You are on page 1of 5

IKAW AT ANG IYONG KALIGTASAN

Aralin #1

Paano malalaman na ikaw ay may buhay na walang hanggan?

Maari bang tunay na matiyak ng isang tao na siya ay patungo sa langit? Maaari! Kung ikaw ay
nanampalataya na sa Panginoong Jesus bilang iyong tanging Tagapagligtas, napakahalaga na maintindihan mo
ang nangyari sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng katiyakan ng kaligtasan ay magdudulot ng kapanatagan sa
iyong pamumuhay bilang isang Kristiano. Ang mga sumusunod na katanungan ay makatutulong sa iyo na
malaman, base sa Salita ng Dios, na ikaw ay may buhay na walang hanggan. Basahin muna ang I Juan 5:13 bago
mo simulan ang pag-aaral na ito. Ito ang magiging talata na isasaulo sa linggong ito. Ang Salita ng Dios ay totoo!
Ang talatang ito ay nagpapatunay na ang kaligtasan ay hindi dapat pagdudahan. Maari mong matiyak na ikaw ay
ligtas- Ang Salita ng Dios ang ating basihan!

Seguridad sa Dios Ama

1. Anong katotohanan patungkol sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng kasiguruhan na maaari nating
panghawakan o pagtiwalaan ang mga pangako ng Panginoon? (Tito 1:2) ANG DIYOS AY HINDI
MAAARING MAGSINUNGALING Kaya nating pagtiwalaan ang Salita Niya.

2. Isulat ang mga pangako ng Panginoon mula sa sumusunod na talata:

a. Juan 3:16 Ang manampalataya ay may buhay na walang hanggan


b. Mga Gawa 16:31 Ang manamplataya ay maliligtas
c. Roma 10:13 Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas

3. Ano ang hatol sa mga hindi nagtiwala kay Hesus? (Juan 3:18) Nahatulan na—guilty na! Karaniwang sagot:
“Walang nakaka-alam;” “malalaman mo na kapag patay ka na.”

[Objection: “Bakit ako hahatulan? Hindi naman ako masama gaya ng iba.” Hindi mahalaga ang tingin natin sa
atin sarili. Ang mahalaga ay ang tingin ng Diyos sa atin (Rom. 3:10, 23; Ecc. 7:20; Commandment#9—against
lying).]

[Objection: “Gagawa na lang ako ng mabuti para maligtas.” Sagot: Hindi ito ang paraan ng Diyos (Eph. 2:8-9;
Titus 3:5)

a. Saan mapupunta ang mga hindi nagtiwala kapag sila ay namatay? (Rev 20:15, 21:8) Lawa ng apoy

b. Ang mga nagtiwala ba ay mahahatulan? Bakit o bakit hindi? (Juan 5:24, 6:47) Hindi. Hindi siya kailan
man maaaring mahatulan dahail siya ay nagtataglay ng buhay na walang hanggan.
c. Mayroon bang araw sa iyong buhay na pinagkatiwalaan mo si Kristo para sa iyong walang hanggang
kaligtasan? Kung oo, kalian?

(Sa ibang papel, ipaliwanag kung paano mo nakilala si Kristo. Ito ang tinatawag na sa sarili mong patotoo at ito ay
magiging pagpapala sa iyong tagapagturo at sa ibang tao na iyong pagsasabihan.)

1|Promised Land Baptist Church


Seguridad sa Dios Anak

4. Sa anong dahilan napunta sa mundo si Kristo? (Juan 3:17, Lucas 19:10) Hindi upang humatol kundi upang
hanapin at iligtas ang mga makasalanan.

5. Ano ang mga magagandang ilustrasyon ng seguridad na makikita sa pagsasalarawan ni Kristo sa Kaniyang
sarili?

a. Juan 10:9 “Ako ang __________PINTO____________________________________________________”

b. Juan 10:11 “Ako ang ______________MABUTING PASTOL_______________________________________”

6. Bilang tupa na pag-aari ni Jesus, ikaw ba ay maaagaw sa kamay ng Panginoon? (Juan 10:28-29)
Hindi. Tayo ay hawak ng Panginoon

7. Ano ang sinasabi sa Hebreo 7:22-28 patungkol sa katangian at gawa ni Kristo na nagbibigay sa atin ng
seguridad?

a. Gaanong katagal namamalagi si Jesus (v.24)? MAGPAKAILANMAN

b. Dahil sa pananatili ni Jesus magpakailanman, “Siya’y nakapagliligtas ng LUBOS sa mga nagsisilapit sa


Diyos sa pamamagitan Niya” (v.25)

c. Si Jesus ay “Siya ay laging NABUBUHAY” “upang Siya ay MAMAGITAN sa kanila” (v.25)

d. Saan nahihiwalay si Jesus (v.26)? SA MGA MAKASALANAN

Seguridad sa Diyos Banal na Espiritu


8. Paano tayo binibigyan ng Banal na Espiritu ng kasiguraduhan ng ating kaligtasan?
a. Juan 14:16—Gaano katagal na nanatili ang Banal na Espiritu sa mga mananampalataya?
MAGPAKAILANMAN.

b. Roma 8:16—Ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu kasama an gating espiritu? NAGPAPATOTOO NA
TAYO AY MGA ANAK NG DIYOS

c. Ephesians 1:14 “Siya ang ____PATOTOO________________ng ating _________MANA________________”


v.13 also—tells us how a person “gets” the Spirit of God (cf. Rom. 8:9—“ Datapuwa't kung ang sinoma'y
walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya.”).

Kasalanan sa buhay ng mananampalataya

9. Masasabi ba ng isang mananampalataya na siya ay wala ng kasalanan o hindi na nagkakasala? (I Juan 1:8, 10)
HINDI. SIYA AY MAY “SINFUL NATURE” PA DIN AT, DAHIL DITO, NAGKAKASALA PA DIN

10. Pag ikaw ba ay nagkasala, nawawala ba ang iyong mabuting katayuan sa harapan ng Dios? Ipaliwanag ang
sagot. (I Juan 2:1) HINDI. SI KRISTO ANG ATING TAGAPAGTANGGOL O SAKSI

2|Promised Land Baptist Church


11. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay nagkasala? ( I Juan 1:9)

12. Ano ang pangako ng Panginoon pag ikaw ay humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan? (I Juan 1:9)
Karagdagan: Ligtas dahil patuloy na nanampalataya (“perseverance”) o ligtas dahil iniingat ng Diyos
(“preservation”)?1

13. Parehas na itinuturo ng Biblia ang perseverance ng mga mananampalataya at ang preservation ng Diyos sa mga
mananampalataya.
a. 1 Pedro 1:5—“Na sa kapangyarihan ng Diyos ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasan
na nakahandang ipahayag sa huling panahon.”

b. Judas 1:21, 24 –“Ingatan ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng (sa) Diyos, na inyong hintayin ang habag ng ating
Panginoong Jesu-Cristo tungo sa buhay na walang hanggan…24 Ngayon sa kanya na may kakayahang mag-ingat sa
inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng kanyang kaluwalhatian na
may malaking kagalakan”

14. Ang lahat ng tunay na mananampalataya ay magpapatuloy sa kanilang pananampalataya kay Jesus.
a. Marcos 13:13—“Kayo nama'y kapopootan ng lahat dahil sa aking pangalan, ngunit ang makapagtiis hanggang sa
wakas ay siyang maliligtas.”

b. Colosas 1:21—“At kayo, na nang dati ay hiwalay at mga kaaway sa pag-iisip, sa pamamagitan ng masasamang gawa,
22
ay pinakipagkasundo niya ngayon 23 kung kayo'y nagpapatuloy na matatag at matibay sa pananampalataya, at hindi
nakikilos sa pag-asa sa ebanghelyo na inyong narinig…”

c. Juan 3:16—“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging
Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan.”

15. Maging sa mga talata na tila nagbababala patungkol sa “pagkawala ng kaligtasan,” ang Biblia ay
nagpapahiwatig na kompiyansa na ang mga sinulatan ay hindi tatalikod kay Jesus bagkus ay magpapatuloy sa
kanilang pananampalataya hanggang sa kalubusan ng kaligtasan.”
a. Hebreo 6:9—“Ngunit, mga minamahal, kami ay lubos na naniniwala sa mga mabubuting bagay tungkol sa inyo, at sa
mga bagay na may kinalaman sa kaligtasan, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito.”

b. Hebreo 10:39—“Ngunit tayo'y hindi kabilang sa mga umuurong kaya't sila'y napapahamak, kundi kabilang sa mga
may pananampalataya kaya't naliligtas.”

c. Ang mga babala sa tila pagkawala ng kaligtasan ay dapat unawain gamit ang Hebreo 3:14.

Petsa ng pananampalataya
kay Kristo

July 18, 1999 Kasalukuyan


Tanong: Papaano matitiyak ng isang tao na siya ay tunay na naligtas (“nagiging
kabahagi ni Kristo”) sa mga panahong matapos siyang manampalataya?
Sagot: “Tayo ay nagiging (naging at nagpapatuloy) na kabahagi ni Kristo KUNG
ating hinahawakang matatag ang pasimula ng ating pagtitiwala hanggang sa
katapusan”

1
Mula sa lecture notes ni Tim Berrey, Bible Doctrines 3, BJMBC.
3|Promised Land Baptist Church
16. Ang mga mananampalataya ay patuloy na nanampalataya dahil sila ay iniingatan ng Diyos. Dahil dito, an
gating pagtitiwala ay dapat nasa kapangyarihan ng Diyos na tayo ay ingatan at hindi sa ating abilidad na
manatili sa pananampalataya.
a. 2 Thessalonica 3:3—“Ngunit tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at magbabantay sa inyo laban sa
masama.”

b. 2 Corinto 1:21—“Subalit ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa amin ay ang Diyos”

c. Juan 10:28-29—“Sila'y binibigyan ko ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y hindi sila mapapahamak, at hindi
sila aagawin ng sinuman sa aking kamay. 29 Ang mga ibinigay sa akin ng aking Ama ay higit na dakila kaysa lahat, at
walang makakaagaw ng mga ito sa kamay ng Ama.”

d. Judas vv.24-25—“gayon sa kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y
makapaghaharap na walang kapintasan sa harapan ng kanyang kaluwalhatian na may malaking kagalakan 25 sa iisang
Diyos na ating Taga-pagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, sumakanya nawa ang
kaluwalhatian, ang karangalan, ang kapangyarihan at ang kapamahalaan, bago pa ang lahat ng panahon, at ngayon at
magpakailanman. Amen.”

17. Ang mga tumalikod sa pananampalataya kay Jesus ay hindi nawalan ng kaligtasan kundi hindi talaga mga
ligtas noong una pa.
a. 1 Juan 2:19—“Sila'y lumabas sa atin, ngunit sila'y hindi sa atin; sapagkat kung sila'y kabilang sa atin ay
magpapatuloy sana silang kasama natin. Ngunit sa paglabas nila ay ginawa nilang maliwanag na silang lahat ay hindi
kabilang sa atin.”

b. 1 Pedro 2:20-22—“Sapagkat kung pagkatapos na sila'y makatakas sa mga karumihan ng sanlibutan sa pamamagitan
ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, ay muli silang napasabit sa mga ito at nadaig, ang
huling kalagayan nila ay mas masama kaysa nang una. 21 Sapagkat mas mabuti pa sa kanila ang hindi nakaalam ng
daan ng katuwiran, kaysa, pagkatapos na malaman ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. 22 Nangyari
sa kanila ang ayon sa tunay na kawikaan, ‘Nagbabalik muli ang aso sa kanyang sariling suka,’ at, ‘Ang babaing baboy
na nahugasan na, sa paglulublob sa putik.’”

c. Hebreo 3:14—“Sapagkat tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo kung ating hinahawakang matatag ang pasimula ng
ating pagtitiwala hanggang sa katapusan.”

Ilang mahahalagang bagay tungkol sa katiyakan ng kaligtasan

18. Tumuon kay Jesus at hindi sa iyong pananampalataya—ang pananampalataya—simple man o tila “mahina”—
na tumutuon kay Kristo ay magliligtas.
19. Alalahanin, hindi dahil sa iyong ginagawa o nagawa na kundi ang ginawa ni Jesus sa krus ang mahalaga.
20. Alalahanin na si Satanas ay ang taga-akusa ng mga anak ng Diyos. Ang isa sa paborito niyang istratehiya ay
pagdudahin ang mga isang mananampalataya patungkol sa kaniyang kaligtasan.
21. Ang maikling panahon ng “backsliding” ay hindi nangangahulugan na ikaw ay hindi ligtas. Ikaw ba ngayon
ay lumalakad kasama ang Panginoong ngayon?
22. Ang gawang pagbabago lamang ng Diyos ang makakagawa ng mga espiritwal na pagbabago na nakikita mo
sa iyong buhay.
23. Ang kasagutan sa mga panalangin, patnubay ng Diyos, ang kaaliwan na mula sa Banal na Espiritu—tanging
ang mga tunay na mananampalataya lamang ang nakararanas ng mga ito.
24. Ikaw ba ay napalo o nadisiplina na ng Diyos? Tanging ang mga anak lamang ng Diyos ang nakararanas nito
(Heb. 12:7f.).

Isaulo: I Juan 5:13—“Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong malaman na kayo’y mayroong
buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios”

4|Promised Land Baptist Church


Pagtugon: Ano ang iyong gagawin bilang resulta ng mga napag-aralan mo mula sa Salita ng Panginoong Dios
(James 1:22-25)?

5|Promised Land Baptist Church

You might also like