You are on page 1of 25

Panitikang Panlipunan | 1

Panitikang Panlipunan | 2

MGA KAALAMANG MAAARING ALAM MO NA

A. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa


patlang.
1. Ano ang dalawang paraan ng pag-uuri ng panitikang
Pilipino?
a. __________________________________________________
b. __________________________________________________
2. Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong
uri. Ano-ano ito?

B. Basahin ang mga impormasyon sa bawat bilang at


sagutin ang mga tanong
ukol dito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
patlang.
______ 1. “O pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”
a. tula
b. talumpati
c. talata
d. parabula
Panitikang Panlipunan | 3

______ 2. Ito ay mahabang salaysay na sumasaklaw sa


sumusunod na mga
sangkap: tauhan, lugar, balangkas, at mga pangyayari.
a. talumpati
b. epiko
c. nobela
d. awit at korido

______ 3. Ito ay mga kwentong-bayan na ang mga tauhan


ay mga hayop.
a. nobela
b. epiko
c. pabula
d. elehiya

______ 4. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr.


Jose Rizal laban sa
mga Kastila.
a. Noli Me Tangere
b. Kahapon, Ngayon, at Bukas
c. Doctrina Christiana
d. A Fly in a Glass of Milk

______ 5. Ito ay tumutukoy sa isang pagpapahayag ng


kuru-kuro
o opinyon ng mga akda.
a. sanaysay
b. alamat
c. nobela
d. parabula
Panitikang Panlipunan | 4

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay,


pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at
mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.

Pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan,


sa pamahalaan, sa kapaligiran sa kapwa at dakilang
lumikha. -Bro. Azarias

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing


tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri
at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma
rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga
Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat
inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-
lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa.

Mayaman ang Pilipinas sa sarisaring anyo at


hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng
mga Pilipino.
Kabilang sa mga ito ang kuwentongbayan,maikling
kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula,
nobela,drama, balagtasan, parabula, bugtong,
salawikain,Kasabihan, pabula, alamat, tanaga,
bulong,awiting-bayan, epiko, pelikula,at
mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at
pampelikula.
Panitikang Panlipunan | 5

Kaligiran

Ang panitikan ay isang makabuluhang balangkas ng mga salita.


Ang likha ng isip, guniguni at kaluluwa na binigkas muna at
nariyan na simula pa nang magkaroon ng tao.

Kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian,


paniniwala, pamahiin, kaisipan at pangarap ng isang lahi na
ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at
masining na paraan, nasusulat man o hindi. - Paz N. Ncasio

KAHALAGAHAN

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino at


matalos natin angpinagyaman ng isip at ang angking talin ng
ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na
tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya n ating
ginagawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang
nakarating sa ating bansa.
3. Upang matano natin ang ating mga kakulangan sa
pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y
maituwid at maayos.
4. upang makilala at magamit natin ang ating kakayahan
at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa
sariling kultura ay kailangang maipamalas ang
pagmamalasakit saating sariling panitikan.
Panitikang Panlipunan | 6

Anyo ng Panitikan
 Pasalindila

 Pasalinsulat

 Pasalintroniko

Pangkalahatang uri ng panitikan

Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong


uri. Ito ang patula, patuluyan, at patanghal.

Ang panitikan ay nasa anyong patula kung ito ay


saknungan. Ang mga pantig sa bawat taludturan ay maaaring
may bilang o sukat at may magkakasintunog o
magkakatugmang pantig sa hulihan. Maaari rin nam an itong
malaya at wala ang mga katangiang unang binanggit.

Patuluyan naman ang anyo ng panitikan kung tulad


lamang sa pang-araw-araw na takbo ng pagsasalita o mga
kaisipan ang paglalahad. Sa halip na pasaknong ang mg a
taludtod, ito ay patalata.

Ang panitikan ay patanghal kung ito’y isinasadula


sa entablado, sa bahay, sa bakuran, o kahit na sa daan o
saanman.

Ito’y maaaring patula o patuluyan, dahil maaaring


ang dayalog nito ay nasusulat sa alinman sa dalawang anyo.
Ang panitikan sa patanghal na kaanyuan ay hindi nagiging
ganap hangga’t hindi ipinalalabas o isinasagawa sa
tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik nito.
Maaaring magkaroon ng tatlo, dalawa, o isang yugto, kung
saan ang bawat yugto ay binubuo ng tagpo. Noong unang
panahon, sa moro-moro, ang tagpo ay tinatawag na
kuwadro .
Panitikang Panlipunan | 7

TULA

Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng


kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na
kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-
angkin ng karapatang matawag na tula.

-Juan Cruz Balmaceda

Mga Uri ng Tula


1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
Uri ng Tulang Liriko
a. Awit – waluhang sukat
b. Soneto – tulang may labing-apat na pantig
c. Oda – tula ng paghanga o papuri
d. Elehiya – tula ng pagluluksa
e. Dalit – papuri sa Poong may Kapal

2. Tulang Pasalaysay
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko
b. Awit at Kurido
c. Karaniwang tulang pasalaysay

3. Tulang Patnigan
Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito
ay ang mga sumusunod:

1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro,


kadalasan tuwing may lamay.Kunwari ay may matandang tutula
tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang
tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot,ang
matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang
matalinghaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa
isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa
karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng
singsing ay siya niyang pakakasalan.
Panitikang Panlipunan | 8

2. Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng


pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay-katwiran nang
patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan,
salawikain, at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may
lamay sa patay.
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa
duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula.
Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco
“Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng
Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

4. Tulang Pantanghalan o Padula


Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay
ang mga sumusunod:

1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang


panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing
tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa
bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundusundo ng mga
tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood.
Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo
Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng Panitikang
Kapampangan,” ay ang komedyang Kiki-Riki ,
isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang
yugto.

2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang


musikal. Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat
ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.

3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o


malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang
Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
Panitikang Panlipunan | 9

4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga nanonood


dahil sa mga dugtung-dugtong na mga pangyayaring
nakatatawa.

5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o


pag-uugali ng mga tao.

MAIKLING KWENTO

Ginagagad ang isang momento lamang o ang isang


madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.

Bahagi ng kwentong may balangkas:

• Panimula
• Saglit na kasiglahan
• Suliranin
• Kasukdulan
• Kakalasan

Uri ng Maikling Kwento


• Kwento ng Kababalaghan – mga di-kapani-
paniwalang pangyayari

• Kwento ng katutubong kulay – binibigyang diin


ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng
pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing
pook.

• Kwento ng katatawanan – ang diin ng kuwentong


ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga
mambabasa.
Panitikang Panlipunan | 10

• Kwento ng tauhan – ang interes o diin ay nasa


pangunahing tauhan

• Kwento ng katatakutan – mga kuwentong nagdudulot ng


sindak o takot sa mambabasa.

• Kwento ng pakikipagsapalaran – nasa balangkas ng


pangyayari ang kawilihan o interes sa kuwentong ito.

• Kwento ng madulang pangyayari – binibigyang diin ang


kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagpapabago sa tauhan.

• Kwento ng pag-ibig – tungkol sa pag-iibigan ng


pangunahing tauhan at ang kakambal niyang tauhan.

• Kwento ng kapaligiran – ang paksa ay ang pangyayaring


mahalaga sa lipunan, kadalasan patungkol sa kalikasan.

NOBELA

Akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong


piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18
siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging
bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon,
ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak
na istilo o maraming tiyak na istilo.

Uri ng Nobela
1. Nobela ng Tauhan
Hal. Lalaki sa Dilim ni Benjamin M. Pascual
2. Nobelang makabanghay
3. Nobela ng kasaysayan
Hal. Dalagang Marmol ni Isabela delos Reyes
1. Nobela ng romansa
Hal. Landas ng Pag-ibig ni Deogracias A. Rosario
Panitikang Panlipunan | 11

Dula

Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.


Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.

KWENTONG-BAYAN

Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga


tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Karaniwang
kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat
at mga mito.

Mga Uri ng Kwentong Bayan

1. Alamat

Ang alamat ay nagsasalay ng mga kwento kung paano nabuo o


kung ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.

2. Mito

Ang mito ay mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa


at kung ano ang kanilang papel sa mga nilalang o mga
tao.

3. Parabula

Ang mga parabula ay mga kwentong maaring totoong nangyari


at kinapupulutan din ng aral. Sa Bibliya ay maraming
kwentong parabula.
Panitikang Panlipunan | 12

4. Pabula

Ang mga pabula ay kinatatampukan ng mga kwentong ang mga


tauhan ay hayop o mga bagay na nagsasalita at bin igbiyang
buhay na parang tao. Ito ay mga kwentong may aral kung saan
ipinapakita ang pag-uugali ng isang tao o ng kanilang
katangian.

Talambuhay

Akdang tungkol sa kasaysayan ng tao.

Mga Uri ng Talambuhay


1. Pansarili
2. Paiba

Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong
tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at
bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga
mambabasa. Kasama sa mga paksang nasusulat sa sanaysay ang
mga panlasa at hilig, reaksyon at palagay, saloobin at
paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan, at kaalaman ng
bawat may-akda.Sa uring ito ng panitikan, mabibilang ang mga
sulating pampahayagan (artikulo,natatanging pilak o
lathalain, tudling), ang mga akdang pandalub-aral
(tesis,disertasyon, diskurso, o talumpati), at gayundin
ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang
pananaliksik.
Panitikang Panlipunan | 13

May dalawang uri ang sanaysay:pormal at pamilyar o personal.


Ang sanaysay ay nasa uring pormal kung ito ay maimpormasyon.
Ito ay naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungkol sa ikalilinaw ng
paksang tinatalakay.Ang mga salitang ginagamit ay pinipili
kaya mabigat basahin. Mapitagan ang tono dahil bukod sa
ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di ito
kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tema nito ay
seryoso, maintelektwal, at walang halong pagbibiro.
Ang sanaysay ay nasa pamilyar o personal na anyo kung ito ay
mapang-aliwnagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa
mga paksang karaniwan, pang-arawaraw, at personal. Idinidiin
dito ang mga bagay-bagay, karanasan, at isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring
kasangkutan ng mambabasang madla. Ang pananalita ay magaan,
madaling maintindihan, at nahahaluan pa minsan ng kolokyal.
Ang tono ng pananalita ay parang sa kaibigan lamang at
ginagamitan ng unang panauhan. Subhektibo rin ito sapagkat
pumapanig sa damdamin at paniniwala ng mayakda ang pananaw.
May mga katangiang dapat taglayin ng isang manananaysay. Ito
ay ang mga
sumusunod:
1. mabilis ang takbo ng pag-iisip
2. sensitibo sa kapaligiran
3. laging may tugon o hinuha sa interes ng buhay, tao, at mga
bagay-bagay
4. may kakayahang tumuklas ng mga bagay-bagay nang hindi
nakikita ang panlabas na anyo lamang
5. malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6. may mapiling panlasa
7. may kalugurang mapagkakatiwalaan
8. may kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa
makataong kapakanan
9. pamilyar sa mabubuting panitikan at iba pang
sining.
Panitikang Panlipunan | 14

Talumpati

Pagpapahayag sa harap ng mga taong handang makinig.


Layunin nito na magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa
isang paksa upang makaakit o magpapaniwala.

Mga Bahagi ng Talumpati


1. Panimula
2. Paglalahad
3. Pamimitawan

Balita

Paglalahad ng mga nangyayari sa loob at labas ng


bansa. Ito’y nagbibigay ng mahahalagang impormasyong
nagpapabago sa takbo ng buhay. May mga balitang
pampulitika, pangkabuhayan, pang-edukasyon, panlipunan,
panrelihiyon, pang-agham, pangkalusugan at iba pa.

DRAMA

Ang drama ay isang ispesipikong moda ng kathang-isip


na kinakatawan ang pagkakaganap. Hango ito sa Griyego na
nangangahulugang "aksiyon", na hinango mula sa "gagawin".

PELIKULA

Kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay


isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya
ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para
sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong
pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang
ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Panitikang Panlipunan | 15

Gawain 1

Sumulat ng Sanaysay patungkol sa napapanahong


isyu sa inyong komunidad. Gumamit ng hindi
bababa sa limangdaang salita.

Gawain 2

Lumikha ng Tula sa anyong Malaya at di-malaya.


May apat na taludtod sa bawat saknong. (Ang
saknong ay hindi bababa sa apat)
Panitikang Panlipunan | 16

Klasisimo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring
payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos sa kaayusan.

Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang mga tao ang
sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent atbp.

Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit
na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan ideya, saloobin at
iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa
halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen
na may layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa
loob ng panitikan.

Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Panitikang Panlipunan | 17

Feminismo
Ang layunin ng ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan
at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
femenismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay pinayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan.

Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang
bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam
na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismo ay ayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

Formalismo
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa an g nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasani ng may-akda sa kanyang
panitikan ay siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi
ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Sikolohismo
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang
tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior
dahil may nag-udyok na magbago o mabuo ito.
Panitikang Panlipunan | 18

Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao
na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.

Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang
paraan ng tao o sumasagisag sa tao sap ag-aalay ng kanyang
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin ng akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o kanyang
napupusuan.

Markismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag
sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay na mga
mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.

Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin ang
paningin ng lipunan sa mga homosexual.
Panitikang Panlipunan | 19

Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din dito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian
ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan.

Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akda
ang lahat ng “pinaka” sa kanyang buhay na inaasahang
magsisilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa
mundo.

Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang
lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagoi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan
ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may -akda
sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may akda ang mga
kaugalan, paniniwala at tradisyong minana at ipi nasa sa mga
susunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.

Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi
ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iis ang
pananaw ang nag-uudyok sa may-akda na sumulat kundi
ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pantao at
mundo.
Panitikang Panlipunan | 20

A. Magtala ng hindi baba sa tatlong akdang


pampanitikan na naisulat at
naibatay sa ilalim ng bawat teorya Sa harap ng
inyong klase ay ipaliliwanag kung
bakit ang nasabing mga akda ay nasailalim nang
babanggiting teoryang pampanitikan.

B. KILALANIN
Sa anong panunuring pampanitikan nabibilang ang mga
sumusunod:

1. Ang pelikulang “Girl,boy,bakla,tomboy”

2. Upuan ni Gloc 9

3. Sirena ni Gloc 9

4. Ang Guryon ni Ildefonso Santos

5. Ang awit na Magdalena


Panitikang Panlipunan | 21

 Panitikan Hinggil sa Kahirapan


Mga akda mula sa alinman sa mga sumusunod n a antolohiya:
“Upuan” (Gloc 9)
“Mabangis na Lungsod” (Efren Abueg)
“Sa Bagong Paraiso”(Efren Abueg)

 Panitikan hinggil sa Karapatang Pantao


Bahagi ng o isa sa mga sumusunod na aklat:

“Impeng Negro” ni Rogelio Sikat


“Di na ako makahabi ng Tula” ni Rogelio Ordonez
“Paloma” ng Eraserheads

 Panitikan hinggil sa Karapatang Pantao


Bahagi ng o isa sa mga sumusunod na aklat:

“Impeng Negro” ni Rogelio Sikat


“Di na ako makahabi ng Tula” ni Rogelio Ordonez
“Paloma” ng Eraserheads

 Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa,


Pangmagsasaka, at Pambansa
Bahagi ng o isa sa mga sumusunod na aklat:

“Ang Aso, Ang Pulgas, Ang Bonsai, at Ang Kolorum” ni


J.R. Munsayac (nobela)
“Mga Ibong Mandaragit” ni A. Hernandez (nobela)
“Sanaysaging” ni E. Matute
Panitikang Panlipunan | 22

 Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng Mga Pangkat


Minorya
Bahagi ng o isa sa mga sumusunod na aklat:

“Sikami'n Lumad: Bagong Panitikan ng Katubong Mindanaw”


ng Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue (iba’t
ibang akdang pampanitikan)

“Isang Mahabang-mahabang Paglalakbay Pauwi” ni Levy


Balgos de la Cruz (mga maikling kwento)
“Ang Katutubo at Dalawa Pang Dula” ni Nonilon V. Queano
“Mga Kuwento ni Datu Lubay” ni Alex C. Delos Santos

 Panitikan Hinggil sa Diaspora/Migrasyon


Bahagi ng o isa sa mga sumusunod na aklat:

“Hello Love Goodbye” (Carmie Reymundo)


“Walang Natira” (Gloc 9)
Panitikang Panlipunan | 23

Balangkas ng Pagsusuri (Maikling Kwento)

I. Ang Akda

a.Pamagat

b. May-Akda

c. Sanggunian

d. Tauhan

e. Tagpuan

f. Tunggalian

II. Mga Simbolismo

III. Buod ng Pangyayari

IV. Galaw ng Pangyayari

V. PAGSUSURI

a. Uri ng Panitikan

b. Panunuring Pampanitikan

c. Estilo ng Paglalahad ng May-akda

d. Aral

VI. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isipan

b. Bisa sa Damdamin

c. Bisa sa Kaasalan

d. Bisa sa Lipunan
Panitikang Panlipunan | 24

Balangkas ng Pagsusuri ( Awit/Tula)

I. Ang Akda

a.Pamagat

b. May-Akda

c. Sanggunian

II. Kayarian

a. Uri ng Akda

b. Saknong

c. Indayog

1. Sukat

2. Tugma

III.Anyo

a. Tono

b. Tayutay/Idyoma

c. Talasalitaan

IV. PAGSUSURI

a. Paksa

b. Simbolismo

c. Implikasyon o Mensahe

d. Estilo
Panitikang Panlipunan | 25

You might also like