You are on page 1of 2

MAHAL NA SANTO SAN MARTIN

Mahal naming Patron, // Santo San Martin// Dalawang kamay turo sa Santo
Sa mahal ninyong harapan,// kasaysayan bibigkasin//
Ipahintulot po ninyo//, Santo naming maawain// Dalawang kamay turo sa Santo
Na dito sa madla’y, //akin pong sasambitin. // Dalawang kamay turo sa baba

II

Kasaysayan po ninyo’y //amin pong inaawit// Kanan turo sa santo , turo sa dibdib
Amin pong dinadasal,// amin pong dinadalit // Dalawang kamay sa dibdib
Bata at matanda,// kasaysayan ninyo’y batid// Kaliwa’t , kanan turo sa tao
Na kayo ang gererong,// may pusong mabait.//

III

Doon sa digmaan,// sa inyong nakalaban//


Walang maka gapi,// sa taglay ninyong tapang// Iling (kanan) , kanan turo sa Santo
Hinangaan ng marami, //prensipyo’y pinaglaban//
Kaya mga mandirigma, //kayo’y kinatatakutan.//

IV

Kayo ang gererong// sa kabayo’y naka sakay// Turo sa santo ( KANAN)


Tanging sandata ninyo’y, //yaong sabling tangan//
Hinangaan kayo//, sa gitna ng labanan//
Pagkat nakita sa inyo, //angking katapangan.// Dalawang kamay turo sa Santo

Gaano mang katapang,//may puso rin busilak//


Nang minsang isang pulubi,// humingi ng habag//
Nanginginig sa ginaw, //katawan ay payat//
Sa awa ninyo’t habag,// puso ninyo’y nabagabag// Kanan turo sa Santo, kabig sa dibdib

VI

Nagkataong walang laman,// ang inyong lukbutan// Iling (Kanan)


At sa awa sa pulubi’y,// di ninyo alam ibibigay//
Tangi ninyong naisipan, //mahalaga ninyong balabal// Kanan turo sa sintido
Ang siya ninyong hinati, //sa pulubi ibinigay//.

VII

San Martin ginawaran kayo,// sa tunay ninyong pagkatao// Dalawang kamay sa Santo
Nang Diyos amang nasa langit,// na lumalang nitong mundo// Kanang kamay turo sa itaas
Magiting kayo at uliran,// kaya kayo’y naging Santo//
Sinasamba’t dinarasal//, ng lahat ng mga katoliko.// Dalawang kamay turo sa dibdib

VIII

Katulad mo din po, //kami ay matapang// Kanan turo sa dibdib , kaliwa turo sa dibdib
Sa pagharap sa kalamidad, //at pagsubok sa buhay//
Tangi naming sandata’y// yaong taimtim na dasal// Dalawang daop sa dibbib
Sa poong diyos ama,// sa tulong ninyo at gabay.// Kanan turo sa taas, dalawang kamay turo sa Santo
IX

Ang sandata namin,// na lagi naming taglay//


Dasal na taimtim,// sa poong maykapal//
Sa tulong ninyo, //Patron naming mahal//
Santo San Martin,// lagi kaming sasamahan.// Dalawang kamay turo sa santo

X
Ngayon batid ng marami, //ang tunay ninyong kasaysayan//
Ang hiling namin sa inyo// kami laging patnubayan//
Ilayo sa dalamhati//, sa sakuna’t kapahamakan// Kaliwa turo sa baba
Bendisyon ninyo’y igawad,// Santo San Martin naming mahal.// Dalawang kamay turo sa Santo

XI

Papur’t Pasasalamat sa iyo , sapagakt aming hinihiling iyong ibinigay


Paggabay mo mula sa umpisa hanggang siya makapasa ,

XI
Paalam na po , Santo San Martin Patron naming Mahal
Lagi mo po kaming papatnubayan , dito sa aming mahal na barangay
Lagi mo po kaming gagabayan , ilalayo sa kapahamakan
Kami pong lahat dito kabataa’t katatandaan

**** BOW ****

You might also like