You are on page 1of 2

KORUPSYUN

-Talumpati ni Crizel Mae T. Lambangaz

Isang panibagong umaga pilipinas at magandang araw mga


kababayan ngayon ako'y naririto sa harap ng madla para sa
aking talumpati ANG KORUPSYON.
Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang
ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi lingid sa ating kaalaman na
ang ating bansa ay nangunguna sa larangan ng korapsyon.
Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga
anomalya tungkol sa pera at iba pang hindi kanais-nais na
mga gawain.Marami ang pinagkakakitaan ng ating
pamahalaan. Sa larangan ng turismo, medikal na
pagpapaganda,sa mga natural na yaman at maging sa
pakikipagkalakarang pang-labas, malaki ang naiambag ng
mga ito sa kabang bayan ng ating bansa.
Ang mga buwis na lamang ay sapat na sana para
makatugon sa panangailangan ng ating mga kapos palad na
mga kababayan,ngunit sa pagiging gahaman ng mga ilan ay
nauuwi ito sa kanilang pansariling kapakanan lamang ang
ugat nito ang siyang dahilan ,at ito ay ang korapsyon.
Malawak at malala ang suliraning korapsyon. Naging parte na
ito ng sistema ng lahat ng gobyerno.Mayroong mga matitino
sa ating pamahalaan, ngunit paglabas nila sa burukrasya ay
mga bubot na rin sila.Malakas at sadyang mahirap labanan
ang tukso dulot ng malaking halaga ng salapi.
Masyadong maluwag ang ating batas kapag korapsyon
ang usapan Bakit? kasi ang gumagawa ng batas tungkol dito
ay sila din mismo ang mga pangunahing gumagawa ng
katiwalian.Sa aking pananaw ay wala ng sulosyon, bagkus ito
ay lalong lumalala. Mayroong kinikilingan ang batas kapag
ordinayong tao ang sangkot, mabilis itong umusad, ngunit
kapag maimpluwensyang tao ang sangkot, nauuwi lamang ito
sa pagdismis ng mga kaso sa kinalaunan hanggang hindi
magbabago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang
buhay nating pasanin sa ating mga balikat ang epekto ng
korapsyon sa ating bansa.
Kaya tayong makabagong henerasyon gawin ang
kasalukuyan bilang inspirasyon para mabago ang
kinabukasan, tayo bilang kabataan gawin nating lakas ang
ngayong kahinaan para buksan ang maunlad na kinabukasan.

You might also like