You are on page 1of 76

KULTURA at

PANITIKAN
NG
Tribong
Ubo
TRIBONG UBO

Ang Ubo ay ang tribong matatagpuan sa


kanlurang bahagi ng Lake Sebu.
Ang kanilang mga ninuno ay sina Datu
Kemokul, Datu Semgulang, Datu Ubo at Datu
Buyan.
Ang lupain ng mga Ubo ay matatagpuan sa
Lamfugon, Tasiman at Luhit.
Kilala sila bilang Fighter of Tribe
Ang mga lugar na ito ay maraming
mga alipin, sila ang ginagamit ng mga
Datu bilang panlaban sa mga laro, na
naging dahilan sa pagkamatay ng
maraming tao roon. Ang Lamfugon na
isa sa mga lupain ng mga Ubo ay
nangangahulugang Kill down, o
marami ang namatay sa lugar na ito
noong tribal war.
Mga palamuti sa
katawan

Blunso
swat koyu
K'gal Nesef
Li-eg
Babaeng Ubo
Babaeng Ubo na nakasuot ng
Tradisyunal na damit
MAMAMAYAN AT PANG-KULTURANG KAUGALIAN

Ang tribong Ubo ay namumuhay hango sa


pamamaraan ng pamumuhay ni Semgulang dahil sa
mabubuting pamumuno ni Semgulang na anak ni
Datu Kmokul sa asawa niyang si Tuha libun.

Sa kanyang kapanganakan sinasabing ang unang


lumabas ay ang tubaw, sumunod ang kfilan at klung
bago ang batang si Semgulang at pagkatapos ay
sumunod ang agong na siyang ginamit sa kanyang
pagligo. Ang pinakaunang kikilanlan ng tribong Ubo
ay si DatuMamalu ang pinanggalingan ni Datu
Kuyow and Datu Ali noong unang mga panahon.
A. Mamamayan
1.Tao Tudok/Tao Ubo- Ito ang tawag sa mga tao
na nakatira sa buong teritoryo ng Ubo.
2.Tao Fenik- Ito ang tawag sa tribong Ubo na
nakatira sa kanlurang bahagi ng teritoryo ng Ubo.
3.Tao Lemsendangan- Ang tawag sa Ubo na
nakatira sa Silangang bahagi ng teritoryong Ubo.
4.Tao Kanan- Ang tawag sa Ubo na nakatirs sa
Hilagang teritoryo
5.Tao Kulusfaka- Ang tawag sa Ubo na nakatira
sa katimugang teritoryo
B. Pag-aasawa
Ang pag-aasawa ay sa pagitan lamang
na lalaki at babae na hindi
magkalapit sa dugo ng hanggang
pangatlong henerasyon na
magkamag-anak. Depende sa
sitwasyon at kasunduan.
Pagdating sa edad sa pag-aasawa,
walang batayan o takdang edad
depende sa kasunduan.
Paraan ng Pag-aasawa
1. Bnahung- Ang tawag sa taong maysakit na gustong mag-
asawa.
2. Sefni Tising- Ang mga magulang ng mga bata mag-uusap
para sa pag-aasawa ng kanilang mga anak, pag-uusap ng mga
magulang para sa maagang pag-aasawa ng kanilang mga anak.
3. Kesetngon kem Tuha (kasunduan)- Ang mga magulang ang
nagkakasundo at nag-uusap sa pag-aasawa ng kanilang mga
anak.
4. Niwol (Ligawan) - Ito ay ang panunuyo ng lalaki sa babae na
gusto niyang maging asawa.
5. Makapag-asawa sa pamamagitan ng pagbayad ng utang, at
maaari pang magdagdag.
6. Malaw Yehen (Agawin ang asawa) - Pag-aagaw ng lalaki sa
asawa ng iba.
7. Sowong (Magtanan) - Ang pagtatanan ng lalaki at babae sa
ibang lugar at sa kanilang pagbalik, pag-uusapan ng mga
matatanda ang pag-aasawa.
8. Gnaga (Pwersahan) - Dalhin ang
babae sa kagustuhan ng binata o
lalake, pipilitin niya itong dalhin o
galawin

9. Ksunggod/Kseblay- Ang pagbigay


ng sunggod at propidad ng pamilya ng
lalaki sa pamilya ng babae.
C. ANG KASAL
1.Mulu- sa panahon ng kasal ang pamilya ng babae ang
naghahanda ng pagkain, inihahanda ang mga kakataying
baboy at manok. Bago kakain maghahanap ang pamilya
ng lalaki ng agong ito ang tanda ng magsintahan ay
ikakasal na.
2.Sesong Mamak- Pagsasalo sa pagkain. (Blogo) lalagyan
(namak) o mamah uri ng kinakailangan tulad
(Bliboy/Bunga), (Iko/Buyo), (Loho/Apog) (byu)/balagon.
Susubuan ng mga magulang ng lalaki ang babae ng isang
pirasong mamah ganun din ang gagawin ng mga
magulang ng babae sa lalaki.
3.Stutuk Bukol- Ito ay rituwal na ginagawa sa unang gabi
ng mag-asawa. Habang nakahiga may isang tao na may
magandang kalooban na magpagitna sa mag-asawa at
(Pag-untogin)/pagtapatin ang tuhod ng mag-asawa.
C.1 Ang pagduwaya ay ginagawa sa sumusunod na
dahilan:

Kapag hindi magkaanak ang unang asawa.


Kapag nagkasala ang babae sa ibang lalaki.
Walang problema, pero kagustuhan ng
lalaki na magduwaya para may katuwang
sa buhay, hanggat kayang magbigay ng
dowry at buhayin ang pamilya at
kasunduan sa unang asawa.
Kung hindi magkaintindihan ang
magkabilang panig.
Kapag nagkaroon ng alitan sa mga kamag-
anak ng babae at ng lalaki.
Kapag hindi magkaintindihan ang mag-
asawa.

Singkil/tising- Dori na ibinigay bilang


tanda na hindi na dapat magpaligaw sa iba.
Ito ay katumbas ng isang kabayo o kalabaw.
C.2 Sistema sa pagbigay ng Sunggod
Kung anak ng datu, ito ay minimum na labing-isa (11)
kabayo at isang (1) kalabaw at may dagdag pa ito tulad
ng mamahaling bagaydepende sa napagkasunduan.
Kung hindi anak ng datu, Limang (5) kabayo at mga
mamahaling bagay depende sa napagkasunduan ng
magkabilang panig.
Kung nangangailangan pa ng dagdag na dori ang
magulang ng babae mula sa magulang ng lalaki,
kinakailangan na magbigay siya ng (Los).
Ito ay gagawin sa presensya ng magkabilang panig at ng
mga datu.
C.3 Inter-marriage

Kapag Ubo ang babae mag-dori ang


lalaki na hindi Ubo.
Kung Ubo ang lalaki at hindi tribong
Ubo ang babae ay depende sa
mapagkasunduan ng mga magulang
ng lalaki at babae kung may sunggod
o hindi.
D. Pagpapanganak
Kapag nagsimula ng magdalantao
ang isang babae, ipapaalam niya agad
upang matulungan siya na magpahilot
(FDALU). Maghahanap ng halamang
gamot para pamproteksiyon sa tiyan ng
nanay. At kapag isinilang na ang
sanggol, ito ay pinapaliguan at
pagkatapos magpahinga ng pitong (7)
araw ang nanay ay pwede nang maligo.
E. Patay
Kapag sanggol ang namatay kailangang
ayusin ang paglibing. Kung ililibing na ang
sanggol, ito ay binabalot sa kumot at
sinasabit sa kahoy na benowo o kawayan
(Kling).
Kapag matanda naman ang namatay,
maghanap ng tao na marunong gumawa ng
kabaong na gawa sa kahoy na (Dof), ang
(Dof) (Ongu, nam) ay mga malalaking kahoy
na ginagawang kabaong.
Kung ililibing na ang patay, bubuhatin
ang kanyang kabaong na may tatlong
tali ng uway patungo sa sementeryo at
bawal mag-apakan ng paa.
Pagkatapos ng libing lahat ng gamit
tulad ng banig, unan, damit at iba pa,
dalhin ito kmilang sabu at maghugas
ng kamay sa sabu, pagkatapos ang
bahay ay sisirain at susunugin.
Kapag ang bata ay namatay sa sinapupunan, ang
pusod ay puputulin, at paglibing sa sanggol, ito ay
isinasabit sa matibay na kahoy upang sa ganun
ang kaluluwa ng bata ay hindi sumasagabal sa
kanya.
Kapag Datu o ordinaryong tao ang namatay,
gagawan ito ng kabaong (Lungon). Pag-uusapan ng
pamilya kung gaano katagal ang paglalamay.
Pagkatapos ng paglalamay ililibing na ang bangkay
sa bahay kung saan siya nawalan ng buhay,
lilisanin ang bahay ng 5 hanggang 10 kilometro
ang layo.
F. Katutubong
Sayaw

1.Kadal Tahu- Isang uri ng


sayaw ng mga kababaihan na
ginagamitan ng bat ibang
instrumento gaya ng (Singkil,
Togobilis, Stoung, Knibang,
Kwintas na Kamagi, Filet,
Tenoyong, Kampilan, Tubaw,
Klung) sa lalaki.

2.Kadal Tahaw- Isang uri ng


sayaw na tumutukoy sa mga
ibong lumilipad.

3.Kadal Btaku- Isang uri ng


sayaw ng mga kababaihan at
kabataan na tumutukoy sa
galaw ng dwendi.
4.Kadal Iwas- Isang sayaw na para
lamang sa mga kabataan na bawat
galaw ay tumutukoy sa kilos ng unggoy.
5.Soyow- Isang uri ng sayaw na
panlalaki na ginagamitan ng hegelong
(gitara) ortenonggong, kampilan at
klung na ang tugtog nito ay sabay
sabay sasayaw.
G.Katutubong
Instrumento
1.Feglung (Gitara)
- Isang instrumentong ginagamit
ng mga kababaihan, matanda,
kalalakihan at mga kabataan na
tinutugtog tuwing sayaw o kahit
anong okasyon.

2.Sloli- Isang uri ng


instrumentong gawa sa Seben.
Ang Seben ay maliliit na uri ng
kawayan. Itoy ginagamit ng
matatandaat maging sa mga
kabataang lalaki, at itoy
tinutugtog sa pamamagitanng
bibig.
3.Tenonggong- Instrumentong gawa sa balat ng
usa, na pantugtog sa kahit anong sayaw.
4.Sludoy- Instrumentong gawa sa kawayan na
may limang kuwerdas na galing din sa kawayan na
gamit pantugtog ng mga matatandang babae at
lalaking Ubo.
5.Kubing- Isang instrumentong gawa sa kawayan
(Sufu), pantugtog ng mga kabataan, kababaihan at
mga matatanda sa pamamgitan ng kamay at bibig.
H.Relasyon sa Pamilya
1.Ang mga kabataan ay sumusunod sa mga
magulang. Ang magkakapatid ay dapat
nagkakaisa at nagmamahalan at may respeto
sa isat isa.
2.Ipapatupad ng mga magulang ang
mabuting relasyon, pag-aalaga sa mga anak
at pagdidisiplina. Ang mga magulang ay
dapat bigyang halaga ang edukasyon ng mga
anak para sa kanilang kinabukasan.
3. Sa pangatlong henerasyon ang
magpamilya ay may tinatawa na (Sliton
Nga). Kapag babae, bibigyan siya ng
kagamaitang pambabae tulad ng (Kfilan,
Sudeng, Blowon) at iba pa. Inaalagaan ang
anak at sa oras na gusto nang mag-asawa
ang baba, ang dori ay paghati-hatian ng
dalawang pamilya. Kapag sa lalaki naman
ay magtulung-tulungan ang dalawang
pamilya sa pagbibigay ng dori.
I.Relasyon sa ibang tribo
Kapag dumalaw ang ibang tribo tulad ng
Maguindanao, Blaan, Teduray, Klagan, Ubo at Tboli,
makikipagkuwentuhan at pakakainin sila, kapag
mayroon silang problema at dati nang nakatira sa
bahay mo ay dapat ikaw na mismo ang tumulong sa
kanya, hindi na kailangan na hintayin mo ang
kanyang magulang para ayusin ang problema. Ikaw
na mismong mag-ayos upang sa ganon ay makita ng
mga tao na isa kang mabuting datu at tinuturing mo
rin sila na para mong tunay na pamilya. Ang mga
Ubo ay matulungin sa ibang tribo sa larangan ng
problema na tinatahak.
J.Kapag babae ang nagkakasala

1.Ibabalik ang dori ng doble, pati multa.


2.Para pwede siyang makipagbalikan sa asawa
kailangan maghanap siya ng babae mula sa mga
kamag-anak o kapatid para gawing (Duwaya).
3.Pag-uusapan ng mga datu. Kung sila ay mag-uusap
hinggil sa kaso ito ay dapattuparin.
4.Babae- Magbabayad din siya ng multa at ibibigay sa
dating asawa. Ang multa ay halos kalahati ng dori
bilang kabayaran.
K.Kapag lalaki ang nagkasala

1.Isasauli ng lalaki ang dori pati multa: kalahati sa


dori at dagdag na isang kabayo upang maayos ang
relasyon ng lalaki.
2.Ang lahat ng dori ay hindi na isasauli at dagdagan
pa ng isang (1) kalabaw para pagkunan ng
hanapbuhay ng babae.
3.Kung gusto makipagbalikan ang lalaki sa kanyang
asawa, dapat ibibigay niya kung ano ang kahilingan
ng babae.
4.Pag-uusapan ng mga datu.
L.Dahilan ng pagkakahiwalay ng mag-asawa

1.Kapag nagkasala ang babae o ang lalaki dapat pag-


usapan ng mga pamilya.
2.Kapag hindi nabigay ang lahat ng dori na hinihingi
ng magulang ng babae. Kung maibigay ang buong
dowry di matutuloy ang pag-aasawa.
3.Kapag hindi magkaintindihan ang magkabilang
panig.
4.Kapag nagkaroon ng alitan sa mga kamag-anak ng
babae at lalaki.
5.Kapag hindi nagkakasundo ang mag-asawa. Hindi
magandang pagtrato sa isat isa.
Proseso ng Panganganak
(Ma nga) - Tawag sa manghihilot

1.Sa pagputol ng pusod dapat abot sa tuhod simbolo ng


mahabang buhay ng bata hanggang ito ay tataanda.
2.Kapag hindi pa nahulog naalis ang pusod ng sanggol hindi
pwedeng bumaba sa lupa ang nanay at ang sanggol.
3.Sa unang pagpapaligo ng sanggol, ang mga ginalmit
sapagpapaligo ay bao ng niyog na ibibigay sa taong napaligo.
4.Kapag nahulog na ang pusod babalutin ito at itatago. Kung
lalaki ang anak sasabihan ng datu ang tatay na sa oras na itoy
pupunta sa bahay nila ay gagawan siya ng datu ng isang pana,
samantalang kung babae naman ay bibigyan ng walis na bilang
simbolo ng kasipagan.
5.Ang bahay ay isasabit sa taas ng puno, pwede rin itong
ilibing.
Pagbubuntis o Panganganak
Kapag ang babae ay nagdadalantao, mula isa
hanggang apat na buwan, siya ay hindi
magtatrabaho upang di malaglag ang bata. Mula
lima hanggang walong buwan ay maaari na siyang
tumulong sa mga gawaing bahay para maging
maganda ang posisyon ng sanggol sa sinapupunan
ng kanyang ina, nang sa gayon ay hindi mahirapan
sa panganganak pagsapit ng ika-9 (siyam) na
buwan.
Kung babae ang anak- Tatay ng lalaki
ang magbibigay ng isang
kabayo/kalabaw sa magulang ng
babae para madagdagan ang dori ng
nanay at tatay ng babae. Kung lalaki
anak wala ng ibibigay.
Mga Kaugalian kung may patay
1.Kapag sanggol ang namatay kailangan
ayusin ang paglilibing at ang mga taong
makikiramay ay nakahanda ngt kanilang
pagkain at kung ililibing na ang bata ay
babalutin ng kumot at isasabit sa kahoy.
2.Kapag matanda ang namatay, maghahanap
ng tao n amarunong gumawa ng kabaong na
gawa sa kahoy na (Dof). Ang (Dof Kloto, Ongu,
Nam) ay tatalian ang bangkay sa talo at may
kahoy na ilalagay sa taas ng kabaong.
Kailangan ding ilagay sa loob ng kabaong ang
(Damay) at saka gatas ng kamoteng kahoy
para hindi lalabas ang amoy ng patay.
3.Kapag araw ng paglalamay, kinakailangan maglaro
ang mga tao tulad ng (Skidig, Sesakab, at susingat
Kemole). Ang bangkay ng patay ay pwedeng magtagal
mula isang buwan hanggang dlawang buwan.
Nagkakatay ng manok tuwing patay. Pagkatapos ng
libing magkakatay na naman ng manok.
4.Tuwing ililibing na ang patay ay bubuhatin ang
kanyang kabaong na may tatlong tali na uway
patungo sa sementeryo at bawal mag-apakan ang
mga paa at lumingon sa pinanggalingan. Pagkatapos
ng libing ay hindi pwedeng bumalik sa pinagdaanan
ng patay.
5.Pagkatapos ng libing lahat ng gamit tulad ng banig,
unan, damit at iba pa, dadalhin ito (Kmilang Sabu) at
maghuhugas ng kamay sa sabu, pagkatapos ang
bahay ay sisirain at susunugin.
Mga Awit ng tribong Ubo
1.Kunwe- Ito ay awit ng babae na naglalahd
ng mga kasalukuyang pangyayari.
2.Lingon Fewot- Awitin ng lalaki at babae
na nagsasaad ng mga kasaysayan at
tumutukoy sa kahirapan.
3.Tudbulul- Awitin na naglalahad ng mga
katangian ng isang datu, ito ay tumutukoy
naghihingi ng tulong sa isang
makapangyarihan at matapang na datu.
Sining
1.Singkil- Isang kagamitang kasangkapan para sa paa na
para lamang sa mga kababaihan, ito ay ginagamit sa dori,
pampiyansa sa kaso,gamit pang-okasyon, sayaw at iba
pa..
2.Filet/Goling- Ito ay kagamitang pambabae lalo na sa
mga Boi (Prinsesa) isang bagay na mahalagang gamit sa
okasyon. Ito rin ay gamit sa dori, pyansa sa kaso at
marami pa.
3.Slimful- Gamit pambabae para sa leeg at ulo, itoy
sinusuot kapag may lalakaran.
4.Monom- Gawaing pambabae. Ito ay paggawa ng mga
bag, nigo, banig at iba pa.
5.Mewel- Isang gawaing pambabae na ginagamitan ng
tuyong abaka na para sa kanilang pananamit, baro,
chaliko, pantalon, bag, pitaka at pandekorasyon sa bahay.
6.Mesif- Gawaing pambabae na ginagamitan ng mga
tela na kulay itim at asul at sinulid na sari-sari ang
kulay.
7.Swat koyu/Swat lemimet- Isang uri ng
kagamitang pambabae, ito ay ginagamit sa kanilang
buhok, pampaganda, sa sayaw, dori, kasal at iba pa.
8.Nomong- Gamit ng lalaki at babae para sa
kanilang tainga. Gamit din pampaganda ng mga
babae at boi.
9.Tnalak- Ang tawag sa damit na gawa sa (Newel).
10.Nes Tahu- Isang tela na gawa sa abaka.
11.Sokong Halay- Isang uri ng kagamitan gawa sa
kawayan na nilalagyan ng palay at sampung metro
ang haba at depende sa haba ng kawayan.
Paniniwala sa Panginoon/God
1.Fu Tonok- Siya ay tinatawag kung ikaw ay maglilinis
ng taniman para magiging marami ang ani at ligtas ka
sa sakit, isang tao hindi makikita na may-ari na may-ari
ng lupa.
2.Fu Koyu- Siya ay tinatawag kung gustong putulin ang
isang punong kahoy.
3.Fu El- Siya ay tinatawag kung gusto mo mangisda o
maligo sa tubig para hindi ka magkaroon ng sakit.
4.Fu Sdo/Smeleng- Siya ay tinatawag kung ikaw ay
mangangaso upang makakuha ng baboy damo.
5.Tinatawag ito kahit saan, kung kailangan mo ng
gabay para tayo ay maligtas.
Pagsamba ng Ubo
1.Puwede sumamba ang Ubo kahit saan
kung kinakailangan niya ang gabay.
2.Dwata lamang ang alam niyang
Panginoon na kanilang sinasamba.
3.Kung may kailangan silang hilingin sa
dwata ang gagawin ay magkaroon ng alay
o (Demsu) para bigyan sila ng Panginoon
sa kanilang pangangailangan.
4.Walang nakalaang araw sa pagsamba.
LUPA AT KABUHAYAN
Maba/ Mungkol- Sa napiling lugar linisin ang
maiit na parte, at pakiramdam ang ibon na
(Lamuhen). Kapag sa tagiliran tumunog o
nagpakita ang ibon magandang at likuran
nagpapahiwatig ito ng masama. Kapag may makita
kang lampinig magpatuloy ka saiyong ginagawa,
kapag nakagat ka wag ng ituloy. Kapag sa unang
hampas ng itak nagtunog ang ibon hindi na ituloy
ito ay naghahatid ng masamang panganib.
Klutang- kahoy na tinatawag na (Knidang,
Ddlong) pinapatunog ng datu, ito ay magandang
senyales sa tribo.
Butnek- pagtanim ng palay ito ay
ginagawa ng may-ari ng sakahan ng
babae at lalake, sa mesa o Knuleng
na puno sari-saring binhi ng palay.
Kabuhayan
1.Pagtatanim ng ibat-ibang halaman at pag-alaga ng mga
hayop.
2.Paghuli ng mga (Hayop sa kagubatan) at iba pang likas na
kayamanan sa gubat, bundok, ilog at dagat.
3.Ang pamumuhay ng Tribo ay galing sa lupa tulad ng
pagtatanim ng palay, kamoting kahoy, kamote, mais, ubi at iba
pa.
4.Mlot (Pangangaso)- paghuhuli ng mga baboy damo, Usa,
Unggoy, at hinahati sa trribo upang makakain ang lahat.
5.Pangingisda- mga paraan ng pangingisda; ( Kemti,Mnak bo,
Mnak Tekef Mnak Dule,Dmule,Sol, Mnigef, Smolok) para
panghuli ng isada sa tubig.
6.Tniba( Kaingin) ang tawag sa taniman ng ubo
7.Tniba- ang tawag sa taong naglilinis ng kanyang tataniman.
Palisiya sa Kabuhayan
1.Bawal ang pagnanakaw sa pinaghirapan ng ibang tao.
2.Bawal ang pagbenta sa mga lupain na iniwan ng ating mga
ninuno.
3.Pagbibigayan ng tribo upang makatulong sa kapwa.
4.Ang pagtatanim ay may palatandaan tulad ng pagtatanm ng
mais, paghulog ang mga dahon ng mga kahoy pwede na
magtanim ng mais, at ang dahon ng kahoy ay (Tuba) oras
naman ng pag-slashing tmiba, Palandan naman sa panahon
tuwing magtanim.
5.Pag-maraming itlog ang palaka, ibig sabihin oras na para
magkaingin.
6.Kapag namunga ang mga prutas oras naman ng pagtatanim
ng palay.
MGA KARAPATAN AT MGA TUNGKULIN
Mga karapatan ng bata, matatanda, babae, at lalaki:

A.Bata:
(1)Karapatan ng mga bata na mamuhay sa
magandang asal at mabuting buhay.
(2)Karapatan nila respetuhin ng mga matanda at ibag
tao.
(3)Turuan ng magandang asal upang igalan g niya
ang kaniyang mga magulang at ibang tao.
(4)Paarlin sila upang maabot nila ang magandang
buhay sa darating ng mga araw.
(5)Ipagkaloob sa kanila ang sariling pasya sa
pagpipili ng kanilang ikakasaya sa loob at mabuting
buhay.
(6)Huwag silang pabayaan upang hindi sila mawala
sa ating kultura at pamamaraan ng pamumuhay.
(7)Akayin natin sila sa salita ng Diyos, upang maging
mabuti ang kanilang landas sa buhay at hindi sila
magawa ng masama.
(8)Bigyan natin sila ng mabuting ikabuhay sa huling
mga araw.
Mga karapatan ng mga Matatanda

(1)Nirerespeto at sinusunod ng mga anak


nila.
(2)Turuan niya ng kabutihan ang
kaniyang mga anak.
(3)Maggabay ng mabuting buhay at
susundin ng mga anak niya.
(4)Magplano ng magandang kinabukasan
ng kanyang pamilya.
Mga karapatan ng mga Babae

(1)Karapatan ng babae na irespeto.


(2)Karapatan ng babae na hindi sasaktan o
lukohin at pahirapan.
(3)Karapatan ng babae ng na mahalin at
kawawaan at mahalin.
(4)Huwag ipagkait at pakinggan ang kaniyang
hinanaing.
(5)Siya ay taga ingat-yaman ng pamilya.
Karapatan ng mga lalaki

(1)Karapatan ng lalaki ang maging masipag upang


mabuhay niya ang kaniyang mga anak at asawa.
(2)Siya ang pangulo ng pamilya at manguna sa paraan
ng hanap buhay.
(3)Siya ang magtatrabaho at magdadala ng mamabigat
na bagay, at naghahanap ng kasang kapan sa bahay.
(4)Siya ang haharap sa paguusap kung may bisitang
darating.
(5)Siya ang nireresto at sinusunod ng pamilya.
(6)Siya ang nagpaplano at sinusunod ng pamilya.
Tungkol sa kalikasan

(1) Nagbibigay ganda sa damdamin,


pinagmulan ng kabuhayan at pinagkukunan
ng pagkain.
(2) Ipinagkaloob ng Diyos sa lahat tao.
(3) Pangalagaan, bantayan, at igalang ng
lahat ng tao ang kabundukan.
(4) Kung walng lupa at bundok ay walang
kabuhayan ang tribo.
Ang mga Tungkulin ng Boi

(1)Tagapag-utos at tagapayo ng mga


alipin sa kanilang teritoryo.
(2)Tagapagturo ng mga gawaing
pangbabae at gaya ng weaving tnalak at
msif kgal at magandang asal at ugali.
(3)Kung wala ang datu siya ang boi ang
magresolba ng problema sa komunidad.
Karapatan ng mga Sibilyan

(1)Karapatan ng sibilyan na magsalita kapag


hindi na tama ang ginagawa ng Datu.
(2)Karapatan na ipaglaban ang kanilang
katarungan.
(3)Karapatan na protektahan ng Datu.
(4)Igalang ang karapatan.
(5)Karapatan ng sibilyan na hindi hamakin
ng datu dahil wala siyang dori.
ISTRUKTURA NG PAMAMAHALA AT MGA
KOMPOSISYON
Mga Pinuno
(1)Kulu Datu- Sumbungan ng mga
problema sa tribong Ubo, marunong mag-
ayos ng kahit anong kaso, at matulungin
sa kapwa. kapag may gumagawa ng hindi
mabuti sa mga ubo, ito ay kailangan
pyansahan ng kanyang pamilya at lutasin
din ito ng mga datu.
(2)Smugung Datu Pangalawang pinuno
sa Kulu Datu/ Datu Kmukum)
(3)Datu kaya niyang harapin ang mga suliranin
ng kanyang nasasakupan, handang tumulong
kahit sinong nangangailangan sa komunidad lalo
na sa tribong Ubo para madaling malutas ang
mga kaguluhan upang di na lalaki at di na
magkaroon ng patayan sa kanyang lugar.
(4)Boi siya ang kanang kamay ng Datu.
Marunong mag-areglo ng kaso, mag-asikaso ng
mga bisita o taong marunong makipaghalubilo sa
iba, may karapatan din siyang magkomento sa
Datu kung ano ang dapat gawin.
(5)Km Datu Mogot Kukum ang tawag sa mga Datu na
matalino sa hustisya (Katumbas ng konsehal)
(6)Km Mentey Datu katumbas ng pulis/alalay ng
Datu.
(7)Libun/Logi Hulung smali lalaki at babaeng taga-
sulat sa larangan ng piraso ng maliliit na kawayan bilang
batayan sa pagdokumento.
(8)Libun/logi hulung mnos tagatago ng pinansiyal o
ingat yaman.
(9)Datu Semgulang marunong mag-areglo ng kaso,
tumulong sa ibang tao na magpyansa sa taong
nangangailangan ng tulong sa agawan ng asawa.
(10)Datu kmukum ang tawag sa isang Datu na
matalino sa hustisya o hukuman.
(11)Datu Kmimo ang tawag sa isang Datu na may
kapangyarihan na malawak ang kanyang lupain,
maraming hayop.
Tawag sa kanilang utusan
(1)Klifen (Alipin) ang taong may mabigat na
kasalanan na di kayang mapyansahan ng kanyang
pamilya at nagiging utusan ng isang Datu sa lahat
na trabaho sa loob at labas ng kanilang teritoryo.
(2)Tao nsok ang tawag sa taong may kasalanang
pang-aagaw ng asawa ng iba at hindi kayang
pyansahan ng kanyang pamilya, sapagkat ang Datu
ang may kakayahang magpyansa sa kanyang
kasalanan.
(3)Tao Blay ang taong binenta ng kanyang pamilya
sa Datu at Boi upang manilbihan bilang utusan.
Ang mga katangian at Tungkulin ng mga pinuno

(1)Matapang na ipaglaban ang katotohanan


para sa karapatan ng tribo.
(2)Pantay-pantay ang turing sa nasasakupan
kung nagkasala ayon sa kanilang batas na
pinapairal at walang pinapanigan.
(3)Mabait at handang tumulong sa kapwa tao.
(4)Pinapaniwalaan ng karamihang tao,
kabataan at kababaihan.
(5)Tagapag-utos sa maraming tauhan at maru
ong
Mag-areglo sa mga mabibigat na kaso.
(6)Ang nagdedepensa sa teritoryo o sa
buong Ancestral Domain.
Ilo- ang tawag sa kanilang
pagpupulong. Gamit ang Agong
(Blowon) malalam,an agad ng lahat na
may gaganaping pagpupulong.
Kesbung ang tawag sa pagpupulong
ng mga lider ng mga Ubo.
Pagpili ng Pinuno
(1)Ang Datu ay galing mismo sa mga tao sa
komunidad dahil sa kanyang magandang payo sa
kabataan, kababaihan at ib a pa.
(2)Ang Datu ay marunong mag-ayos ng problema at
ginagalang ng karamihan.
(3)Ang pagpili ng isang Datu o pinuno sa lugar o
teritoryo ay nakabase sa kapasidad ng kakayahan sa
paghuhukom ng tao at walang botohan na
mangyayari.
(4)Ang Datu ay maaaring paalisin mula sa posisyon
kung hindi maganda ang pamamalakad sa kanyang
nasasakupan.
(5)Sa pagpili ng pinuno o datu ay
kinakailangang galing sa kaninonuan hanggang
sa mga anak na may kakayahang magresolba ng
anumang problema ng nasasakupan.
(6)May pagkakataon din na ang mga alipin ay
nagiging pinuno kung mapatunayang may
kakayahan siyang mamuno at pamamahala sa
tribong ubo.
Mga Responsibilidad

(1)Pangalagaan ang mga hindi nakabayad


ng utang at disiplinahin
(2)Protektahan ang kanyang nasasakupan
(3)Tungkulin na gumawa ng batas para sa
lahat
(4)Tungkulin na pigilan ang mga
masasamang gawi, katulad ng
pagnanakaw at iba pa.
Tungkulin ng Sibilyan

(1)Tungkulin nilang sumunod sa


anumang utos ng Datu.
(2)Tungkulin din nilang tumulong
sa anumang trabaho ng Datu.
Karapatan ng Datu

(1)Magparami ng propidad
(2)Mag-asawa ng higit sa isa
(3)Sundin ang kanyang batas
(4)Karapatan niyang pagsilbihan bilang
Datu
(5)Karapatan din niyang may alalay
kapag may lakad
Karapatan ng unang Asawa
(1)Magdesisyon ng tama pa lahat ng bagay na
may kinalaman sa panghanap-buhay.
(2)Karapatan niyang pagsilbihan ng kanyang
mga duwaya
(3)Karapatan niyang magmungkahi sa
asawang Datu na magdagdag pa ng asawa
bilang utusan.
(4)Karapatan ng unang asawa na gumawa ng
Iskedyul kung kailan pwedeng matulog ang
mga duwaya kasama ang Datu.
KATARUNGANG PANTRIBO

Komposisyon ng Opisyales ng Katarungan

Skukum- Ang pangkalahatang tawag sa pamaraan


ng mga Datu at Boi sa pangresolba/panghukom sa
isang problematic o tunggalian upang mabigyan ito
ng hustisya.
Mtad Sala-Amg tawag sa kabayaran/multa sa isang
pagkakasala na katumbas ay pagbibigay ng mga
mahalagang bagay tulad ng kabayo, kalabao, blown
at marami pang iba.
F'kolut libol- Tawag sa isang proseso na dadaanan
ng isang suspek na Hindi umaamin sa pagkakasala.
1. Kapag totoo ang hinala ng mga tao, ang
pyansa ay doblehin. Ito rin ay depende sa
hinihingi ng pamilya ng biktima.
2. Kagamitan tulad ng (Sumbakong,
Bnogul Litok, Tembaga, Sudeng, K'filan) at
saka mga hayop ang ginagamit sa
pagbabayad pyansa ng pagkakasala.
Proseso:

1. Unang proseso ang pagpatawag ng Datu sa mga ibang Datu,


Boi, o ibang nakatatanda, sa pamamagitan ng impormasyon o
tinok isa rin itong pamamaraan upang makaabot ang mensahe
soon sa kinaukulan.
2. Pangalawang proseso ang mga Datu ay dapat lahat magdalaw
sa (Hukom) sa araw na kasunduan.
3. Pangatlong proseso pag-uusapan ng mga Datu na pantay-
pantay at taka ang tanong at sagot sa kaso.
4. Ang pagharap sa hukuman ay nakaplano maayos at
pinapatibay ng lahat ng mga Datu.
Uri ng pagpataw ng parusa:

(a)Ang pagbayad ng kasalanan o multa sa


pamamagitan ng propidad.

(b)Kung sobra na ang kasalanan ng isang tao


ay patayin sa pamamagitan ng kasunduan at
kagustuhan ng mga datu. Ito ay gagawin sa
isang matataong lugar. Patayin ang nasasakdal
ng paunti-unti at lahat ng taong ginawaan nya
ng kasalanan pwedeng tutulong sa pagpatay.
TRIBAL DEFENSE

Tuwing mag-areglo ng kaso ang datu ay


magdadala ng sudeng, kfilan at mayroon
siyang alalay na limang tao. Ang alalay ay
magdadala ng bolo bawat isa sa kanila.
Kailangan isama niya ang kanyang unang
asawa at magsusuot ng (Kgal Nesif at Lewek).
1.Imo (Agimat)- Itoy namana sa mga ninuno na pagdepensa sa kanilang
kalaban, itoy ginagawa sa pamamagitan ng orasyon, hindi puwedeng
sabihin kahit kanino ang proseso dahil sagrado.
2.Nked- Itoy isang panlaban sa mga busaw (demonyo) o sa mga
masasamang espirito.
3.Asad Nmo- Itoy bala na gawa sa mga tribong Ubo sa kanilang mga baril.
4.Blatik- Ito ay gawa sa matulis at matigas na bagay o kahoy na
ginagamitan ng tali panlaban sa kaaway, itoy ilalagay sa daanan ng mga
kalaban.
5.Ulof- Namana rin ito sa ninuno na depensa sa kalaban, ang epekto nito
ay makatulong ng mahimbing ang kalaban, itoy bawal sabihin ang proseso
kahit kanino dahil itoy sagrado.
6.Sila letek (Kidlat)- Paniniwala ng mga Ubo na ayon sa espirito ng kidlat
na nagpapaalala na maging alerto sila dahil may nagbabanta sa kanila na
hindi malaman kung saan galing ang kalaban.
7.Klung- Isang kasangkapang gamit na pandepensa sa tueing may kaaway,
depensa sa bala, mga matatalim at matutulis na bagay.
8.Kfilan- Ang ginagamit na panlaban sa mga kalaban.
9.Sudeng- Gamit rin na panlaban sa kaaway.
10.Sulo- Isang matulis na bagay na gawa sa kawayan, (Alis, Seben )
panlaban sa kaaway.
11.Boho- Gamit pandepensa kung may kaaway.
12.Lewet- Uri ng kagamitan ng tribo na nilalagay sa pana
upang madaling mamatay ang kaaway.
13.Klingan- Isang baril na gawa sa bakal na panlaban (Dedose)
14.Buyus- Gamit para sa kaaway na panlaban, itoy matulis na
gawa sa bakal.
15.Kelbay- Isang matibay na baril na ginagamit na panlaban sa
kaaway.
16.Musil/Fisi- Isang uri ng baril na ginagamit para panlaban sa
kaaway.
17.Bkoko- Uri ng pana na ginagamit ng tribo na may mas
malakas na kamandag.
18.Luub- Lalagyan sa bala ng pana na may kamandag.
19.Kemifit- Uri ng pana na karaniwang ginagamit sa
pangangaso at maging sa kalaban.
20.Smohul- Kung saan nakatira ang kanyang mga kaaway
tapunan niya ng tubig upang manumbalik ang kanilang
relasyon at mapawala ang galit ng kalaban.
Lakas

Mga alalay/tao na magdadala ng bolo


bawat isa sa kanila upang pandepensa laban
sa kaaway. Kapag may pinuntahan ka at
biglang magsasalita ang ibon (Lemuhen
Bnon) huwag ka na lang tumuloy baka may
masamang mangyari sa iyo o di kaya di mo
makita ang taong bibisitahin mo. Ito ay
paniniwala ng mga katutubo na may
masamang mangyayari sayo o di kaya ay di
mo makikita ang taong pupuntahan mo.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG

You might also like