You are on page 1of 4

INTRODUCTION

Nakaranas naba kayo na magluto nilalakasan mo na ang apoy e mahina padin nang ipagawa mo
ay napagalaman mong barado pala ang kalan mo.
kaya di ka makapagluto ng maayos.

Ganun din sa Panalangin kahit anong apoy mo sa panalangin pero walang Bisa o di tinutugon ng
Diyos ang Panalangin mo dahil may HUMAHADLANG SA PANALANGIN.

Sa ganito ding paraan kapag may kasalanan sa ating mga buhay di tayo papakinggan ng Diyos sa
ating mga panalangin at dahil doon mabagal ang daloy ng biyaya ng Diyos.

I. ANU-ANO ANG MGA NAGIGING HADLANG SA PAGSAGOT NG


DIYOS SA ATING PANALANGIN?
Overall, KASALANAN ANG SANHI NA HINDI TAYO PAPAKINGGAN NG DIYOS

ISAIAS 59:2
Isa 59:2 Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala
kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig.

PSALM 66:18
Psa 66:18 Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon.

Anu-ano ang mga kasalanang BUMABARA SA BIYAYA NG


DIYOS?
Narito ang ilang mga bumabara sa biyaya ng Diyos

1. HINDI PAGPAPATAWAD
MATEO 18:23-25 (The Parable of the Unforgiving Servant)
Mat 18:23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari
na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang.
Mat 18:24 Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso.
Mat 18:25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang
kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad.

MATEO 6:14-15
Mat 6:14 "Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo,
patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.
Mat 6:15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, sa kanilang mga kasalanan.
hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan."

Ang kundisyon ng Diyos sa Kanyang Pagpapatawad ay Patawarin muna natin ang nagkasala sa
atin.

ANO ANG PALATANDAAN NA PINATAWAD KA NG DIYOS?


Kapag pinatawad mo ang nagkakasala sa iyo.

Ex. Sa palagay ninyo ba nagpatawd na ang ganitong katwiran?


Sige papatawarin kita bastat ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo at huwag ka ng
pupunta
muna dito. HINDI, and Diyos ng patawarin tayo walang kundisyon na hiningi.
Read: Colossians 3:13 and Ephesians 4:32

2. MALING MOTIBO
SANTIAGO 4:3
Jas 4:3 At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang
inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.

1John 5:14
1Jn 5:14 Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya
ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.

Dapat ay naaayon padin sa kanyang KALOOBAN.


Ex. Gaya ni JESUS nanalangin siya di sa sariling kagustuhan bagkus nanalangin siya para
sa iba.
- Lukas 22:42.
Luk 22:42 Sabi niya, "Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit
huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo."

Jesus was and is the perfect model of selfless character.


- Ayaw ng Diyos na tayo ay maging MAKASARILI SA HALIP INIISIP NATIN ANG
KAPAKANAN NG IBA. FIL 2:3-4.
Php 2:2 lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan,
mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.
Php 2:3 Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong
maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit
ang iba kaysa inyong mga sarili.
Php 2:4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa
inyong .

Kaya nga ang turo ni JESUS AMA NAMIN BIGYAN MO KAMI. Hindi sinabing AMA KO
BIGYAN MO AKO( sinabi yan sa Luke 11;3)
3. A MALING PAGTRATO SA ASAWA
I PET 3:7
1Pe 3:7 Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang
inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sila sa
buhay na walang hanggan na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito, nang sa gayon ay
walang magiging sagabal sa inyong mga panalangin.
Dapat matuto tayong magpasakop sa isat-isa.
Kailangan ang Pagkakasundo. Upang walang sagabal sa ating Panalangin.
Efeso 5:22-
Ex. Mahirap manalangin kapag magkagalit kayong magasawa.

3.B MALING PAGTRATO SA KAPWA (if hindi married and viewers mo)
Pro 17:9 Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan, ngunit ang
pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.

4. KAKULANGAN NG PANANAMPALATAYA
Heb 11:6 Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang
kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may
Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya.

Jas 1:6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan,
sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit
saan.
Jas 1:7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong
Jas 1:8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

- Dapat maniwalang may Diyos na nakikinig.


-Dapat hindi pabagu-bago ang isip dahils sabi sa salita ng Diyos huwag umasa
natatanggap mula sa Diyos.

II. PAANO MAAALIS ANG HADLANG SA PANALANGIN ?


A. LISIN ANG KASALANAN SA ATING PUSO.
Paano? GAMITIN ANG SALITA NG DIYOS.
GAYA NG MASO, BASAGIN ANG PADER NA KASALANAN.

Jeremias 23:29 “Parang apoy ang aking salita at katulad ng martilyo na dumudurog sa
malaking bato.
Heb 4:12 Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na
sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu,
ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng tao.

B. SUNDIN NATIN ANG PINAPAYO NG BIBLIA.


- PAGSISIHAN ANG KASALANAN.

App Q?
Naranasan na ba ninyong mainiip sa panalangin ano ang pakiramdam ninyo?
Naiisip na ba ninyo kung bakit Hindi sinasagot ng Diyos ang gusto ninyong mangyari?

PATOTOO KO: gusto kong magkaroon ng BAHAY NA MAAYOS AT MALAKI PARA AKING
PAMILYA.PERO DIPA NANGYAYARI KASI WAITING PA.

NARANASAN KO DIN ANG PAGKABAGOT SA PANALANGIN.


DAHIL NAKAANIM NA BAHAY NA KAMI NA TINIRHAN. BYENAN KO,SA TAPAT NG
BYENAN KO SAWALI NA BAHAY,SA TAPAT NINA R-VIE,SA PALTAO PULILAN,SA CHURCH.AT
NGAYON SA TABI NG BYENAN KO.

NANALANGIN DIN AKO NG MAGANDANG NEGOSYO PERO DI KAMI PINALAD KASI HINDI
PARA SA AMIN ANG NEGOSYO.DAHIL ANG GUSTO NG DIYOS SA AKIN MANGARAL NG SALITA
NG DIYOS.

Conclusion
Kaya nga hanggat hindi naaalis ang humahadlang hindi dadaloy ang biyayang galing sa Diyos.

Kaya nga para dinggin tayo ng Diyos dapat na mawala sa ating mga puso ang mga bumabara na
kasalanan,

Gusto ninyo poba na dinggin tayo ng Diyos sa ating panalangin

Kaya alisin natin ang mga hadlang na ito sa ating panalagin

You might also like