You are on page 1of 4

Isa sa mga tradisyon ng Simbahang Katolika sa pagtatapos ng Semana Santa ay ang pagbibigay ng

adult baptism o yung pagbinyag a mga nasa wastong edad na. Ginagawa ito bago ang pagsapit ng
Linggo ng Pagkabuhay. Paano ba naghahanda ang mga nais tumanggap ng sakramentong ito? I-
Bandila mo, Apples Jalandoni. Bandila, April 12, 2017, Miyerkules

TOLIKONG KAALAMAN: ADULT BAPTISM [Binyag ni Charice]


Narito po ang ilang punto sa spiel ng ninong at ninang ni Charice na sina Boy and Kris
Q: Pwede palang ang binyag at kumpil all in one?
A: Pwede po 'yon sa adult baptism. Ayon sa Canon Law (Batas ng Simbahan), "Unless there is a
grave reason to the contrary, an adult who is baptized is to be confirmed immediately after baptism
and is to participate in the eucharistic celebration also by receiving communion." (Can. 866) Kaya
pwedeng-pwede ppo iyon, binyag, tapos kumpil at hindi lang po iyon, kasunod ang communion. Ang
tatlo pong sakramentong ito ang Binyag, Kumpil at Eukaristiya ay ang sacraments of initiation.
Q: Sa adult Baptism, pwede palang tumanggap ng communion without going to confession?
A: Opo, tama iyon. May biyaya sa "free will" nating i-embrace ang Roman Catholicism subalit ang
nagtatanggal ng ating kasalanan ay ang sakramento MISMO. Ayon sa Catechism of the Catholic
Church, "By Baptism ALL SINS are forgiven, original sin and all personal sins, as well as all
punishment for sin." (CCC 1263) LAHAT po ng kasalanan ay nawawala, orihinal, personal, malaki
man o maliit kaya't sa pagakakataong ito, hindi na kailangan mangumpisal bago mag-communion.
Sa twing magkakasala naman tayo, makakabalik pa rin tayo sa Diyos sa Kumpisal.
Para po sa kaalaman ng lahat:

PAGPAPABINYAG
Mga Alituntunin
Ang Banal na Pagbibinyag ay ang saligan ng buong buhay Kristiyano, ang daan sa buhay sa
Espiritu at ang pinto na nagbibigay-daan sa iba pang mga Sakramento. Sa pamamagitan ng
bautismo tayo ay napalaya mula sa kasalanan at isinilang na muli bilang mga anak ng Diyos;
nagiging miyembro tayo ni Kristo, nakasama tayo sa Simbahan at ginawang kahati sa kanyang
misyon: "Ang binyag ay ang sakramento ng muling kapanganakan sa pamamagitan ng tubig sa
salita." (CCC 1213)
Narito ang mga alituntunin sa pagpapabinyag sa ating parokya na nakabatay sa mga dokumento at
pangkalahatang Batas ng Simbahan.
Para sa mga nais magpabinyag ng taong may sapat na gulang na—labing tatlong (13) taong gulang
pataas—kinakailangang sumanguni muna sa Kura Paroko upang mabigyan ng mga tagubilin at
masimulan ang proseso ng pagtuturo ng katesismo.
Para sa mga nais magpabinyag ng sanngol at bata—labing dalawang (12) taong gulang pababa,
sundin lamang ang mga alituntunin sa ibaba.
I. Schedule
Ang schedule ng Pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag sa ating parokya ay ang sumusunod:
 Ang Communal Baptism ay tuwing Linggo sa ganap na ika-11 ng umaga.
 Ang Solo Baptism ay maaring i-skedyul kahit anong oras at araw mula Martes hanggang Sabado.
Magkakroon muna ng Pre-Baptism Seminar na ibibigay ng isang katekista bago magsimula ang
Pagdiriwang ng Sakramento.
II. Pagpapatala
Kung maaari ay magpatala sa opisina ng Parokya ng mas maaga, mga tatlong araw hanggang
isang Linggo, bago ang ninanais na araw ng binyag. Sundin ang sumusunod:
1. Dalhin at ipasa ang sumusunod na requirements:
 Orginal at photocopy ng Birth Certificate na mayroong registry no. at seal mula sa Civil Registrar’s
Office ng City/Municipal Hall.
Paliwanag: Batay sa Circular Letter No.2012-015, ang Registered Birth Certificate ay isang
mahalagang batayan upang ang datos na isususlat sa Liber Baptismorum (Rekord ng Binyag) ay
siguradong wasto at tama.
 Para sa mga hindi Taga-Buting o San Juaquin: Letter of Permission for Baptism mula
pinanggalingang Parokya.
Paliwanag: sa Batas ng Simbahang Katolika, ang batang bibinyagan ay nararapat lamang na
binyagan sa parokya ng kanyang magulang. (Canon 857 §2) Sa mga magulang na nais pabinyagan
ang kanilang anak sa ibang parokya, kinakailangan nilang kumuha ng Letter of Permission mula sa
parokyang kanilang pinanggalingan. Ito ay may kaukulang fee na ibibigay sa pinanggalingan
parokya. (Circular Letter No.2012-015, bullet no. 4)
2. Punan ng mga hinihinging detalye ng Application Form; siguraduhing wasto at kumpleto ang mga
detalye lalo na ang mga pangalan ng ninong at ninang.
3. Ibigay ang kaukulang stole fees.
Paliwanag: Ang stole fees ay hindi kabayaran sa pagdiriwang ng Sakramento. Ito ay ang itinakdang
ambag sa pondo na sumusuporta sa sa pangangailangan ng pari at ng lokal na simbahan tulad ng
pambayad sa kuryente, atbp. (Canon 281 §1, 531, 1264) Ito ay napapaloob sa alituntunin ating
Simbahan na ang mga mananampalataya ay may tungkuling suportahan ang material na
pangangailangan ng Simbahan ayon sa kanilang kakayanan.(CCC 2043)
Communal Baptism - para sa unang pares ng ninong at ninang P 350.00
Solo Baptism - P 1500.00
para sa bawat karagdagang ninong/ninang P50.00
4. Hintayin ang Acknowledgement Reciept. Sa araw ng Pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag
dalhin ang nasabing resibo upang makuha sa opisina ng parokya ang mga kandila at ribbons.
III. Pagpili ng Ninong at Ninang
May mahalagang ginagampanan ang Ninong at Ninang sa buhay ng isang bininyagang Katoliko.
Sila, kasama ng mga magulang, ay tumutulong sa pagpapabinyag. Sila din ang tumutulong at
tumitiyak na ang bininyagan ay mamumuhay ng naaayon sa Kristyanong pamumuhay—sa pagtupad
ng mga pangako ng Binyag at sa mga obligasyong likas na taglay ng mga ito. (Canon 872)
Samakatuwid, kinakailangang sundin ang batayan ng pagpili ng Ninong at Ninang na itinakda ng
Banal na Simbahan (Canon 874 §1)
 Dapat ay may edad na labing-anim (16) na taong gulang pataas
 Isang Katolikong nakumpilan na at nakatanggap na ng Eukaristiya at namumuhay ayon sa
pananampalataya
 Hindi sumailalim sa anumang kanonical na parusa na lehitimong ipinataw o ipinahayag
 Hindi ama o ina ng bibinyagan.
Ang isang taong hindi Katoliko ay maaring tumayo bilang saksi sa pagbibinyag at hindi ninong o
ninang. (Canon 874 §2) Ang kanilang pangalan ay hindi isususlat sa Rekord ng Binyag.
Kinakailangan dumalo ng mga Ninong at Ninang sa pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag. Bawal
ang proxy. Kung sakaling hindi dumating ang naipatalang Ninong o Ninang, kailangan maghanap ng
kapalit mula sa mga dumalo at nakapag-seminar. Kung magkagayon, kailangan abisuhan ang
opisina upang mapapalitan ang mga pangalan sa Sertipiko ng Binyag.
Nawa’y makatulong ang mga alituntuning ito sa maayos na pag-unawa sa proseso ng
pagpapabinyag sa ating parokya.
Muling pinagtibay noong ika-14 ng Hunyo, sa taon ng ating Panginoon 2017

You might also like