Professional Documents
Culture Documents
Introduction
Ang buhay pananampalataya natin ay umiikot sa dalawang pinaka
importanteng sangkap sa ating relasyon sa Panginoon, ang ating
pagsamba at paglilingkod sa Diyos. Pero ang tanong paano ba ang
nararapat na pagsamba at paglilingkod sa Diyos na kalugod lugod at
karapat dapat sa paningin nya? Kung may mga Biblia kayong hawak,
maari kayong makipagbukas sa akin sa Aklat ng Roma 12:1-2
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos,
ipinapakiusap ko sa inyo na ialay ninyo ang inyong mga katawan
bilang handog na buháy, banal, at kalugud-lugod sa Kanya. Ito ang
inyong karapat-dapat na pagsamba. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng kapanahunang ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin kayo sa
pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Sa gayon,
mapapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kalugud-lugod at ganap
na kalooban ng Diyos.
Illustration
Ang sabi sa ating text ay masagana ang habag ng Diyos. Ang
pagtingin sa habag ng Diyos ay parang unli rice na bagong saing. Ang
mga taong malapit sa syudad at kayang bumili ng mang inasal kapag
kumain yan normal na yung 3 to 4 cups kasi normal na sa kanila ang
kanin pero kung ihahambing mo mga nasa dump site, mga taong nasa
bundok, nasa gilid ng kalsada at halos walang makain at walng
kakayahang bumili at kumain sa Mang Inasal, dalhin mo sila dun
magugulat ka kung paano nila iappreciate yung kanin. May kakilala
akong nagkwento na may na meet sila taga bundok galing sa Dumagat
tribe ang dinala nila sa mang inasal at naka ubos ng 12 cups ng kanin
ang dahilan nya minsan lang kasi sya makakain ng kanin kaya ganun
nya na appreciate ang kanin ng Mang Inasal.
Application
The same thing in our faith, kapag ang tingin natin sa habag at
biyaya ng Diyos ay natake for granted natin, mahirap ioffer ang ating
katawan sa paglilingkod sa Diyos at kung maioffer man natin mabigat
ang ating loob at madaling ibalewala ang ating pagbibigay ng
pagsamba sa kanya. Ngunit kung nakikita natin ang kahalagahan ng
Kanyang biyaya at habag sa ating buhay, maappreciate natin ang
kanyang habag at magaan nating maiaalay ang lahat sa Kanya at dun
lang natin sya masasamba ng bukal sa ating puso. Ang sabi sa Tito 3:5
Conclusion
Ang Diyos ay nagbigay ng masaganang habag sa atin upang tayo ay
magkaroon ng bahagi sa kanyang mga pangako para sa lahat ng mga
nagmamahal sa kanya. Sa pagharap natin sa panibagong linggo na
darating, nawa ay mamuhay tayo ng nasa ilalim ng habag ng Diyos at
kapag tayo ay nakakatanggap ng habag at biyaya ng Diyos, huwag
nating abusuhin bagkus gamitin natin ito bilang pagkakataon upang
iaalay natin ang ating mga sarili bilang buhay na handog sa Panginoon
upang ang ating pagsamba sa kanya ay maging kalugod lugod at
karapat dapat sa kanya.