You are on page 1of 3

Anak

Rory B. Quintos
Tauhan: Vilma Santos (Josie) - ina ng tatlong magkakapatid na sina Carla, Michael at Daday.
Claudine Barreto (Carla) - panganay na anak ni Josie.
Baron Geisler (Michael) - pangalawang anak ni Josie.
Sheila Mae Alvero (Daday) - bunsong anak ni Josie.
Joel Torre (Rudy) - asawa ni Josie.
Amy Austria (Lyn) - matalik na kaibigan ni Josie.
Cherrie Pie Picache (Mercy) - matalik na kaibigan ni Josie.
Leandro Munoz (Bryan) - kasintahan ni Carla.
Jodi Sta. Maria (Dot dot) - nililigawan ni Michael.
Tess Dumpit (Norma)
Cris Michelena (Arnel)
Odette Khan (Mrs. Madrid)
Tagpuan: Hongkong
Maynila

Suliranin: Si Josie ay nagtatrabaho sa Hongkong bilang Domestic Helper upang tustusan ang
pangangailangan ng kanyang asawa at mga anak. Sa kanyang pagtatrabaho ay tiniis nya ang
mga pasakit sa kanya ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais at kagustuhang masilayan at
kanyang mga anak sa paglaki ng mga ito.
Sa isang masayang mag-anak, nagkawatak-watak ang buhay ng mga anak ni Josie
simula ng yumao ang kanilang ama. Dito nagsimulang masuklam si Carla sa kanyang inang
nasa Hong kong kayat nagpadala siya dito ng sulat upang malaman ang nangyari at nang
siya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat sa kanya ni Carla dahil kinulong
siya ng kanyang amo sa kanilang bahay ng sila ay lumipad patungong America ng isang
buwan lamang. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan kaya't nagmakaawa si
Josie sa kanyang amo na pauwiin siya sa Pilipinas ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng
kanyang amo.

Kasukdulan: Makalipas ang ilang taon, nagawa ni Josie na itigil ang kanyang trabaho sa
Hongkong sa plano ng kanilang plano ng dalawang magkaibigan na sina Lyn ay Merci sa
pagtatayo na lamang ng negosyo pagkabalik sa Pilipinas. Masaya ang naging pagbabalik ni
Josie pagkayari ng anim na taong pangungulila sa kanyang mga anak. Gayunpaman nagulat
siya sa hindi niya inaasahang trato sa kanya ng kanyang mga anak. Hindi siya kilala ng
kanyang bunsong anak na si Daday, hindi man lang siya pinansin ng bunsong anak na si
Michael at isang bastos na panganay na anak na si Carla kung siya'y initsipwera lamang.
Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakita ni Josie ang maling gawain ng
kanyang mga anak. Nalulong sa masasamang bisyo sina Carla tulad ng paninigarilyo,
panglalalake, pagtatattoo, paglalasing, paglalaglag ng bata at higit sa lahat ang paghithit nito
sa droga. Nawala sa iskolarship ang kanyang pinakamatalinong anak na si Michael na sanay
bawas bayarin sa kanyang pag-aaral. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan
siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil naggastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Lumala
pa ang sitwasyon sa buhay ni Josie at para bang gusto na niya sumuko. Lumala ang alitan kay
Josie at Carla kayat tuluyang lumayas si Carla at lalong lalulong sa masamang bisyo.
Naglayas din si Michael dahil napahiya sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.

Wakas: Nagtuloy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay rin ng pagkaubos ng perang inipon
niya para sa kanyang pamilya. Dahil dito, nagpasya siyang bumalik sa Hongkong upang
muling magtrabaho. Isang gabi bago siya babalik sa Hongkong, napuno si Josie sa pagtrato sa
kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos na ni Josie sa harap ng
kanyang anak ang kanyang nararamdaman. Sa oras na ito namulat at mga mata ni Carla sa
katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at kanyang sinisi ang kanyang sarili dahil sa
pagkalala niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa
kanilang magkakapatid ang nagtaboy sa kanya upang siya'y magrebelde, ngunit sa kanilang
alitang iyon, naintindihan ni Carla ang pagmamahal ni Josie at siya ay humingi ng tawad dito.
Bago pa man makaalis papuntang Hongkong ibinuhos ni Josie ang natitirang oras para sa
kanyang mga anak at siya ay pinangakuan ni Carla na siya ang mag-aalaga sa kanyang mga
kapatid malayo man sa tabi ng ina.

1. Nangyari pa ba ang kasaysayan sa kasalukuyan? Patunayan.


- Oo, Tulad sa kwento, marami pa rin sa atin ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang
magOFW at iwan ang mga mahal sa buhay. Ipinakita rin na talamak pa rin sa atin hanggang
ngayon ang mga isyu tulad ng premarital sex, aborsyon, maski ang edukasyon dahil da
kakulangan ng atensyon ng magulang.

2. Kanino mo maihahantulad ang mga tauhan sa mga tao sa kasalukuyan?

- Maihahantulad ko ang tauhan sa kwento sa tao ngayo'y na banat ang pagtatrabaho


matustusan ang pangangailangan ng mga mag-anak. Marami din tao ngayon sa lipunan natin
ang mga pag-aaruga at gabay ng magulang kung kayat nalululong sa madamang bisyo at
pagbubuntis na wala sa hustong gulang.
3. Kung kayo ang Pangunahing Tauhan, Papaano ninyo babaguhin ang inyong kapalaran?
- Babaguhin ko ang aking kapalaran sa hindi ako aalis ng bansa at hindi ko iiwan ang aking
mahal sa buhay. Maaaring magnegosyo na lang ako upang kumita at makakatulong pa sila sa
akin at maghanap ako ng trabahong angkop sa akin at kaya kong gawin.

4. Anong kulturang pilipino ang ipinakita sa akda?


- Kahit bastus bastusin si Josie ng kanyang anak na si Carla o kahit anong maling ginawa nito
sa kanya, aakayin pa rin niya dahil dugot laman pa rin niya si Carla. Nangibabaw pa rin ang
pagpapahalaga sa pamilya. Ang relasyon ng ina sa kanyang anak, ang anak tungo sa kanyang
ina ay hindi pa rin kailan man magbabago.

You might also like