You are on page 1of 6

I.

Introduksyon A. Pamagat ng katha at may-akda

Daluyong ay isang nobelang isinulat ni Lazaro Francisco. Siya ay ipinanganak noong Pe ang pangapat na anak nina Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani Bataan ngunit pumunta at tyuluyang namalagi sa Neuva Ecija. Itinuturing siyang isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng wikang Pilipino C. Mga Tauhan *Lino *Bidong *Aling Basilia * Padre Amado *Huli *Ms. Loreto Sanchez *Albino *Aling Huwana *Don Tito *Ernesto *Didang

*Dr. Benigno (Beneg) Setyar

* Aling Barang

*Atty. Maecelo Ligon

* Salina, Mena at Beba

II.Buod

Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya. Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito. Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na rito si Don Tito. Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sanchez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando. Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.

Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya. Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito. Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan. Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong. Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti. Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga ito. Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita. Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil ditto, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino.

III. Pagsusuri A. Uring Pampanitikan Ang akda ay isang nobela, isang akdang buhay o kathambuhay na binubuo ng ibat ibang kabanata. Layon nito ang gisingin ang diwa at damdamin ng mga mambabasa, magbigay aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan at magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.

B. Mga Tauhan * Lino dating bangkero ng isang asyenda na nabigayan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa sa tulong ni Padre Amando Echevarnia * Padre Amado - nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Tumulong kay Lino at sa anak nito *Ms. Loreto Sanchez pamangkin ni Padre Amando at punong gro sa eskwelahan sa Pinyahan. Kumopkop kay Ernesto. *Ernesto anak ni Lino sa pagkabinata *Bidong katiwala ni Lino sa kanyang bukid at kasintahan ni Huli *Huli anak ni Aling Barang at Mang Abeng at kasintahan ni Bidong *Albino katiwala ni Don Tito sa kanyang bakahan at matalik na kaibigan ni Lino *Don Tito isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system *Didang babaeng taga Maynila na napadpad sa Maruhat at kasintahan ni Lino *Dr. Benigno (Beneg) Setyar anak ni Don Tito na tumatakbo sa pagkagoberndor *Aling Huwana balong babae na kumopkop kay Didang * Aling Barang ina ni Huli *Aling Basilia - ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni Padre Amando *Atty. Maecelo Ligon - abugado ni Padre Amando * Salina, Mena at Beba- mga kaibigan ni Ms. Sanchez

C. Istilo ng Paglalahad Mapapansin mula sa nobela ang mataas na konteksto ng usapan at ugnayan , isang patunay na malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga taong kinakausap. Kronolohikal ang naging daloy ng mga pangyayari sa nobela. Ang pagkakaroon nito ng mga mabulaklaking salita ay nakadagdag ng kulay sa nobela.

D. Mga Tayutay PAGTUTULAD/SIMILI

Ang kanyang mga ngiti ay tulad ng isang makinang na bituin sa isang malalim na gabi -LinoAnimoy bulkang pumutok sa galit si Lino ng kanyang nalaman ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan na si Bidong ng siyay tumakas sa asyenda ni Don Tito -Padre Amando-

PAGWAWANGIS/METAPOR

Pulot sa tamis ang pananalita ng aking irog -DidangAng mga payo ni Padre Amando ay siyang tulay sa aking maliwanag na isipan -Lino-

PERSONIPIKESYON

Ang buwan ang magiging saksi sa ating pagsusumpaan at pag-iibigan -Bidong-

PAGMAMALABIS

Pumuti na lahat ng buhok ko sa pamomoblema sa batang iyan! -Aling Barang-

IV. Sariling Reaksiyon E. 1) Pananalig Pampanitikan/Teorya

Pananaw Realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan o sinasalamin ang buhay sa katunayan. Kung pagbabasihan ang pananaw realismo, sinasalamin ng nobela ang mga katutuhanan sa lipunan na maraming mga namamasukan na inaabuso ng kanilang mga amo at mga taong sakim sa kapangyarihan at kayamanan.

Pananaw Romantisismo ay tumatalakay sa pag-iibigan

Marapat lamang na tingnan din ang naturang nobela sa pananaw romantisismo sapagkat kapansin-pansin sa nobela ang mga pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan, ang mga lambingan at matatamis na suyuan ng mga ito.

2.) Mga Pansin at Puna A) Mga Tauhan Maayos na nagampanan ng mga tauhan ang kanikanilang mga katauhan sa nobela na kung saan isa ito sa mga salik kung bakit maayos na nailahad sa kronolohikal na pamamaraan ang takbo ng mga pangyayari. Makatotohanan at napapanahon ang pagkalapat ng karakter sa bawat tauhan na kung saan masasalamin talaga ang mga karaniwang pangyayari sa lipunan.

B) Galaw ng Pangyayari Kapanapanabik ang galaw ng mga pangyayari nobela, hindi ka makakakita ng kahit ilang saglit ng pagkabagot habang binabasa ito. Napapanahon at makatutuhanan ang mga karakter ng bawat tauhan.

F. Bisang Pampanitikan A. Bisa sa Isip Ipinapakita sa nobela ang mga ginagawang pang-aabuso ng mga taong nasa kapangyarihan at mayayaman sa mga maralita at naninilbihan sa kanila. Hindi makatarungan ang ginawa nilang pagmamalupit upang makapagbayad lamang ng utang na loob ang mga ito. Mula rito ay lagging isaisip naang bawat tao ay may karapatan at kalian man ay wala tayong karapatan na maghatol sa ating kapwa. B. Bisa sa Damdamin Sadyang kaawa-awa ang mga naging karanasan ng mga tagapaglingkod sa nobela, lalong lao na ang pagkawala at pagkakapaslang ng matalik na kaibigan ni Lino. Hindi medaling mawalan ng minamahal sa buhay gayunpaman ang pamamaalam ay isang kaganapan sa buhay ng tao na kalian man ay hindi maiiwasan. Kahanga-hanga rin ang kabaitan ni Padre Amando, siya ay larawan ng taong dapat tularan. Nakakalungkot rin ang ilan sa mga pangyayari sa nobela, lalong-lalo na ang naranasang pagkabigo ni Ms. Sanchez sa kanyang pagibig kay Lino.

C. Bisa sa Kaasalan Mula sa noble ay makikita ang samot-saring pakikibaka sa buhay ng mga ordinaryong tao. Isang aral na higit na binibigyang diin ditto ay ang kaisipang ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Magandang gawing paalala at gabay ang naturang nobela sa mga taong dumaranas ng mabibigat na pasanin sa buhay at pagkabigo sa pag-ibig. D. Bisang Panlipunan Ang pagtulong sa kapwa, pagmamahal, at paggalang sa kapwa ay ilan sa mga mahahalagang bagay na kinakailangan upag mapanatili ang kaayusan, pagkakaunawaan at kaunlaran sa lipunan. IV. Kunklusyon Habang may buhay may pag-asa ito ang aral na aking napulot mula sa nobela. Marahil sa kasalukuyan karamihan sa atin ay naghihikahos at nabibigatan subalit kalianman ay huwag mawalan ng pag-asa sapagkat hindi natutulog ang Diyos. Maging matatag at mabuting tao gaya ng mga tauhan sa nobela at tiyak darating ang panahon na tatamasin natin ang kaginhawaan sa buhay. Sabi nga nila na ang buhay ay isang gulong ng palad minsan nasa ibaba at minsan nasa itaas, ang mahalaga ay kahit saang panig ka man sa ibaba o sa itaas panatilihin ang kababaang loob at pagiging mabuting tao.

You might also like