.
HULING PAALAM
(Piling Saknong)
Pinipintuho kong Bayan ay paalam Kung sa libinga’y mamamalas
Lupang iniirog ng sikat ng araw Malalagong damo, mahinhing bulaklak
Mutyang mahalaga sa dagat silangan Sa mga labi mo’y mangyaring ilapat
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw Sa kaluluwa ko halik ay igawad

Masayang sa iyo’y aking idudulot Kung libingan ko’y limot na ng lahat


Itong buhay na lubhang malungkot At walang krus at batong mabakas
Maging maringal at labis ang alindog Bayaang linangin ng taong masipag
Sa kagalingan mo’y akin ding handog Lupa’y asarulin at kanyang ikalat

Sa pakikidigma at pamimiyapis Kung magkagayon ma’y aalintanahin


Ang alay ng iba ang buhay ng kipkip Na ako sa limot iyong ihabilin
Walang agam-agam, maluwag sa dibdib Pagkat himpapawid at mga panoorin
Matamis sa puso at ‘di ikahapis Mga lansangan mo’y aking lilibutin

Saanman mauutas ay ‘di kailangan Ako’y patutungo sa walang busabos


Cipres o Laurel, Lirio ma’y putungan Walang umiimis at berdugong hayop
Pakikihamok at ang bibitayan Pananalig doo’y ‘di masasalot
Yaon ay gayon din kung hiling ng bayan Si Bathala lamang doo’y haring lubos

Ako’y mamamatay na namamalas Paalam magulang at mga kapatid


Na sa silangan ay namamanaag Kapilas ng aking kaluluwa at dibdib
Yaong maligayang araw na sisikat Mga kaibigan, bata pang maliliit
Sa likod ng luksang nagtabing na ulap Sa aking tahanan, ‘di na masisilip

Ang aking adhika sapul magkaisip Pagpasalamatan at napahinga rin


Noong bata pang maliit Paalam estranghero kasuyo ko’t aliw
Ay ang tanghalin ka at minsang masilip Paalam sa inyo, mga ginigiliw
Sa dagat Silangang hiyas na marikit Mamatay ay isang pagkagupiling
44

b. Ang Noli Me Tangere (Berlin 1887) – Unang nobelang inihandog sa Inang Bayan.
Ang orihinal na manuskrito ay ipinagkaloob kay Maximo Viola, ang tumulong upang
ipalimbag ang nobela.

NOLI ME TANGERE
Jose Rizal

Ang pamagat na Noli Me Tangere ng nobela ay hinango ni Rizal sa Banal na


Aklat sa ebanghelyo ni San Juan, kapitulo 20, bersikulo 13-17. Ang kahulugan nito ay
‘Huwag mo akong Salangin’. Kung bakit Noli Me Tangere ang napili ni Rizal na
ipamagat sa nobela, aniya sa kanyang sulat kay Blumentritt “Walang makapangahas
dumaliri o sumalang sa sakit ng lipunan noon dahil sa takot o sa pangambang sila ay
mapahamak. Ang pagsalang ito ay kasalanang mortal sa mga prayle at sa mga
makapangyarihan, isa nang paglagda sa pagpapatupad sa sariling kamatayan. Waring
ang karamdaman ay nagsusumigaw “Huwag mo akong Salangin! Masakit!” Ang
nobelang ito ay inihandog ni Rizal sa Inang Bayan.

BUOD NG NOBELA

Bumalik sa Pilipinas si Juan Crisostomo Ibarra pagkaraan ng pitong taong


pag-aaral sa Europa. Hinandugan siya ng isang hapunan ni Kapitan Tiago na ama ng
kasintahan niyang si Maria Clara. Sa hapunan, nadama ni Juan Crisistomo na may
masamang damdamin sa kanya ang dating kura nila sa San Diego, si Padre Damaso.

Nalaman ni Ibarra kay Tenyente Guevara ang dahilan at tunay na nangyari


sa pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Si Padre Damaso ang
nagpaanyaya sa kanyang ama. Ito rin ang nagnais na maipalibing sa libingan ng mga
Intsik ang ama niya ngunit itinapon naman ng sepulturero sa lawa ng Laguna ang
bangkay nito.

Sa halip na maghigante, ipinagpatuloy ni Ibarra ang isang panukala ng


yumaong ama, ang magpatayo ng isang paaralan. Sa paghuhugos sa batong panulukan
ng bahay paaralan, tinangkang patayin ng taong madilaw si Ibarra ngunit naligtas
siya ni Elias na nailigtas minsan ni Ibarra sa pagsila ng buwaya.

Hinamak ni Padre Damaso ang alaala ng ama ni Ibarra sa bangketang


inihandog ni Ibarra pagkatapos ng paghuhugos ng batong panulukan. Hindi nakatiis
si Ibarra at nasaktan niya ang pari. Dahil dito si Crisostomo ay naekskumulgado.
45

Samantala, sinabi ni Padre Damaso kay Kapitan Tiago na sirain ang kasunduan sa
kasal nina Maria Clara at Ibarra at ipakasal ang dalaga sa binatang Kastilang si
Linares na pamangkin ni Don Tiburcio de Espadaña.

Nalakad ni Crisostomo sa Kapitan Heneral na mapawalang halaga ang


ekskomunyon niya. Ngunit nang araw na iyon ay sinalakay ng isang pangkat ang
kwartel ng mga sibil sa San Diego at si Crisostomo ang pinagbintangang pinuno nito.
Iyon ay pakana ni Padri Salvi, ang kura ng San Diego na may lihim na pagtingin kay
Maria Clara.

Ang sulat na ibinigay ni Crisostomo ka Maria Clara bago siya nagtungo sa


Europa ang ginamit sa paglilitis kay Ibarra at labis na nagpahamak sa kanya.
Ipinahayag sa liham na iyan ay isang sabi ng pagtungo niya sa ibang lupain, ang
makapagmasid sa uri ng pamahalaan doon. Nakawala at nakatanan si Ibarra sa
tulong ni Elias at bago tuluyang tumakas ay dumaan kay Maria Clara. Sinumbatan ni
Ibarra si Maria Clara sa nangyari ngunit ipinagtapat ni Maria Clara na ibinigay niya
ang liham kay Padri Salvi bilang kapalit ng dalawang liham ng ina niyang si Donya Pia
kay Padre Damaso na naglalaman ng isang lihim na siya ay anak ni Padre Damaso.
Ayaw niyang malantad pa iyon alangalang sa kinikilalang ama.

Sa pagtakas nina Ibarra at Elias sa lawa, sila ay tinugis ng mga kabanero. Si


Ibarra na natatabunan ng sakati sa bangka ay inanod samantalang si Elias ay
tumalon sa tubig at nagpatihabul sa mga sundalo.

Nalathala sa pahayagan na napatay si Ibarra sa lawa sa pagtakas nito. Dahil


dito ipinasya ni Maria Clara na magmongha sa Santa Clara.

Samantala dahil sa usapan nila Elias at Ibarra, si Elias ay sugatang


nakarating sa libingan ng mga Ibarra sa gubat. Nakita niya roon si Basilio na
iniiyakan ang bangkay ni Sisa na ina nito. Ipinagbilin ni Elias sa bata na sunugin ang
bangkay nila ng ina nito at maghintay doon hanggang hatinggabi. Kung walang
dumating na lalaki, humukay sa may puno ng balite at makakatagpo roon ng
kayamanan. Kunin iyon at gamitin sa pag-aaral. Pagkatapos makapagbilin humarap
sa silangan at bago tuluyang nalagutan ng hininga ay nagpahayag na “Mamamatay
akong hindi man lamang nasisilayan ang pagbubukang liwayway ng aking bayan.
Kayong makakakita ay batiin ninyo ito at huwag kalimutan ang mga taong nalugmok
sa dilim”
46

c. Ang El Filibusterismo (Ghent 1891) – Ito ang karugtong ng Noli na inialay sa


GUMBORZA. Tulad ng Noli, tinatalakay rito ang talamak na sakit ng lipunan,
pagsupil sa karapatang pantao, maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan,
pagsasamantala sa kamangmangan ng mga katutubo, at mga hinaing ng mga
mamamayan.

EL FILIBUSTERISMO
Jose Rizal

Kung ang Noli Me Tangere ang siyang gumising sa nag-aalab na diwa at


damdamin ng mga Pilipino ukol sa kanilang karapatang pambansa. Ang El
Filibusterismo naman ay nakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa
Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong
1896.

Ang mga simulain ng nobelang ito ang siyang nagpasigla at nagpatibay ng loob
ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa Espanya ay siya rin namang nagtaguyod sa
kanila sa mahabang panahong ginugol sa pagtuklas ng kasarinlan. Kung ang Noli ay
romantikong nobelang pulitikal at gawa ng puso at libro ng damdamin, ang El Fili
nama’y nobelang pulitikal at gawa ng ulo at libro ng ideya at kaalaman. Ito ay
naglalaman ng kasakiman, paghihinagpis, poot, kadalamhatian at kasawian.

Ang nobelang ito ay inialay ni Rizal sa tatlong paring martir na sina Mariano
Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.

BUOD NG NOBELA

Matagumpay na nakatakas si Ibarra at pagkuha sa kayamanan sa may punong


balite, nagtungo sa Cuba at naging higit na mayaman. Pagkaraan ng maraming taon,
nagbalik siya sa Pilipinas na nagbalaktkayong si Simoun na isang mang-aalahas.

Binalak ni Simuon na iligtas si Maria Clara sa kumbento at maghiganti sa mga


Kastila sa pamamagitan ng isang himagsikan. Samantala, pinapayuhan niya ang
Kapitan Heneral na gumawa ng mga kasamaan sa mga mamamayan at siya naman ay
makikipagsabwatan sa mga sawimpalad at sila’y kasapakat sa isang himagsikan. Pati
ang mga estudyante ay tinangka niyang isama sa himagsikan sa pamamagitan ni
Basilio na nag-aaral noon ng medisina, ngunit ayaw ni Basilio ang kaguluhan. Nais
47

lamang ni Basiliong makatapos ng medisina, pakasalan ang kasintahang si Juli na


anak ni Kabesang Tales at mamuhay nang payapa.

Ang unang itinakdang paghihimagsik ni Simuon ay hindi natuloy nang


mabalitaan niyang si Maria Clara ay namatay na sa kumbento. Gayunman, muli siyang
nagbalak ng isa pang paghihimagsik. Nagawa niyang guluhin at ipahamak ang mga
estudyante na nagsisikhay humingi ng paaralan sa pamahalaan. Nakulong ang mga
lider ng mga estudyante kasama si Basilio at Isagani. Nakawala ang mga
mayayamang estudyante dahilan sa kanilang salapi at si Isagani ay nilakad ng amaing
pari na si Padre Florentino. Tanging si Basilio ang naiwang nakapiit. Lumapit si Juli
kay Padre Camorra para patulong ngunit pinagtangkaan ng pari ang dalaga kaya
tumalon ito sa bintana ng kumbento at namatay. Samantala, nakawala rin si Basilio
sa lihim na paglakad ni Simuon.

Sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez, gagawin ni Simuon ang hudyat
ng kanyang paghihimagsik. Ang bahay ni Kapitan Tiago na binili ni Simuon at
iniregalo sa ikakasal ay tinamnan niya ng mga dinamita. Naghandog si Simuon ng
isang lampara na sasabog kapag itinaas ang mitsa. Pagsabog ng lampara, sasabog
ang bahay na natatamnan ng dinamita at mapapatay ang lahat ng panauhin. Ang
pagsabong na iyon ang magiging hudyat sa mga kasapakat ni Simuon upang lumusob
sa loob ng Maynila.

Ngunit nanibagong muli si Simuon. Naipagtapat niya ang balak kay Basilio na
pilit niyang isinasama sa paghihimagsik. Ipinagtapat naman ni Basilio iyon kay
Isagani na unang kasintahan ni Paulita na sa hangaring iligtas ang minamahal na si
Paulita ay umakyat sa bahay, inagaw ang lampara, inihagis sa ilog at nagtalon sa ilog
Pasig.

Tumakas si Simuon na inusig ng pamahalaan at ng mga kasapakat niya na nag-


akalang sila ay nilinlang lamang si Simuon. Sa bahay ni Padre Florentino nagtago si
Simuon. Ipinagtapat niya sa pari ang kanyang lihim na pagkatao at nang malamang
malapit na ang mga guwardia civil na humahanap sa kanya, uminom ng lason at
namatay.

Itinapon ni Padre Florentino sa dagat Pasipiko ang kaban ng kayamanan ni


Simuon.
48

d. Brindis – Isang talumpating handog sa mga nanalong Pilipinong pintor sa


Madrid na sina Juan Luna (Ang Spolarium) at Felix Resurreccion Hidalgo (Mga
Dalagang Kristiyanang Itinambad sa nagkakagulong mga Tao)

e. Awit ni Maria Clara – Isang bahagi ng Noli na may pamagat na “Ang


Pangingisda” Inihahayag nito ang damdamin ng pagmamahal sa sariling bayan,
pangungulila sa isang taong malayo sa sariling bayan.

f. Sa Aking mga Kababata – ito ang tulang isinulat nang siya’y walong taong
gulang pa lamang. Dito niya inilantad ang pagpapahalaga sa sariling wika.

g. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino – Isa itong sanaysay na nalathala


sa “La Solidaridad”, ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Dito,
ipinagtanggol ni Rizal ang mga Pilipino sa mga paninirang – puri ng mga Kastila
na ang mga Indiyo ay tamad.

h. Sa mga Kababaihang Taga-Malolos – isa itong liham sa mga kababaihan


na bumabati sa kanila dahil sa paninindigang matuto. Ipinaalala niya rito ang
tungkulin ng isang babae bilang ulirang asawa at ina.

i. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon – Isa pa itong sanaysay kung


saan hinulaan ni Rizal ang maaaring maganap sa bansa sa loob ng sandaang
taon. Binigyang-diin sa ikatlong bahagi ang ganito: “kailangang magmula sa
itaas ang pagbabago upang maging kasiya-siya at mapayapa ngunit magiging
marahas ang pagbabago at magiging madugo kung magmumula sa masa.”

j. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) – Sinulat ito ni Rizal noong


1879 nang siya’y labinwalong taong sulang at nag-aaral sa UST Manila. Ito ang
tulang nagtamo ng Gantimpala sa isang timpalak panitikan.

k. El Consejo de los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala) – Isa itong


dulang patalinghaga na isinulat noong 1880. ito’y paghanga kay Cervantes.

l. Kundiman – Isang tulang nagpapahayag ng isang haka na ang bayang inapi


ay maliligtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo.

❖ HERMINIGILDO FLORES – Isang makata ng panahong ito na sumulat ng Hibik


ng Pilipinas sa Inang Espanya.

❖ MARCELO H. DEL PILAR (1850-1896) – Itinuring na “Predikador ng Masa.”


Kilala siya bilang Plaridel, Dolores Manapat. Piping Dilat, at Pupdoh.

a. Caiingat Cayo – Isang libritong nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni


Rizal sa ginagawang pagtuligsa ni Padre Rodriguez.
49

b. Dasalan at Tocsohan – Ito ay gumagagad sa nilalaman ng aklat


dasalan sa paraang mapanudyo.

MGA UTOS NG PRAYLE

1. Sambahin mo ang Prayle nang lalo sa lahat.


2. Huwag kang magpapahamak manuba nang ngalang deretsos.
3. Mangilin ka sa Prayle linggo man o fiesta.
4. Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing mo sa ama at ina
5. Hwag kang mamamatay kung wala kang salaping panlibing
6. Hwag kang makiapid sa kanyang asawa
7. Hwag kang makinakaw
8. Hwag mo silang pagbintangan kahit ka magsinungaling
9. Hwag mong ipagkait ang iyong asawa
10. Hwag mong itanggi ang iyong ari.

ANG AMAIN NAMIN

Amain naming, sumasa-kombento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo


sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo rito sa lupa para ng sa langit.
Saulan mo kami ngayon ng aming kaning iyong inaraw-araw at patawarin mo
kami sa iyong pag-ungal para ng pagtawa mo kung kami’y nakukwaltahan; at
huwag mo kaming ipahintulot sa iyong panunukso at iadya sa masama mong
dila. Amen.
ABA GINOONG BARYA

Aba ginoong barya, nakapupuno ka ng alakansiya, ang prayle’y


sumasainyo, bukod ka niyang pinagpala’t pinahihigit sa lahat, pinagpala
naman ang kaban mong mapasok. Santa barya, ina ng deretsos, ipanalangin
mo kaming huwag anitan ngayon at kami’y ipapatay. Siya nawa.

c. Ang Cadaquilaan ng Dios – Isa itong sanaysay na tumutuligsa sa


mga prayle. Inilalantad din dito ang matibay na pananalig ni Marcelo
H. del Pilar sa Diyos at sa kanyang kadakilaan, sa mga biyayang
ibinibigay nito sa lahat ng nananampalataya sa kanya. Pansinin ang
isang bahagi.

Di cailangan, capatid co, ang magbucas ca’t magbasa ng


filosofia o ng teologia at iba pang carunungan upang maranasan
mo anG cadaquilaan ng Dios.
50

Sucat ang pagmasdan iyang di-maulatang hiyas na


ilinaganap sa mundong pinamamayanan mo! Sucat ang
pagwariin mo ang sari-saring bagay rito sa lupa ay inihahandog
sa iyong pagpatid ng gutom at uhaw, pangsapi sa iyong
cahinaan, pangpawi sa iyong calumbayan, pangliwanag sa
iyong calimlan, at alin ca ma’t sino, ay sapilitang maiino mo na
may saing macapangyarihang lumalang at nagmamahal nang
walang tiguil sa lahat ng mga ito.

d. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – Ito ang tulang sumasagot


sa tula ni Herminigildo Flores na pinamagatang “Hibik ng Pilipinas sa
Inang Espanya.” Ito ay binubuo ng 82 taludtod. Isinasaad dito ang
paghingi ng pagbabago sa Espanya ngunit ang sagot ay walang
anumang tulong ang maipagkakaloob nito sa bansang Pilipinas.

e. Pasiong Dapat Ipag-alab ng Puso ng Taong Babasa – Tulong


maglantad sa kasamaan ng mga Prayle.

f. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – Katumbas ito ng tula ni Rizal na


pinamagatang “Amor Patrio” na nalathala sa “Diariong Tagalog” at
“La Solidaridad”.

g. Ang Kalayaan – Bahagi ito ng isang kabanata ng aklat na hindi niya


natapos. Napapalooban dito ang mga huli niyang habilin para sa
kanyang mga kababayang patuloy na nagmamahal sa Inang Bayan.

❖ GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)

a. Fray Botod – Sa akdang ito inihalintulad ang mga prayle sa mga


payat na lamok na nang dumating sa Pilipinas ay tumaba sa kakakain
ng mga papaya at saging. Isa itong satire na tumutuligsa sa
moralidad, kamangmangan, kayabangan at pagmamalabis ng mga
prayle.

b. El Bandolerismo en Filipinas – inilalarawan sa akdang ito ang


dalawang uri ng bandido ng bansa: ang mga tulisang gubat at mga
tulisang bayan.

c. La Hija del Fraile – Isang akdang nang-uuyam sa masasama at


mahahalay na mga gawain ng mga prayle.

d. Mga Kahirapan sa Pilipinas – Tinuligsa rito ang maling


pamamalakad ng pamahalaan at simbahan gayun din ang maling
paraan ng edukasyon.
51

e. Sa mga Pilipino – Ito ay isang talumpating ang layunin ay mapabuti


ang kalagayan ng kanyang mga mamamayan.

❖ ANTONIO LUNA (1868-1899)

a. Impressiones – Ginamit sa akdang ito ang sagisag na “Taga-ilog.”


Dito niya inilarawan ang labis na kahirapang dinaranas ng isang
pamilyang naulila sa ama na isang kawal.

b. La Maestra de mi Pueblo – Pinipintasan dito ang sistema ng


edukasyon ng mga kababaihan.

c. Noche Buena – Ito ay isang paglalarawan sa aktwal na buhay ng


mga Pilipino.

Maghanda sa pagsagot ng
gawain sa kasunod na pahina.
52

MGA KAALAMAN MULA SA NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO

PANGALAN ____________________________ ISKOR _____________


KURSO ________________________________ PETSA _____________

I. Salungguhitan sa loob ng panaklong ang tamang sagot sa pahayag.

1. Ang hapunan ay inihanda ni (Kapitan Tiago, Tenyente Guevarra, Padre


Camorra) kay Ibarra.
2. Nakita ni Ibarra ang dating mga kaibigan ng amang si Don (Ismael,
Rafael, Saturnino) Ibarra.
3. Sa (hapag kainan, sala, bulwagan) ininsulto ni Padre (Damaso, Irene,
Sybila) si Ibarra.
4. Sa (daan, sementeryo, ilog) ipinagtapat ni Guevarra ang tunay na
nangyari sa ama ni Ibarra.
5. Nalaman ni Ibarra sa (sepulturero, sapatero, tindero) na pinahukay ang
bangkay ng ama.
6. Itinapon ang bangkay sa (dagat, lawa, ilog) ng (sepulturero, pari,
tenyente).
7. Sa halip na (mamangha, maghiganti, magmaktol) ipinagpatuloy ni Ibarra
ang proyekto ng ama na
8. magpatayo ng mga (botika, pagamutan, paaralan) upang matulungan
ang mga kababayan.
9. Nakilala niya at naging kaibigan si (Basilio, Isagani, Elias) na laging
tumutulong sa kanya.
10. Si Simoun ay isang (mangangahas, mang-aalahas, mambubuso)
11. Siya ay naging tagapayo ng (heneral, tenyente, hari)
12. Si (Isagani, Basilio, Juanito) ang unang nakatuklas sa tunay na pagkatao
ni Simoun.
13. Si (Isagani, Basilio, Juanito) ang nagsiwalat sa magaganap na pagsabog
ng bomba sa kasalan.
14. Nabatid ng lahat ang lihim ni Simoun sa (kasal nina Paulita, kay Padre
Florentino, pista ng bayan)
15. Namatay si Simoun sa (pagbaril sa sarili, pag-inom ng lason, pagbigti)
53

PANAHON NG
HIMAGSIKAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga


Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at
pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan.
Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa
rin ng mga prayleng nangaghari rito.

Nang dahil sa pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang


sa pangkat ng “La Liga Filipina” na tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,
Apolinario Mabini, Jose Palma, Pio Valenzuela, at iba pa, ay nagsipagsabi na “wala
nang natitirang lunas kundi ang maghimagsik.” Ang naging laman ng panitikan ay
pawang pagtuligsa sa pamahalaan nang matamo ang inaasam na kalayaan.

Ang kinikilalang taluktok o pinakapader ng tahasang paghihimagsik ay sina


Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini.

❖ ANDRES BONIFACIO

Siya ang Supremo ng Katipunan, kilalang Ama ng Demokrasya sa


Pilipinas, at tinaguriang Dakilang Maralita at Dakilang Plebeyo. Sagisag niya
ang May Pag-asa, Bagumbayan at Agap-ito. Siya ang kauna-unahang nagsalin
ng Tagalog sa Mi Untimo Adios ni Gat Jose Rizal.

a. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – Tulang nagpapakilala sa malaking


pag-ibig sa Inang Bayan. Naging tema nito ang kamatayan ay
handang harapin kung ang dahilan ay pagtatanggol sa kalayaan ng
bayan.

b. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog – Nakasaad dito ang


magandang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino bago
dumating ang mga Kastila. Sinabi rito na nang dumating ang mga
Kastila, sila na ang nakinabang sa kayamanan ng bansa at naging
alipin ang mga katutubo.

c. Katapusang Hibik ng PIlipinas – Karugtong ito ng tulang “Hibik ng


Pilipinas sa Inang Espanya” na sinulat ni Herminigildo Flores.
54

d. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan – Kartilya ng


Katipunan

e. Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan – Isa itong


panawagan sa mga kababayan upang makipaglaban sa mga Kastila.

f. Huling Paalam – Ito ang tulang isinalin ni Andres Bonifacio mula sa


Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal. Siya ang kauna-unahang nagsalin sa
nasabing tula.
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip


at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng sangkatauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig ,pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman
umawit, tumula, kumatha’t sumulat
kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod.
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki


na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi..
55

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap


ng simoy ng hanging nagbibigay lunas
sa inis, na puso na sisinghap-singhap
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’t mahal.

❖ EMILIO JACINTO

Siya ang “Utak ng Katipunan” at kanang kamay ni Andres Bonifacio.


Sagisag niya sa panulat ang Dimas-ilaw at Pingkian. Naging patnugot siya ng
“Kalayaan”.

a. Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B. – Ito ang kartilyang ginamit


ng Katipunan. ito ay binubuo ng labintatlong aral na dapat sundin ng
kasapi.

b. Liwanag at Dilim – Katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang


paksa tulad ng ang Ningning at Liwanag, ang tao’y Magkakapantay,
Kalayaan, Ang Pag-ibig, Ang Bayan at Ang mga Pinuno, Ang
Gumawa, at Ang Maling Pananampalataya.

c. A Mi Madre – Isa itong madamdaming Oda.

d. A La Patria – Inihahayag nito ang marubdob na pag-ibig sa Inang


Bayan.

e. Pahayag – Isang manipestong humihikayat sa mga Pilipino na


ipaglaban ang karapatan.

f. Sa may Nasang Makisanib sa Katipunang Ito – Naglalaman ito ng


mga pamantayang dapat ugaliin ng mga kasapi sa Katipunan.

g. Sa Anak ng Bayan – Tulang nagsasaad ng pag-aalaala sa


kababayan.

h.
56

KARTILYA NG KATIPUNAN
(Emilio Jacinto)

1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang dakila at banal na kadahilanan ay


kahoy na walang lilim, kung ‘di man damong makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang


nasang gawin ng kailangan ay ‘di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at


ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katwiran.

4. Maitim man ay maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao ay magkakapantay-


pantay, mangyaring ang siya’y higitan sa dunong, yaman, sa ganda, ngunit di
mahihigitan sa pagkatao.

5. Dangal at hindi ang pagnanasang makasarili ang inu-una ng may dakilang


kalooban; pagnanasang makasarili at hindi ang dangal ang inuuna ng may
hamak na puso sa taong may hiya ang salita’y panunumpa.

6. Huwag mong sayangin ang panahon, ang yamang wala’y mangyayaring magbalik
ngunit panahong nagdaan na’y hindi na muli pang magdaraan.

7. Ang taong matalino ay may pag-iingat sa bawat sabihin at marunong maglihim


ng dapat ipaglihim.

8. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ang siyang patnugot ng asawa’t mga


anak kung ang umaakay ay tungo sa kawamaan, ang patutunguhan ng inaakay
ay kasamaan din.

9. Ang babae ay huwag mong ituturing na isang bagay na libangan lamang kundi
isang katulong at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan. Gamitin mo
nang buong pitagan ang kanyang kahinaan at alalahanin ang inang nagbuhatan
at nag-iwi sa iyong kasangulan.

10. Ang hindi ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong gagawin sa
asawa, anak at kapatid ng iba.
57

ANG NINGNING AT LIWANAG


Emilio Jacinto

Ang liwanag ay kinakailangan ng mga mata upang mapagwari ang buong


katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning,


ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating harapin ang liwanang, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa


katunayan ng masamang kaugalian, nagdaraan ang isang karwaheng maningning na
hinihila ng kabayong matutulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao
ang nakalulan. Datapwa’t maaari namang isang magnanakaw, marahil sa ilalim ng
kabayong ipinagtatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang
isang pusong sukaban.

Magdaraan ang isang maralitang nagkakandahirap sa pinapasan. Tayo’y


napapangiti at isasaloob. Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita
sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan siya’y nabubuhay sa sipag
at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating nangungugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at


pagtakwil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang tao at ang bayan ay namumuhay sa
hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang loob ng inaakay ng kapalaluan at ng
kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalung-lalo na nga ang mga hari
at mga pinuno na pinagkakatiwalaan na sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon at
walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan sa kanila ng kapangyarihang ito. Tayo’y sumasampalataya sa
maningning, huwag nating pagtakhan na ang mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at
nagbalatkayo nang maningning.
58

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahayinan ng puspos na galang ay ang


maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit na sino ay walang
magpapaningning pagkat hindi natin pahahalagahan, at ang mga isip at akdang ano
pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag


mapagmalas ng mga matang tumatanghal ng kanilang kapangitan, ngunit ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na
napatatanaw sa paningin.
Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng
katotohanan nito.

Mapalad ang araw ng liwanag.

Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto kaya ng kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang kaapihan?

❖ APOLINARIO MABINI

Siya ang kanang kamay ni Heneral Emilio Aguinaldo nang maitatag ang
Republika ng Pilipinas. Tinagurian siyang Utak ng Himagsikan at Dakilang
Lumpo.

a. El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos)

b. El Simil Alejandro – (Ang Katulad ni Alejandro) – Ito ang akdang


nagpatapon sa kanya sa Guam dahil sa pagtuligsa sa pamahalaang
Amerikano.

c. Sa Bayang Pilipino – Napapaloob dito ang walang kamatayang


pagpapahalaga sa bayan.

d. El Desarollo y Caida de la Republica Filipino – Naglalaman ito ng


paliwanag sa pagtaas at pagbagsak ng Republikang Pilipino.

e. Programa Constitucional de la Republica Filipina - Ito ang


palatuntunang pansaligang batas ng Republika ng Pilipinas.
Nilalaman nito ang mga balak para sa pambansang pamahalaan at
edukasyon.

❖ JOSE PALMA
Isang kawal sa himagsikan na tinaguriang “Ang Mandirigmang Umaawit
sa Gitna ng Labanan.” Ginagamit niyang sagisag sa pagsulat ang Dapithapon.
59

a. Himno Nacional Filipino – Kathang nagpapatunay sa masining at


marubdob na pag-ibig sa bayan. Ito ay nilapatan ng musika ni Julian
Felipe. Ito ay unang inawit nang iwagayway ang bandila sa BIAK-NA-
BATO.

b. De Mi Jardin – isang tulang nagsasaad ng pangungulila sa


minamahal katulad ng bulaklak na naluluoy kung mawala sa mga
sanga at dahon.

c. Malancholias (Mga Panimdim) – Ito ang pamagat ng aklat na


katipunan ng mga tula.

Pagbubuod tungkol sa mga Propagandista at Katipunero

Mga Propagandista at mga Akda Mga Katipunero at mga Akda


Dr. Jose Rizal – sagisag ang Dimasalang at Andres Bonifacio – supreme, Ama ng
Laong Laan. Tinawag siyang Bayani ng Katipunan, Ama ng Demokrasyang
Lahing Kayumanggi at Dakilang Henyo. Pilipino, dakilang Maralita, Dakilang
Plebeyo, at Namumukod na Makata.
Akda: Huling Paalam, Noli Me Tangere, El Kabilang siya sa trilohiya nina
Filibusterismo, Ang Katamaran ng mga Herminiigildo Flores at Marcelo H. del
Pilipino, Kundiman, Sa Aking mga Kababata, Pilar, Sagisag niya sa panulat ang May
Ang Sanggol na si Jesus, Brindis, Sa mga Pag-asa, Bagumbayan, at Agap-ito.
Kababaihang Taga-Malolos, Ang Pilipinas sa
Loob ng Sandaang Taon, A L a Juventud Ilan sa mga Akda: isinalin ang Mi Ultimo
Filipina, El Consejo de Los Dioses, Pinatutula Adios sa Tagalog, Pag-ibig sa Tinubuang
Ako, Sa Kaarawan ni Ina, Sa Tabi ng Pasig, Lupa, Katapusang Hibik ng Pilipinas, Mga
Sa Mahal na Birhen, Awit ni Maria Clara, ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, at nag
Ligpit Kong Tahanan, Sa mga Bulaklak ng isang kartilya na pinamagatang
Heidelberg, Dalit sa Paggawa, at iba pa. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng
Bayan.
Marcelo H. del Pilar – sagisag sa panulat ang
Plaridel, Piping Dila at Dolores Manapat. Emilio Jacinto – sagisag sa panulat ang
Tinawag siyang Prediktor ng Masa. Dimasilaw at Pingkian. Nakilala siya bilang
Utak ng Katipunan at Kanang kamay ni
Akda: Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Andres Bonifacio.
Dasalan at Tocsohan, at Sagot ng Espanya sa
Hibik ng Pilipinas. Akda: Kartilya ng Katipunan, Liwanag at
Dilim, A Mi Madre, at A La Patria.
Graciano Lopez Jaena – kabilang sa tasulok
ng tampok na propagandista. Apolinario Mabini – tinaguriang dakilang
lumpo at Utask ng Himagsikan. Naging
Akda: Fray Botod, Ang Bandido sa Pilipinas, katulong sa pagbabalangkas ng Saligang
La Hija del Fraile, Mga Kahirapan sa Pilipinas, Batas ng Malolos.
Sa mga Pilipino, at 100 na tula.
Akda: Ang Himagsikang Pilipino, Sa
Antonio Luna – sagisag ang Taga-ilog. Bayang Pilipino, ang Pahayag, El
60

Desarollo Y Caida de la Repudlika Filipina,


Akda: Impressiones, La Maestra de mi El Verdadero Decalogo, at ang Pagpapalit
Pueblo, Noche Buena, Sila ay Naglilibang, Sa ng Ilang Titik sa Alpabetong Pilipino.
Madrid, Ang Handaang Pilipino, at Bahay
Pangaserahan. Julian Felipe – ginawa niya ang
kasalukuyang tugtuging pambansa na ang
Pedro Paterno – bilang makata, nobelista at unang naging pangalan ay Marcha
dramaturgo, kabilang siya sa tatlong panahon Magdalo. Upang magkauring pambansa
ng panitikang Pilipino, propaganda, ay pinalitan ni Hen. Aguinaldo ng
himagsikan, at panahon ng mga Amerikano. pangalang Himno Nacional Filipino at
unang tinugtog nang pasinayaan ang
Akda: Ninay, El Cristianismo Y La Antigua kasarinlan noong Hulyo 12, 1898.
Civilization Tagala, Sampagita, A Mi Madre,
El Alma Filipino, Los Itas.
Jose Palma – noong Setyembre 3, 1899,
Mariano Ponce - masugid na katulong ng ang Pambansang Awit ay kanyang
tatlong pangunahing propagandista nilapatan ng titik sa wikang kastila. Ito
nama’y isinalin sa Pilipino no Cirio H.
Akda: Pagpugot kay Longinus, Mga Alamat Panganiban.
ng Bulacan, Ang mga Pilipino sa Indo-China
at ang The Literature of the Propaganda
Movement.

Pascual Poblete – kauna-unahang nagsalin


sa Noli Me Tangere sa Tagalog at nakilala
bilang Ama ng Pahayagang Tagalog.

Herminigildo Flores – ang may akda sa


Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.
61

PANAHON NG
AMERIKANO

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na


sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang dantaon. Naiwagayway ang ating bandila
noong ika-12 ng Hunyo, 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan. Nahirang si
Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas subalit
ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga
Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-amerikano na siyang naging sanhi ng
pagsuko ni Heneral Miguel Malvar noong 1903. Gayunpaman, ang kilusang
pangkapayapaan ay nagsimula noon pang 1900. Maraming Pilipino noon ang
nagsalong ng sandata at muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming
makabayan ng mga kababayang ito ay hindi nakuhang igupo ng mga Amerikano,
bagkus ay lalong naging maalab pa.

Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad


ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa. Maliwanag na mababasa
sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.

TALINGHAGA SA PALASALITAAN
Lope K. Santos

Naniningalang pugad pa lamang nang si Inggo ay tablan ng pag-ibig sa bagong


sumisibol na si Lilay na taga-ibang nayon. Ngunit nakaraan ang ilang taon na kapwa
iginulang na nila nang kaunti sa pagkabinata at pagkadalaga ay hindi man lamang sila
nagkakausap, kundi sa mga mata lamang, ito ay dahil sa kahinaan ng loob ni Inggo
at ng kahigpitan ng mga magulang ni Lilay.

Makailang idinaan sa sulat ni Inggo ang pagpapahayag ng kanyang pag-ibig,


ngunit minsan ma’y ,di nakatanggap ng kasagutan. Isa sa mga sulat na iyon ay tulang
pagawa niya sa isang Huseng Sisiw sa kanilang nayon na nagsisimula ng ganito.

“Ang unang bati ko’y kasabay ng luhod, gaya ng pagbati ng Anghel kay
Hesus…”

At nagtatapos sa paganito.

“Ititigil ko na ang lakad ng pluma, pluma ang titigil, hindi ang pagsinta.”
62

Datapwat, ito man ay parang nagbuhos ang kanyang pagnanais kay Lilay. At
isang umagang nag-iisang galing ito sa simbahan ay naglakas-loob ang binata na
sumunod. Ngunit bago pa lamang siyang nagbibigay ng “Magandang araw po,” si Lilay
na nakaramdam kaagad na ibig siyang sabayan ng binata ay nagsalita na nang may
kahayapan.

“Ang lansangan po ay para sa paglakad, ang bahay ay para sa pag-uusap.”

Natigilang sandali si Inggo, na parang inisip-isip ang kanyang narinig. At nang


masakayan ang talinghaga ay tumalinghaga din naman.

“Kung naaabot po ang kamay, kailangan pa kaya ang dumukwang?”

Napa-aba ang dalaga, sabay titig sa binata bago nagsalita ng patanong:

“Bakit pa po tayo may magulang kung tayo ang masusunod na lamang?”

At nang si Inggo ay hindi pa rin kumikibo at napakagat-labi lamang si Lilay


ay nagsalita uli.

“Ang ibig ko pong sabihin sa inyo, bago pasadulo, pasapuno muna kayo.”

Nabuhayan na ng dugo ang binata at ang naipagbangong – puring sagot ay:

“Sa puno ay magdaraan po ako, kung maaasahan ko ang dulo.”

Na agad namang tinugon ng dalaga, may kasabay pang ngiti at pungay sa mata:

“Pag sa matinik na puno kayo’y nakaraan, ang minimithing dulo’y inyong


maaasahan…”

Sa di kawasa, si Inggo ay naging asawa ni Lilay.


63

MALING EDUKASYON SA KOLEHIYO


Jorge Bacobo

Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon ang


itinuturo sa kolehiyo ay maling edukasyon? Ang sagot ko rito ay “Oo”. Isa itong
kabalintunaan, subalit hindi maitatatwang isang katotohanan. Naniniwala tayong
lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad kung kayat tayo ay nag-aaral.
Datapuwat katulad ng paraan upang mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang
edukasyon upang magtayo o maggupo, magturo o manlinlang.

Nagkaroon ng pagkakataong suriin ang mga patakaran at kaisipan sa loob ng


sampung taon na paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas. Karamihan sa mga
estudyante ay nakatupad sa iniatas sa kanilang tungkulin sa ilang aspekto ng
edukasyon sa unibersidad. Subalit malungkot aminin na ang kilos at pag-iisip ng
maraming estudyante ay nagbibigay-daan sa pagkabansot ng isipan, sa pagkatuyo
ng puso at pagkitil sa kaluluwa. Hindi tunay na edukasyon ang nagaganap sa
unibersidad. Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayaran
ng mga estudyante ng mataas na matrikula at hindi mabilang na sakripisyo.

Una, nariyan ang di-rasyunal na pagsamba sa mga pahina. Ano ang sinasabi
ng aklat? Ang pinakamahalagang tanong sa isip ng mga estudyante tuwing
kakaharapin nila ang mga suliraning kinakailangan nang gamitan ng pangangatwiran.
Maraming estudyante ang halos mabaliw sa paghahagilap ng mga impormasyon
hanggang sa maging kasintaas ang mga ito ng bundok, at ang isip ay madaganan ng
datos. Wala nang ginawa ang mga mag-aaral kundi ang mag-isip kung paano dadami
ang impormasyong hawak nila, sa ganoon, nawawala ang kanilang kakayahang mag-
isip sa malinaw at makapangyarihang paraan ang mag-isip para sa kanilang sarili.

Pangalawa, ginawang pangunahing layunin ng maraming mag-aaral ang


pagiging mahusay na propesyunal. Ipinasya nilang maging magaling na abogado,
medico, inhenyero, guro at magsasaka. Hindi na ako titigil upang usisain kung
gaanong kabigat na sisi ang ilalatag sa pintuan ng unibersidad dahil sa hindi
makatuwirang empasis ng espesyalisasyon. Hindi naitatawang malakas ang
kalakarang naturan subalit hindi naman lamang tayo mag-isaip upang tingnan ang
kabayaran nito. Naniniwala ako na walang kabuluhan ang edukasyon kung hindi ito
pinalalawak ang pananaw ng tao, pinalalalim ang kakayahang dumamay at
pinaghahandog ng gabay tungo sa matalinong pagkukuro ay malalim na damdamin.
Ilan sa mga mag-aaral ang nagbabasa ng panitikan? Nagbabasa tayo ng walang
64

kamatayang tula subalit hindi tayo naaantig ng kanilang tinig at waring isang
estatwa na taglay ang walang lipas na kagandahan ng guhit ng iba pang katangian,
subalit para sa atin, isa lamang kopyang walang halaga. Sasabihin ninyo sa akin, iyan
ba ang uri ng buhay na dadayuhin sa kolehiyo?

Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesyalisasyon, na nakapako sa tagumpay


sa propesyon sa hinaharap, ang pananaw sa buhay. Nanganganib na maging makitid
at hindi maganda ang ating pilosopiya sa buhay sapagkat nasanay na tayong mag-
isip ng tungkol lamang sa maalwang buhay na material. Oo nga’t kailangan nating
maging praktikal. Hindi natin lubusang masasagot ang katanungan kung hindi natin
lilinangin ang wastong saloobin at paniniwala nang sa gayon ay maihiwalay natin ang
latak sa ginto, ang ipa sa palay ng buhay. Dapat nating isagawa ito hindi pagkaraan
ng pagtatapos kundi bago magtapos sa unibersidad.

Sa pangwakas, napansin ko sa mga estudyate natin ang sumusunod:


kakulangan ng pansariling pagpapasya at pagmahal sa walang lamang pilosopiya dahil
sa pagsamba sa pahina at pagmamadaling paghahanap ng mga impormasyon, ang
unti-unting pagkitil sa kakayahang maantig na kagandahan at kadakilaan dahil sa
espesyalisasyon, at ang pagpapabaya sa tungkuling bigyan katuturan ang pilosopiya
sa buhay na bunga ng labis na empasis sa pagsasanay tungo sa pagiging isang
propesyunal.

PAGTATAPAT
Lope K. Santos

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip, Hangad kong kung ika’y siyang nag-uutos
Sa ulo mo’y ako ang buong masilid Akong ako lamang ang makakasunod
Ibig kong iyang mata’y tumititig Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog
Sa balintataw mo’y ako’y mapadikit Kaluluwa ko lang ang makakapulot

Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig Hangad kong sa harap ng iyong alindog
Ang labi ko’y siyang lumasap ng tamis Ay diwa ko lamang ang makakaluhod
Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib, Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog
Bulong ng dibdib ko ang iyong maririnig Kamanyang ko lamang ang iyong
naisusuob.
65

KAHIT SAAN
Jose Corazon de Hesus

Kung sa mga daang nilalakran mo Kung tumitingala ka sa gabing payapa


May puting bulaklak ang nagyukong damo At sa langit nama’y may ulilang tala
Na nang dumaan ka ay biglang tumungo Na sinasabugan ikaw sa bintana
Tila nahihiyang tumunghay sa iyo Na kanyang malungkot na sing ng luha
Irog, iyo’y ako! Iya’y ako, Mutaya!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga
Nilalapitan ka at titingin-tingin Isang paruparo ang iyong nakita
Kung sa iyong silid pasok na magiliw Nasa masetas mong didiligan sana
At ikaw’y awitan sa gabing malalim Ang pakpak ay wasak at nanlamig na
Ako iyon, Giliw! Iya’y ako, Sinta!

ANG PANDAY
Amado V. Hernandez

Kaputol na bakal na galing sa bundok ng lumang araro’y pinagbagang muli


Sa dila ng apoy, kayang pinalambot At saka pinanday nang nagdudumali
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok Naging tabak namang tila humihingi
At pinagkhugis sa nasa ng loob. Ng paghihiganti ng lahing sinawi

Walang anu-ano’y naging kagamitan Kaputol na bakal na kislap ma’y wala


Araro na pala ang bakal na iyan Ang kahalagahan ng ‘di matangkala
Ang mga bukiri’y payapang binungkal Ginawang araro, pambuhay ng madla
Nang magtanim na’y masayang tinamnan Ginawang sandata, pananggol ng bansa

Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi
At ang buong bayan ay bulkang sumubo Bakal na hindi man maipagmamalaki
Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo Subalit sa kanyang kamay na marumi
Pagkat may laban ng nag-aalimpuyo Nariyan ang buhay at pagsasarili.

PUSO
Victorino Balbin

Amangan ngata a nagnam-ay Saan a kas ita nga adu’t lalaki


No ditoy lubong ni ayat agturay A nasidunget, agindadakkel, natanggi,
Ta no adda puso a malmalday Kasta met nga adu dagitay babbai
Adda met puso a manglinglingay. A managinkukuna, awan ayat ken asi.
66

Pudno a nasam-it ti biag Maysa pay, saan aya nga imbilin


Tay addaan kaayan-ayat Ni Jesu Cristo daytoy a kababalin?
Tapno adda sagabaenna a sugat Ket idinto a Dios mabalin aya ngamin
Adda nalag-an nga ima a mangdayas. Nga imbilinna ti saan a mabalin?

Wen, natamnay ti biag Kinonana, “Agayan-ayatkayo


Tay awanan kaayan-ayat Iti maysa ken maysa kadakayo,”
Uray pirakna amin a pirak Saan pay imbilin nga insilpo,
Uray siribnat’ agluplupias. “Ayaten pay dagiti kabusoryo.”

Ania ngata no mairuam tayo Ubogem a nalaing dagitoy Ulo;


Nga agkikinaasi, agdidinungngo Ngem banbannog mo, ulawennaka ta
Bin-ig nga isem, lailo ken karayo, sirib mo
Anian a nagsam-it, makaay-ayo! Ag dumog ka laengen iti bilin ni
Cristo
Inton kastoy ti maaramid Ket agpakumbabakan iti sao ni Puso.
Bin-igton a dandaniw nga agkakasam-
it Ala, aglisi kan, Ulo, iti trono,
Toy daga saanton a yan ti sangsangit Ta sumublat metten ni Puso;
No di ket agbalin a bassit a langit. Tay daga pinagbalin mon a purgatorio
Ngem siak pagbalinek to a Paraiso.
Ngem ni “Ulo” arigkola Makita,
Nga agngilangil ket kunana; Utopia
Dardarepdep, pulos a parparmata Nakasdaaw ni ayat!
Ket pulos nga awan panakabalinanna. Pasam-itenna ni patay
Amin a rigat laglag-anenna,
Ngem isungbatko met kenkuana ragsakenna pay
Nga isu ti agar-arapaap, At talugading ti puso, palimed ni
agfilfilosofia; ayat,
Ni “Puso” aawenna ti mariknana, A di maawatan ti ulo, puso lat’
Ket ti agsao’t mariknana awan ulbod makaawat
na.
67

PANAHON NG
HAPON

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-1945 ay


nabalam sa kanyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa
namang dayuhang mapaniil – ang mga Hapones. Natigil ang panitikan sa Ingles.
Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay
pinatigil ng mga Hapones.

Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Patuloy na


umunlad ito sapagkat ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa
Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa Ingles ay nabaling sa pagsulat sa
Tagalog.

Ang lingguhang Liwayway ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na


pagmamatyag hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang Ishikawa.

Sa madaling salita, nabigyan ng puwang ang Panitikang Tagalog nang


panahong ito. Marami ang mga nagsisulat ng dula, tula maikling kuwento, at iba pa.
ang mga paksain ay pawang natutungkol sa buhay lalawigan.
HAIKU
Gonzalo K. Flores

TUTUBI

Hila mo’y tabak


Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo

TANAGA
Ildefonso Santos

PALAY

Palay siyang matino


Nang humangi’y yumuko
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
68

UHAW ANG TIGANG NA LUPA


Liwayway Arceo

Ang kuwento ay tungkol sa uhaw na pagmamahal ng isang anak sa kanyang


magulang at uhaw na pagmamahal din ng ina sa kanyang asawa na inihahambing sa
pagkauhaw ng tigang ng lupa sa tubig, sa hamog.

Naging kapansin-pansin ang ilang gabi nang hindi makatulog ang ina. Malalim
ang kanyang paghinga at laging malungkot kung tumitig at kung minsan ma’y impit
na hikbi.

Ilang araw na ring hindi niya nadadalaw ang aklatan at ilang araw nang hindi
niya nasasalamin ang isang larawang mahal sa kanya. May bilugang mukha, malapad
na noo, at singkit na mga mata. Ang kanyang noo at mata ay kuha sa ama niya
samantalang ang ilong niya na parang tuka ng loro at maninipis na labi ay sa kanyang
ina.

Hindi palakibo ang kanyang ina. Matipid siyang mangusap. Bihira siyang
magalit at maikli ang kanyang pananalita. Pag sinasabi niya “lumigpit ka!” ay ‘di ka
niya ibig makita. Ang ngiti niya ay parang patak ng ulan kung tag-araw. Ang batang
puso ng anak ay tigang na lupang uhaw na uhaw.

Ni minsan ay ‘di niya nakitang nagkagalit ang kanyang ama’t ina. Marahil ay
sapagkat kapwa sila laging nagbibigayan sa isa’t isa.

Kung minsan ay hinahanap niya ang pagkukuwento ng isang ama at


pagmamasid ng isang ina at may mga batang masayang nakikinig.

Sa halip ay lagi niyang manamalas ang ama na nagsasalita sa kanyang


pagmamakinilya, sa kanyang pagbabasa, minamasdan niya ang pagkunot ng noo nito,
ang pagbuga ng sigarilyo at kung paano mag-isip at magpatuloy sa pagsulat.

Ang kanyang ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi at


nagbuburda at para siyang kapanapanabik na kuwento ngunit ito’y napapawi.

Nababagot ang anak sa kanyang pag-iisa, nananabik siya sa isang sanggol na


kapatid o isang mapaghihihangahan ng sama ng loob.
69

Kung hindi man nagkakagalit ang kanyang ama’t ina ay hinahanap din niya ang
magiliw na paglalambingan o pagbibiruan.

Kung nagpapaalam ang ama ay isang sulyap na “alis na ako” at isang panakaw
na sulyap.

Mabibilang sa daliri ang pamamamasyal ng mag-anak. Malimit ay ang ina ang


kasama. Hindi rin namamasyal ang mag-asawa.

Inuumaga ng pag-uwi kung minsan ang kanyang ama. Ngunit di-kapansipansin


ang kakaibang kilos ng ina. Wala kang maririnig na pagsisisi sa ina.

Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsan ay may ibinalik na maliit na
aklat ang tagalaba, nakuha niya sa lukbutan ng ama at ibinigay sa ina, yaon ay
talaarawan.

Kinabukasan, may bakas na luha sa mata ng ina at lalong ‘di naging palakibo
at malungkot. Ano ang nasa talaarawan?

Isang gabi, nalasing na naman ang ama. Kakaiba ang kalasingan ngayon at
hinilamusan ng inang ‘di kumikibo ngunit nasa mata ang pagtutol.

Idinaing ng ama ang dibdib at ulo at sinabi na “marahil ay sisipunin ka”.

Isang panyong basa ng malamig na tubig ang itinali ng anak sa ulo ng ama at
binuhusan ng mainit na tubig na pinaglagaan ng dahon ng alagaw at nakangiting
sinabi ng ama na “manggagamot pala ang aking dalaga!”.

Nakaratay ang ama ng ilang araw. Hindi ito hiniwalayan ng ina. Ayaw
ipagtapat sa anak ang tunay na karamdaman nito.

Ipinaayos ng ama sa anak ang kanyang hapag. Idinikit ang kuwentong


kalalathala pa lamang. May nakita siyang pelus ng rosas at isang salansan ng mga
liham. Nakatitik ang pangalan ng ama at tanggapan sa sobre.
70

Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas ang mukha at ilong na
parang loro at nakasulat ang “sapagkat ako’y hindi nakalimot,” walang lagda ang
larawan at biglang napoot at naghihinanakit ang dalaga sa ama.

Sa isang liham ay nakasaad ang sumusunod. Na sila’y pinaglapit ng tadhana


sa isang pagkakataong mayroon ang sagwil o hadlang sa kanilang kaligayahan. Wala
na sila sa gulang ng kapusukan upang dayain ang kanilang mga damdamin ngunit
mayroon nang nakapagitan sa kanila kaya sa pangarap na lamang nila ito bubuhayin
at sanay huwag na silang magising sa katotohanan.

Nakita niya ang babae sa panaginip; sinusumbatan siya ngunit ‘di niya balak
magwasak ng tahanan sapagkat sinumang bahagi ng kanyang buhay ay mahal din niya
at hindi dapat paluhain.

Ang pag-ibig nila ay isang dula na sila ang pangunahing tauhan; sila ang
nagsimula at sila ang magwawakas. Hinihiling lamang nilang tulungang pawiin ang
kalungkutang halos papatay sa kanya.

Nadaman na lamang ng anak ang kamay ng ina sa balikat; ‘di niya namalayang
pumasok ito sa aklatan. Nakita niya ang larawan sa kahitang pelus na rosas.
Natunghayan niya ang liham. Dumating at umalis ang ina na walang nasasambit ni
isang kataga. Tanging ang bigat ng kanyang kamay sa balikat ng anak ang nadama.
Lalong nanahimik ang ina at iniwasang magsalubong ang titig ng anak ngunit
nakabadya ang labis na kalungkutan.

Hinihingi ng ama ang mga panulat sa aklat-talaan ngunit nang sinabi ng anak
na makasasama sa kanya ay sinabing, ngayon ang aking anak susulat ng ukol sa akin.
Ibig niyang tumutol ngunit hindi niya ito nabigkas.

“Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!” anang ama.

Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi
pag – ibig tuwina. Halos kasinggulang siya ng anak nang pakasalan niya ang ina ng
dalaga. Labing walong taong gulang at ayon sa kanya kung minsan ay ikaw na rin ang
nagbibigay ng kalungkutan sa iyong sarili o dalahin sa habang buhay.

Malimit na mawala ang diwa ng ama samantalang ang ina ay patuloy sa ‘di
pagkibo, ‘di pagkain, ‘di pagidlip, patuloy sa pagluha kung walang makakakita.
71

Dumantay ang kamay ng ama sa noo ng anak at pinatakas ang tinitimping sama
ng loob sa pagdadaop ng mga ngipin at labi nito.

Nagsalita ang ama. Magaling na ako, mahal ko, maaari na tayong tumungo…
ang moog na kinabibilangan ko’y aking wawakasan… sa anumang paraan.

Naluha ang ina at pumatak sa bibig ng ama. Iminulat ng ama ang mabigat na
talukap ng mga mata at nakatitigan sila ng ina.

Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong magsalita. Sabihin mo, mahal
ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko.

Kinagat ng ina nang mariin ang labi at sinabing…. “Maaangkin mo na, mahal
ko!”

Hinagkan ng ina ang ama at sabay ng paglisan ng isang kaluluwa at wala nang
luhang dumaloy sa mga iyon.

Tiyak na liligaya na ang kaluluwa nito.


72

PANGALAN ________________________________ ISKOR __________________


KURSO, TAON, SEK. __________________________ PETSA _________________

I.Ipaliwanag ang sumusunod:

1.Ano ang pagkakaiba ng haiku at tanaga?

2.Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng haiku at tanaga. Ipaliwanag ang mensahe


ng mga ito.
73

PANGALAN ________________________________ ISKOR __________________


KURSO, TAON, SEK. __________________________ PETSA _________________

I. Sagutin ang sumusunod:

1. Bakit pinamagatang “Lupang Tinubuan” ang kuwentong sinulat ni


Narciso Reyes?

2. Talakayin kung bakit hindi maligaya ang pamilya sa “Uhaw ang Tigang
na Lupa”?
74

PANAHON NG
ISINAULING KALAYAAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang paghihintay ng ma Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano


ay natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at mga namundok na gerilya
nang may higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng
mga Amerikano.

Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat
dito isinauli ang kalayaan. Ibinaba sa Tagdan ang bandilang Amerikano at mag-isang
iwinagayway ang bandilang Pilipino. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa
unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga Pilipino.

Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino nang panahong ito. Ang halos
naging paksa ng mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, ang kahirapan
ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones, ang kabayanihan ng mga
gerilya at iba pa.

Sa kalagayan ng panitikan sa panahong ito, tila naging mapaghangad sa


makukuhang gantimpala ang mga manunulat sapagkat bago pa sumulat ng anumang
akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking
halaga. Gayunpaman ay hindi rin tahasang masasabi na walang-wala nang sinumang
nagtataglay ng pag-ibig sa sining ng panulat.

Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad
ng Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang Sinag Tala at iba pa. Maraming aklat ang mga
nalimbag sa panahong ito at marami ring akdang nasulat.
75

ANG AKLAT NG BUHAY


Inigo ed Regalado

Ang pangaral ng matanda ay pamaraang walang mali kayamanang taglay natin habang
buhay.,, hanggang libing.

Ang matanda’y nasimula sa pangaral na patula:

Pakinggan mo, aking bunso, itong mga sasabihin


na sa aking katandaa’y parang huling tagubilin
sa puso mo ay ingatan at diwa’y kandilihin
balang araw ay tutubo’t parang utang na singilin.

Sambahin mo’t dakilain ang mataas na Bathala


ang pagsamba’y diligin mo ng muni’t nang manariwa;
ang sarili’y para mo na ring pawawalan ng bahala
kung ang Diyos ay hindi mo itanim sa puso’t diwa.

Mahalin mo habang – buhay ang Bayan mo at ang lahi


oras-oras, sa kilos mo, ay itanim sa pangwari;
ang paglimot sa bayan mo, sa sarili’y pag-aglahi
pagwawaksi’t pagwawaldas sa likas na mga ari.

Igalang mo’t arugain ang nagkupkop na magulang


oras-oras dinggin mo ang palihim na awitan;
kahit ka na naghihirap, kasaluhin sa dinulang
kahit mo na ikasawi, aliwin sa panambitan.

Bigyan mo ng karangal’t dakilain ang sarili,


Sa tukso ng kamunduha’y hindi dapat mamarati;
busabos ng ‘di-marunong sa sarili’y kumandili,
isang hamak ang sa lusak ay masabing nahirati.

Sikapin mong lumigaya’t tumahimik sa tahanan,


maging pugad ang marilag at mapuring kapalaran;
ang ligalig sa buhay mo ay dapat na paglabanan kung
nais man sa panata ay ‘di bagay na tawaran.

Ang anak mo’y alagaan sa marubdob na pagsuyo,


sikapin mong sa sarili’y huwag siyang maging laho;
tipandas sa paglaki kung sa sama marahuyo
sa lahi mo’t sa bayan mo’y isang tinik ng balaho.
76

PANGALAN __________________________ ISKOR ____________________


KURSO, TAON, SEK. ___________________ PETSA ____________________

ANG AKLAT NG BUHAY

I. Isa-isahin ang pangaral ng matanda na naibahagi sa akdang Ang Aklat ng Buhay.


77

PANAHON NG
BAGONG LIPUNAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972.


Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak.

Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga


akda tulad ng Luntiang Rebolusyon, pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain, drug
addiction, polusyon, at iba pa. Pinagsumikapan ng Bagong Lipunan na baguhin ang
mga babasahing malalaswa gayundin ang mga akdang nagbibigay ng impluwensya
sa moral na mga mamamayan. Ang lahat ng mga pahayagang pampaaralan ay
pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaaralan.

Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagong kagawaran na tinawag na


“Kabatirang Pangmadla” upang siyang mamamahala at sumubaybay sa mga
pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan.

Muling naibalik ni Imelda Marcos sa pagpapanibagong-buhay ang mga


sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka, at iba pa. Ipinatayo niya ang
CCP, Folk Arts Theater, at Metropolitan Theater. Naging laganap noon ang pag-awit
sa wikang Filipino. Maging ang mga ipinapadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin
ang inaawit.

Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos idiklara ang Batas Militar, ang
sumusunod na “SLOGAN” ng Bagong Lipunan ay nabasa at narinig ng mga
mamamayan:

“Sa ikauunlad ng bayan “Tayo’y kumain ng gulay


Disiplina ang kailangan” Upang humaba ang buhay”

“Magplano ng pamilya “Ang pagsunod sa magulang


Nang ang buhay ay lumigaya” Tanda ng anak na magalang”

“Tayo’y magtanim “Tayo’y magbigayan


Upang mabuhay” At huwag magsiksikan”
78

Ganito ang ilan sa mga awit na lumitaw nang mga unang taon ng Bagong
Lipunan.
BAGONG LIPUNAN

Ma’y Bagong silang/ may bago nang buhay


Bagong bansa, bagong dangal/ sa Bagong Lipunan

Nagbabago ang lahat/ tungo sa pag-unlad


At ating itanghal/ Bagong Lipunan.

Ang gabi’y nagmaliw nang ganap/


At lumipas na ang magdamag/
Madaling araw/ ay nagdiriwang/
Sa umagang daratal./

Ngumiti na ang Pag-asa/


Sa umagang anong ganda
(Ulitin ang unang stanza)

Ang ilang mang-aawit at kompositor ay nadagdagan pa. Kabilang dito sina


Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang Tito, Vic at Joey.
Naging matagumpay ang “ANAK” ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at
damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito ng
salin sa Hapon at iba pang wika.

Narito pa ang awit ni Freddie na kaisa ng Bagong Lipunan sa panawagan sa


lalong makabuluhang pamamayan.

AKO’Y ISANG PINOY

Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika
Pinoy na isinilang sa ating bansa Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang banyaga Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.
Koro:
Wikang Pambansa
Ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ay kalayan.
79

PANAHON NG IKATLONG
REPUBLIKA- KASALUKUYAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar at


sa tinamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay ng mga Pilipino na
nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan, muling inalis ang bansa sa ilalim ng
nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981.

Sa panahong ito, ‘di mapapasubaliang maraming mamamayan ang tumututol


at nagpupuyos ang kalooban dahil sa patuloy na paghihirap ng bansa at ‘di-pagdama
sa tunay na kalayaan. Lalo pang nag-aalab ang ganitong damdamin nang patayin
noong Agosto 21, 1983 ang dating Senador ng bansa na si Benigno Aquino, Jr., ang
idolo ng masang Pilipino. Bunsod nito, nagkaroon ng malawakang pakikibaka laban
sa Unang Pamilya na napatalsik dahil sa unang rebolusyon sa EDSA.

BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas Koro:Ibon mang may layang lumipad
Lupain ng ginto’t bulaklak Kulungin mo at umiiyak
Pag-ibig ang sa kanyang palad Bayan pa kayang sakdal dilag
Nag-alay ng ganda’t dilag Ang ‘di-magnasang makaalpas?

At sa kanyang yumi at ganda Pilipinas kong minumutya


Dayuhan ay nahalina Pugad ng luha at dalita
Bayan ko, binihag ka Aking adhika
Nasadlak sa dusa. Makita kang sakdal laya.

BSU HYMN

Hail! Benguet State University BSU! we hail thee


Our alma mater we love thee best Our guide forever be
To thee we raise our voices Thy torches will hold up high
Thy loyal sons and daughters are we Greatful sons will ever be
Thy lofty aims that thou possess Our love that shall never die
Lighting stars of culture made aflame Will linger long and clear
Over mountains, valleys, hills and plains More glories to thy name we’ll bring
Will ever sing of thee Let our duties noble and loving
BSU! we hail thee BSU! We hail thee
Alma mater we adore! Alma mater we adore
Alma mater we adore!
80

BUHAY NGA NAMAN


Penelope F. Tica-a

Ang buhay ng tao talaga


Sabi ng nakararami ito ay mahiwaga
Lalo pa’t hindi natin alam kung anong naghihintay na bukas
Kaya kaibigan, anu-ano ang nararapat gawin mula sa pusong wagas?

Nariyan ang pagtulong sa mga nangangailangan


At pag-iisip para sa kabutihan ng lahat hindi lamang ang pansariling kapakanan
Ilan lamang ang mga iyan sa nararapat gawin kaibigan
Kung iyong susundin, tiyak ko ikaw ay masisiyahan

Ngunit nakalulungkot isipin


Na may ibang taliwas sa kagandahang asal ang kanilang gawain
Tulad ng pagiging mainggitin
Na nagiging sanhi ng pag-aaway kahit pa may buhay na kikitlin

Ngunit balik pa rin tayo sa kautusang dapat magmahalan


Magiging susi ito ng buhay na may kapayapaan at kasiyahan
Ang material na bagay ay pansamantala lamang, dapat mong tandaan
Kaya lalong pagtuunan ng pansin namaging batayan ng mga gawain sa mundo ay ang
buhay na walang hanggan

ABOT HANGGANG LANGIT NA PAGMAMAHAL


Penelope F. Tica-a

Mula noong ako’y bata pa


Pusong ito’y nabihag mo na
Araw at gabi ay naaalala ka
Pati madaling araw ay napapanaginipan ka pa

Ngunit kung sa akin ikaw ay alanganin


Ang pusong umiibig ay huwag mo sanang itakwil
Sa halip ako’y bigyan mo ng gabundok na pagsubok at tiyak kong aking gagawin
Maipakita lamang ang wagas kong pag-ibig sa iyo giliw

Ang dagat ay aking lalanguyin


Ang buwan at bituin ay aking susungkitin
Ang ulap ay aking aakyatin
Upang ihanda ang kalangitang ating lalakbayin

Ganito kawagas ang pag-ibig ko sa iyo


Nagmamakaawa akong ako’y mapaniwalaan mo
Dahil kung hindi’y habang buhay na iiyak ang aking puso
Kung gayo’y mabuti pang mawala na sa mundong ito
81

Pangalan _______________________ Iskor___________________


Kurso, Taon _____________________ Petsa___________________

1. Ipakita ang pagbabagong naganap sa ating panitikan sa pamamagitan ng


Timeline.
82

Pangalan _______________________ Iskor___________________


Kurso, Taon _____________________ Petsa___________________

1. Sumulat ng tula na paksa ay tungkol sa iyong sarili.


83

TALASANGGUNIAN

Agoon, E.I. (2008). Ang panitikan ng Pilipinas sa bawat rehiyon. St. Andrew
Publishing House. Bulacan.
Arenas, Petra V. et. al. 1976. Makabagong Pananaw sa Wika at Panitik. Quezon
City: Rex Bookstore.
Arrogante, J. A. (1991). Panitikang pilipino. Pampamanahong elektroniko (binagong
edisyon). National Book Store, Mandaluyong City.
Cabuhat, Arturo Sebastian G. 1994. Haraya IV (Uhay ng Kaalaman sa Filipino sa
Mataas na Paaralan). Sampaloc, Manila: St. Augustine Publication.
Cruz, Isagani R. et. al. 1984. Ang Ating Panitikan. Sta. Cruz, Manila: Goodwill
Trading Co.
Lachica, Veneranda S. 1996. Literaturang Filipino. Pasig City: Academic Publishing
Corporation.
Linangan ng Literatura ng Pilipinas. 1989. Aklat ng mga Teoryang Pampanitikan.
Tradisyunal o Makabago: DECS – PNC State Project.
Mag-atas, Rosario U. et. al. 1994. Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo). Metra
Manila, Philippines: National Bookstore, Inc.
Mayos, Norma S. 1997. Manwal sa Pagtuturo ng Panitikang Filipino. Benguet State
University.
Palazo, M., & Dines, E. (2013). Panitikang pilipino work text. IPM Publishing. Culiat
Quezon City.
Panganiban, J Villa et. al. 1982. Panitikan ng Pilipinas. Quezon City. Bede’s
Publishing House, Inc.
Ramos, Maria S. et.al. 1984. Panitikang Pilipino. Quezon City: Katha Publishing
Co., Inc.
_______________________ Manwal sa Pagsasanay ng mga Tagasanay sa Filipino
IV. Manila: DECS PNC Project.
Salazar, L. A. (1995). Panitikang filipino. Katha Publishing Co., Inc. Quezon City
Tica-a, P., & Tomas, D. (2010). Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon.
Bulacan. St. Andrew’s Publishing House
Tica-a, P. 2023. Manwal sa Panitikan ng Pilipinas. Benguet State University, La
Trinidad, Benguet.
TICA-A, P.F., J.A. COMINGA, at J.A. DALASEN. 2021, GAMENG (Day-eng, Dulang
Panteatro, Kontemporaryong Awitin, Tula). Published by Benguet State
University

You might also like