You are on page 1of 4

Suring Pelikula Sa Filipino : Anak

I. Pamagat

“Anak” by: Ricardo Alfonso at Raymond Antonio Lee

II. Mga tauhan

Vilma Santos - Josie


Claudine Barretto - Carla
Joel Torre - Rudy
Amy Austria - Lyn
Sheila Junsay - Daday
Cherry Pie Picache - Mercy
Leandro Munoz - Brian
Gino Paul Guzman - Don Don
Tess Dumpit - Norma
Jodi Sta. Maria - Bernadette
Cris Michelena - Arnel
Hazel Ann Mendoza - Young Carla
Daniel Morial - Young Michael
Odette Khan - Mrs. Madrid

Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang mga karakter na kanilang ginampanan. Ang bawat salitang
kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay nakaka-antig
ng damdamin, kung kaya't nagiging emosyonal ang manunuod. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik sapagkat
hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga "plot twist". Ang buong husay na pagganap ng
mga artista ang nagbigay buhay sa buong kwento kaya't itoy naging makatotohanan.

III. Buod Ng Pelikula

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang
kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang
kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang
kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong
Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng
mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain
at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat
ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay
nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral,
paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang
problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa
kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil
nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang
si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para
magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't
malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at
nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa
muling pag-alis ng ina.

IV. Banghay ng mga Pangyayari


Ang mga tagpo sa loob ng pelikulang ito ay nagawa at naipalabas ng malinaw. Ang bawat pangyayari naman
ay mahahalaga dahil lahat ng mga iyon ay sumasailalim sa tunay na kalagayan ng pamilyang Pilipino.

a) Tagpuan
Ang Pelikulang ito Anak ay isang magandang palabas para sa ating mga Pilipino. Ito ay
nagpapakita ng mga sitwasyong totoong nangyayari sa loob at labas ng bawat pamilyang Pilipino.
Maraming mga pagpapahalagang moral ang naibahagi ng pelikulang ito. Tunay at wagas ang
pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak. Ang Ina ay handang tanggapin at mahalin ang
kanyang mga anak maging anu pa man ang mga kamaliang nagawa nito. Ang lahat ng tao ay may
kakayahang magbago at magbalik-loob sa tamang landas. Ang lahat ng tao ay may dahilan kung
bakit sila ay nagsasakripisyo para sa ibang tao. Ang pagpapakatatag ng tao sa pagharap sa
kanyang mga problema ay mahalaga upang malapasan ang mga pasakit ng buhay. Ang mga aral
na iyan ay dapat taglayin ng bawat isa sa atin dahil ang mga iyan ay makatutulong sa atin upang
mapagtagumpayan natin ang ating mga buhay. Hindi lamang iyan gayundin ang mga simpleng
aral na makikita pa rin sa loob ng pelikula ay makatutulong din. Ang mga aral na makikita ay
base sa paraan ng ating pagtingin sa buhay. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si
Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang
gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina. Kung kaya’t ang pelikulang ito na
“Anak” ay magsilbi nawang paalala at magbukas ng kaisipan ng karamihan sa ating mga
kababayan ng kalagayan ng isang OFW.

b) Protagonista
- Si Josie and Protagonista sa nasabing kwento

c) Antagonista
- Si Carla din ang Antagonista sa kwento dahilan sa hindi niya maintindihan ang pagalis ng
kanyang ina para sa kanila.

d) Suliranin
- Ang titulo ay angkop sa pelikula sapagkat sakanya nagsimula ang problema, noong pinipilit
niya na lumayo ang kanyang ina sa kanilang magkakapatid. Ito rin ay sumisimbolo sa mga
paghihirap ng ina at ang kanyang mga paghihirap makuha lang ulit ang loob ng kanyang mga
anak.

e) Mga Kaugnay na Pangyayari o Pagsubok sa paglutas ng Suliranin

- Marahil ngayon karamihan sa magulang ay pumupunta sila sa ibang bansa para makakita
sila doon ng maganda trabaho. At naghahangad din sila doon ng malaking suweldo kasi dito
sa Pilipinas ay kakaunti lang ang kanilang sahot . Kaya sila ay nagtatagal sila sa ibang
bansa . kaya ngayon marami na umalis dito sa Pilipinas.

Kaya nga ngayon kahit ayaw man nilang lumayo o iwan ang kanilang mga anak para lang
mabigyan din ng magandang buhay ang mga ito.

Ang mga magulang na OFW ay walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng maganda at
maayos na buhay ang kanilang mga anak. Kaya kahit masakit man sa kanilang loob ang
paglayo at pag-iwan sa kanilang mga anak ay walang silang ibang magagawa kung ang
tiisin na lamang at isipin na para din naman ito sa kanila. Ang mga OFW sa ibang bansa . ay
walang iba hangad kundi ang makapag-padala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa
Pilipinas. Tiniis nila ang lahat , ang mag-alaga ng hindi nila kaano –ano ang maging alipin sa
ibang bansa . at ang magtiis sa lahat ng lungkot at Pangungulila sa kanilang mga mahal sa
buhay . Mahirap ang maging OFW kaya pahalagahan at intindihin sana sila ng mga taong
iniwan nila.

f) Mga Ibinunga
V. Tema o Paksa

Ito ay patungkol sa isang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hong Kong at tinitiis na malayo sa pamilya
upang mabigyan ito ng magandang buhay. Naglalayon ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng mga OFW na
hindi sila umalis para takasan ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ipinahahatid lamang nito na
handang gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga anak. At kahit anuman ang mangyari babalik at
babalik ka parin sa iyong ina.

VI. Aspektong Teknikal

Sa mga ganitong klaseng pelikula, nangangalaingan ito ng mga musika upang mas maantig ang damdamin ng
mga manunuod. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod-sunod ang pagkakalahad ng mga impormasyon.
Mayroon ring koordinasyon sa ilaw at tunog kaya't hindi ito magulo tingnan. Ang Editing ay napakahusay
sapagkat sunod sunod ang pagkakadugtong mga mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong
pelikula.

Cinematograpiya

Ang kanilang pananalita ay maganda naman. Ngunit nasira ito nang naglaban-laban na ang mga karakter. Sa
kanilang pag-aaway, minsan ay sila gumamit ng mga di magandang mga salita. . Simple lang din ang kanilang
mga kasuotan. Noong panahon pa na pag-gawa ng Anak ay hindi pa hightech ang mga kagamitan, pero ang lahat
ng kuha sa movie ay malilinaw dahil nailagay nila sa tama ang mga ilaw na gamit nila.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Base sa napanood ang pelikulang ito ay magandang aral na madudulot sa atin . Dahil hindi madali sa isang ina na
mawalay sa kanyang mga anak. Kahit iba ang pagtrato ng kanyang mga anak. Hindi parin siya sumusuko , dahil
mahal niya ang kanyang mga anak . Hindi siyang nagibang bansa siya para mamasyal kundi nakipagsapalaran
para mataguyod ang kanyang pamilya. Kahit mahirap sa kanya tiniis niya na makipagsapalaran para sa buhay ng
kanyang mga anak . Kaarapat dapat natin itong panoorin . Dahil ito ay nagbibigay inspirasyon sa mga anak. Para
malaman ng karamihan na hindi madali ang ginawa ng isang ina na nawalay sa kanyang mga anak. Kasi sa
kasalukuyan ay marami ng mga anak na nahiwalay sa kanyang pamilya . Kaya dapat ito ay matugunan o
mapanood .

Masasabing simple at pangkaraniwan lang ang istorya, ngunit ito ay naging extraordinary dahil sa mga artistang
nagsipagganap at matitinding dialogues na nakapukaw ng atensyon at nagdala sa emosyon ng mga manunuod
upang maramdaman ang mga mensaheng nais iparating ng mga karakter.

Ipinakita rin nito ang pagbabago ng estado ng babae’t lalake pagdating sa tingin sa mga responsibilidad. Mga
babae na ang gumagawa ng dapat sana’y sa lalake. Ang dating mababang pagtingin sa mga kakayahan ng babae
ay napalitan na ng pagtinging kaya na rin ng mga babae, at higit sa lahat kaya pang higitan.

Tamang-tama din ang theme song ng pelikula, ito ang nag.set ng mood sa mga manunuod. Nag.iwan at patuloy na
nagpaalala ng mga aral sa buhay ang pelikulang ito.

You might also like