You are on page 1of 2

IISA ANG HANGARING TUMULONG

Ni: Jan Wryvhen C. Langiden

Si Mario at si Maria ay magkaibigan, si Maria ay SK Chairman sa nasabing lugar. At si Mario ay Kagawad ni


Maria, na nasa isang mahirap na pamilya. At si Maria naman ay lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, kaya
naman may kaya ang kanilang pamilya. Marami sa kanila ay mahihirap ang pamumuhay na gaya ni Mario. Dahil
ang magkaibigang ito ay mabait at may busilak na puso para tumulong, sila ay nag-usap kung paano sila
makakatulong sa mga dukha o nangangailangan ng tulong sa kanilang lugar.

Maria:
Mario, ano bang magandang gawin para kahit papaano eh makatulong naman tayo sa mga kalugar natin na
nangangailangan ng tulong. Kase palagi kong naririnig ang usapan ng mga kapitbahay natin na wala na daw
silang makain. Eh sa dami pa naman kase ng anak nila tapos wala pa silang trabaho.

Mario:
Pati ngarin ako napapaisip kung paano din makatulong. Parehas pala tayu ng nasa isip Maria. Kase minsan
sa amin, hindi din kami nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero kinakausap kami ng aming mga
magulang na magtipid at magipon. Lalo na sa ngayong may pandemya. Kaya nga palagi akong nagsisideline
o parttime sa bayan para kahit papaano may maipon ako o maitabi kung sa panahong gipit na. Yun nga yong
problema sa atin. Hindi nila mapakain ang kanilang mga anak dahil sa hirap ng buhay. May paraan para
sila’y umunlad kung susuyuin natin silang makinig sa atin.

Maria:
Ano namang klaseng paraan yan? Eh kailangan natin ng financial assistance sa nakakataas para mabigyan
nila tayu ng suporta o ideya para makatulong sa mga nangangailangan.

Mario:
Kahit naman hindi eh kaya naman nating tumulong. Kailangan nating gumawa ng programa para maipakita
sa kanila kung ANO ang dapat nilang gawin. Gaya na lamang ng pagtitipid, pag-iipon at pamumuhunan
program, o Family Planning para maiwasan ang pagdami ng miyembro ng pamilya.

Maria:
Tama ka! Kailangan nating umaksiyon sa lalong madaling panahon. Para matulungan natin sila. Para narin
makapag isip sila. Kahit man hindi financial ang ating gagawin, alam kung malaking tulong ang programang
ito para sa kanila para maiwasan ang paghihirap ng isang pamilya.

Kaya naman ginawa nila ang kanilang napagusapan at sila’y nagpatuloy sa kanilang programa, tinawagan
nila ang kanilang mga kaibigan para magtutulungang gawin ito para matulungan ang mga kalugar nila kung
ano ang dapat gawin para maiwasan o maibsan ang kahirapan sa kanilang pamilya. At eto ang mga
sanaysay o alituntunin na kanilang ginawa.

MGA DAPAT GAWIN UPANG MAKAIWAS KA SA MALABIS NA KAHIRAPAN:

 Iwasan at layuan ang mga masamang bisyo, gaya ng pag-inom ng alak, pagsusugal, paninigarilyo,
atbp., maging ang mga taong nag-uudyok sa iyo na gawin ang mga bagay na ito. Bukod sa
nakakasagabal ito sa ating pag-unlad at maayos na pamilya, nakakasira ito sa budget at ang iyong
kalusugan ay nalalagay sa alanganin.

 Alagaan ang iyong kalusugan. Kapag ikaw ay nagkasakit, ang iyong sarili at pamilya mo din naman
ang siyang mahihirapan at mag-aalala, pati na ang iyong bulsa at kabuhayan.
 Maging disiplinado, tapat, masipag, madiskarte, maabilidad, at responsable sa lahat ng iyong mga
desisyon at gagawin sa buhay na ito.
 Hangga’t maaari ay iwasan ang malabis na pangungutang. Pag-ipunan ang bawat bagay na iyong
pagkakagastusan upang hindi ka makaabala ng kapwa at masira ang iyong samahan at
pagkakaibigan.

 Mag-ipon para sa hinaharap. Huwag puro gastos sa saya at mga luho sa katawan. Isipin ang
magiging buhay at kinabukasan mo at ng iyong pamilya.

 Maghanda para sa iyong sarili at pamilya. Kumuha ng insurance para sa buhay at kalusugan, at
magtabi ng sapat na halaga para makaiwas ka sa utang, stress, at sa sermon ng iyong mga kaanak,
kaibigan, o kasamahan sa trabaho.

 Sa mga kabataan, mag-aral ng mabuti at sundin ang payo at tuntunin ng iyong mga magulang. Ito ay
daan tungo sa mabuting kapalaran.

You might also like