You are on page 1of 13

CLASS 101 DISCOVERING MEMBERSHIP

ANG SALIGAN NG KURSONG ITO:


“… Hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos, at kabilang sa
kanyang sambahayan” (Efeso 2:19)

PANGUNAHING KATOTOHANAN:
1. Ang iglesya ay isang ________________.
2. Inaasahan ng Diyos na ikaw ay maging __________________ ng iglesya.
3. Ang isang Cristianong walang kinasasapiang iglesya ay _________________.

ANG LAYUNIN NG KURSONG ITO:


…na aking itatalaga ang aking sarili kay _______________at sa pamilya ng _________________.

PAANO NAGIGING PAMILYA ANG IGLESYANG ITO


Apat na bagay na nagbubuklod sa atin:
1. Ang ating KALIGTASAN (Ano ang ginawa ng Diyos para sa atin)
2. Ang ating SALIGAN (Bakit tayo nagpapatuloy bilang iglesya)
3. Ang ating PAMAMARAAN (Paano natin tinutupad ang ating layunin)
4. Ang ating KABUUAN (Kailan at saan natin tinutupad ang ating layunin)
________________________________________________________________________________________________________________________________

UNANG SESYON-

ANG ATING KALIGTASAN


“Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan
kay Cristo ay pinananahanan ni Cristo. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya,
ang lalaki at ang babae- kayong lahat ay iisa dahil sa inyong pakikipag-sa kay Cristo Jesus.” –Galacia 3:26-28

ANO ANG KAHULUGAN NG PAGIGING CRISTIANO?


“Maraming tao ang nabubuhay na hindi man lamang alam kung “BAKIT?” sila nabubuhay. Lumilipas ang mga
taon na hindi man lamang nila nalalaman ang layunin ng Diyos para sa kanilang buhay. Ang pinakapangunahing
tanong na maaaring isipin ng tao ay “Ano nga ba ang kahulugan ng aking buhay?”

Lahat ay nagnanais na lumigaya at sinusubukan ang maraming bagay:


... Hinahanap ng iba ang kaligayahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming ari-arian
... Hinahanap ng iba ang kaligayahan sa pamamagitan ng iba’t ibang libangan
... Hinahanap ng iba ang kaligayahan sa pagiging tanyag at makapangyarihan.

Subalit ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa pagkaunawa kung ano ang aking ______________.

I. BAKIT AKO NARITO?


1. Nilikha ako ng Diyos upang _____________ Niya.
Sinabi ng Diyos, “Sa simula pa’y inibig ko na sila at patuloy kong ipinagmamalasakit.” –Jeremias 31:3
“At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na Niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal
at walang kapintasan sa harapan Niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y Kanyang itinalaga upang maging mga
anak Niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban.” -Efeso 1:4-5

2. Nilikha tayo upang _______________ ang personal na relasyon sa Diyos at _________________ang lahat ng
iba pa niyang nilikha. Ito ang nagpapatunay na tayo ay espesyal.
“Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y
pinagpala. Wika niya, ‘Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamaalaan
ito...” –Genesis 1:27-28
“... sa Diyos na masaganang nagkakaloob ng lahat ng bagay sa ating ikasisiya.” (1 Timoteo 6:17)

3. Kung kilala at iniibig natin ang Diyos at namumuhay tayo ayon sa kanyang ______________ sa ating mga
buhay, ito ay magdudulot sa atin ng napakalaking pakinabang:

1
Malinis na Konsensya-Roma 8:1, Buhay at Kapayapaan-Roma 8:6, Tulong sa Kahinaan-Roma 8:26,
Layunin-Roma 8:28, Lakas ng Loob-Roma 8:31, Kasiguruhan-Roma 8:39,
Lakas at Kapangyarihan-Filipos 4:13, Kakuntentuhan-Filipos 4:19, Kalayaan-Juan 8:32,36

Ito ang uri ng buhay na ninanais ng Diyos para sa atin. Subalit bakit maraming tao pa rin ang di masaya?

II. ANO ANG PROBLEMA?


Kalikasan ng tao ang pagnanais na maging _________________ng kanyang sarili at balewalain ang mga
panuntunan ng Diyos sa pamumuhay.
-Gagawin ko ang lahat para maging No. 1
-Kung sa tingin ko ay maganda, gagawin ko kahit ano pa ang sabihin ng Diyos tungkol dito
-Buhay ko ito at gagawin ko ang gusto kong gawin

Ang tawag ng Biblia sa ganitong kaisipan ay:____________________


“Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad...” –Isaias 53:6
“Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili; at wala sa atin ang katotohanan.”
-1 Juan 1:8

Sinisira ng kasalanan ang ating malapit na kaugnayan sa Diyos. Nagdudulot ito sa atin ng pangingilag sa Diyos at
pamumuhay nang di-ayon sa Kanyang kalooban.
“Ngunit ang sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at siya ring dahilan ng paglalayo
ninyo.” –Isaias 59:2
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.” –Roma 3:23

Kapag ang relasyon natin sa Diyos ay hindi tama, nagdudulot ito ng mga PROBLEMA sa lahat ng bahagi ng ating
buhay- pag-aasawa, trabaho, mga relasyon, pananalapi, at iba pa.

Kapag ang tao ay may mga problema, lagi nilang pinipilit na lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang
paraan bago lumapit sa Diyos.
“May daang matuwid sa tingin tao, ngunit kamatayan ang dulo into.” –Kawikaan 16:25

Kahit na alam natin na ang tunay nating kailangan ay ang Diyos, sinusubukan pa rin natin ang mga maling paraan
sa pagkilala sa kanya.
_____“Ang aking ina ay isang Cristiano kaya...”
_____ “Hindi na mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo, maging matapat ka lamang”
_____ “Iiwan ko na ang aking mga masamang gawi at bisyo.”
_____ “Magsisikap akong mabuti upang makamtan ito.”
_____ “Sisikapin kong maging relihiyoso at dadalo ako sa simbahan.”

III. ANO ANG SOLUSYON?


“Sumagot si Jesus, AKO ANG DAAN, ang katotohanan at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa
PAMAMAGITAN KO.” –Juan 14:6

Bumaba mismo ang Diyos sa sanlibutan bilang tao upang muli tayong ibalik sa Kanya. Kung may ibang paraan,
hindi na sana Siya bumaba sa lupa. Ang Daan ay nagkatawang-Tao!

SI JESUS ANG NAGING SOLUSYON MO SA PROBLEMA NG KASALANAN! –Roma 6:23


Ginawa ito ng Diyos para sa atin sapagkat mahal Niya tayo at nais Niyang Siya’y ating makilala. –Roma 5:8
Ginawa na ng Diyos ang Kanyang bahagi upang muling ibalik ang ating relasyon sa Kanya. Siya na ang nagpasimula.
Hinihintay Niya ngayon ang bawat isa upang kilalanin at tanggapin ang ginawa Niya para sa atin.

IV. ANO ANG NAIS NG DIYOS NA GAWIN MO?


1. _____________ mo na ang Diyos ay hindi naging una sa iyong buhay at hilingin mo na patawarin ka Niya sa
iyong mga kasalanan.
2. _____________ ka na namatay si Jesus para sa iyong mga kasalanan at muling nabuay at Siya’y buhay ngayon.
(Roma 10:9, Gawa 4:12)
3. _____________ mo ang walang bayad na kaloob ng Diyos na kaligtasan . Hindi mo ito kailangang paghirapan.
(Efeso 2:8-9)

Ang relasyon natin sa Diyos ay hindi napanumbalik ng anumang bagay na ating ginawa kundi sa pamamagitan ng
ginawa ni Jesus para sa atin!
2
4. _____________ mo si Jesus na pumasok sa iyong buhay at maging Panginoon mo. (Juan 1:12,13)

Maaari mong gawin ang mga hakbang na ito sa pamamagitan ng isang simpleng panalangin ng pagtanggap sa
Diyos.

“Panginoonm salamat sa pag-ibig Mo sa akin sa kabila ng paglimot ko sa Iyo at pamumuhay ayon sa aking
sariling nais. Nalaman ko na kailangan Kita sa aking buhay at hinihiling ko na patawarin Mo ako sa aking mga
kasalanan. Salamat sa pagkamatay Mo sa krus para sa akin. Tulungan Mo po ako na lubos ko pa itong
maunawaan. Nais Kitang sundin mula ngayon. Pumasok Ka sa aking buhay at gawin Mo akong bago. Tinatanggap
ko ang kaloob Mong kaligtasan. Tulungan Mo akong lumago bilang isang Cristiano.”

“Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” Roma 10:13


_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

ANG KAHALAGAHAN NG BAUTISMO


I. Bakit kailangan kong mabautismuhan?
1. Upang makasunod ako sa halimbawang ginawa ni _________________. (Marcos 1:9)
2. Sapagkat ito ay ___________ ni Cristo. (Mateo 28:19-20)
3. Ito ay nagpapahayag na ako ay isang tunay na __________________________. (Gawa 18:8; 1 Juan 2:3)

II. Ano ang kahulugan ng Bautismo?


1. Ito ay naglalalarawan ng __________________ at muling pagkabuhay ni Cristo. (1 Cor 15:3-4; Col 2:12)
2. Ito ay naglalalarawan ng aking _________________ bilang isang Cristiano. (2 Cor 5:17; Roma 6:4)

Hindi ka nagiging mananampalataya sa pamamagitan ng bautismo- ito ay nagpapakita na ikaw ay


nananampalataya na. Ang bautismo ay hindi nakapagliligtas; ang tanging nakapagliligtas ay ang iyong
pananampalataya kay Cristo. Ang bautismo ay tulad ng isang wedding ring- ito ay panlabas na sagisag sa
pagtatalagang ginawa mo sa iyong puso.
“Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo, sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo, ito ay
kaloob ng Diyos... Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman.” Efeso 2:8,9

III. BAKIT ANG BAUTISMO AY LUBOG SA TUBIG?


1. Sapagkat ganito ang pagkakabautismo kay ___________. (Mateo 3:16)
2. Bawat bautismo sa _________________ay sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig. (Gawa 8:38-39)
3. Ang salitang “baptizo” (Greek) kung saan kinuha ang “baptize” ay nangangahulugan ng ________sa tubig
4. Ito ay maliwanag na sagisag ng isang paglilibing at muling pagkabuhay.

Martin Luther: “Nais ko na ang lahat ng magpapabautismo ay lubusang nakalubog, tulad ng isinasaad ng
salitang ito at ng kahalagahan ng mistersyong ito.”
John Calvin: “Ang salitang bautismo ay nangangahulugan ng paglubog. Nakatitiyak ako na ang paglulubog ang
ginawa ng mga sinaunang iglesya.”
John Wesley: “Ang nalibing kasama ni Cristo ay nagpapahiwatig ng bautismo sa pamamagitan ng paglulubog
sang-ayon sa kaugalian ng mga sinaunang iglesya.”

IV. SINO ANG DAPAT BAUTISMUHAN?


Ang bawat isang _____________________________ kay Cristo.
“Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabautismo...” -Gawa 2:41
“Pati si Simon ay sumampalataya rin, at nang mabautismuhan...” -Gawa 8:13
“Ngunit nang ipangaral ni Felipe ang Mabuting Balita... tungkol kay Jesu-Cristo, sila’y sumampalataya at
nagpabautismo- lalaki’t babae. -Gawa 8:12

Ang mga bata ay pinaaabot natin sa edad na handa na silang manalig at makaunawa sa tunay na kahulugan ng
bautismo bago natin sila bautismuhan.

Ang atin iglesya ay nagsasagawa ng “child dedication” para sa mga bata. Ito ay isang sermonya ng
pakikipagkasundo ng mga magulang sa Diyos para sa kanilang anak. Nangangako ang mga magulang na
palalakihin ang anak sa pananampalataya hanggang sa ang anak ay sumapit sa hustong gulang upang gumawa
ng personal na pagtanggap kay Cristo. Kaiba ito sa bautismong tinutukoy sa Biblia na para lamang sa may
hustong gulang upang sumampalataya.
3
Ang layunin ng bautismo ay ipahayag sa publiko ang iyong personal na pakikipagtipan kay Cristo. Ito ay kailangan
upang maging kasapi at ang bawat kasapi ay kailangang mabautismuhan sa halimbawang ipinakita ni Jesus.

V. KAILAN AKO DAPAT MAGPABAUTISMO?


Sa sandaling ikaw ay manampalataya
“Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabautismo... nang araw na iyon.” Gawa 2:41

Walang anumang dapat maging dahilan upang ito ay hindi agad magawa. Matapos mong tanggapin sa Cristo sa
iyong buhay, maaari na at dapat ka nang magpabautismo. Kung hihintayin mong ikaw ay maging “perpekto”, hindi
mangyayari iyon!

ANG KAHULUGAN NG BANAL NA HAPUNAN


Kahit kailan ay hindi hiningi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na alalahanin ang kanyang kapanganakan; subalit
tinuruan Niya ang mga ito na alalahanin ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ibinigay ni Jesus ang
dalawang kapahayagan na tinatawag ding ordinansa ng iglesya upang alalahanin ang Kanyang kamatayan. Ang
dalawang ordinansang ito ay ang ________________ at _____________________________.

I. Ano ang Banal na Hapunan? (1 Corinto 11)


1. Ito ay isang ____________________________ (1 Corinto 11:23)
2. Ito ay isang ____________________________ (1 Corinto 11:24)
3. Ito ay isang ____________________________ (1 Corinto 11:25)
4. Ito ay isang ________________________________________________ (1 Corinto 11:26)

II. Sino ang dapat makibahagi sa banal na hapunan?


Iyon lamang mga ____________________________________. (Marcos 14:22-26)

“Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom na hindi pinahahalagahan ang katawan ng Panginoon, ay
kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili.” (I Corinto 11:29)

III. Paano ko ihahanda ang aking sarili para sa banal na hapunan?


“Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa saro ng Panginoon nang di nararapat ay nagkakasala sa
katawan at dugo ng Panginoon. Kaya dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago kumain ng tinapay at
uminom ng saro.” 1 Corinto 11:27-28

Sa pamamagitan ng...
1. Pagsisiyasat sa sarili (1 Cor 11:27-29)
2. Paghahayag ng aking mga kasalanan (1 Juan 1:9)
3. Muling pagtatalaga ng sarili (Roma 12:1)
4. Pagsasaayos ng relasyon (Mateo 5:23-24)

IV. Kailan at gaano kadalas natin dapat ganapin ang banal na hapunan?
Kailanman ay hindi sinabi ni Jesus kung kailan o gaano kadalas natin dapat ganapin ang Banal na Hapunan. Sa
Lighthouse of Faith Masantol, ginaganap ito tuwing unang Linggo ng bawat buwan.

Ikalawang Sesyon:

Ang Ating mga SALIGAN


(The Church Statements)

“Mga kapatid, ako’y nananawagan sa inyo sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo: magkaisa kayo sa
pananampalataya, isipa’t layunin upang mawala sa inyo ang pagkabaha-bahagi.” (I Corinto 1:10)

4
ANG LAYUNIN NG ATING IGLESYA
Bakit Tayo Nagpapatuloy Bilang Iglesya
Ang layunin ng ating iglesya ay binuod sa isang pangungusap ayon sa dalawang pangunahing talata sa Biblia:

“TAYO AY NANINIWALA NA ANG ISANG MALALIM NA PAGTATALAGA SA DAKILANG UTOS AT SA


DAKILANG TAGUBILIN AY MAGPAPALAGO NG ISANG MALAKING IGLESYA!”
Ang Dakilang Utos: “Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong
kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang
iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo
ng mga propeta.” (Mateo 22:37-40)

Ang Dakilang Tagubilin: “Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo
sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.”
(Mateo 28:19-20)

• Ang “Ibigin ang Diyos ng buong puso” ay “WORSHIP”


• Ang “Ibigin ang kapwa gaya ng iyong sarili” ay “MINISTRY”
• Ang “Humayo… gawin ninyong alagad” ay “EVANGELISM”
• Ang “Bautismuhan ninyo sila” ay pagsama sa “FELLOWSHIP”
• Ang “Turuang sumunod” ay “DISCIPLESHIP”

ANG IGLESYA AY NAGPAPATULOY UPANG:


1. ___________________ ang presensiya ng Diyos (Worship).
2. ___________________ ang pag-ibig ng Diyos (Ministry).
3. ___________________ ang Salita ng Diyos (Eveangelism).
4. ___________________ ang pamilya ng Diyos (Fellowship).
5. ___________________ ang mga anak ng Diyos (Discipleship).

I. TAYO AY NAGPAPATULOY UPANG IPAGDIWANG ANG PRESENSIYA NG DIYOS


WORSHIP: Paghahayag ng aking ___________________ sa Diyos.
“Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo; Siya lamang ang iyong paglilingkuran.” (Mateo 4:10)
“Ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa Kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang
hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa kanya…” (Juan 4:23-24)

Paghahayag ng Pagsamba
Pag-awit (Efeso 5:19) Pagtatalaga (Roma 12:1-2) Pananalangin (Awit 95:6)
Pakikinig ng Salita (Juan 17:17) Pagkakaloob (I Cor. 16:1-2) Bautismo (Roma 6:3-4)
Pagbulay-bulay (Hab 2:20) Banal na Hapunan (I Cor 11:23-26)

Ang Paraan ng Pagsamba ng Iglesya


Selebrasyon (Awit 122:1) Inspirasyon (Efeso 4:11-12) Preparasyon (Efeso 4:11-12)

LOF Masantol Sunday Worship (8:30-10:30am)


-Preparation- -Singspiration- -Reading of the Word- -Preaching- -
Tithes and Offering- -Announcement- -Welcome Visitors- -Benediction-
Wednesday Prayer Meeting (6:30-7:30pm)
-Singspiration- -Praises&Testimony- -Devotional Message- -Prayer Time-
First Sunday of the Month Children’s Assembly (3:00pm), others
Worship Leader: Bro. Thor Yumang

II. Tayo ay Nagpapatuloy upang Ibahagi ang Salita ng Diyos


EVANGELISM: Pagbabahagi ng _____________________________________.
“Upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala ngayon… ang walang hanggang karunungan ng Diyos.”
(Efeso 3:10)
“Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon. Ngunit
paanong tatawagan ng mga tao ang hindi nila sinasampalatayanan? Paano silang mananampalataya kung wala
5
pa silang napapakinggan tungkol s kanya? Paano naman silang makakapakinig kung walang nangangaral?”
(Roma 10:13-14)

BAKIT KAILANGANG ANG IGLESYA AY MAGPATULOY SA PAGLAGO?


1. DAHIL MAHAL NG DIYOS ANG ___________________________________.
“Ang Pagninoon ay hindi nagpapabaya… Binibigyan Niya ng pagkakataon ang lahat ng tao na makapagsisi at
magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi Niya nais na kayo’y mapahamak.” (II Pedro 3:9)
II Cor. 5:14, Lucas 15:3-10; Mateo 9:12-13

2. DAHIL INIUTOS NG DIYOS NA ____________________ NATIN ANG MGA TAO.


“…Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas, at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang
aking bahay.” (Lucas 14:23)
“… Kayo’y magiging mga saksi ko…” (Gawa 1:8)

3. DAHIL ANG PAGLAGO AY ___________________________________________.


“Kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa katawan… Siya ang nagangalaga at nagpapaunlad nito ayon
sa pag-unlad na ninanais ng Diyos.” (Col. 2:19)
“…sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya…” (Mateo16:18)

Hindi Maka-BIBLIANG Mga Katuwiran sa Hindi Paglago


• “Hindi interesado ang Diyos sa bilang.”
• “Nais ng ating iglesya ng uri, hindi ng dami.”
• “Ang malalaking iglesya ay di nakapagtutuon sa relasyon”

Naniniwala tayo na ang ating iglesya ay dapat na ________________ at _________________ ng sabay.

“At ipangangaral sa buong sanlibutan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ito’y makilala ng
lahat ng bansa. Saka darating ang wakas.” (Mateo 24:14)

OUTREACH BIBLE STUDY


HOUSE TO HOUSE/ STREET EVANGELISM
TRACTS DISTRIBUTION, etc

Evangelism Leader: Bro. Odie Ocampo

III. TAYO AY NAGPAPATULOY UPANG TURUAN ANG MGA ANAK NG DIYOS


DISCIPLESHIP: Pagtulong sa mga mananampalataya sa _________________________ esirituwal.
“Kaya’t huwag na ang panimulang aralin tungkol kay Cristo ang pag-aralan natin kundi yaong maghahatid sa atin
sa ganap na pagkaunawa.” (Hebreo 6:1)
“…magpatuloy kayo sa paglago sa kabutihan at pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-
Cristo.” (2 Pedro 3:18)
“At ang iba’y ginawang.. pastor at guro.. upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng
Kanyang iglesya. Sa gayon, tayong lahat ay... magiging ganap… ayon sa pagiging ganap ni Cristo.” (Efeso 4:11-13)

CLASS 201 Pagtuklas sa Paglagong Espirituwal


Discovery Bible Study- Friday 6:30pm
Home B.S., Youth D., Children Sunday School
Seminars, Trainings and Workshop (Disciple-making I- Oct 25, 2015), etc

Discipleship Leader: Sis. Lovely Joy Bustos

IV. TAYO AY NAGPAPATULOY UPANG IPAKITA ANG PAG-IBIG NG DIYOS


MINISTRY: Pagtugon sa mga _______________________ nang may pag-ibig.
“Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” (Juan 13:35)
I Juan 3:16,17, Mateo 25: 34-40, Hebreo 13:16, Roma 12:13

Isa sa pinakahangarin ng iglesyang ito ay ang makabuo ng _____________________________.


Ang bawat kasapi ay kailangang mapabilang dito.
“Iba-iba ang kaloob… Iba-iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran.
Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo at bawat isa’y bahagi nito.” (I Cor. 12:4-5, 27)
6
Sa Ating Iglesya…
• Bawat kasapi ay isang _____________________
• Bawat gawain ay _________________________
• Bawat kasapi ay may kahusayan sa _________________________

Child dedication, Necrological Service, Building Maintenance, Calamity Assistance, Visitation of Members, Ministry
to Sick, Scholarship, Livelihood Program, etc
Ministry Leader: Bro Dhi Manansala Fellowship Leader: Sis. Precy Bustos

ANG SALIGAN NG PANANAMPALATAYA


ANO ANG ATING PINANINIWALAAN
Sa mahahalagang katuruan mayroon tayong _________________________.
“Iisa lamang ang katawan ang katawan at iisa rin ang Espiritu… may isa lamang Panginoon, isang
pananampalataya, at isang bauismo, isang Diyos at Ama nating lahat…” (Efeso 4:4-6)

Sa di-gaanong mahalagang katuruan mayroon tayong _______________________.


“Tanggapin ninyo ang mahina sa pananampalataya, at huwag pagpupunahin ang kanyang kuru-kuro… Sino ka
upang humatol sa utusan ng iba? Ang Panginoon lamang niya ang makahahatol kung siya’y karapat-dapat o
hindi… Kaya’t lahat tayo ay magbibigay-sulit sa Diyos… Ikaw na lamang at ang Diyos ang dapat makaalam ng
iyong paniniwala tungkol sa bagay na ito…” (Roma 14:1,4,12,22)

Sa lahat ng ating pinaniniwalaan-ipinakikita natin ang _______________________.


“Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng Salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon
man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananamplataya anupa’t napalilipat ko ang mga bundok, ngunit
wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.” (I Corinto 13:2)

ANG MAHAHALAGANG ATING PINANINIWALAAN


1. TUNGKOL SA DIYOS
Siya ang Manlilikha at Hari ng buong kalawakan. Siya ay nabubuhay magpakailanman sa tatlong persona: Diyos
Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiriu Santo. Ang tatlong ito ay magkakapantay at iisang Diyos.
(Genesis 1:1,26,27; 3:22; Awit 90:2; Mateo 28:19; 1 Pedro 1:2; 2 Corinto 13:14)

2. TUNGKOL KAY JESU-CRISTO


Si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos. Siya ay kapantay ng Ama. Siya ay namuhay na sakdal at inialay ang Kanyang
sarili bilang ganap na handog para sa kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. Siya ay
nabuhay na muli pagkaraan ng tatlong araw upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa kasalanan at
kamatayan. Siya ay umakyat sa langit at muling magbabalik upang mamuno bilang Hari ng mga Hari at
Panginoon ng mga Panginoon. (Mateo 1:22,23; Isaias 9:6; Juan 1:1-5; 14:10-30; Hebreo 4:14,15; I Corinto 15:3,4;
Roma 1:3,4; Gawa 1:9-11; 1 Timoteo 6:14,15; Tito 2:13)

3. TUNGKOL SA BANAL NA ESPIRITU


Ang Banal na Espiritu ay kapantay ng Ama at ng Anak ng Diyos. Siya ay narito sa sanlibutan upang ipadama sa
mga tao ang pangangailangan nila kay Jesu-Cristo. Siya ay tumatahan sa bawat Cristiano sa oras na maligtas sila.
Binibigyan Niya ang mga Cristiano ng lakas para mamuhay ng matagumpay, kaunawaan sa katotohanang
espirituwal, at gabay sa paggawa ng matuwid. Siya ay nagbibigay ng mga kaloob na espirituwal sa mga
mananampalataya sa oras na sila ay maligtas. Bilang mga Cristiano, dapat nating sikaping mamuhay ayon sa
Kanyang kalooban sa bawat araw.
(2 Corinto 3:17; Juan 16:7-13; Gawa 1:8; I Corinto 2:12; 3:16; Efeso 1:13; 5:18; Galacia 5:25)

4. TUNGKOL SA BIBLIA
Ang Biblia ang kapahayagan ng Diyos sa atin. Ito ay isinulat ng mga tao sa patnubay ng Banal na Espiritu. Ito ang
pinakamataas na saligan ng katotohanan para sa pananampalataya at pamumuhay Cristiano. Dahil sa ito ay
kinasihan ng Diyos, ito ay katotohanan na walang halong mali.
(2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:20,21; 2 Timoteo 1:13; Awit 119: 105, 160; 12:6; Kawikaan 30:5)

5. TUNGKOL SA TAO
Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos, upang maging tulad Niya sa karakter. Ang tao ang pinakamahalagang

7
nilikha ng Diyos. Bagamat lahat ng tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti, lahat tayo ay sumuway at
nagkasala sa Diyos. Ito ang naghiwalay sa tao at sa Diyos at lumilikha ng maraming suliranin sa buhay.
(Genesis 1:27; Awit 8:3-6; Isaias 53:6a; 59:1,2; Roma 3:23)

6. TUNGKOL SA KALIGTASAN
Ang kaligtasan ay kaloob na walang bayad ng Diyos subalit ito ay kailangan nating tanggapin. Hindi natin
maaaring bayaran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng sarili o paggawa ng mabuti.
Maliligtas lamang ang tao sa kabayaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Jesu-Cristo bilang
handog ng Diyos sa kapatawaran. Kung tatalikuran natin ang pamumuhay na ang sarili ang naghahari at ilalagak
ang tiwala kay Cristo, tayo ay maliligtas. Ang buhay na walang hanggan ay nagsisimula sa oras na ang isang tao
ay tumanggap kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya.
(Roma 5:1; 6:23; Efeso 2:8,9; Juan 14:6; 1:12; Tito 3:5; Galacia 3:26)

7. TUNGKOL SA KASIGURADUHANG PANG-WALANG HANGGAN


Sapagkat binibigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang tunay na
mananampalataya ay may kasiguruhan ng kaligtasang pang-walang hanggan. Kung tunay kang naligtas, hindi
na ito mawawala sa iyo. Ang kaligtasan ay nananatili sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ng Diys, hindi
ng sariling pagsisikap ng mananampalataya. Ang biyaya at kapangyarihan ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng
ganitong kasiguruhan (Juan 10:29; 2 Timoteo 1:12; Hebreo 7:25; 10:10,14; 1 Pedro 1:3-5)

8. BUHAY NA WALANG HANGGAN


Ang mga tao ay nilikha upang mabuhay magpakailanman. Maaaring mabuhay tayo sa walang hanggang
pagkahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan o sa walang hanggan kapiling ng Diyos sa pamamagitan ng kapatawan
at kaligtasan. Ang walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos ay Impiyerno. Ang makapiling Niya magpakailanman
ay ang buhay na walang hanggan. Ang Langit at Impiyerno ay tunay na lugar na pangwalang-hanggan.
(Juan 3:16; Juan 14:17; Roma 6:23; 8:17,18; Pahayag 20:15; I Corito 2:7-9)

ANG SALIGAN NG PAMUMUHAY


ANO ANG ATING IPINAMUMUHAY
Ang mga bagay na pinanaligan ay walang gaanong kabuluhan kung hindi maisasagawa. Batay sa itinuturo ng
Biblia, tayo ay tunay na naniniwala sa mga sumusunod na pitong kaugalian:

1. ANG BIBLIA ANG TANGING SALIGAN NG ATING PANANAMPALATAYA


“Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohana sa pagpapabulaan sa maling
aral, sa patutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.” (II Timoteo 3:16)

Sapagkat ang Salita ng Diyos ang siya lamang lubusang mapananaligan at makatotohanang batayan, tinatanggap
natin ang Biblia bilang gabay sa pamumuhay. Sa paggawa ng desisyon, ang una nating itinatanong ay “Ano ang
sinasabi ng Biblia?”. Araw-araw natin itong binabasa, pinag-aaralan at isinasaulo. Ang Biblia ang batayan ng lahat
ng ating pinanaligan.

2. ANG KASARINLAN NG BAWAT LOKAL NA IGLESYA


“Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan…” (Colosas 1:18)

Si Cristo ang kinikilalang ulo ng ating iglesya, hindi isang tao, grupo, o samahang pangrelihiyon. Bagamat kinikilala
natin ang kahalagahan ng pakikisalamuha at pakikiisa sa ibang grupo ng mga mananampalataya, tayo ay
naniniwala na ang bawat lokal na iglesya ay dapat na magkaroon ng sariling pamunuan at maging malaya mula sa
pagkontrol ng anumang denominasyon. Patungkol sa ating mga “anak na iglesya” na ating tinutulungan,
hinihikayat natin sila na magkaroon ng sariling pamamaraan.

3. PAGIGING SASERDOTE NG BAWAT MANANAMPALATAYA


“Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang mga saserdote.”
(Pahayag 1:6)
“Datapwat kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili kayo
ng Diyos upang maging kanya at maghayag ng mga kahanga-hangang gawa niya.” (1 Pedro 2:9)

Itinuturo ng biblia na ang bawat mananampalataya ay tinawag sa “full time” na paglilingkod, anuman ang kanyang
hanapbuhay. Ipinamumuhay naming ang katotohanan na ang bawat mananampalataya ay isang lingkod sa

8
pamamagitan ng paghikayat sa bawat kasapi na humanap ng lugar sa paglilingkod. Bawat mananamplalataya ay
may tuwirang ugnayan ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasa ng Biblia.

4. PAG-IIKAPU
“Lahat ng ikapu, maging binhi o bunga ng halaman ay nakatalaga kay Yahweh.” (Levitico 27:30)

Ginagawa natin ang pang-iikapu upang masuportahan ang katawan ni Cristo, ang iglesya, tulad ng iniutos ng
Diyos. Kinikilala natin na ang pagbibigay ng 10% ng ating kinita ang sukatan ng Biblia sa pagkakaloob.

5. PAGLULUBOG SA TUBIG
“Nang kayo’y bautismuhan, nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong
pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.” (Colosas 2:12)

Ginagawa natin ang bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig tulad ng pagkabautismo kay Jesus at tulad ng
iniutos sa Biblia.

6. PAMUMUHAY SA PANGUNGUNA NG BANAL NA ESPIRITU


“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga ng
sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.” (Juan 15:5)

7. PAGBABAHAGI SA IBA TUNGKOL KAY CRISTO


“Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa.”
(1 Pedro 3:15)

Tungkulin ng bawat Cristiano na ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat ng taong ating nakakasalamuha. Ginagawa
natin ang personal na pagbabahagi tungkol kay Cristo at pag-aanyaya sa mga kaibigan sa iglesya.

_________________________________________________________________________
Ikatlong Sesyon

Ang Ating Pamamaraan


“Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan. Ginagawa
ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita.” (I Corinto 9:22-23)

Sino ang sinisikap nating maabot?


“… Ako ay nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay maliligtas ko, kahit sa anong paraan.”
(I Corinto 9:22)

LIMANG ANTAS NG PAGTATALAGA


Komunidad- Di Dumadalo at Madalang Dumalo
Kapulungan- Mga Regular na Dumadalo
Kongregasyon- Mga Miyembro/Kasapi
Nakatalaga- Mga Lumalagong Kasapi
Gumaganap- Mga Lingkod

Ang layunin ng iglesya ay akayin ang bawat isa patungo sa sentro sa


pamamagitan ng paghihikayat sa kanila sa mga espirituwal na pagtatalaga.
Hinihikayat natin ang mga tao sa apat na pangunahing pagtatalaga:

ANG APAT NA KASUNDUAN NG IGLESYA


1. ANG KASUNDUAN SA PAGSAPI (Membership Covenant)
Ito ay pagtatalaga kay ____________ at sa pamilya ng _____________________.
“…kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.” (Efeso 2:19)
“Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at hindi pare-pareho ang gawain ng bawat isa. Gayon din naman,
tayo’y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Cristo, at isa’t-isa’y bahagi ng iba.” (Roma 12:4-5)

2. ANG KASUNDUAN SA PAGLAGO (Maturity Covenant)


Ito ay pagtatalaga sa mga ______________________ mahalaga sa paglagong espirituwal.
“… magpatuloy kayo sa paglago sa kabutihan at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-
9
Cristo.” (II Pedro 3:18)
“…magsanay ka sa kabanalan.” (I Timoteo 4:7)

3. ANG KASUNDUAN SA PAGLILINGKOD (Ministry Covenant)


Ito ay pagtatalaga upang tuklasin at gamitin ang mga espirituwal na kaloob at kakayahan sa
__________________________ sa Diyos at sa kapwa.
“Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang
katangiang tinanggap ng bawat isa.” (1 Pedro 4:10)
“Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod… Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo at bawat isa’y bahagi nito.”

4. ANG KASUNDUAN SA PAGMIMISYON (Mission Covenant)


Ito ay pagtatalaga upang ______________ ang Mabuting Balita sa iba.
“… Kayo’y magiging mga saksi ko… hanggang sa dulo ng daigdig.” (Gawa 1:8)
“… Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit
maging mahinahon at mapitagan kayo sa pagpapaliwanag.” (1 Pedro 3:15-16)

BAKIT TAYO MAY MGA KASUNDUAN?


Nahuhubog tayo ayon sa ___________________________________ natin ng ating buhay.

___________________________________________________________________

Ikaapat na Sesyon

Ang Kaayusan ng Iglesya


“Sapagkat ang Diyos ay di nalulugod sa kaguluhan kundi sa kapayapaan… Lamang, gawin ninyo ang lahat ng
bagay sa wasto at maayos na paraan.” (I Corinto 14:33,40)

Ang kaayusan ng iglesya ay hindi dapat ibatay sa kultura, negosyo, o sa mga tradisyon ng mga denominasyon.

ANG KAAYUSAN NG IGLESYA AY NAKABATAY SA KALIKASAN NITO.


I. ANG IGLESYA AY ISANG ________________________
“Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid.” (Gawa 2:42)

Ang pangunahing layunin ng pagtitipon ay ___________________ at ___________________


“Pagsumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng
kapayapaan.” (Efeso 4:3)
“Kaya’t pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makapagdudulot ng kapayapaan at makapagpapatibay sa
isa’t isa.” (Roma 14:19)

Anumang ugali na makasisira sa pagkakaisa ay kasalanan.


Col. 3:15, I Cor 1:10, II Tim 2:14, Kaw 17:14, II Cor 13:11, Fil 1:27; 2:1-3; Col 2:2; Fil 4:2; I Ped 3:8; I Cor. 14:33;
Juan 13:34-35; II Tim 2:23; Roma 15:5-6; Roma 12:16-18; Col. 3:13-14; Awit 133:1

IMPLIKASYON: ANG MABUTING KAAYUSAN AY NAGPAPAUNLAD NG PAGKAKAISA AT DUMADAIG SA


MGA PAGKAKAIBA NG PANANAW.
“… ang inyong pagtitipon ay hindi nakabubuti kundi nakasasama. Una sa lahat, nabalitaan kong kayo’y
nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon…” (I Corinto 11:17-18)

II. ANG IGLESYA AY ISANG ________________________


“Sa wakas, magkaroon kayo ng pagkakaisa, at magtinginan kayong mabuti. Magmahalan kayo bilang
magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob.” (I Pedro 3:8)

Galacia 6:10; Hebreo 2:10-12; I Pedro 4:17

Kaya tayo ay kumikilos ayon sa mga _________________ hindi sa mga ____________________.


“Huwag mong pagwiwikaan ang mga lalaking higit na matanda sa iyo, kundi pakiusapan mo silang tulad sa iyong
ama. Ibilang mong kapatid ang mga kabataang lalaki. Ituring mong ina ang matatandang babae, at

10
pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang kapatid mo rin.” (I Timoteo 5:1-2)
“(Ang Pastor) kailangang siya’y mahusay mamahala sa sariling sambahayan, iginagalang at sinusunod ng
kanyang mga anak. Paano makapangangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos ang isang tao kung ang
sambahayan lang niya’y hindi kayang pamahalaan?” (I Timoteo 3:4-5)

III. ANG IGLESYA AY ISANG ______________________


I Corinto 12:27; Efeso 5:23; 1:22-23; Colosas 1:18;2:19

Tayo ay isang katawan- hindi isang negosyo!


Tayo ay isang organism- hindi isang organisasyon!

Kaya tayo ay gumaganap ayon sa ating mga espiituwal na ______________ hindi sa


________________ na posisyon.
“Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at hindi pare-pareho ang gawain ng bawat isa. Gayon din naman,
tayo’y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Cristo, at isa’t isa’y bahagi ng iba. Yamang mayroon tayong
mga kaloob na magkakaiba ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, gamitin natin ang mga kaloob na iyan.”
(Roma 12:4-6)

“At ang iba’y ginawang… pastor at guro… upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang sa ikauunlad ng
kanyang iglesya.” (Efeso 4:11-12)

Ang ating Kaayusan


Ang mga Tao ang _______________________________.
Ang mga Pastor ang _____________________________.
Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang ministries sa ating iglesya na pinasimulan at ipinagpapatuloy ng mga kasapi.

IV. ANG IGLESYA AY ISANG_____________________


(Ito ang paboritong paglalarawan ni Jesus sa Iglesya.)
Juan 10:1-30; Mateo 26:31; Mateo 25:33

Kaya ito ay pingangalagaan at pinangungunahan ng mga __________________


“Muli siyang tinanong ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon,
nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Ani Jesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” (Juan 21:16-17)

Tatlong katagang ginamit sa Bagong Tipan na tumutukoy sa magkakamukhang uri ng pamumuno sa iglesya:

“POIMEN”- Pastol, Pastor “PRESBUTEROS”- Matatanda sa Iglesya


“EPISCOPOS”- Tagapangasiwa, Obispo

“Sa matatandang namamahala sa inyo, nananawagan ako… alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng
Diyos.” (1 Pedro 5:1-2)
“…siya’y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa iglesya roon. Pagdating nila ay kanyang sinabi..
Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa
inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos.” (Gawa 20:17-18, 28)
Tingnan din ang Tito 1:5-7, 1 Timoteo 5:17
Lighthouse of Faith Masantol Pastors
Head Pastor: Ptr. Daniel Reyes Associate Pastors: Ptr. Samuel Bustos, Ptr. Paulo Yumang
Management Team
President: Bro. Alfredo M. Bustos Secretary: Sis. Thess Yumang Treasurer: Sis. Marlyn Ocampo

ANO ANG KAHULUGAN NG PAGIGING KASAPI


Ang pagkakaiba ng “dumadalo” at “kasapi” ay nabubuod sa isang salita: _________________________
Kinikilala ng iglesyang ito ang kahalagahan ng pormal na pagsapi. Aming hinihiling na kayo’y magtalaga sa pagsapi
sa apat na kadahilanan.

I. BIBLIKAL: SI KRISTO AY NAKATALAGA SA IGLESYA


“… gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito.” (Efeso 5:25)
11
II. KULTURAL: ITO ANG LUNAS SA ATNG LIPUNAN
Tayo ay nabubuhay sa panahon na kaunti na lamang ang nais magtalaga sa kahit ano… sa trabaho… sa kasal… sa
ating bansa. Ang ugaling ito ang lumikha sa ating kapanahunan ng mga taong palipat-lipat ng iglesyang
dinadaluhan. Isa itong makasariling desisyon. Ang pagtatalaga ay humuhubog ng karakter.

III. PRAKTIKAL: IPINAPAKITA NITO KUNG SINO ANG MAAASAHAN


Bawat pangkat ay may talaan. Bawat paaralan ay may talaan ng mag-aaral. Bawat negosyo ay may talaan ng
pinasasahod. Bawat hukbong sandatahan ay may talaan ng sundalo. Maging ang ating bansa ay may sensus at
talaan ng botante. Ang pagsapi ang nagpapahayag ng ating pagiging kapamilya.

IV. PERSONAL: NAGBUBUNGA ITO NG PAGLAGONG ESPIRITUWAL


Ang Bagong Tipan ang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pananagutan ng mga Cristiano sa isa’t isa para sa
paglagong espirituwal. Hindi ka magkakaroon ng pananagutan kung hindi ka nakatalaga sa alinmang iglesya.

ANO ANG INAASAHAN SA AKING BILANG KASAPI?


Sa iglesyang ito ay hindi naming hinihilingan ang mga kasapi na gumawa ng higit sa itinuturo ng Biblia. Umaasa
lamang kaming gawin ng mga kasapi ang inaasahan ng Biblia na gawin ng bawat Cristiano. Ang mga ito ay
isinasaad sa Kasunduan sa Pagsapi.

ANG KASUNDUAN SA PAGSAPI


Matapos kong tanggapin si Cristo bilang Diyos at Tagapagligtas at mabautismuhan, at sumang-ayon sa mga
saligan, mga pamamaraan, at kaayusan ng iglesya, aking nadarama sa pangunguna ng Banal na Espiritu na makiisa
sa pamilya ng iglesyang ito. Itinatalaga ko ang aking sarili sa Diyos at sa mga kasapi nito na gawin ang mga
sumusunod.

 IINGATAN KO ANG PAGKAKAISA NG AKING IGLESYA


…sa pamamagitan ng pagkalinga at pagmamahal sa mga kasapi
…pag-iwas sa tsismis
…pagsunod sa mga namumuno
“Kaya’t pagsikapan nating gawin ang mga bagay na nakapagdudulot ng kapayapaan at makapagpapatibay sa
isa’t isa.” Roma 14:19
“Loobin nawa ng Diyos na nagpapatatag at nagpapalakas ng looob na mamuhay kayong may pagkakaisa kay
Cristo Jesus.” Roma 15:5
“…Naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan, bilang magkakapatid, nawa’y maging maalab at taos sa puso
ang inyong pagmamahalan.” 1Pedro 1:22
“Huwag kayong gumamit ng masamang pananalita; sikaping lagi na ang pangungusap ninyo’y yaong makabubuti
at angkop sa pagkakataon.” Efeso 4:29
“Pasakop kayo sa mga nangangasiwa sa inyo. Sila’y may pananagutang magbantay sa inyo, at magbibigay-sulit
sila sa Diyos ukol dito. Kung sila’y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung hindi
sila’y mahahapis, at hindi ito makabubuti sa inyo.” Hebreo 13:17

 MAKIKIBAHAGI AKO SA MGA TUNGKULIN NG AKING IGLESYA


…Sa pamamagitan ng pananalangin para sa paglago nito.
…Pag-aanyaya sa mga tao na dumalo.
…Mainit na pagtanggap sa mga panauhin.
“Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina’y isinasama namin kayo sa aming dalangin.”
(1 Tesalonica 1:2)
“…Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang
aking bahay.” (Lucas 14:23)
“Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Cristo, gayon din ang gawin niyo sa isa’t isa upang maparangalan
ninyo ang Diyos.” (Roma 15:7)

12
 MAGLILINGKOD AKO SA MGA GAWAIN NG AKING IGLESYA
…Sa pamamagitan ng pagtuklas ng aking mga kaloob at talento.
…Pagsasanay sa paglilingkod.
…Pagpapakumbaba bilang lingkod.
“…Gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa.” (1 Pedro 4:10)
“At ang iba’y ginawang… pastor at guro… upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng
kanyang iglesya.” (Efeso 4:11-12)
“Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa
kayo at huwag ipalagay na kayo’y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang
sa iyong sarili. Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus… nagkatawang tao at namatay na isang alipin.”
(Filipos 2:3-7)

 MAKIKIISA AKO SA PAGPAPATIBAY NG PATOTOO NG AKING IGLESYA


…Sa pamamagitan ng matapat na pagdalo sa mga gawain.
…Maka-Diyos na pamumuhay.
…Matapat na pagkakaloob.
“At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng
isa’t isa.” (Hebreo 10:25)
“Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita tungkol kay Cristo.” (Filipos 1:27)
“Tuwing unang araw ng sanlinggo, magbukod na ang bawat isa ng halagang makakaya at ipunin iyon.”
(1 Corinto 16:2)
“Lahat ng ikapu, maging binhi o bunga ng halaman, ay nakatalaga kay Yahweh” (Levitico 27:30)

ANO NA ANG SUSUNOD KONG GAGAWIN?


Programa ng Iglesya upang Matulungan kang Lumago
CHRISTIAN LIFE AND SERVICE SEMINARS

Church Mission

To bring people to Jesus Christ and membership in His family, develop them to Christ-like
maturity, and equip them for their ministry in the church and life mission in the world in order
to magnify God's name.

13

You might also like