You are on page 1of 8

1

Fellowship of Christian Community


May 7, 2017

Title:Ang mga Bunga ng Pagpapawalang-sala.


Text: Roma 5:1-11
Introduction:
Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong
Jesus- Cristo, sa pamamagitan niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa
harapan ng Diyos. Sa pamamagitan nga niya’y tinatamasa natin ang
kagandahang-loob ng Diyos, at lubos tayong nagagalak sa ating pag asa na
makakasama sa kanyang kaluwalhatian. Bukod dito, nagagalak tayo sa ating
pagbabata sapagkat alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang
pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagbubunga ng
pag-asa. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos
ay ibinuhos asa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na
ipinagkaloob na sa atin. Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo
sa takdang panahon para sa makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman
ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid----bagamat maaaring
may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit
ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng namatay si Cristo para sa
atin noong tayo’y makasalanan pa. at ngayon napawalang-sala na tayo sa
pamamagitan ng kanyang dugo lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng
Diyos sa pamamagitan niya. Dati tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon,
tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng
kanyang Anak. Kaya’t tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging
buhay ni Cristo. Hindi lamang ito! Nagagalak tayo’t nagpupuri sa Diyos sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesus-Cristo sapagkat dahil sa kanya ay
tinanggap tayo ng Diyos na mga kaibigan.

1
2

I). Kapayapaan. (v.1)

“Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong


Jesus- Cristo, sa pamamagitan niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa
harapan ng Diyos.”

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay


ko sa inyo; hindi ito tulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa;
huwag kayong matakot.”

Juan 14:27

Ang
17 
bunga ng katuwiran ay kapayapaan;
    at ito’y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.

Isaiah 32:17

33 
Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon
kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit
tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Juan 16:33

2
3

II). Kalayaan. (v.2)

“Sa pamamagitan nga niya’y tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng


Diyos, at lubos tayong nagagalak sa ating pag asa na makakasama sa kanyang
kaluwalhatian.”

“Kaya nga, mga kapatid, tayo’y Malaya nang makapapasok sa Dakong


kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Jesus.”

Hebreo 10:19

“Ang isang alipin noong tawagin ng Panginoon ay malaya na dahil sa


Panginoon. Gayon din naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo
ay naging alipin ni Cristo.”

1Corinto 7:22

“Wala na ko sa ilalim ng batas ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya


na ako ng batas ng Espiritung nagbibigay-buhay, bunga ng pakikipag-isa kay
Cristo Jesus.”

Roma 8:2

3
4

III). Kagalakan. (V.3-4)

“Bukod dito, nagagalak tayo sa ating pagbabata sapagkat alam nating ito’y
nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at
ang katatagan ay nagbubunga ng pag-asa.”


Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng
pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong
pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Santiago 1:2-3


“Pinagpala kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay
kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinaparatangang
kayo ay masama. 23 Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari
sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa
ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

Lucas 6:22-23

Kung ang buhay ko ma'y ibuhos bilang handog para sa inyong paglilingkod
17 

at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa


inyo. 18 Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan.

Filipos 2:17-18

4
5

IV). Pag-asa. (v.5)

Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay


ibinuhos asa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob
na sa atin.

“Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkakaloob nawa sa inyo ng


kagalakan at kapayapaan sa pananalig upang sumagana kayo sa pag-asa sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo”.

Roma 15:13

“Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag mag alinlangan, sapagkat tapat


ang nangako sa atin.”

Hebreo 10:23

“Inibig ng Diyos na ihayag sa lahat ng tao ang dakila at kamangha-manghang


hiwaga ito. Ito ang hiwaga: sumainyo si Cristo at dahil dito’y nagkaroon kayo
ng pag-asang makapiling ng Diyos doon sa kaluwalhatian”.

Colosas 1:27

5
6

V). Pag-ibig. (v.5)

sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos asa ating mga puso sa


pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin. Sapagkat noong
tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa makasalanan.

“Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya ang
kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan
niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos kundi tayo ang inibig niya
at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapapatawad n gating
mga kasalanan”.

1Juan 4:9-
10

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng namatay si Cristo


para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. at ngayon napawalang-sala na tayo
sa pamamagitan ng kanyang dugo lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng
Diyos sa pamamagitan niya.

Roma 5:8-9
17 
Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong
pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat
ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga
hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang
pag-ibig. 

Efeso 3:17-18

6
7

VI). Banal na Espiritu. (v.5)

“Sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin.”

“Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang patnubay na


magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na
hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng
sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nanahan
sa inyo.”

Juan 14:16-17

“Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling


matakot. Ang tinanggap ninyo ay espiritu ng pagiging anak, at ito ang
nagbibigay sa atin ng karapatang tumawag ng “Ama! Ama ko!”

Roma 8:15

“Ngunit ang patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa Pangalan ko,
ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng
sinabi ko sa inyo.”

Juan 14:26

7
8

Conclusion:
Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang
12 

Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y


nabubuhay kayo sa mundo nang walang pag-asa at walang Diyos. 13 Ngunit
ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo
ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. 14 Sapagkat si Cristo mismo ang
nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga
Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na
naghihiwalay sa atin. 15 Pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga
utos at mga alituntunin nito upang mula sa dalawang lahi ay makalikha siya ng
isang bagong bayan na nakipag-isa sa kanya at sa gayon ay magkaroon ng
kapayapaan

Efeso 2:12-15

To God be the glory!!!!

Amen!!

God bless!!!

You might also like