You are on page 1of 16

MAGANDANG

ARAW
LAYUNIN

1. Natatalakay ang buod ng epikong Alim.


2. Nasusuri ang mga tauhan sa epikong ito.
3. Nailalahad ang mga kultura/kaugalian
sa epikong ito.
Ang epiko o epic sa Ingles ay isang uri ng panitikan
na panulaan. Matatagpuan ito sa mga grupong
etniko gamit ang makalumang pananalita. Ang
karaniwang tema ng epiko ay tumutukoy sa
kabayanihan o makabayan. Dagdag pa rito,
maaaring tumutukoy rin ito sa kaganapan o isang
dakilang tao na nabuhay.
May-akda ng Alim sa tagalog

Ang epikong Alim (Epiko ng Ifugao) ay isinasay ng


mga Ifugao. Ang Alim ng mga Ifugao ay isang
kwento tungkol sa kanilang bathala at sa ilang
pangyayari sa ipinalalagay na langit ng mga Ifugao.
ALIM
EPIKO NG MGA IFUGAO
Ang epikong alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng
isang panahong ang lupain ay saganang-sagana.
Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang
mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling
hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa
pagkain. Pa-ibig nilang kumain, wala silang gagawin
kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na
ang bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya
ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay Patag na
Patag maliban sa dalawang bundok: ang Bundok ng
Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.
Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo
ang mga ilog. Namatay ang mga tao. Humukay ang ilang
natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalon. Natuwa
ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit bumuhos ang
malakas na ulan, umupaw ang mga ilog. Tumaas nang
tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa
dalawang bundok subalit inabot din sila ng
baha.Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa
magkapatid na sina Bugan at Wigan.
Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy
si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni
Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng
Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman
nilang silang dalawa lamang magkapatid ang
natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si
Wigan na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng
ilang panahon, si Bugan ay nagdalangtao. Dahil sa
malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na
magpakamatay.
Pinigilan siya ng isang matanda. Ito’y bathala
ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal ni
Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon
sila ng siym na anak, limang lalaki at apat na
babae. Nang dumating sila sa hustong gulang,
ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na
babae. Ang bunsong lalaki na si Igon ang
natirang walang asawa. Namuhay silang
masagana.
Paglipas ng ilang panahon, nakaranas
sila ng tagtuyot. Wala silang ani.
Naalala ni Wigan at ni Bugan si
Makanungan. Sila’y nanawagan dito at
hinandugan nila ng alay na daga.
Patuloy parin ang tagtuyot. Naisipan
nilang si Igon ang patayin at siyang
ihandog sa Bathala. Natapos ang
pagsasalat at tagtuyot.
Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa
nilang pagpatay at paghahandog ng buhay
ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina
Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-
hiwalay ang magkakapatid sa timog, sa
hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag
sila’y nagkita-kita, sila’y mag-aaway at
magpapatayan. Kaya’t ang mga tribong ito
ng mga tao sa kabundukan,
magpahanggang ngayon ay naglalaban at
nagpapatayan.
Ang mga mga tauhan sa Epikong Alim

1. Bugan – Si Bugan ang kapatid ni Wigan na napadpad sa bundok ng


kalawitan.
2. Wigan – Si Wigan ay ang kapatid ni Bugan na napadpad sa bundok ng
Amuyaw.
3. Makanungan – Si Makanungan ay ang matandang bathala ng mga Ifugao.
4. Siyam na Anak – Sila ang mga anak nina Bugan at Wigan. Sila ang limang
lalaki at apat na babae.
5. Igon – Si Igon ay ang bunso sa limang anak na lalaki nina Bugan at Wigan.
KONKLUSYON

Ang epikong Alim ay umiikot sa kwento ng magkapatid na sina


Bugan at Wigan. Ang lahat ng kaganapan dito ay mahiwaga. Isa
itong epiko na nakawiwiling basahin dahil pinapalawak nito ang
ating imahenasyon.

Ang mensahe ng epikong ito ay nakatuon sa ideya na ang paggawa


natin ng hindi mabuti ay palaging may masamang kahihinatnan.
Gaano man kasalat ang ating buhay, huwag tayong pumaslang o
gumawa ng masamang bagay para sa ating pansariling kapakanan.
KULTURA

Ang kulturang Pilipino na masasalamin sa epikong


Wigan at Bugan ay ang kanilang paniniwala at pag-
aalay sa mga nilalang ng mga sinaunang Diyos. Ang
paniniwala sa mga iba’t-ibang ritwal na maaring
magdala ng magagandang kaparalan at magbibigay
kasagutan sa kanilang nais ay isa sa mga
masasalamin dito.
Pati narin ang pagiging matapang ng mga
Pilipino na harapin ang anumang problemang
kakaharapin na hanggang ngayon ay taglay ng
bawat Pilipino ang pagiging matapang sa mga
hamon sa buhay na ating kinakaharap.
MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG

You might also like