You are on page 1of 1

Hello! Kumusta kayo mga kapatid?

Isang araw na naman po ang lumipas, at ngayon, panibagong araw


ang ating haharapin sabay-sabay. Sana po ay napapalakas kayo ng bawat devotion videos na ina-
upload naming araw-araw. Today, samahan niyo po ako sa panibagong salita ng Panginoon na ating
pag-aaralan, matatagpuan natin ito sa Filipos 4:6-7. Makisabay po kayo sa akin sa pagbabasa.

Filipos 4:6-7
“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng
inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na
hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong
pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”

Mga kapatid, gusto kong isipin natin sa mga oras na ito yung mga lumipas na mga araw. Pwedeng
noong nakaraang buwan, nakaraang linggo, o kahit kahapon. Ano ba ang mga bagay o pangyayari na
masasabi mong “answered prayer” mula sa Lord? Ano yung mga bagay na pwede mong
ipagpasalamat sa Panginoon? Napakarami n’on, sigurado ako. (Bilangin mo ang mga blessing,
makakatulog ka na lang sa sobrang dami).
Sa panahon natin ngayon, marami ang nakakaranas ng depression. Marami ang nawalan ng trabaho,
hindi malaman kung paano ba makaka-survive sa krisis na ito. Marami ang nagra-rant, kung kani-
kanino sinisisi ang mga nangyayari. Yung iba, galit sa gobyerno, yung iba, galit sa China, kung saan
nanggaling ang COVID-19. Yung iba, may basehan naman talaga yung galit na nararamdaman nila.
Kung titingnan, napakarami nating dahilan ngayon para magreklamo, para mayamot sa paligid mo.
Napakasarap manisi, lalo na yung sa tingin mo talaga eh, puno’t dulo ng nagiging problema mo.
Napakadaling maging negatibo, napakaraming dahilan para mainis ka sa mundo.
Pero, tayo’y mga kristiyano. Mayroon tayong Kristo. Itinuturo ng Filipos 4:6-7 ang bagay na taliwas na
natural sa ating pagkatao, ang maging mapagpasalamat sa kabila ng kabalisahang nararamdaman.
Oo, mahirap ang maging mapagpasalamat dahil halos wala na tayong napapansin kundi mga pangit na
bagay. At yun na nga, dahil nga, wala na tayong ibang pinapansin kundi ang mga pangit na bagay sa
buhay natin. Pero, subukin nga natin itong verse na ito, mga kapatid. Ang sabi rito, hingin natin sa
Diyos ang lahat ng ating mga kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. So,
subukan natin na kahit na may nararanasan tayong hirap, o pagsubok, magpasalamat tayo sa Diyos.
Hanapin natin yubg mga magagandang bagay sa buhay natin. Kung minsan kasi, hindi natin
pinapansin ang biyaya ng Diyos. Napakaraming pagpapala ang ibinibigay sa atin ng Diyos, 'yon ang
katotohanan. Yung paggising pa lang natin sa umaga, yung mga mahal natin sa buhay na kapiling pa
rin natin hanggang sa ngayon, yung katotohanan na kahit kalat na ang virus, wala pang nahahawa sa
pamilya niyo. Maski itong verse na inaaral natin, maipagpapasalamat natin ito, dahil alam natin na
kinakausap tayo ng Diyos through this verse. Kahit nga yung pagsubok, dapat din nating
pinagpapasalamat yan. Kasi ito yung ginagamit ng Diyos para patibayin tayo. Ano pa ba... Kung
hahanapin lang natin ang pagiging positibo, marami tayong matatagpuan, mananawa tayo sa
kakabilang. Matutunan natin ang pagpapasalamat sa Diyos, at doon, mararanasan natin ang
kapayapaang hindi natin maiintindihan. Kapayapaang ibang-iba sa konsepto ng kapayapaan na
ibinibigay ng mundo. Kapayapaan na mararamdaman mo kahit nasa gitna ka ng kaguluhan.
Kapayapaan na mararanasan mo lang sa piling ng Panginoon. Kung saan, mararamdaman mo na kahit
kabi-kabila ang atake ng problema sa buhay mo, ramdam mo ang kamay ng Diyos na nag-iingat at
nag-aalaga sayo.
Kaya mga kapatid, ano ba yung mga bagay na naisip mong dapat mong ipagpasalamat mo sa Diyos? Wag
mong pigilin ang labi mong bumigkas ng mga salitang pagpapasalamat para sa Panginoon. Hayaan mong
mapuno ka ngayong araw ng kagalakan. Purihin mo ang Panginoon, ngayong umaga pa lang. Damhin mo na ang
presensya niya, hingin ang patnubay at kapayapaan niya, na babaunin mo sa maghapon mong pagkikibaka sa
panibagong araw na ito. At wala akong ibang prayer para sa iyo ngayon, kundi ang madama mo ang pag-ibig ng
Diyos sa iyo, at maipadama mo rin ito sa iba.

You might also like