You are on page 1of 2

Hindrances To Revival (Dead Orthodoxy)

Cell Guide
Welcome: “Ano ang ginagawa mo to refresh yourself physically, mentally, emotionally?”
Worship: Open in prayer.
Word: Genesis 26:16-18
Introduction: Ang nakalahad sa Genesis 26:16-18 ay larawan kung paano magkakaroon ng
revival. Ang revival ay ang pagbabalik o pananauli ng sigla sa mga bagay ng Diyos (spiritual
things). Bago tayo magkaroon ng revival kailangan muna nating malaman ano ang mga
humahadlang dito at pagkatapos magpasyang alisin ang mga ito sa atin.
Sa pangkalahatan ang mga hadlang sa revival (personal man o sa church), ay nakapailalim sa
taguring “dead orthodoxy”. Ibig sabihin nito, alam mo ang tamang katuruan o doktrina ngunit
patay ang Cristiyanong naniniwala dito. Hindi patay dahil walang bisa ang mga aral. Patay dahil
hindi isinabubuhay ng Cristiyano ang nalalaman.
Tulad ni Isaac kailangan lamang niyang hukaying muli ang mga balong nahukay na ng kanyang
amang si Abraham. Hindi niya kailangang humukay ng bagong balon.
Ngunit bago mahukay ang balong may tubig kailangan niyang alisin ang mga basurang itinapon
duon ng mga Filisteo.

What will hinder you to get a revival?


Ano ang mga hahadlang sa’yo sa pagkakaroon ng revival?

1. Attitude of Contentment Naniniwala ka sa katotohanan ngunit nasisiyahan ka na sa iyong


sarili. Hindi ka na naaapektuhan ng katotohanang iyong ipinapahayag. Okay na sayo na alam mo
ang tamang aral. Katulad ka ng mga Cristiyano sa Efeso. Dahil alam nila ang tamang aral ng mga
apostoles saan na lang nila ito ginagamit (Revelatio 2:2)? Ngunit sa kabila nito, ano ang ayaw sa
kanila ng Panginoon? (Revelation 2:5)
Ano ang nangyayari pag ang isang Cristiyano ay nanlalamig na sa kanyang pag-ibig sa
Panginoon? Ano ang dapat niyang gawin para manumbalik ang kanyang dating pag-ibig sa
Panginoon? Kontento ka na lang ba sa iyong nalalaman sa Panginoon at di ka na naaantig ng
Kanyang mga salita?
May dapat ka bang baguhin, ano ito?
(Note: Dapat maging tapat din ang cell leader na sabihin ang pinapabago sa kanya ng
Panginoon.)
2. Religious only for safety and security Gusto mo lamang maging malapit sa Panginoon dahil
nais mong makaramdam ng sense of safety and security. Ngunit ayaw mo ng lumalim sa iyong
commitment at pananampalataya sa Panginoon.
Tulad ka lang ni Peter nuong una. Pinigilan niya ang Panginoon sa Kanyang kamatayan sa krus
hindi dahil nagmamalasakit siya sa kapakananan ng Panginoon, kundi dahil iniisip lamang niya
ang sariling kapakanan (cf. Mark 8:31-33).
Ano ang isinagot ni Jesus kay Peter bilang pagtutuwid sa kanya (Mark 8:33)?
Kagaya ka ba ni Peter? Kaya ka nagsisimba ay dahil gusto mo lang ng security at safety? Ano ang
paalala ni Apostol Pablo sa mga Cristiyanong ganito? (1 Corinthians 15:19)
3. A dislike of being searched and being disturbed
Isa pang hadlang sa personal revival, ayaw mong nasisiyasat at nababagabag tungkol sa iyong
buhay espirituwal. Kaya ka nagsisimba dahil ito ang ginagawa ng mga Cristiyano pero ayaw
mong ituwid ka ng Diyos sa iyong pamumuhay. Katulad ka ni Felix ng kausapin siya ni Apostol
Pablo.
Ano ang naging reaksiyon ni Felix sa mga sinabi ni Apostol Pablo sa kanya? (Gawa 24:25)
Ano’ng topic ang iniwasan niyang pag-usapan nila ni Pablo? Ano sa palagay mo bakit niya
pinatigil si Pablo?
May iniiwasan ka bang topic sa Bible na ayaw mong marinig o matalakay?
Ano ito at bakit ayaw mo nito? Ayon sa pagtuturo ng Espiritu ng Diyos, tama ba ang attitude
mong ito?
May tatlong dahilan bakit maari kang umabot sa ganitong kalagayan ng Dead Orthodoxy.
Hinayaan mong maimpluwensiyahan ka ng tatlong major na kaaway ng mga Cristiyano.
Ito ang:
(1) Flesh (dating pagkatao)
(2) World (sanlibutan)
(3) Devil.
Alin sa tatlong ito ang pinapasok mo sa iyong puso?
Kung sisimulan mo ng alamin kung anong hadlang ang nasasa-iyo at magsisimula mo na itong
alisin, hinihahanda mo na ang iyong sarili sa isang personal revival.
PRAYER TIME: Ipag-pray ng bawat isa kung anong pinapakita ng Espiritu Santo sa kanyang
hadlang sa kanyang personal revival. Magwakas ang cell leader sa pananalangin kasama rin ang
kanyang sarili sa pangangailangan ng personal revival.
MINISTRY TIME: Ipanalangin ang mga concerns ng bawat isa.
Works:
1. Kung hindi pa napakinggan ninumang cell member ang message – Hindrances to Revival,
imungkahing panuorin ito ng buo sa ating Youtube Channel.
2. Maglista ng mga participants sa Water Baptism (on January 29, 2022), LifeClass at Destiny
Training 1 (February 12, 2022).

You might also like