You are on page 1of 2

PANALANGIN UPANG MATAMO ANG KABANALAN

KAPILING NG MGA SANTO AT SANTA

Mapagmahal na Ama, Ikaw lamang ang Banal, Ikaw


lamang ang Panginoon. Sa Iyong mga biyaya, ipagkaloob
Mong kami ay mamuhay bilang mga tapat Mong mga anak.
Nawa’y sa Buhay namin bilang mga Kristiyano, ang
pagsamba at kawanggawa ay magkaisa kay Kristo.
Dumadalangin kami upang sa huwarang pamumuhay ng mga
banal ay lalo kaming matulad kay Kristo na Siyang Daan,
Katotohanan at Buhay. Nawa’y lalo naming maranasan si
Hesus sa Banal na Eukaristiya kalakip ang aming malasakit
para sa mga dukha at kapus-palad. Dumadalangin din kami
para sa kapayapaan ng mga kaluluwa ng mga yumaong
mahal namin sa buhay at sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Nawa’y ang aming pagdalangin na may kalakip na
kawanggawa ay maghatid sa amin sa ganap na pamumuhay
kapiling ng mga banal at ng aming Inang Birheng Maria.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Panginoong
Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

AMA NAMIN. . . ABA GINOONG MARIA. . . LUWALHATI. . .


DAING AT PANAMBITAN NG MGA KALULUWANG BANAL SA
PURGATORYO
Namumuno: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan.
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan.//
Namumuno: Mahabaging Ama/ Iyong masdan/ Purgatoryong
parusahan.//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan.//
Namumuno: Kapatid naming binyagan / laki nilang kahirapan: / sa
gitna ng kahapisan / nanatili paa’t kamay //Kaya kami’y kaawaan/
idalangin sa Maykapal.//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan!//
Namumuno: Apoy na makatutunanw / na dito ay nasasarhan / na
sa isang pisik lamang / ang sangmundo’y malulusaw / kaya nga
pakimatyagan / ngayon itong kainitan.//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan!//
Namumuno: Walang sukat pagparisan / ang hirap na dinaramdam /
at dusang walang kabagay / sa Purgatoryo’y naghihintay / sa
lagablab ng init ay / parang gintong tinutunaw.//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan!//
Namumuno: Isang dusang walang hanggan / kung ang Diyos ‘di
matinggnan / O, mga nabubuhay pa / kami’y inyong ipagdasal.//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan!//
Namumuno: At kami’y gaganti naman / ngayon at sa huling buhay
/ na ‘di naman naliliban /kung kami’y magkakautang / pagkat ang
D’yos na maalam / siya naming tatawagan.//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan!//
Namumuno: Maawaing Diyos at maalam / dinggin aming
panambitan :/ mga kaluluwa’y pakinggan / ang daing ay
kahirapan!//
Sagot: Mga kaluluwa’y pakinggan/ sa daing na kahirapan!//
Namumuno: O Diyos ko / sa Iyong Katawan / na tinatanggap ko /
sa tuwing dumadalo ako /sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya /
nawa’y maging karapat- dapat ako / sa pakikipanalig ko / at
pakikiisa sa mga pinagpalang kaluluwa.//Amen.//
Namumuno: Pagkalooban Mo po, Panginoon ang mga kaluluwa sa
Purgatoryo ng Kapayapaang walang hanggan.
Sagot: Tumanglaw sa kanila ang iyong liwanang
magpakailanman.

You might also like