You are on page 1of 6

MGA PAMATNUBAY

SA PAG-AANYO NG
MGA PANLOOB NA
PAHINA
1. Ituring na ang magkaharap na pahina ay iisang
pahina lamang.
2. Ang pahinang pambalita at ang pahinang pang-
editoryal ay nagtataglay ng kaanyuang pormal.
3. Ang pahinang panglathalain at ang pahinang
pampanitikan ay may kaanyuang di-pormal.
4. Lalaking-lalaki ang kaanyuan ng pahinang
pampalakasan. Karaniwang ginagamit ang
streamer sa pahinang ito.
MGA SIMULAING DAPAT SUNDIN SA PAG-
AANYO
1. KAISAHAN o UNITY
2. TIMBANG o BALANCE
3. DIIN O KAPAMIGATAN (EMPHASIS)
4. KILOS O GALAW (MOVEMENT)
5. KABAGAY O PROPORSYON
6. PAGKAKAIBA O KONTRAS (CONTRAST)
MGA PATNUBAY SA PAG-AANYO
1. Ilagay ang pinakamahalagang balita sa kanang itaas. Sa
ibaba nito ay ang sumusunod na balitang may kahalagahan.
2. Paglayuin ang mga lathalaing magkasinghaba.
3. Ibahin ang anyo ng pahina sa bawat labas ng pahayagan.
4. Hanggang maaari iwasan ang pagputol ng balita at ang
pagpapatuloy nito sa ibang pahina.Iwasan rin ang siksik na
ayos.
5. Iwasan ang paglalapit ng di-magkaugnay na larawan at
lathalain.
6. Iwasan ang paglalayo ng magkaugnay na lathalain at
larawan.
MGA PATNUBAY SA PAG-AANYO
7. Iwasan ang paggamit ng maraming uri ng tipo sa iisang pahina.
8. Iwasan ang paglalagay ng pangalan ng pahayagan sa ilalim ng lupi.
9. Iwasan ang abuhing talataan. Maiiwasan ito sa paggamit ng
subhead.
10. Iwasan ang paggamit ng banner o pangunahing ulo ng balita kung
hindi ito nararapat sa kahalagahan ng balita.
11. Huwag pabayaan na ang itaas na bahagi ng pahina ay sobrang
mabigat dahil sa paggamit ng malalaking larawan at ulo ng balita.
12. Iwasan ang paggamit ng maraming ulo ng balita na may parehong
tipo, laki, at uri.
MGA PATNUBAY SA PAG-AANYO
13. Iwasan ang paggamit ng maliliit na ulo sa mahaba at mahalagang
balita.
14. Mula sa pito hanggang siyam na istorya o balita ang katamtamang
bilang ng pangmukhang pahina sa tabloid.
15. Iwasan pagtabihin ang nagbubungguang ulo ng balita
16. Iwasang maglakip ng larawan ng taong nakatinging palabas sa pahina
o patalikod sa kaugnay na istorya.
17. Iwasang maglagay ng larawang tumatawid o lumalampas sa kolum.
Maaari itong gamitin sa lathalaing pahina.
18. Iwasan ang biyudang salita o titik sa slag.
19. Iwasan ang malalaking tipo sa ulo ng balita na nagtataglay ng maikling
balita.

You might also like