You are on page 1of 6

OUR LADY OF CAYSASAY ACADEMY

Taal, Batangas
PAASCU Accredited
Upper Basic Education Department

MODYUL BLG. 9 SA ARALING PANLIPUNAN 7


(Pamahalaan, Programang Pangkababaihan, at edukasyon sa South at Western Asia)

Guro: Ms. Glenda Casañada, Ms. Jhovelyn De Roxas at Ms. Maria Consorcia Villanueva

Pangkalahatang Ideya/Introduksyon

Sa araling ito, malalaman natin ang mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan


ng mamayan sa pangkalahatan at grupo ng kababaihan. Masasaksihan rin an gang bahaging
ginampanan n relihiyon sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay.

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-


unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-


unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa


pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika.

natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng


pamumuhay
nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista.

Mga Pagtataya

 Pagsagot sa mga pagsasanay

Bilang ng oras: 2 Linggo

Sanggunian: Abulencia, Arthur S.Roel G. Lodronio., Eleanor D. Antonio., Consuelo M.


Imperial.,Celia D. Soriano (2020). RBS Serye sa Araling Panlipunan Kayamanan: Araling
Asyano. Rex Book Store, Inc. (RBSI)

Pahina ng Libro: 284-304


PANIMULANG GAWAIN:

Pangunahing Gawain:
Mailalarawan mo kaya ang isang lipunan kung saan walang estado o pamahalaan
na nangangasiwa ng mga serbisyong tulad ng edukasyon at kalusugan? Punan ang
dalawang kahon ng katangian ng isang lugar na may estado at isang walang estado.

Walang Estado Mayroong Estado


___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

Aralin 1

Balangkas ng Pamahalaan sa South at Western Asia

India
 Ang Republika ng India ay isang malaya, parlamentaryo, at demokratikong
pamahalaan na binubuo ng 29 na estado at 7 teritoryo. Ang sangay na ehekutibo ay
laging mananagot sa lehislatibo.
 Ang India ay may presidente bilang pinuno ng estado o head of state at ang punong
ministro bilang chief executive.
 Ang India ay nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan. Pinipilit
nitong ipatupad ang mga patakaran at programang maaaring makasugpo ng
kahirapan o economic inequality.
 Bilang isang sekular na bansa, bawat mamamayan ay may kalayaang pumili ng
kanilang relihiyon.
 Ang mga pinuno at opisyales ng pamahalaan ay inihahalal ng mga tao sa isang
malaya at demokratikong halalan.

Pakistan
 Batay sa saligang batas ng Islamic Republic of Pakistan, ang pamahalaan ay isang
federal na parlamentaryo, demokratiko, at Islamic.
 Ang ehekutibo na sangay ng pamahalaan ay pinangungunahan ng punong ministro
bilang pinuno ng gobyerno at chief executive ng republika.
 Siya rin ang ulo ng Council of Common Interests at siya ang lider ng Federal
Cabinet.
 Hawak lahat ng punong ministro ang mga usaping panloob at panlabas ng bansa.
Ang Punong Ministro ay hinihirang ng mga miyembro ng National Assembly sa
pamamagitan ng boto.
 Ang parliament ay bicameral na binubuo ng Senado at National Assembly. Ang
senado ay isang permanenteng lehislatura kung saan mayroong pantay na
representasyon ang bawat apat na probinsiya.
 Sa national assembly, nabigyan din ng representasyon ang kababaihan at mga iba
pang minoridad.

Araling Panlipunan 9 page 2


Sri Lanka
 Ang Sri Lanka ay isang demokratikong republika na pinamumunuan ng isang
pangulo bilang pinuno ng estado o head of state, pinuno ng gobyerno, at
commander-in-chief ng hukbong sandatahan.
 Ang pamahalaan ay binubuo ng lehislatura, ehekutibo, at hudikatura.
 Ang pangulo ay tuwirang inihahalal ng mga mamamayan na may limang taon na
termino at siya ay mananagot sa parlamento. Ang mga minister o ministro ay
hinihirang ng pangulo.
 Ang lehislatura ay binubuo ng 255 miyembro na inihalal para manungkulan ng
anim na taon. Ang Parlamentaryo ng Sri Lanka ang tagagawa ng batas.
 Ang hudikatura ng Sri Lanka ay binubuo ng mga korte na tagapagpakahulugan ng
mga batas.

Nepal
 Ang Nepal ay isang federal at demokratikong pamahalaan simula noong 2008 kung
kailan pinawalang-bisa ang monarkiya.
 Ang presidente pinuno ng estado head of state. Siya ay inihahalal ng electoral
college na binubuo din ng miyembro ng parlamento. Ang presidente ang
nagpapatupad at gumaganap ng mga ceremonial duty.
 Ang gampaning pang-ehekutibo ay nasa kamay ng Council of Ministers na binubuo
ng prime minister, deputy prime minister, minister, at state ministers. Ang punong
ministro ay pinipili ng parlamento.

Iran
 Noong 1979, ang kaharian ng Iran ay napalitan ng Islamic Republic of Iran. Ang
pamahalaan ay teokratiko kung saan mayroong mga inihalal at direktang hinirang
na mga opisyales ng pamahalaan.
 Ang supreme leader ay pinakamataas na opisyal ng Iran. Siya ang pinuno ng estado
na may malawak na kapangyarihan tulad ng pagiging commander in-chief ng
hukbo ng sandatahan, naghihirang ng mga mahistrado sa hudikatura, at sa Guardian
Council, at siya rin ang nagkukumpirma sa resulta ng pampanguluhang halalan.
 Ang supreme leader ay pinipili ng Assembly of Experts at puwede rin siyang
matanggal.

Iraq
 Ang Iraq ay isang parlamentaryo, demokratiko na federal na pamahalaan.
Ginagarantiyahan ng saligang batas ang karapatang pantao.
 Ang sangay na ehekutibo ay binubuo ng Presidency Council at mga Council of
Ministers. Ang pangulo ay ang head of state na magpapatupad ng saligang batas,
nagrerepresenta rin siya ng kalayaan, at pagkakaisa ng estado.
 Ang pangulo ay inihalal ng Council of Representatives. Ang punong ministro ay
ang direktang namamahala sa pamahalaan at commander-in-chief.
 Ang punong ministro ay may kalayaang namimili ng kaniyang mga ministero na
bubuo sa kaniyang gabinete.

Turkey
 Ang pamahalaan ng Turkey ay isang secular, parlamentaryo, at demokratikong
republika kung saan ang punong ministro ang pinuno ng gobyerno at ang presidente
ay pinuno ng estado.
 Naitatag ang Turkey noong 1923 matapos bumagsak ang imperyong Ottoman. Ang
presidente o pangulo ay tuwirang inihahalal ng mga mamamayan.

Araling Panlipunan 9 page 3


 Siya ang nagpapatupad ng saligang batas at nagrerepresenta ng pagkakaisa ng mga
mamamayang Turko. Siya rin ang naghihirang ng punong ministro o tumatanggap
ng pagbibitiw nito.

Papel ng Kababaihan sa South at Western Asia

Sri Lanka
Si Punong Ministro Sirimavo Bandaranaike ang unang punong ministro ng Sri Lanka na
nagsilbi ng 17 na taon at naging pinuno rin ng Non-Aligned Movement (NAM). Ang
kaniyang anak na si Chandrika ang unang babaeng presidente ng Sri Lanka na nagsilbi ng
11 taon. Bihira ang lider na babae sa pinakamataas na puwesto sa pamahalaan ng Sri
Lanka.

Turkey
Ang mga babae sa Turkey ay nagkaroon ng pantay na karapatan sa mga lalaki simula
noong naitatag ang republika. Ang mga repormang ipinatupad ni Ataturk ay nagbigay ng
kalayaan sa mga babae makibahagi sa mga gawaing panlipunan. Ipinagbawal ang veil,
nagkaroon ng kasalang sibil, at pinayagan ang diborsiyo, nagkaroon ng karapatang bumoto
ang mga babae at maging lider politikal, at karapatang magkaroon ng mana. Ipinagbawal
ng kanilang saligang batas ang diskriminasyon sa mga babae.

Pakistan
Ang Pakistan ay nagpatupad ng mga programang nagpapalawak ng partisipasyon ng babae
sa larangan ng pag-unlad. Nagkaroon ng bahagi ang mga babae sa Sixth 5-Year Plan.
Mahalaga ang naging papel ng Ministry of Women's Development sa pagsama ng mga
babae sa pag-unlad at hindi lamang tagatanggap ng mga benepisyo. Nagkaroon ng mga
pagsasanay para sa mga babae, naglaan ang pamahalaan ng mga posisyon sa mga babae, at
nagkaroon ng mga kooperatiba para sa mga babaeng mahirap.

Araling Panlipunan 9 page 4


Aralin 2:
Edukasyon ng mga Asyano sa South at Western Asia

Edukasyon sa South Asia

Sa unang bahagi ng ika-21 dantaon, ang rehiyon ng South Asia ay naiwanan sa


larangan ng edukasyon at ekonomiya. May mababa itong per capita income na US$350.
Maliban sa Sri Lanka, hindi rin mainam ang mga indikasyon mula sa Human Development
Index.
Ang South Asia ay masasabing may mababang kalidad ng edukasyon dahil sa
mababang antas ng literacy, maraming mga kabataan ang nabubuhay sa kahirapan kung
saan nagiging hadlang ito sa kanilang malawakang pag unlad. Sa mga nakaraang mga
dekada, ang mga bansa sa South Asia ay kailangang magsagawa o magpatupad ng mga
programa para lalong mapataas ang kalidad ng kanilang edukasyon.
Ang mga pamahalaan sa South Asia ay naglagak ng malaking pondo para makamit
ang ikatlong layunin ng Millennium Development Goals (MDGs), ang universal primary
education sa taong 2015. Dahil dito, umangat ang bahagdan ng enrolment mula 75%
(2000), naging 89% noong 2010. Sa kasalukuyan, ang Sustainable Development Goals
(SDGs) 4 ang gabay ng mga bansa sa buong mundo para sa edukasyon. Ang Goal 4:
"Ensure inclusive and equitable quality education and promote lifelong learning
opportunities for all."

Edukasyon sa Western Asia

Noong AD 632, ang kabihasnang Arabe ang may pinakamataas na antas ng


edukasyon sa larangan ng agham at matematika samantalang ang Europe ay nababalot sa
pag-aaral ng doktrina ng simbahang Katoliko sa panahon ng kadiliman. Ito ang "Golden
Age" ng Arabia sa larangan ng edukasyon kung saan makikita ang mga kontribusyon nila
sa astronomiya, physics, pilosopiya, medicine, at iba pa. Ang King Saud University ang
unang unibersidad na naitatag noong 1957 samantalang naitatag ang unang paaralan sa
mga babae noong 1964. Sa kasalukuyan, kalahati ng mga mag-aaral ay pawang mga babae.
Ang kanilang edukasyon ay naglalayong maihanda ang mga kabataan sa buhay at
sa trabaho. Ang pamahalaan ng Saudi ay naglalaan ng malaking halaga para mapataas ang
kalidad ng mga guro, kagalingan ng mga mag aaral, at ang paggamit ng teknolohiya sa
pag-aaral. Binigyan ang mga principal o mga namamahala ng mga paaralan ng higit na
kapangyarihan sa kanilang mga desisyong makabubuti sa pag-aaral ng kabataan,
Binibigyan ng pansin din ng pamahalaang Saudi ang teknikal at training na pang-
administratibo. Ang Royal Technical Institute ay isa sa mga naghahasa sa larangan ng
machine tooling, metal works, at electro mechanics. Ang General Organization for
Technical Education and Vocational Training (GOTEVOT) ay katuwang ng Ministry of
Labor para sa technical vocational training ng bansa.

Ginampanan ng Relihiyon sa Lipunang South at Western Asia

Maraming mga salik ang maaaring makaapekto sa buhay ng mga tao tulad ng
etnisidad, pananampalataya, at edukasyon.
Sa India, ang relihiyong Hinduismo ay may malaking ginampanan sa lipunan. Ang
Veda ay nagsasaaad ng mga aral tungkol sa paniniwala a ng mga aral sa mga kabataan. Isa
sa pangunahing pagpapahalaga sa Veda ay pilosopiya ng mga Hindu, kung saan ang mga
Brahmins o mga pari ay nagtuturo ang pagsasakripisyo ng mga hayop o halaman.
Ang sistemang caste ay tumutukoy sa pagkakahati ng tao sa lipunan bilang nasa
taas o nasa baba. Kung nasa taas ng caste ang isang tao, mas mataas ang kaniyang status,
kapangyarihan, yaman, at pribilehiyo. Samantalang ang nasa mababang caste ay mayroong
mababang status.

Araling Panlipunan 9 page 5


Ang mga lalaki sa India ang nabibigyan ng pagkakataon sa larangan ng politika
bilang lider at sa relihiyon bilang tagapamagitan ng mga banal na mensahe. Ang mga
babaeng Hindu ay pasibo lamang sa pagtanggap ng mga paniniwala. Dahil patriyarkal na
lipunan ang bunsod ng caste, ang mga babaeng Hindu ay nagkaroon ng kamulatan upang
pag-usapan ang mga diskriminasyon na nararanasan nila. Ang relihiyon ay isang social
constructed reality kung saan maaaring baguhin para magkaroon ng pag-unlad sa
kalagayan ng kababaihan.
Sa kabilang banda, ang relihiyon na nagpapalaganap ng kapayapaan, kaayusan, at
pagkakaisa ay nagiging instrumento para sa pagbuo ng religious fundamentalism at
religious intolerance. Nagkakaroon din ng mga hidwaan o sigalot dahil sa iba't ibang
paniniwala ng mga Asyano.

Tiyakin Natin:

Tama o Mali. Isulat ang T kapag ang pangungusap ay tama at M kapag ito ay mali.

1. Ang monarkiya ay isang pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay lamang ng

isang pinuno.

2. Ang representative democracy ay nagbibigay ng mga karapatan at kapangyarihan sa

mga mamamayan na tuwiran o direktang gumawa at magpatupad ng mga batas.

3. Ang pinuno ng gobyerno sa India ay ang presidente. 4. Ayon sa saligang batas ng Sri

Lanka, karapatan ng bawat mamamayan ang makapag-aral ng libre mula sa pamahalaan.

5. Si Benazir Bhutto ang kauna-unahang babaeng punong ministro ng Pakistan. 6. Ang

emirate ay kahalintulad ng monarkiya kung saan ang sentro ng kapangyarihan sa

pamahalaan ay nasa kamay ng emir.

7. Sa pangkalahatan, mas maraming pagsubok ang nararanasan ng mga mag-aaral sa rural

na lugar kompara sa mga mag aaral sa mga pangunahing lungsod sa South Asia.

8. Sa South Asia, mas mataas ang literacy rate ng mga babae kompara sa mga lalaki.

9. Sa kasalukuyang panahon, ang layunin ng pag-aaral sa Saudi ay para lang sa Islamic at

hindi nakapokus sa agham at teknolohiya.

10. Nabigyan ng karapatang bumoto ang mga babae sa pagkakatatag ng republika sa

Turkey.

Araling Panlipunan 9 page 6

You might also like