You are on page 1of 8

Benguet State University

Kolehiyo ng Sining at Agham


Kagawaran ng Humanidades
Programang Gradwado
La Trinidad, Benguet
Phd Language Filipino

Asignatura: PAMPANITIKANG GENRE NG PILIPINAS


Propesor: Dr. Penelope Tica-a
Mag-aaral:
Joemar L. Capinlac
Shirley C. Veniegas
Petsa: Oktubre 26, 2019
______________________________________________________________________

Maynila: Sa Kuko ng Liwanag


Ni: Edgardo M. Reyes

Buod:
Sa simula, si Julio isang lalaking karaniwan sa bukid
na buhok ay tumatambal, malaginto sa kauhawan sa porma, dibdib
na wari’y bariles dahil sa malaki nitong masel a t m a k a k a p a l n a
kamao ay hindi matatagpuan sa bukid kundi sa mga
l a n s a n g a n n g lungsod. Maaaninag sa kanyang hitsura na siya ay
maralita. Umaga noong Marso, siya ay nakatayo sa Issac Peral,
nangangamba sa pagtawid. Dahil sa mga animo’y mabangis
nasasakyan sa kanyang harapan. Sa kanyang patuloy na
paglalakad natunton rin niya ang kanyang paroroonan. Sa
gusali ng “The Future La Madrid Building Architectural
Design:T.S. Obes and Associates”. Naroroon siya upang maghanap ng
trabaho at hindi naman siya nabigo. Pinasok siya sa
pagpipiyon, kahit na mas malaki ang sahod niya sa dati
niyang  p i n a g t a t r a b a h u a n s a k o n s t r u k s y o n n a m a t a t a p o s
na sa Cubao. Kaya’t hindi niya ito na tinanggihan.
Doon nakilala niya si Omeng na naghatid sa kanya sa
l u g a r n g k a n y a n g  pagtatrabahuan, sa mga naghahalo ng simento.
Sila ay sina Atong at Benny na tigatakal ng graba at buhangin.
Si Imo naman ang nagtutubig at nag-uuho ng simento. Dahil
sa matinding init ng araw, gutom at hirap ng trabaho
hinimatay si Julio at agad siyang sinaklolohan ni Atong at
binigay ang baon nito upang maibsan ang nararamdamang
gutom.Dahil sa inalmusal ni Julio ang baon ni Atong. Nananghalian
naman siya sa baon ni Omeng. Ibinahagi nito ang baong
tatlong pritong galunggong at kamatis. Matapos nilang
mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at nagkwentuhan habang
namamahinga.Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio
ay taga- Marinduque, doon siya ay mangingisda. Matapos nito
bumalik na sila sa kanilang trabaho. Kinahapunan ay pumila sila
kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa
walang matirahan si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas
ng gabi sa mismong konstruksyon site. Bago pa man umuwi sina
Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-diyes sentimo. Sa
konstruksiyon site kasama niya si Benny at Imo na isang
estudyante sa kolehiyo.
Lumabas si Julio at naglakad-lakad ito sa malapit na
parke.Isang umaga, matapos mag-almusal sina
Julio,nabalitaan nilang may napatay na ordinaryong
manggagawa kagabi. Sina Atong ay nagkausap tungkol dito.
Samantala si Julio ay naibagsak ang sako ng simentong hawak.
Naisip ni Julio, bakit niya pinatay ang k a t u l a d n i y a n g
ordinaryong manggagawa dahil sa maliit na
h a l a g a n g l i m a n g p i s o . Bumaling na lamang sa paghahalo ng
simento si Julio. Samantalng si Benny naman, na kilalang
masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtatrabaho. Di
akalaing lubos ng kanyang mga kasama na ito na ang huling
trabaho nito. Ang masaklap pa ay namatay itong dukha. Si
Atong naman ay masuwerteng daplis lamang ang natamo sa
masaklap na aksidente. Dahil ito ay hirap lumakad inihatid ito
ni Julio sa kanilang tahanan. Sa pagkakahatid ni Julio kay Atong.
Nakita niya sa daan ang realidad ng hirap ng buhay. Mula sa bus,
bumaba sila sa North Boulevard na patungong Estero Sunog-Apo. Sa
esterong ito nananahan ang ama at kapatid na babae ni
Atong. Si Perla kapatid ni Atong na sumalubong sa kanilang
pagdating. Siya ay tumatanggap ng pagantsilyuhing
kobrek a m a . Samantalng ang ama naman niya ay
p a r a l i t i k o d a h i l n a k i p a g l a b a n s a n a i s kumamkam ng
lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a
binaril at tinamaan sa buto. A r a w n g S a b a d o , i t o a n g
araw na pinakahihintay ng mga trabahador dahil
ibibigay na ang kanilang pinagpagurang suweldo. Kahit
n a n a d a y a s i J u l i o n i M i s t e r   Balajadia sa suweldo niyang
kinse pesos, ayos lamang. Napagpasyahan niyang mamili ng
damit at tsinelas kaya’t nagpasama siya kay Atong sa
Central Market.
Matapos mamili kumain sila ng goto at nagkwentuhan
patungkol sa mapait na nangyari sa nobya ni Julio. Gabi na
ng makabalik si Julio sa gusaling kanyang tinutuluyan. M a t a g a l
na si Julio sa gusaling pinagtatrabahuan. Si Mister
B a l a j a d i a a y nagpasyang magbawas ng tao at kasamang
matatanggal si Julio. Dahil patapos na ang gusali kaya
pinapa-unti-unti na ang mga taong nagtatrabaho roon lalo na sa
piyon.
Isang linggo na lamang ang itatagal niya sa trabaho. Napag-
isip niyang manuluyan pa rin sa bodegang gusali para may
matulugan lamang. Ngunit hindi siya pinayagan ng gwardia ng
gusali. Lumabas si Julio at naglakad-lakad sa malamig at marahas
na lungsod, hangang marating niya ang kalye ng A. Mabini. Sa
patuloy na paglalakad ni Julio nagawi ito sa Santa Cruz sa
may Misericordia kung saan marami siyang nakitang sulat
intsik. Nagpagala-gala siya at natulog sa kalye. Sa
matandang apartment sa Doroteo Jose, kumatok siya at nagtanong
patungkol sa babaeng nagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya
niyang si Ligaya, ngunit isang lalaki ang nagbukas ng pinto at
kunot ang noong sumagot na wala ang hinahanap niya sa
bahay na iyon. Unti-unti inalala ni Julio ang sinabi ni Pol at
Imo sa kanya, na maaaring ipinasok sa kasa at ibinenta sa Intsik
si Ligaya upang pakasalan. At isang araw, sumulat si Misis Cruz
sa ina ni Ligaya at ayon sa sulat ang kasintahan niya ay
nawawala at bukod pa rito ay ninakawan pa raw siya ng
Diyamanteng hikaw. Isang pagkakataon, nakita ni Julio si
Misis Cruz na pumasok sa tinitirahan nito sa Doroteo Jose.
Patuloy siyang nagmanman,hindi naman siya nabigo sa pagsunod-
sunod niya sa mga pinupuntahan ni Misis Cruz nakarating
siya sa Sta. Cruz sa lugar kung saan maraming nakasulat na
intsik. Matapos pumasok ni Misis Cruz sa isang pintuan.
Agad siyang kumatok at nagtanong sa isang katulong. Kung
mayroon nakatira Ligaya Paraiso roon. Ngunit biglang may dumating
na intsik mula sa loob na nagngangalang Ah Tek at pinagsaraduhan
siya ng pinto. Bumalik sa gusaling pinagtratrabahuan si
Julio. Sa kanyang pagbabalik siya ay   p i n a k i u s a p a n n i
Imo na humalili sa kanya kinabukasan dahil mag-
a a p l a y s i y a s a Advertising Company.
Dahil nalaman ni Mister Balajadia na nagsisinungaling
si Imo patungkol sa kunwaring may libing siyang pupuntahan
agad siyang tinanggal sa listahan. Ngunit magkaganoon man
suwerte pa rin niya dahil natanggap siya sa opisina.
Kumalat ang balita hanggang obrero. Masaya sina Gido, Atong,
Omeng at Frank sa tinatamasa ng kanilang kaibigan.
Nanunuluyan si Imo sa Vito Cruz.

II. Pagtalakay
A. Tauhan
   Julio
 isang mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila
upang hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya o Ligaya
Paraiso kasintahan ni Julio na lumuwas sa Maynila dahil
pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima
ng  prostitusyon
Pol
 Ang matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa
kanyang mga  problema
Atong
 Ang mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang
construction site

Ah Tek
 Isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution at
nagkagusto siya kay Ligaya kaya pinakasalan niya
B. Tagpuan
Maynila
 Sa lugar na ito halos nangyari ang lahat ng pangyayari sa
kuwento.

C.BANGHAY

PANIMULA

Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay


namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kaniyang
kita gayundin ng kaniyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang
sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kaniyang kasamahan rin sa
trabaho.

SAGLIT NA KAKINTALAN

-Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga


trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at
nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis
rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

-Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap


niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin
kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita
na siya ng maayos.

-Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya


ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung
si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang
paupahan.

PAPATAAS NA AKSYON

-Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita


niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa probinsiya.
Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni
Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon
ay may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek.
Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng
probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio
mula alas dose hanggang alas tres.

KASUKDULAN
-Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio.
Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si
Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

PABABANG PANGYAYARI

-Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay na si Ligaya.


Tahimik lamang siya hanggang mailibing si Ligaya.
WAKAS
-Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni
Ligaya na si Ah Tek.

TUNGGALIAN
Tao laban sa lipunan
-Sapagkat si Julio at si Ligaya ay mga probinsyano at dahil doon
ay tinatrato silang maliit at hamak lamang ng mga taga- Maynila.

Tao laban sa Sarili


-Hindi mapigilan ni Julio na makapagnakaw sa isang lalaki. Higit
pa, hindi niyang sinasadyang mapatay ito.
Tao laban sa Kalikasan
Malaki ang dinanas na hirap nina Julio at Ligaya sa Maynila.
Gutom, prostitusyon, kawalang hustisya ang ilan sa mga ito

Dulog
Ang nobelang Maynila sa kuko ng liwanag ay gumamit ng dulog
na Moralistiko sapagkat nagpapakita ito ng mga kaugalian ng mga
tao na naninirahan sa Maynila. 
May mga taong hindi maalam mag-alaga ng sarili at maging
masipag. May mga iba rin na nandadaya at nangunguha ng pera sa
ibang tao. Hindi rin pantay-pantay ang pagtrato sa mga Pilipino.
Ang ibang mayayaman, ibis na tumulong sa kapuwa mahirap ay
lalo pang pinahihirapan kaya dumadami ang kahirapan sa bansa.
Kasakimaan, kawalang hustisya, at pagka-ignorante ang mga
nagdulot ng kahirapan.
Ipinakita sa kuwento ang pagkakaiba-iba ng ugali ng bawat
mamamayan na naninirahan sa Maynila. Ipinakikita rito ang iba’t
ibang uri ng tao na maaari nating makasalamuha sa pang-araw araw, nakita
ko rin na iba’t iba ang ugali ng mga tao lalo na sa Maynila Mas marami
pa rin ang nakita ko sa nobelang kabutihang ginawa kesa sa kasamaan
dahil lamang sa pera.

Simbolismo sa Nobelang Maynila Sa Kuko ng mga Liwanag


-Sa Kuko ng mga Liwanag sinisimbolo nito ang nakasasakit na
pang-aakit ng pangsisilaw ng liwanag ng Maynila. Ang mga karakter
na napapunta sa Maynila na may mga malalaking  pangarap ay naloko
lamang.
-Ang pangalang Ligaya Paraiso ay tumutukoy sa isang bagay na
puno ng kagandahan at kasayahan. Ngunit kabaligtaran ang lahat ng
nangyari kay Ligaya. Kagaya ng Maynila na kung saan umasa si
Ligaya na magbibigay sa kanya ng magandang buhay ay nagdulot lang
sa kanya ng problema.

Ah Tek
-Mula sa lumang salitang Filipino na “atik” na ang ibig
sabihin ay pera,sinisimbolo nito ang mga Intsik noong panahon ni
Reyes na makapangyarihan dahil sila ang may hawak ng pera.

Ang pangalan ni Julio


- Ang pangalang Julio ay mula sa pangalang Julius Caesar. Si
Julius Caesar katulad ni Julio ay may malakas na karakter na
hindi basta-bastang sumusuko sa anumang pagsubok.
-Si Julio ay matatag kahit siya ay naghihirap na. Ngunit ang
pagkamatay niya ay nagsimbolo ng pagkawalang-hustisya at
pagkamatay din ng  pag-asa.
Estero
- Isang maduming lugar na wari lahat ng kapangitan sa mundo ay
naroon na. Tinutukoy nito ang Maynila na nasisira na ang
kagandahan at puro kapangitan lamang ang mayroon, kahit sa lugar
man o sa mga taong nakatira roon.
Reaksyon
Kahirapan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang hindi
nakakakain. Madami ang nawawalan ng hanap-buhay at marami ang
nagtitiis ng hirap. Madami rin ang hindi nabibigyan ng
pagkakataong mag-aral kaya lalong hindi umaasenso ang kanilang
buhay.
Naapektuhan ang buhay ng ibang Pilipino kaya nawawalan sila
ng pag-asa upang magsikap at mabuhay. Nagandahan kami sa aming
binasa pati sa mensaheng pinaparating nito.  Naisip namin na sa
buhay sadyang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga
nakakalamang, may mga naghihirap. Subalit ganoon pa man anong
kapalaran, tayo pa rin ang may hawak ng ating buhay. Tayo ang may
desisyon kung ano ang gusto nating gawin at makamit. Kahit gaano
kasama ang mundo, nasa sarili natin kung paano natin papagandahin
ito.

You might also like