You are on page 1of 7

Patutunguhan

Tula ni Judy Ann Omar


Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin,
Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin,
Marami pang problema ang kailangang kayanin,
Mga pagsubok ay dapat nating harapin.

Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian,


Ang tuwid na daan at makipot na daan,
Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan,
Makiipot ma’y sa tamang landas naman.

Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo,


Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.

Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa,


Buong katawan ko ri’y mababagsak na,
Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata,
Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.

Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko,


Bagaman alam ko na, kung ano ang haaharapin ko,
Lakas ng loob para sa kinabukasan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
SIPAG O TALINO

Lakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao?


Sa pagpapaunlad ng bayan?
Sipag: sipag

Talino: talino

Lakandiwa: Ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan.


Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan.
Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga.
Pagkat nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.
Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga,

Ang SIPAG ba o TALINO ,


alin ang mas mahalaga.?
Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya
ng dalwang mambibigkas ng mahusa'y at kilala.
Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol.


Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngaun?
Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong.

Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain,


maliit man o malaki. Mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw.
Pilipinas year 2000, di natin masalapi.

Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap,


at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko, ay talinong hinahangad,
pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.

Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan


na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuha'y.
Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.

Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo,


ngayo'y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo.
Bawat isa'y magpapalaong sa
impormasyon at sa mga issue.
Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.

Sipag: Tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan,


sinusuri mga kandidata, may nagawang kabutihan,
ang anong natapos na kurso, ay di na inaalam.
Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan,
aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,
mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit.

Talino: Nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay,


na nagtanggol sating bayan , ng laya ay makamtan.
Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung araw,
ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan.

Iba nga'y naging presedente o kongresman.


Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na pinatupad sa ating bayan,
pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay.

Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,


Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa,
kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha.

Samantalang kung masipag itong mga punong halal,


sa problema at kalamidad, sila'y laging naririyan,
hindi na kailangang tawagin sila kung saan,
pagkat pagtulong nila'y kambal ng kasipagan.

Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,


sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
pag maroong kalamidad, manloloko'y
andiyan palagi, kaya’t anong mahalaga,

Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali,


Super market, pubric at mall, fly overs,sky ways,
at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan ay nagawan,
talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad,
ang biyaya;y tuloy-tuloy.

Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !!

Talino: TALINO ANG PUHUNAN !!

Sipag: Matalino nga tamad naman!

Talino: Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.

Sipag: Sipag.!

Talino: Talino.!

Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.


Pagtatalo nitong dalwa, mahuhusay na makata,
pagkat tila nag-iinit, at di masawata.
Lahat ng katwiran, nakatatak sating diwa,
ang talino ay wika, kayamanang handog ng Dyos,
lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob.
Kasipagan at talino, pasaning walang toos,
kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.
Ang talino'y syang utak sa balangkas na paggawa.
Ang sipag namay syang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya't kapwa mahalaga.
PANALO SILANG KAPWA!!
Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?
Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito
sa pamamagitan ng napakalaking baha. Walang nalabing buhay maliban kay
Noah at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa
ng Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.

Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang
kalapati. Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may
magandang tinig.

Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.

“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”

Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita
niya. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya sa isang
patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya
sa katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.

Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.

“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una,
tingnan mo kung ano na ang nangyari sa uwak at ikalawa, alamin mo rin kung
maaari na tayong bumaba sa lupa.”

At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga


nakahambalang nabangkay sa lupa. Napag-alaman din niyang ligtas nang
bumaba sa lupa. Pabalik na sana siya sa arko nang may mapansin siyang
gumagalaw sa ibaba. Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na
patuloy parin sa pagkagat sa mga bangkay ng hayop.

Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang
nasaksihan. Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa
inasal ng uwak.

Ang sabi ni Noah:


“Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw ay magiging simholo ng kalinisan,
katapatan at kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim. Papangit
ang kanyang tinig at kaiinisan siya ng mga tao at ibang hayop. Ang kanyang
tinig ay mapapaos.”

Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang
tinig ay naging paos. At ang tanging salitang lumalabas sa kanyang bibig ay
“Uwak, uwak, uwak.”

Aral:

 Gawin sa lalong madaling panahon ang pinag-uutos sa iyo. Mag-pokus at


tapusin kaagad ang iyong nakatakdang gawain.
 Kapuri-puri ang taong masunurin at gumagawa ng tama.

You might also like