You are on page 1of 4

Webhel R.

Dumalag Ika-8 ng Marso, 2018

11-ABM-C Pagbasa at Pananaliksik

Direktor: Loy Arcenas


Prodyuser: Girlie Rodis at Celeste Legaspi

Ipinasa kay: Propesor Maria Fe Crescencio


MGA TAUHAN AT KANILANG MGA GINAMPANAN

Si Joana Ampil ay si Candida sa pelikulang “Ang


Larawan”. Siya ang isa sa mga anak ni Don Lorenzo na
nanatili sa bahay at nag-alaga sa kanilang ama na matagal
na nanatili sa kaniyang kwarto. Hindi siya nakapag-asawa.
Nakita sa pelikula ang pagiging matatag ni Candida sa
kabila ng mga problemang pinansyal na kinakaharap ng
kanilang pamilya.

Si Rachel Alejandro ay gumanap bilang Paula sa


pelikulang “Ang Larawan”. Nakita rin ang kanyang
pagiging matatag kasama ang kanyang kapatid na si
Candida na silang naiwan upang manatili sa kanilang
bahay at mag-alaga sa kanilang ama. Nagnais siyang
maging malaya sa kanilang sitwasyon. Naiugnay din siya
kay Tony Javier. Isang mapagmahal na anak ni Don
Lorenzo

Si Paulo Avelino ay gumanap bilang Tony Javier sa


pelikulang “Ang Larawan”. Siya ay isang nangungupahan
sa bahay nila Don Lorenzo. Siya ay isang tagapagtanghal.
At tumutugtog rin nang piano. Nagkaroon minsan ng usap-
usapan sa kanilang lugar na may ka-relasyon umano siya
sa mga anak ni Don Lorenzo na nasa bahay. Nakita rin
ang kanyang pagakahumaling sa pera kung kaya pinilit
niya ang dalawang magkakapatid na ibenta ang larawan.

Si Robert Arevalo ay gumanap bilang Don Perico sa


pelikulang “Ang Larawan”. Siya’y naging tagapayo sa
dalawang magkakapatid na sina Candida at Paula. Siya ay
naging makata noon ngunit huminto sa pagiging pintor
dahil hindi na kayang matustusan ang kaniyang pamilya.
At kalaunan ay naging isang senador ng gobyerno. Hindi
kailanman nawala sa kanilyang puso ang pagiging makata
kahit na naging senador na ito.
BUOD
Ang pelikula ay nagpapakita ito sa sitwasyon ng magkakapatid na babae na
sina Candida at Paula Marasigan. Sila’y mga anak na babae ni Don Lorenzo Marasigan
na isang pintor at kilala sa pagkakaroon ng mataas na profayl. Ang pamilya ni Don
Lorenzo ay nakaranas ng problemang pinansiyal, dulot ito ng matagal na panahon na
hindi siya nakapagpint at nagdulot ito ng pagkaroon nila ng mga utang. Kailangan
umasa ang mga kababaihang walang asawa na sina Paula at Candida sa kanilang tila
mas matagumpay na kapatid na si Manolo at kapatid na babae na si Pepang. Hinimok
si Candida at Paula ng kanilang mga kapatid na ibenta ang bahay. Hinding-hindi
pumayag si Candida at Paula na ibenta ang bahay. Doon sila ipinanganak kaya doon
na daw sila mamamatay. Upang magkaroon ng kita, ang mga kapatid na babae ay
nagpa-renta ng isang kwarto sa loob ng kanilang bahay kay Tony Javier. Ang ipinintang
larawan ng pintor ay nakakakuha ng isang mataas na halaga dahil ito ay umaakit sa
pagkamausisa ng maraming indibidwal na kasama ang mga kritiko ng sining,
mamahayag at kaibigan ng pamilya na si Bitoy Camacho, Senador Perico na hinihiling
ang mga babae na ibigay ang portrait sa gobyerno at si Tony na sumusubok na
kumbinsihin Si Candida at si Paula na ibenta ito sa mga amerikano. Sa pagitan ng mga
panghihimok na ito, hindi nagawang ibinenta ng dalawang magkakapatid ang larawang
ipininta ng kanilang ama para sa kanilang dalawa. Sa huli ay napag-desisyunan ni
Paula na sirain at sunugin ang larawan sa pagnanais na maging malaya na sila. Sa
pagdiriwang nila nang piyesta ng La Naval maraming mga kalapit-loob ng pamilya ang
bumisita at sa pagkakataon ding iyon ay pinilit sina Candida at Paula ng kanilang
dalawang nakatatandang kapatid na palayasin sa bahay ngunit nahinto ang lahat nang
lumabas na sa wakas ang kanilang ama sa kanyang kwarto.

PABORITONG EKSENA

Ang pinakapaborito ko’ng pangyayari sa loob ng pelikulang “Ang Larawan” ay


noong nagdiwang sila sa piyesta ng La Naval at nilabanan nila Paula at Candida ang
kanilang sarili upang manatili sa kanilang bahay. Noong pumunta ang kanyang mga
kapatid at pilit silang pinalayas, ngunit naging matatag sila sa kanilang pinaninindagan.
Makikita na hanggang sa huli ay naging matatag sila at hindi nagawang lisanin ang
kanilang bahay. Makikita na kahit na marami sa kanilang mga kapitbahay ang nag tsi-
tsismis sa kanila, kahit na pinipilit sila ng kanilang dalawa pang magkakapatid na lisanin
ang lugar, kahit na mayroon nang mga alok na gustong bumili sa obra maestra ng
kanilang ama at magkaroon ng pera, nagpatuloy sila sa kanilang paninindigan na
kailanman hinding-hindi nila ibebenta ang pinta ng kanilang ama. Naging matatag sila
na manatili kung saan sila ipinanganak at hindi iniwan ang kanilang ama. Nakita sa huli
na naging matatag sila at patuloy na ipinaglaban ang kanilang panantili. At noong
lumabas na ang kanilang ama sa kanyang kwarto at inakbayan si Paula at Candida,
makikita na sa huli sa kanila talaga kampi ang kanilang ama. Makikita na
pinapahalagan nila ang kanila ang nakaraan na makikita nila at magugunita sa loob ng
kanilang bahay. At ang mga alaala na kanilang nabuo sa loob ng bahay na iyon.

MGA ARAL NA NATUTUNAN MULA SA PELIKULANG

“ANG LARAWAN”

 Mula sa pelikulang “Ang Larawan” natutunan ko’ng dapat hindi tayo magpa-apekto
sa mga paninira ng ibang tao sa atin. Kahit na may mga masasamang sinsabi ang
iba sa atin, kailangan nating maging matatag at ipagpatuloy ang ating buhay.
Kagaya ng dalawang magkakaptid kung saan maraming naging usap-usapan sa
dalawa dahil sa kanilng hindi pag-aasawa at dahil na rin sa kanilang mga utang,
nanatili silang matatag.
 Natutunan ko rin na mahalaga na maging matatag sa kung ano ang iyong
pinaninindigan. Kagaya ng dalawang magkakapatid na si Paula at Candida na
hinding-hind nila ginusto ang pagbibenta sa larawan na ginawa ng kanilang ama
para sa kanila. Kahit na maraming alok na ang humarap sa kanila, nanatili silang
matatag at hindi nagpaapektp. Kahit na sa kahirapan, hindi nila nagawang ibenta
ang larawan. Kahit sa mga problema na kinaharap ng dalawang magkakapatid na
sina Paula at Candida nanatili silang matatag.
 Natutunan ko rin na mahalaga na pahalagahan natin ang mga obra maestra ng
nakaraan. Kahit na nasa panahon na tayo ng modernisasyon, hindi ito
nagpapahiwatig na pwedi na nating talikuran ang ating mga nakaraan na mga
kultura at paniniwala. Mahalagang ating bigyan ng importansya ang mga ito at hindi
basta-basta lang na ibenta o talikuran. Kagaya ng ginawa ng dalawang
magkakapatid na pinakita nila kung gaano nila pinapahahalagahan ang obra
meaestra ng kanilang ama at hindi nagawang ibenta ito kahit sa matas na halaga.

You might also like