You are on page 1of 4

Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Lipunan

SOSYEDAD/LIPUNAN
→ Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at
pagpapahalaga.
→ Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at
nagbabago. - Emile Durkheim. (Mooney, 2011)
→ Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao ng pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang kanilang pangangailangan. - Karl Marx (Panopio, 2007)
→ Ito ay binubuo ng tao na may magkakahawig na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. - Charles Cooley (Mooney, 2011)

Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Panitikan

Webster's New Collegiate Dictionary


→ "Ang panitikan ay kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao."

G. Azarias
→ "Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba't ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan,
sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha."

G. Abadilla
→ "Ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik."

Luz A. De Dios
→ "Ang panitikan ay mula sa mga salitang pangyayaring isinatitik at pinalamutian."

PANITIKAN
→ Ito ay kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi. Dito nasasalamin ang iba't ibang damdamin
ng mga tao tulad ng kalungkutan, kaligayahan, galit, pag-ibig, paghihiganti, at iba pa.
→ Nagpapahiwatig ng tunay na pagkatao ng bawat tao. Samakatuwid, ang panitikang Filipino ay nagpapahiwatig din ng tunay na
pagkatao ng bawat Pilipino.

✓ Maaaring nasusulat o di-nasusulat. Ang mga di-nasusulat ay yaong mga ulat na 'di nalikom dahil sa ang kultura ay lubhang
matanda na at dahil na rin sa kalagayan ng mga ninuno natin noon.

✓ Magkaugnay ang kasaysayan at panitikan. Ito ay dalawang bagay na laging magkaagapay. Nasusulat sa kasaysayan ang tunay
na nagaganap sa bawat panahon. Ang mga manunulat at makata ay sumusulat ng kanilang akda mula sa tunay na nakikita sa
paligid subalit ito'y nilalagyan ng palamuti upang maging kagila-gilalas o higit na kaakit-akit, na siyang ipinagkaiba sa kasaysayan.

Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa Panitikan ng Pilipinas


Bilang mga Pilipino, tungkulin nating pahalagahan ang sariling panitikan. Ang mga sumusunod ang siyang mga dahilan kung bakit
dapat pag-aralan ang panitikan ng bansa.

1. Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, ang sariling anyo ng kanyang pagkalahi, ang sariling kalinangan, at mga
minanang yaman ng isip.
2. Makikita nila sa kanilang sarili, ang kalawakan, kalakasan, at kahinaan ng kanilang pag-uugali, at paniniwala.
3. Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila nabuhay, nagkamali, at nagtagumpay; at dahil dito ay
maiiwasan nila ang pagkakamali at higit pang mapauunlad at mapayayabong ang mga minanang kabutihan.
4. Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo'y magkaroon ng pagsasanay sa paglinang ng
kakayahan at kasanayan sa pagbabago at upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga kagalingang ito at maiwasan ang
mga kamalian.
5. Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at maging matibay at matatag ang pagkilala sa kanilang pagkalahi.
6. Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling wika.
Aralin 3: KAURIANG PANLAHAT NG PANITIKAN

Ang mga akdang pampanitikan ay mauuri sa dalawang anyong panlahat:


1. Tula
2. Tuluyan

1. Ang Prosa o Tuluyan - Malayang pagbuo ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap. Ilan sa mga halimbawa ng prosa
o tuluyan ay ang mga sumusunod:

a) Dula-naglalarawan ng isang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng kilos at tinatanghal sa tanghalan.


Tatlong Uri ng Dula:
I. Dulang Pantelebisyon o Pampelikula - isang dula kung saan karaniwang itong ginaganap at napapanood sa isang
pampublikong lugar o telebisyon at karaniwang ding gumaganap dito ay mga propesyonal na tauhan lamang.
Halimbawa:
• Ina, Kapatid, Anak • My Husband's Lover
• Ang Probinsyano • Full House

II. Dulang Pantanghalan - isang dula na isinasagawa o inatatanghal sa pampublikong entablado kung saan ipinapahayag ng
mga tauhan ang kanilang emosyon, tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagsasadula ng isang kwento, at iba pa.
Halimbawa:
• Bidasari • Indrapura
• Walang Sugat •Paglipas ng Dilim

III. Dulang Panradyo - ay isang pag tatanghal na boses lamang ang nagpapatakbo ng kwento. Maaaring isang tao lamang
ang gumanap sa isang kwento dahil maaari niyang baguhin ang kaniyang boses sa tuwing siya ay nagsasalita.
Halimbawa:
• Dear Cathy • Filipiniana
• Dear Jasmin • Dangal ng Pangalan

b) Nobela-nagsasalaysay ng mga masalimuot na pangyayaring naganap sa isang mahabang panahon. Ito rin ay isang uring ng
sulat sa panitikan naglalaman ng mga mahahabang kwento ng piksiyon ay binubuo ng maraming kabanata.
Mga Uri ng Nobela:
I. Nobela ng Tauhan - uri ng nobelang nagbibigay-diin at halaga sa mga pangangailangan, kalagayan, at hangarin ng mga
tauhan partikular ang pangunahing tauhan.
 Lalaki sa Dilim ni Benjamin Pascual
II. Nobela ng Pangyayari o Nobelang Makabanghay - uri ng nobelang nagbibigay-diin sa mga pangyayari sa nobela. Ito rin
ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-
1,300 pahina. Kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mabisang pagkakabalangkas ng mga pangyayari sa kuwento.
 Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes

III. Nobela ng Pag-Ibig o Romansa - mga sulating tungkol sa pag-ibig. Mayroong iba't ibang uri ng pag-ibig: sa bayan, sa
Diyos, sa kapwa, sa mga magulang, sa kasintahan, at iba pang uri ng pag-ibig.
 Ο Landas ng pag-ibig ni Deogracias Rosario
 Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
IV. Nobela ng Pagbabago - nobelang naglalayong magtaguyod ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan. Panlipunan ang
oryentasyon ng uring ito ng nobela na may layuning magmulat ng mga mambabasa sa mga kalakaran, pagmamalabis, at
katotohanang nagaganap sa lipunan.
 Ο Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
V. Nobela ng Kasaysayan - layunin ng nobelang ito na ilapit sa mga mambabasa ang naging kasaysayan ng sariling bayan.
Inilalarawan din ang mga bayaning nag-ambag ng kanilang marubdob na pagmamahal sa bayan.
 Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana

c) Maikling Kwento - nagtataglay ng isang kakintalang nilikha ng mga hindi karaniwang pangyayari sa pamamagitan ng
pinakamatipid na paggamit ng mga salita.
Mga Uri ng Maikling Kwento:
I. Kwento ng Tauhan - Ito ang mga kwentong naglalarawan sa mga pangyayaring pangkaugnayan lalo na sa mga tauhang
nagsiganap para mabigyang kabuuan ang pagkaintindi ng mga mambabasa.
 Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
II. Kwento ng Katutubong Kulay - Ito ang mga kwentong binibigyan-diin ang mga pananamit at pamumuhay ng mga
tauhan.
 Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
III. Kwentong Bayan - Ito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
 Ang Diwata ng Karagatan - Kwentong Bayan ng Ilocos
IV. Kwento ng Kababalaghan - Ito ang mga kwentong pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani- paniwala.
 Ο Cubao Pagkagat ng Dilim: Mga Kuwentong Kababalaghan ni Tony Perez
V. Kwento ng Katatakutan - Ito ang mga kwentong naglalalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak. Halimbawa rito ay
ang mga kwentong batay sa tunay na pangyayari na naglalaman ng mga nakatatakot na kaganapan.
VI. Kwento ng Madulang Pangyayari - Mga kwentong may kapana-panabik at mahahalagang pangyayari na nakapagbago
sa tauhan.
VII. Kwento ng Sikolohiko - Ito ang mga kwento na bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
 Ang Pusa sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo
 Kesa at Morito ni Ryunosuke Akutagawa

→ Ayon naman kay Koontz (1999), may dalawang malawak na pangkat ang mga kuwentong ating nababasa, ang
mga kuwentong may tiyak na kategorya at ang mga kuwentong karaniwan. Nabibilang sa unang pangkat ang mga
sumusunod:
i. Science Fiction - Ito'y isang akdang masining na ginagampanan ng mga tauhang binuo ng mayamang
imahinasyon ng manunulat. Ang mga piling tauhan dito'y may taglay na suliraning makakaharap nila sa malayong
planeta o 'di kaya'y sa malayong hinaharap ng daigdig ngunit may mapapanghawakang makaagham na
paniniwala.
ii. Pantasya-Mga kuwentong ito ay ukol sa mahika o sa mga supernatural ngunit walang batayang makaagham.
iii. Misteryo - Sa kuwentong ito, ang krimen ay ilalahad sa binabasa ngunit walang mapagkakakilanlan sa
kriminal; mula sa pangitaing ito, uusad ang kuwento pabalik hanggang sa makikita ang mga palatandaan tungo sa
paglutas ng krimen.
iv. Suspense - Sa simula pa lamang ng kuwentong ito ay alam na ang salarin. Gugulong ang kuwento na
mayroong habulan at maliliit na labanan. Ang pinakalundo ng kuwentong ito ay
VIII. Kwento ng Pakikipagsapalaran - Ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa tauhan. Ang kawilihan ay nababatay sa
mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwento.
 Ang Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg
IX. Kwento ng Katatawanan - Ito ay kwento na nagbibigay-aliw sa at nagpapasaya sa mambabasa.

 Ang Pilyong si Loren ni Darhyl John B. Cacananta


X. Kwento ng Pag-ibig - Ito ay kwento tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao.
 Tabanata's Wife ni Sinai Hamada

d) Alamat - nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.


 Alamat ng Pinya
 Alamat ng Ampalaya
 Alamat ng Sampaguita

e) Pabula - ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay magbigay-aral.


 Si Pagong at si Matsing
 Si Kuneho at si Pagong
 Si Langgam at si Tipaklong

f) Parabula - Ito ay mga kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Ito ang uri ng
kwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang pangangaral.
• Ang Alibughang Anak
• Ang Mabuting Samaritano

g) Anekdota - salaysay na hango sa tunay na karanasan o pangyayari sa buhay ng tao. Ito'y kapupulutan din ng aral.
• Ang Tsinelas ni Dr. Jose P. Rizal

2. Patula - Binubuo ng pahayag na may sukat at tugma. Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat
taludtod samantalang ang tugma ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod.

→ Ang patula ay nahahati APAT NA URI:

1. Tulang Pandamdamin o Liriko


→ Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang anumang
konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat. Hindi nito kinakailangan na mayroong
tauhan o karakter sa isusulat na tula. Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga, emosyon, o iniisip ng
makanta.
a. Pastoral - naglalarawan ng buhay sa bukid.
e. Dalit - imno at mga kantang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen. Tumutukoy rin ito sa mga tulang damdamin na
nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwan din itong isang saknong lamang.

2. Tulang Pasalaysay
→ Ito ay nakatuon sa pagkukwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o
pantig. Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari tulad ng daloy ng
buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.
a. Epiko - ito ay isang napakahabang tula na nagsasalaysay ng di kapani-paniwalang kabayanihan ng isang tao. Karaniwang ang
bida o pangunahing tauhan dito ay isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan.
b. Korido - may walong (8) pantig at mabilis ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na allegro. Ito ay tumatalakay sa
mga paksang kagaya ng pananampalataya, alamat, at kababalaghan.
c. Awit-hango sa haraya ng may-akda. Ito ay may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo
ng labindalawang (12) pantig at mabagal ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na andante. Ang paksa nito ay
maaaring tungkol sa bayani, mandirigma, at larawan ng buhay.

3. Tulang Pandulaan
→ Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o
muska upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.
a. Moro-moro - itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap dito: ang mga Kristiyano at ang mga Moro.
Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna'y naging kilala sa palasak na tawag na "moro-moro". Nasusulat sa anyong
tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di- Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang "moro".
b. Panuluyan - pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose ng matutuluyan.

4. Tulang Patnigan
→ Ito ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.
Karaniwang tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito sa karaniwang
debate ay gumagamit pa rin ito ng tugma, ritmo, at taludturan.
a. Balagtasan - isang tradisyunal na paligsahan sa pagsasalita kung saan ang mga kalahok ay nagtatagisan ng talino, galing sa
pagbuo ng tula, at kahusayan sa pagsasalita.
b. Duplo - ginaganap sa bakuran ng namatayan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang
mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.
c. Karagatan - hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang singsing.
d. Batutian - sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa. Ipinangalan ito sa kinikilalang "Unang Hari ng
Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
e. Fliptop o Battle Rap - isang modernong uri ng balagtasan kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig patungkol sa isang
paksa. Kailangan din itong may tugma na binibigkas lamang nang mas mabilis.

You might also like