You are on page 1of 2

I.

Pamagat

Boses

II. May akda

Ellen Ongkeko-Marfil

III. Tauhan:

Pangunahin Cherry Pie Picache - Ms. Amanda


Ricky Davao - Mr. Marcelo
Meryll Soriano
Coke Bolipata - Ariel Basco
Julian Duque Onyok

Pangalawa Shirly
Choleng
Jason
Enteng
David
Ms.Gail
Nieva
Bebang
Cynthia
Rosie
Bianca.

IV. Lugar ng pinangyarihan at panahon

Shelter o kaya bahay ampunan

V. Buod

Si Onyok ay minamaltrato ng kaniyang ama. Sa kaniya ibinubuhos ng


kaniyang amang si Marcelo ang nararamdaman nitong galit sa kanyang
ina. Kaya ayun, gaya ng sabi ng isang bata, parang ashtray ang likod
niya.

Sa tulong ng mga kapitbahay, nailigtas si Onyok ng mga pulis mula sa


mga kamay ng mapagmaltratong ama na si Mr.Marcelo. Siya ay dinala sa
isang shelter na pinamumunuan ni Ms. Amanda. Dito magsisimulang
magbago ang buhay ni Onyok.

Dahil hindi nakakapagsalita, hindi madali para kay Onyok ang maging
komportable sa buhay sa shelter. Nakilala ni Onyok si Shirley. Kung si
Onyok ay hindi nakakapagsalita, si Shirley naman ay kayang magsalita ng
sapat para sa dalawang tao.

Kapatid ni Amanda si Ariel. Pero dahil sa isang trahedya sa buhay nito ay


pinili niyang iwanan ang matagumpay na karera bilang premiyadong
biyolinista at mamuhay mag-isa sa kubo niya malapit sa shelter.
Nagdesisyon siyang turuan at hubugin pa ang talento nito. Problema ang
dumating nang makalaya si Marcelo. Dahil nakalaya na ito, gusto niyang
bawiin si Onyok mula sa shelter subalit nabigi siya sa una at pangalawa.
Hindi sumama sa kanya si oynok dahil may takot pa sa kanyang tatay at
naalala pa nito ang pinaggagawa sa kanya ng kanyang tatay. At sa
pagtuturo ni sir ariel at gumaling si Onyok sa kanyang pagtugtog ng violin
instrument. Hanggang sa tinugtugan nila ang mga taga shelter ng buong
puso kasama si Ariel Basco at si Onyok at kasama na din ang kabanda ni
sir ariel.na ipakita sa lahat ang boses ni Onyok sa pamamagitan ng
pagtugtog sa harap ng maraming tao.Maraming pangyayari ang nagdala
sa pagpapadiskubre ni Ariel na si Onyok ay may kakaibang galing sa
musika, At magpatawad sa isat isa.

Natapos ang pelikula nang natutunan ni Marcelo na mali ang pagtrato niya
sa kanyang anak. Natutunan din naman ni Onyok na patawarin ang
kanyang ama.

VI. Mensahe Ipinahihiwatig ng Kwento

Ang boses ay isang element at susi sa pagtugtog ng musika,at relation ng


Guro sa estudyante, ama at anak, makaibigan, at magkasama sa trabaho
sa paggalang sa kapwat sa isat isa pagpapakumbaba, paghingi ng tawad
at pagmamahal.. Pagbibigay sa karapatan pang-tao.

VII. Natutunan mo sa iyong napanood:

Ang natutunan ko sa aking napanood ay dapat igalang ang karapatan


pang tao, Hindi magng abuso ng mga bata o child abuse at lagging mag
pasensya sa kapwa tao Maging masunirin at tayo rin ang matuto sa
bandang huli at baling araw tayo di ang aani.

You might also like