John 16:12-15 Nawa’y makalugod sayo o Panginoon itong salita ko at kaisipan +++ Magandang araw po sa ating lahat.isang pambihirang araw ang ating ipinagdiriwang sa linggong ito sapagkat una ay ipinagdiriwang natin ang TRINITY SUNDAY O SANTISIMA TRINIDAD ikalawa ay ang araw ng KALAYAAN at ikatlo ang buwan na ito ay ang Buwan ng STEWARDSHIP CAMPAIGN MONTH. At katulad nga ng Santisima Trinidad na ibig sabihin ay tatlong persona sa iisang Diyos.. tatlong bagay din ang ating Pagninilayan sa linggong ito, unahin na natin ang Santisima Trinidad , sa tagal ng ating pagiging Katolikong Aglipayano ano nga ba ang pagkakaintindi natin sa Santisima Trinidad? Marahil karamihan saatin ay hirap na maunawaan na bakit nagkaganun? Tatlong persona? Ibig sabihin tatlo ang Diyos? Hindi po dahil sila ay iisa ngunit ibat iba ang kanilang tungkulin o gampanin. Ang AMA na syang gumagawa o bumubuo ng plano ng lahat ng bagay,ang ANAK na syang gumagampan sa kalooban ng Ama at ang Espiritu Santo na gumagabay na katulad ng nasabi sa ating ebanghelyo sa talata 13 Pagdating ng Espiritu ng katotohanan,tutulungan kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Kaya sa tulong ng Espiritu santo ay unti-unti nating mauunawaan ang lahat ng katotohanan. Isang halimbawa din mga kapatid upang mas maunawaan natin ang Santisima Trinidad, Ang Santisima Trinidad ay maihahalintulad sa isang Electric Fan . Ang kabuuan ng Electrifan ay ang AMA at ang ANAk ay ang Elesi nito,at ang Banal Na Espiritu ay ang Kuryente na magpapagana upang maramdaman ang hangin na dulot ng Electricfan. Ang bawat isa ay nagtutulungan sa bawat gampanin. At ganun din sa ating simbahan.. Mga kapatid Sa ating patuloy na pagpapaunlad bilang isang katiwala ng simabahan ,katulad ng Banal na Santatlo tayo din ay dapat na magtulungan, ibat ibang sektor ngunit nakapaloob sa iisang simbahan at iisang hangarin .Bilang katiwala tayo dapat ay nagkakaisa sa pagpapaunlad ng ating mahal na iglesia , at bilang tayo ay mabuting katiwala kailangan tayo ay maging mabunga sa ating Paglilingkod, papaano ba ang paraan para maging mabunga ang ating Paglilingkod bilang katiwala? Ipagkaloob po natin ang ating mga kakayahan ang ating mga talento, lalo’t higit ang kakayahan at talento nating magbigay ng ating Pangako o ng ating Pledge sa ating simbahan dahil napakahalaga po nito upang mas mapaunlad mapaganda natin ang tahanan ng ating Diyos..katulad ng sinabi sa ikalawang sulat ni Pablo sa mga Taga-Corinto 9:7.Ang bawat isa’y dapat magbigay ng ayon sa sariling pasiya,maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Maliwanag na sinasabi mga kapatid na Ang pagkakaloob po natin ng Pledge ay magbigay ng naayon sa ating sariling pasya yung maluwag sa loob natin. Kung ang kaya nating ipagkaloob ay 20 pesos huwag po tayong mahiya dahil yun ang ating kakayahan,at kung dati naman ay 50 pesos ang ating Pledge huwag din po tayong mahihiyang dagdagan ito gawing 150 ganun, basta naayon sa ating kalooban at masaya tayo na nagbibigay ng tulong at pangako para sa patuloy na pagpapaunlad ng ating Mahal na simbahan.. tignan nyo mga kapatid kung hindi tayo magbibigay ng Pledge natin o ng Pangako natin , hindi tayo makakabili ng Electricfan,Hindi tayo makapagpapagawa ng bubong o ng kisame natin at hindi natin matutugunan ang pangangailangan ng ating Parokya kung tayo ay makakalimot sa pagkakaloob ng ating mga Pangako . ang pagpapaunlad po sa ating simbahan ay hindi lang tayo ang makikinabang ,dahil maliit man na halaga na ating maipagkaloob ay marami ang matutulungan, hindi lang dito sa ating parokya. At ang pledge natin na yun ay magagamit at makakatulong at pakikinabangan ng mga sumusunod sa atin.Kaya huwag po tayong mahihiya at huwag tayong makakalimot na magbigay at tuparin ng ating mga Pangako. (Huwag nating gayahin ang iba na nangangako ,pero hindi naman kayang tuparin) ouch :’) Sa araw na ito mga kapatid ay ipinagdiriwang natin ang araw ng KALAYAAN .. ang tanong kayo ba nagpalaya na?? :’( kasi ako.. pinalaya na din haha.. Sa kalayaan ng Pilipinas tunay nga ba tayong Malaya ? sa aking nabasa na pagninilay ng isang obispo.ang hulyo 12 ay pagpapahayag ng katagumpayan sa paniniil ng mga kastila subalit ang Hulyo 4 ‘1946 ay kalayaang ibinigay daw ng amerika .Subalit ang ninais ba na kalayaan noong Hunyo 12 ,1898 ay atin bang tunay na nakamtan? Disyembre 10 ,1898 ay ipinagbili tayo ng Espanya sa amerika sa halagang dalawampung milyong dolyar…sa panahon natin ngayon malapit na din ata tayong mabili dahil napakalaki na ng utang ng Pilipinas 13.1 Trillion ang sinasabing utang natin.. Uapang tatlo pa din tayo ..Mga kapatid tatlong Aspeto ang ninais ng mga ninuno natin na maipakita na tayo ay tunay na malaya . Una sa aspetong Pampulitika,Pang-ekonomiya at Pangrelihiyon..Sa ating palagay po ba tunay ba tayong malaya?sa isang pagninilay ,ang sabi hindi tayo tunay na malaya sa pagpili ng ating pinuno sapagkat mayroon pa ring external factor ang ginagawa ng ibang bansa kung sino ang kanilang iniendorso.ikalawa ,wala tayong kalayaang pang ekonomiya sapagkat kontrolado ng ibang bansa ang ekonomiya ng Pilipinas. At ikatlo sa aspetong pangrelihiyon ,dito nakamtan ang kalayaan sapagkat naipakita ng mga Makabayang ninuno natin at maging hanggang sa ngayon ang pagkakaroon ng simbahang simbolo ng Kalayaan at Pagsasarili ng mga Filipino , at itoy walang iba kundi ang IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE . ang simbahang natitirang buhay na Bunga ng 1896 Phil.Revolution.. kayat maging Proud tayo na isang IFI isang Aglipayano.. Mabuhay ang ating Pagsasarili , Mabuhay ang mga Nagtataguyod ng Tunay na Kalayaan.. Kayat ang hamon ngayon Trinity Sunday mga kapatid.. Patuloy tayong kumilos at sumampalataya ng may PAGKAKAISA ,Patuloy nating Tuparin ang ating mga PANGAKO sa ating inang Simbahan at Patuloy nawang magkaroon ng tunay na kalayaan ,kalayaan na tumulong kalayaang maglingkod sa mga nasa laylayan ng ating Lipunan .. At tulad ng sinabi ko Patuloy nawa tayong Maging Tunay at Tapat na Aglipayano.. IGLESIA FILIPINA INDIPENDIENTE tatlong salita Ngunit iisa ang Tunguhin at Hangarin ang Patuloy na Mag-lingkod sa Diyos at Bayan.. Pagpalain po tayo ng Panginoon at patuloy nawa tayong gabayan ng Banal na Espiritu sa ating patuloy na paglilingkod at pagmimisyon. Sa Pangalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo.. Amen..
Note: Pwede nyo pong dagdagan o bawasan ang repleksyon na ito .marami pong salamat.