You are on page 1of 2

CTSR TEACHING MATERIALS G12 WIN MODULE (SALVATION) (2)

SUBJECT: ONE VERSE EVANGELISM

TOPIC: KALIGTASAN

AIM: Na matapos maituro ang araling ito ay naunawaan ng bawat mag-aaral


kung gaano sila kamahal ng Diyos, gayundin ang pagliligtas
na ginawa niya sa kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagdudrusa at
pagkamatay ng Panginoong Hesus sa krus.

METHOD: PREACHING

SCRIPTURE: Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang
Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay
hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan,
(Juan 3:16)

DELIVERY POINTS
MAHAL NA MAHAL TAYO NG DIYOS
Sinasabi sa ating talata na “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan”
“gayon na lamang” = ibig sabihin ay napakadakila o napakalaki.

NAGSAKRIPISYO ANG DIYOS PARA SA ATIN.


“Kaya ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak”
Si Jesus ang umako ng mga parusa sa ating mga kasalanan.
Siya ay inaresto, hinatulan, pinagpapalo, nilatigo, nilait, dinurahan,
Nagpasan. ipinako sa krus, at namatay para sa iyo at sa akin.

ANG NARARAPAT NATING TUGON.


“SUMAMPALATAYA” Dahil ito ang sinasabi sa ating talata:
“upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak...
“Sumampalataya” ibig sabihin ay kilalanin, tanggapin, at aminin sa sarili na Siya
Ang iyong Tagapagligtas.
(3)
ANG RESULTA NITO SA ATING SARILI.
“hindi mapapahamak”
-hindi magiging pariwara ang buhay.
-hindi mapupunta sa impiyerno (walang hanggang pagdurusa sa apoy ng impiyerno)

“kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”


-ito ay tumutukoy sa lubos na karapatang pumasok sa bahay ng Diyos sa langit.
PAANO SUMAMPALATAYA? (ayon sa sinasabi ng talatang ito...)
Sinasabi sa Roma 10:9-10 na ipahayag ng iyong labi na si Jesus ay (iyong) Panginoon at
Sumampalataya ng buong puso...
Ibig sabihin ay Panalangin ng Pagsampalataya, Pagkilala o Pagtanggap ang itinuturo nito.

Panalangin ng Pagtanggap sa Panginoon:


Ama naming nasa langit, maraming salamat po na ako ay minamahal mo.
Salamat din po na ipinadala mo si Jesus, upang akuin ang aking mga kasalanan.
Ngayon po ay ipinapahayag ko, ang aking pananampalataya sa iyong pagtubos sa akin.
Panginoong Jesus, salamat pos a iyong pagliligtas sa akin sa apoy ng impiyerno.
Ipinapahayag kop o ngayon na ikaw ang aking Tagapagligtas.
Tinatanggap kita sa aking puso bilang aking Panginoon at Tagapagligatas.
Ikaw na ang maghari sa akin mula sa araw na ito, Amen....

You might also like