You are on page 1of 1

Sa mga kuko ng liwanag

BUOD NG NOBELA

Si Julio ay isang maralitang mangingisda na may kasintahan na ang pangalan ay


Ligaya.

Isang araw, umalis si Ligaya kasama ang isang Ginang Cruz na pinangakuang
makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya.

Pumunta si Julio sa Maynila para makita si Ligaya. Noong nasa Maynila na, naging
biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng
mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta
ng sariling katawan para lang kumita ng pera.

Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit nagbago


ang lahat nang muli niyang makita si Ligaya. Nalaman niyang si Ligaya ay naging
biktima ng prostitusyon.

Nagbalak na tumakas ang dalawa ngunit gaya ng sabi ni Ligaya ay kayang-kaya siyang
patayin ng kinakasama kapag ito ay nahuling tumatakas. Dumaan ang gabi at sa
paggising ni Julio ay patay na si Ligaya.

Ipinaghiganti ni Julio si Ligaya at pinaslang ang kinakasama nitong lalaki subalit


maraming nakasaksi at pinagmalupitan si Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng
hininga.

Reference: https://www.tagaloglang.com/sa-mga-kuko-ng-liwanag/

You might also like