You are on page 1of 31

CONSOLIDATION TOPIC 1:

KALIGTASAN
Ang ebanghelyo ay ang Mabuting Balita, ang mensahe ng kaligtasan!

Ito ang pinakamatinding pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Ito


ang gawang pagliligtas sa biyaya ng Diyos na nagdulot ng kalayaan sa tao sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng dugo ng ating Panginoong Hesus doon sa
krus.

Sinasabi sa Mga Taga-Roma 6:23, "Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng


kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang
hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon." Lahat tayo ay
tumatanggap ng kabayaran sa kung paano tayo namumuhay, dahil tatanggapin
natin ang nararapat sa atin. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang
sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Mga Taga-Roma 3:23); walang
matuwid, wala kahit isa (Mga Taga-Roma 3:10). Dahil dito, lahat tayo'y
nararapat sa kamatayan - hindi lamang pisikal na kamatayan ngunit pati
pagkakahiwalay sa Diyos. Subalit dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo
ng isang regalo. Ang regalong ito ay isang bagay na hindi tayo karapat-dapat
ngunit ipinagkaloob sa atin dahil sa walang-pasubali, lubos at ganap na pag-ibig
ng Diyos sa atin. Hindi natin ito maaaring kitain o bilhin. Ang regalong ito ay ang
buhay na walang hanggan, na nangangahulugang maranasan ang buhay
kapiling ang Diyos magpakailanman. Maaari itong magsimula ngayon, kapag
tinanggap mo si Hesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay.

Lahat ng tao ay nangangailangan ng Tagapagligtas, dahil ang buhay ay hindi


maaayos kung wala ang Diyos. Kailangan nating bumalik sa Tagapagligtas na
Siyang tunay na nagmamahal sa atin. Sinisira ng kasalanan ang tao; si Hesus ang
solusyon (Juan 14:6). Si Hesus ang ating kaligtasan. Binayaran Niya nang buo
ang kaparusahan ng ating kasalanan doon sa krus. Ang ginawa Niya sa krus ay
nagdulot ng pagtubos, pagbabago at pagpapanumbalik sa ating mga buhay.
(Mga Gawa 4:12)
PAGPAPASIMULA NG 1
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


Ang kaligtasan ay naging posible sa pamamagitan ng ginawang pagtubos
ng ating Panginoon Hesu-Cristo doon sa krus. Niligtas Niya tayo mula sa
walang hanggang kamatayan na dulot ng ating mga kasalanan. Winasak
Niya ang mga sumpa at mga gawa ng kadiliman sa ating mga buhay.
Tinanggap din natin ang bagong buhay kay Cristo (2 Mga Taga-Corinto
5:17) at ang pagpapanumbalik ng ating mga buhay sa orihinal nitong
luwalhati at disenyo (Genesis 1:28). Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
dugo ni Hesus, tayo ay napanumbalik. Sa espirituwal, ang ating relasyon sa
Diyos ay nanumbalik. Sa personal, ang mga sira nating mga relasyon sa
ibang mga tao ay naisaayos, ganoon din sa pinansyal na bahagi ng ating
buhay.

Pagtuklas sa mga Katotohanan patungkol sa Iyong Bagong Relasyon kay


Cristo. Ang mga katotohanan sa Biblia ay makatutulong sa'yo upang
makapagtayo ng isang matatag na pundasyon para sa iyong relasyon kay
Cristo. Ang mga katotohanang ito ay: Pinatawad ni Cristo ang iyong mga
kasalanan (Mga Taga-Colosas 1:13-14). Ginawa ka Niyang anak ng Diyos
(Juan 1:12). Noong tinanggap mo si Cristo, ikaw ay naging anak ng Diyos.
Dumating si Cristo sa iyong buhay at hindi ka kailanman iiwanan (Mga
Hebreo 13:5b). Kahit anumang sitwasyon ang mayroon ka ngayon at kung
anumang pagsubok ang pinagdadaanan mo ngayon, ang Diyos ay palaging
nasa iyong tabi upang tulungan ka.

Nagsimula si Cristo ng bagong buhay sa'yo. "Kaya't kung nakipag-isa na kay


Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang
pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago." (2 Mga Taga-Corinto 5:17). Ang
iyong lumang pagkatao ay nawala na nang magsimula ka Niyang hubugin tungo
sa pagkatao na nais Niya para sa'yo. Panghuli, binigyan ka Niya ng buhay na
walang hanggan. "At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay
na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang
Anak. Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroong buhay na
walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi
makakaranas ng buhay na walang hanggan. Isinusulat ko ito sa inyo upang
malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay
na walang hanggan." (1 Juan 5:11-13)

2
PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Kung sasagutin mo ang tanong na, "Bakit ka dapat pumasok sa langit?" anong
masasabi mo?

PANALANGIN

Panginoon, tinatanggap ko po ang kaloob Mong kaligtasan. Kinikilala ko pong


ako'y isang makasalanan at nangangailangan ng Tagapagligtas.
Nananampalataya po ako na si Hesus lamang ang Tanging daan at nilinis ako
ng Kanyang dugo at pinalaya sa kasalanan, sumpa, at gawa ng kadiliman.
Inaamin ko po ang aking mga kasalanan at tinatalikuran ang aking
masasamang mga gawa. Humihingi po ako ng kapatawaran. Maghari po Kayo
sa aking buhay mula ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

PAGPAPASIMULA NG 3
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


CONSOLIDATION TOPIC 2:

PAGSISISI
Ang pagsisisi ay nagpapahiwatig ng pagbabago ng direksyon, "paglayo
mula sa kasalanan" patungo sa "pagbabago ng kaisipan" upang
mamuhay para sa Diyos. Nagsisimula ito sa isang desisyon ng pagtalikod
sa kasalanan at pagsuko't pagpapasakop sa pagkapanginoon ni Hesu-
Cristo. Ito'y napakahalaga sa sinumang nagnanais na lumapit sa
Panginoon at lumakad kasama Niya sa bawat araw. Ang pagsisisi ay higit
pa sa basta pagkilala lamang sa maling mga gawain. Ito'y pagbabago ng
kaisipan at puso na nagbibigay sa atin ng panibagong pagtingin patungkol
sa Diyos, sa atin, at sa mundo. Kabilang dito ang pagtalikod sa kasalanan
at pagtanggap sa pagpapatawad ng Diyos. Ito'y inuudyukan ng pag-ibig sa
Diyos at ang taos-pusong pagnanais na sumunod sa Kanyang mga utos.

Gayunpaman, ang ating kasalanan, ay hindi pa ang katapusan ng kuwento. Sa


katunayan, ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng lahat ng nangyayari sa
ating mga buhay, maging ang ating kasalanan, upang ilapit tayo kay Hesus (Juan
6:44, 45; 14:6; Mga Taga-Roma 8:28, 29).

Ano man ang iyong mga ginawa, lumikha ang Diyos ng daan pauwi -- sa
pamamagitan ng Kanyang Anak, si Hesu-Cristo. Ang kamatayan Niya sa krus at
ang matagumpay Niyang muling pagkabuhay ay nagbigay sa'yo ng katiyakan
para sa lahat ng pagpapala ng Diyos, kabilang dito ang kapatawaran. Ang
kailangan mo lang gawin ay magsisi at isuko ang iyong buhay kay Hesus (Mga
Gawa 3:19).

Ito ang tinatawag ng Biblia na "kapanganakang muli" (born again)sa Espiritu ng


Diyos (Juan 3:3, 5). Pumapasok tayo sa karanasan ng muling kapanganakan sa
pamamagitan ng pagsisisi sa ating kasalanan, at pagbibigay ng ating buhay kay
Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, at pagtitiwala sa pananampalataya na
tayo'y patatawarin at lilinisin sa lahat ng ating kasalanan (Mga Taga-Roma 3:23;
10:13; 1 Juan 1:8, 9; Juan 1:12).

4
Magkaroon ng Pananampalataya na Magsisi!

Kung ikaw ay nakikibaka sa isang kasalanan na gumagapos sa'yo, ang pagsisisi


ay tila isang mahirap na bagay. Ngunit kilalanin mo ang sinasabi sa Biblia na
"napakabuti ng Diyos kaya binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at
tumalikod sa kasalanan" (Mga Taga-Roma 2:4). Isa pang talata ang nais
ipabatid sa atin na ang Diyos ay matiyagang naghihintay para tayo'y magsisi (2
Pedro 3:9).

Ang iyong Amang nasa langit ay hindi naghahanap ng mga kaparaanan upang
parusahan ka. Oo, ang Diyos ay makatarungan, ngunit Siya rin ay isang
mapagmahal na Ama na naghahanap sa nawawalang barya o ang isang
nawawalang tupa -- na handang iwanan ang 99 sa mainam na pastulan upang
hanapin ang isang naligaw.

Isa sa pinakamatinding paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos ay makikita sa


parabula ng alibughang anak. Matapos baguhin ng anak ang kanyang kaisipan
at nagtungo pauwi, sinasabi ng Biblia na, "Malayo pa'y natanaw na siya ng
kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong,
niyakap, at hinalikan." (Lucas 15:20). Ito ang puso ng Diyos sa iyo kapag lumapit
ka sa Kanya upang magsisi.

Sa Iyong Pananalangin, ang Diyos ay bukas-palad na matiyagang naghihintay sa


Kanyang mga anak sa kanilang pag-uwi. Ang kailangan lang nating gawin ay
magpakumbaba at manampalataya na isang mapagmahal na Ama ang
nakaririnig sa ating mga pagsamo at lilinisin tayo sa ating kasalanan.

Magkaroon ngayon ng isang sandali upang magsisi -- upang magbago ang


iyong kaisipan at tumalikod sa anumang humihiwalay sa'yo sa Diyos at sa mga
tao sa iyong paligid.

"Ama, naniniwala po akong iniibig Mo ako. Sinasabi sa'Yong Salita na ang


Iyong katiyagaan at kabutihan ay nagdadala sa akin sa pagsisisi. Kaya
lumalapit po ako sa'Yo ng may pagpapakumbaba at ipinahahayag ang aking
mga kasalanan. Nagpapasalamat po ako sa Iyong pagpapatawad at paglilinis
ng aking katawan, kaluluwa at espiritu. Sa pamamagitan ng dugo ni Hesus,
turuan Mo po akong lumakad ng may katapatan at katuwiran sa Iyong
harapan bawat araw. Sa pangalan ni Hesus. Amen."

PAGPAPASIMULA NG 5
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


Dapat tayong magtiwala kay Hesu-Cristo upang tayo'y patawarin sa ating
mga kasalanan at magpasyang sumunod sa Kanya habang-buhay. Sa
gayon, makikilala natin ang Diyos at makasusumpong muli ng kapayapaan.

Sinasabi sa Biblia, "Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay


Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay
ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat sumasampalataya ang tao sa
pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng
Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa
gayon ay naliligtas." (Mga Taga-Roma 10:9-10)

PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Alamin ang mga natatagong kasalanan na kumokontrol sa iyong buhay at


inilalayo ka sa Diyos. Magsisi at humingi ng kapatawaran sa Panginoon upang
magkaroon ka ng bagong simula. Hindi mahalaga kung ikaw ay nabigo sa
nakaraan; maaari tayong magsimula muli anumang oras. Anong mga
pagtatalaga ang sinasabi sa'yo ng Diyos na gawin mo sa Kanya ngayon?

Mag-isip ng kahit ano, mga saloobin, sitwasyon, o mga gawain na maaaring


maging hadlang sa iyong relasyon sa Diyos.

Sa pamamagitan ng panalangin, ihayag na si Hesu-Cristo lamang ang tanging


daan patungo sa Diyos at magtalaga na mabubuhay para sa Kanya habang ikaw
ay nabubuhay. Itakwil ang iyong kasalanan at wasakin ang mga sumpa sa
pangalan ni Hesu-Cristo.

PANALANGIN

Panginoon, naniniwala po kami na Ikaw ay matuwid at kami'y nagkamali.


Nagsisisi po ako sa mga kasalanang aking nagawa. Sa pamamagitan ng Iyong
biyaya at pag-ibig, nagsisisi po ako at magbabago ng aking mga gawi at
pamumuhay. Mamumuhay po ako sa katotohanan mula sa Iyong mga Salita,
ang Biblia. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

6
CONSOLIDATION TOPIC 3:

PAGKAPANGINOON
"Panginoon... Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang
hanggan. Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal
na mula sa Diyos.” (Juan 6:68-69)

Ano ba ang ibig sabihin ng Pagkapanginoon ni Cristo?

Ang pagkapanginoon ay nangagahulugang pagbabalik sa "kaayusan" sa ating


relasyon sa Diyos. Ito'y pagkilala na Siya ang "Panginoon" ng ating buhay, dahil
kung tayo'y hiwalay sa Kanya, wala tayong magagawa. Naniniwala tayo na Siya
ang pinakamakapangyarihan, pinakamataas, at higit sa karaniwan na Diyos
(Isaias 40:28) na lumikha sa atin at ang Hari sa ating buhay.

Isang magandang bagay na makilala natin si Cristo bilang Tagapagligtas, ngunit


kailangan din nating kilalanin Siya bilang pinakamakapangyarihan sa ating
buhay. Sinasabi sa Mga Gawa 2:36 na si Hesus ay "Panginoon at Cristo
(Tagapagligtas)!" Sinasabi nito sa atin na ginawa ng Diyos si Hesus bilang
Panginoon at Cristo. Tinuturuan tayo ng talatang ito na Siya'y dumating hindi
lamang upang iligtas tayo sa kabuktutan ng kasalanan, na siyang Kanyang
ginawa. Si Hesus ang Tagapagligtas na ipinadala upang iligtas tayo sa laman,
ang ating makasalanang kalikasan, at ang panloob na pagnanasa sa kasalanan.
Ngunit dumating Siya sa mas personal pang kadahilanan... Dumating din Siya
upang maging ating Panginoon. Ang "Panginoon" ay nangangahulugang may-ari
at amo. Hindi lamang ipinadala ng ating Manlilikha ang Kanyang Anak upang
iligtas ang Kanyang nilikha, ngunit upang ariin itong muli. Dumating Siya upang
maging ating Amo at Panginoon sa bawat bahagi ng ating buhay.

Ano ang mga kapakinabangan ng pagpapailalim sa pagkapanginoon ni Cristo?

Una, tayo'y sasagana dahil Siya ang ating Tagapagtustos. Makatatanggap tayo
ng proteksyon, at walang panganib na babagsak sa atin. Tatanggap tayo ng pag-
asa dahil Siya ang Diyos ng pag-asa (Mga Taga-Roma 15:13), at panghuli,
tatanggap tayo ng magandang hinaharap (Jeremias 29:11).

PAGPAPASIMULA NG 7
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


Paggawa kay Hesus bilang Panginoon ng ating mga Buhay

Ang pagkapanginoon ay tutulong upang magbago ang ating kaisipan


upang makita natin na si Cristo'y gumagawa sa ating buhay, sa ibang mga
tao, at sa mundo. Si Hesu-Cristo ay higit sa lahat! Ang Kanyang Pangalan,
gampanin, plano, at layunin ay higit sa lahat.

Ang pagkapanginoon at pamumuhay ng banal ay hindi ipinipilit sa atin.


Hindi tayo umaanib sa isang relihiyon, kundi sa ating relasyon sa
Panginoon! Ang pamumuhay ng banal ay nagmumula sa isang buhay na
nabago sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo sa atin. Hindi tayo lalago sa
pananampalataya sa pamamagitan ng pagpaparusa sa ating mga sarili, o
paghahanap ng mga misteryoso at espesyal na kapahayagan; ngunit ito'y
sa pagkilala, pagtitiwala, at pagsunod kay Cristo bilang PANGINOON,
maunawaan kung sino Siya at kung ano ang Kanyang mga ginawa para sa
atin at pagtugon ng mabuti sa pamamagitan ng ating pasasalamat,
pagtitiwala, at pagsunod.

Sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang pagkapanginoon mapanghahawakan


natin lalo ang kapangyarihan na mabuhay para sa Kanya ng may katagumpayan
at kahusayan. Tayo'y makisama bilang mga anak ng Diyos, alinsunod sa wangis
ni Cristo. Tayo'y may Diyos na nabubuhay sa atin, na gumagabay, nangunguna,
nag-uudyok, at nagpupuno sa atin. Isipin mo kung ano ang kaya Niyang gawin
sa'yo at sa iyong iglesia. Kung tayo'y tunay na magtitiwala kay Cristo, hindi
lamang bilang Tagapagligtas ngunit bilang Panginoon din, tayo'y bibigyan ng
kapangyarihan at kakayahan upang magkaroon ng buhay na puno, may
kakaibang karakter, at paglagong espirituwal upang Siya'y maluwalhati sa ating
mga buhay!

Ang ating tugon sa Pagkapanginoon ay, Opo, Panginoon! Ito ang ating
pagpapatibay sa ating pagmamahal, pagtitiwala, at pagsunod. Siya'y nagtiis at
naghirap para sa atin. Dinanas Niya ang krus para sa ating lahat. At dahil dito,
tayo'y susunod sa Kanyang mga hakbang.

Tayo'y Kanyang pinagaling at iniligtas, kaya naman kailangan nating magtiwala


at hayaan Siya upang maging ating Pastol, Tagapag-alaga, at Panginoon ng
lahat. Ang pagkapanginoon ni Cristo ay tunay; may kabuluhan, at dapat tayong
tumugon ng buong puso.

8
PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Ikaw ba ay isang Kristiyano na may relasyon na nakapailalim sa pagkapanginoon


ni Hesus? Sino si Hesu-Cristo para sa'yo? Sino ka sa Kanya? Sa pamamagitan ng
panalangin, ipahayag na si Cristo lamang ang Panginoon sa lahat ng bahagi ng
iyong buhay. Magtalaga na mabubuhay ka para sa Kanya habang-buhay.

PRAYER

Ama, salamat po dahil nais Mo palagi kung ano ang makabubuti sa akin at sa
pagtawag Mo po sa'kin hindi lamang upang magkaroon ng relasyon sa'Yo
ngunit upang maging Panginoon Ka rin ng aking buhay. Ako po'y nagtatalaga
na susunod sa'Yo at gagawa upang maisaayos ang lahat sa aking buhay.
Bigyan Ninyo po ako ng pagnanais at pagtitiyaga upang maging Iyong
tagasunod at hindi susuko ano man ang mangyari. Sa pangalan ni Hesus.
Amen.

PAGPAPASIMULA NG 9
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


CONSOLIDATION TOPIC 4:

KAPATAWARAN
“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo,
patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi
ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama
ang inyong mga kasalanan.” (Mateo 6:14-15)

"Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin


ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. (Ezekiel 36:26)

Ang unang tao na marahil ay hindi mo pa pinatatawad ay ang iyong sarili.


Maraming mga tao ang nagkukulang sa pagpapatawad sa kanilang mga sarili
kaysa sa pagpapatawad nila sa ibang mga tao. Hindi sila handang patawarin ang
kanilang mga sarili at kilalanin ang sinasabi ng Diyos na, "Kung gaano kalayo
ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga
kasalanan" (Mga Awit 103:12). Kung ikaw ay isang mananampalataya, ikaw ay
nilinis na Niya upang ikaw ay makapaglingkod sa buhay na Diyos. Hindi
ibinabalik ng Diyos ang kasalanan natin sa nakaraan. Iyon ay dapat patay na,
nailibing, at nakalimutan.

Kailangan patawarin ng mga tao ang lahat ng mga nangangailangan ng


kapatawaran. Kung ang unang tao na nangangailangan ng kapatawaran ay ang
iyong sarili, dapat mong sabihin na, "O Diyos, sa Iyong harapan, pinatatawad
ko ang aking sarili. Anuman ang aking nagawa, tinatanggap ko ang Iyong
kapatawaran, at pinapatawad ko ang aking sarili."

Ito ay napakasimple ngunit napakatinding pahayag, dahil habang


nararamdaman natin na tayo ay nasa ilalim ng pagtuligsa, hindi tayo
magkakaroon ng pananampalataya na makakita ng mga himala at matinding
pagbabago.

10
"Kung hindi tayo inuusig ng ating budhi" sinasabi ng Biblia na, "makakalapit
tayo sa Diyos na panatag ang ating kalooban." (1 Juan 3:21). Malinaw naman
na hindi tayo maaaring patuloy na magkasala at umasa ng kapatawaran.
Kailangan nating lumaya mula sa patuloy na pagkakasala at pagrerebelde laban
sa Diyos.

May mga tao na sinisisi ang Diyos dahil namatayan ng anak, hiniwalayan ng
asawa, nagkaroon sila ng sakit, wala silang sapat na pera at marami pang
kagaya nito. Sinasadya man o hindi, iniisip nila na ang lahat ng ito'y kasalanan
ng Diyos. Mayroong malalim na sama ng loob; ngunit hindi ka pwedeng
magkaroon ng sama ng loob sa Diyos at makaranas ng mga himala. Dapat mong
tanungin ang iyong sarili, "Sinisisi ko ba ang Diyos sa aking sitwasyon?"

Ang ikalawang tao na dapat mong patawarin ay isang miyembro ng iyong


pamilya. Dapat mong alisin ang sama ng loob, lalo na sa mga malalapit sa'yo.
Ang asawa, anak, magulang at iba pang kamag-anak - lahat ay dapat patawarin
kung nagkaroon ng samaan ng loob dulot ng mga pangyayari sa pamilya.
Maraming tao ang nagsasabi, "Ah, hindi ko iniisip na kabilang pala iyon. Akala
ko pampamilyang usapin lamang iyon." Lahat ng kakulangan ng kapatawaran ay
kailangan mawala, lalung-lalo na sa bawat miyembro ng pamilya.

Panghuli, kailangang magkaroon ng kapatawaran sa kahit sino na gumawa ng


mga bagay laban sa'yo. Marahil may ginawang masama at teribleng bagay
sa'yo 'yung tao. Meron ka ng lahat ng legal at intelektuwal na karapatan para
magkaroon ng sama ng loob at magalit sa taong iyon. Ngunit kung nais mo na
makakita ng mga himala sa'yong buhay, lubos na napakahalaga na ikaw ay
magpatawad.

Patawarin mo sila hanggang sa maramdaman mo na ikaw mismo ay nalilinis


mula sa sama ng loob at kapaitan at ngayo'y nananalangin ka para sa kanila.

Isang bagong simula para magpatawad! Maraming mga tao ang nabitag sa
pagkakaroon ng hindi mapagpatawad na puso. Matagal nila itong dala-dala sa
loob ng mahabang panahon at marahil hindi nila namamalayan na iyon ay
nakaaapekto ng malaki sa paggawa nila ng mga desisyon sa buhay. Hindi
madaling magpatawad lalo na kung ang mga taong nakasakit sa'yo ay ang mga
malalapit sa'yo. Ngunit ayaw ng Diyos na ang Kanyang mga tao ay lumaking

PAGPAPASIMULA NG 11
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


may kapaitan at pusong-bato. Siya'y nagbibigay ng bagong simula sa lahat
at kabilang dito ang kapatawaran at ang kakayanan para magpatawad.

Ipinakita ni Hesus ang pinakamatinding halimbawa ng pagpapatawad


noong Siya ay ipinako at kinutya ng mga tao. Ipinakita pa rin Niya ang
Kanyang dakilang habag at Kanya pa silang ipinanalangin,

“Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang


ginagawa.” (Lucas 23:34)

Ano ang buhay na may bagong panimula kay Cristo?

1. Ito'y pagpapanumbalik ng iyong relasyon.

2. Ito'y hindi nagkikimkim ng sama ng loob at kapaitan.

3. Ito'y hindi nag-aakusa at humahatol.

Ang bagong simula ay pagtawag patungo sa kalayaan ng pamumuhay na may


binago at nilinis na puso. Lagi tayong may pagkakataon na magkaroon ng
pagsisimula sa buhay hindi dahil karapat-dapat tayo rito, ngunit dahil sa habag
ng Diyos (Mga Taga-Efeso 1:7) at pag-ibig para sa atin.

PRAKTIKAL NA PAGSASABUHAY

Kilalanin ang mga tao na nakasakit sa'yo at ipanalangin sa Diyos na linisin at


buksan ang iyong puso na magpatawad at tanggapin ang mga tayong iyon sa
iyong buhay.

PANALANGIN

Salamat po sa pagpapatawad ng aking mga kasalanan at sa pagpapakita ng


perpektong halimbawa ng pagpapatawad at pag-ibig noong Ikaw ay ipinako
roon sa krus. Humihingi po ako ng lakas at habag upang mapatawad ang mga
taong nakasakit sa akin. Iniaalis ko na po ang kapaitan, poot, sama ng loob, at
alitan at hinahayaan ko ang Iyong pag-ibig at habag na punuin ang aking puso.
Sa pangalan ni Hesus. Amen.

12
CONSOLIDATION TOPIC 5:

LIFESTYLE:
THE 4 GREATEST MEETINGS
"Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng
ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na
ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon." (Mga Hebreo
10:25)

Ang tagumpay ay nakadepende sa kung paano tayo namumuhay. Nagbibigay


tayo ng oras sa mga bagay na pinahahalagahan natin. Dahil dito, sa iyong
pagpapatuloy sa iyong bagong tatag na relasyon sa Diyos, kinakailangan mo ng
lakas, suporta, kaibigan at encouragement. Isang bagay na kailangan mong
kilalanin ay hindi natin kayang gawin ang mga bagay ng tayo lang. Ibinibigay ng
Diyos ang ating mga kailangan upang tayo'y makapagpatuloy sa ating relasyon
sa Kanya. Napapaloob dito ang ating "new lifestyle", na kailangan ng bawat
Kristiyano sa kanilang lakad kasama ang Diyos upang patuloy na lumago.

Ito ang mga pangunahing bagay na kailangan natin na isama at ituon sa ating
mga buhay:

1. DEVOTION. Ang iyong devotion ay ang iyong araw-araw na pakikipag-ugnay


sa Salita ng Diyos. Ang Kanyang Salita ay ang pinagmumulan ng ating
pananampalataya at pag-asa. Ang pag-angkin ng mga pangako ng Diyos para sa
iyong buhay araw-araw ay magpapalakas sa'yo sa iyong lakad kasama Siya.
"Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan
mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa
ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. Tandaan
mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang
matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong
Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.” (Josue 1:8-9)

PAGPAPASIMULA NG 13
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


2. CELL GROUP. Kailangan natin ng mga tao na magiging accountable sa
atin at mga taong committed upang ilabas ang best sa atin. "Sikapin din
nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at
sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating
mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang
loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng
Panginoon." (Mga Hebreo 10:24-25)

Ang Gospel Community na ito ay mainam at angkop na lugar para sa


paglago, pag-unlad at pagtatagumpay sa ating relasyon sa Diyos at sa
ibang mga tao.

3. SUNDAY CELL CELEBRATION. May dalawang klase ng pagtitipon: bukod


sa Cell Group, mayroon ding malaking pagtitipon kung saan maaari tayong
sumamba bilang isang spiritual family at tumanggap ng Salita ng Diyos.
Ang Cell Celebration ay ang malaking pagtitipon kung saan ang lahat ng
Cell Group ay nagkikita-kita.

4. PEPSOL / LIFE CLASS EQUIPPING AND TRAINING. Kailangan mo ring ma-


equip para magawa ang mga bagay na pinagkatiwala sa'yo ng Diyos. PEPSOL
(Pre-Encounter, Encounter, Post-Encounter and School of Leaders) training ay
maaaring pagmulan ng iyong pag-unlad at paglago, kung saan matututunan
mong ipamalas ang potensyal na inilagay sa'yo ng Diyos upang gumawa ng
positibong epekto sa buhay ng iba. "Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng
maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may
kakayahang magturo naman sa iba." (2 Timoteo 2:2)

Sa inyong mga trainings, manabik ka na mapagkatiwalaan ng mga katotohanan


na nais ng Diyos na marinig, angkinin, at isabuhay mo sa'yong buhay.

14
PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Magkaroon ng "lifestyle check", at maging determinado na ihanay ang iyong


pamumuhay sa layunin at plano ng Diyos. Alamin kung alin sa mga ito ang
kailangan mong isama at pagtuunan lalo sa iyong pamumuhay upang patuloy
na lumago sa iyong lakad kasama ang Diyos.

PANALANGIN

Salamat po Hesus sa pagtawag sa akin upang lumakad ng may relasyon sa'Yo


at sa'Yong mga tao. Bigyan Ninyo po ako ng karunungan upang maalagaan at
mabantayan ang relasyon ko sa'Yo at sa aking spiritual family. Tulungan Mo po
akong makipag-ugnay at tumuon sa pang-araw-araw na personal na oras ng
devotion, gospel community (Cell Group), Sunday Cell Celebration at training sa
pagiging isang indibidwal na nais Mong maging ako. Sa pangalan ni Hesus.
Amen.

PAGPAPASIMULA NG 15
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


CONSOLIDATION TOPIC 6:

DEVOTIONAL LIFE
"Subalit inutusan ko silang sumunod sa akin upang sila'y maging aking
bayan at ako naman ang kanilang magiging Diyos. Sinabi kong mamuhay
sila ayon sa ipinag-uutos ko, at magiging maayos ang kanilang buhay."
(Jeremias 7:23)

Nagnanais ang Diyos na Siya'y maging bahagi ng ating araw-araw na


pamumuhay. Siya'y nananabik na ipakita ang Kanyang pag-ibig sa atin sa
espesyal na kaparaanan. Bilang Kristiyano at tagasunod ni Hesus,
napakahalaga na tayo'y magkaroon ng "quality time" araw-araw sa
Panginoon. Ang devotion (o quiet time) ay hindi natatapos sa pagsusulat
lamang sa iyong devotional notebook. Nais ng Diyos na tayo'y magkaroon
ng walang kamatayang devotion - isang uri ng devotion na hindi limitado
sa isang oras o araw ng ating buhay ngunit ito'y pang-araw-araw na
pamumuhay, higit sa oras, lugar o sitwasyon sa buhay.

"Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan


mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa
ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay." (Josue
1:8)

Ang Layunin ng mga Devotion. Ginagawa natin ang ating mga devotion upang
magkaroon tayo ng malapit na relasyon sa Diyos. Nananabik ang Ama sa ating
araw-araw na pagsamba, at Siya ay nagagalak kapag tayo'y naglalaan ng oras
na pagbulay-bulayan ang Kanyang Salita. Sa pagkilala natin sa Kanya sa mga
araling ito sa buhay, tayo'y mai-equip at makakaya nating maging kawangis
Niya.

16
Paano Maghahanda para sa Iyong mga Devotion

1. Magtalaga ng oras at maging consistent dito. Gawin ito sa umaga bago


magsimula ang iyong araw at sa gabi, bago ito matapos. (Josue 1:8)

2. Sa pagbabasa ng Scriptures, lumayo sa mga pinagmumulan ng paggambala -


distractions. (hal. computer, cellphone, TV, etc.)

3. Makinig sa Diyos habang Siya'y nangungusap sa'yo sa pamamagitan ng Biblia.


(Mga Awit 46:10; Job 2:13)

4. Humingi ng paggabay ng Banal na Espiritu at maging handang sumunod sa


anumang Kanyang sasabihin sa Kanyang Salita. (Juan 2:5)

5. Lumapit sa Kanya ng may mapagpakumbabang puso at nakikinig na tainga.


(Mga Awit 51:17)

Upang magawa mo ang iyong mga devotion sa tamang paraan, una, kailangan
mong magkaroon ng Biblia. Pumili ng translation kung saan mas madali mong
maiintindihan. Kailangan mong magkaroon ng notebook at ballpen para sa
pagsusulat. Pagkatapos mong basahin ang Biblia, maaari mo ng maisulat ang
mga sumusunod:

PASSAGES: -ito ang partikular (specific) na Salita na sinasabi sa'yo ng Diyos sa


mismong oras na iyon.

PRAYER - ang Salita ng Diyos ay punung-puno ng motivations at pangako na


maaari mong angkinin.Gawin itong panalangin.

- maaari mong mas palalimin pa ang God's Rhema Word para sa'yo, iugnay ito
sa iyong sitwasyon at kalagayan.

ang devotion ay hindi devotion kung walang pagsasabuhay. Siguraduhin mo na


may gagawin ka pagkatapos mong tumanggap ng Salita mula sa Diyos. Maaari
mo itong gawing panalangin na may kasamang commitment.

PAGPAPASIMULA NG 17
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Maging mangingibig ng Salita ng Diyos at gawin itong final authority ng


iyong buhay. Ipanalangin ang patungkol sa iyong araw at mga layunin sa
buhay upang malaman mo kung ano ang nais ng Diyos na gawin mo.
Gawin mong goal na magawa ang iyong mga devotion ng consistent
ngayong linggo. Magkaroon ng listahan ng prayer requests at isandal ito sa
Salita ng Diyos para sa direksyon.

PANALANGIN

Panginoon, salamat po sa pagbibigay sa akin ng iyong Salita upang


maging gabay ko sa araw-araw at upang pangalagaan ang aking
pagkatao. Nagagalak po ako sa Iyong mga gawa; tulungan po Ninyo
akong gawing final authority ang Iyong mga Salita ng aking buhay. Sa
pangalan ni Hesus. Amen.

18
CONSOLIDATION TOPIC 7:

ANG IYONG AKTIBONG BUHAY NG


PANANALANGIN
Ang panalangin ay komunikasyon at pakikipagniig sa Diyos. Ito ang
pinakamalapit, pinakamatalik na sandali kasama ang Maylikha na maaaring
magkaroon ka. Sa pananalangin, ang iyong espiritu ay nakikipagniig sa Espiritu
ng Diyos. Makakasumpong dito ng tagubilin, gabay, at pasanin upang
manalangin para sa ilang mga bagay. Ang mga instruction ng Diyos ay malinaw
kung paano tayo mananalangin, sino ang ipananalangin, kailan mananalangin,
saan mananalangin, at ano ang ipananalangin. Nagbibigay ang Biblia ng
partikular na direksyon sa mga bagay na iyon at higit pa. Nilikha ng Diyos ang
tao upang maka-fellowship sa Kanya at ang araw-araw na pananalangin ay
napakahalaga sa relasyong iyon. Manalangin sa Ama (Lucas 11:2) sa pangalan ni
Hesu-Cristo (Juan 14:13-14) sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Mga Taga-
Efeso 6:18).

PAANO MANANALANGIN: “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at


kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang
bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at
ang bawat kumakatok ay pagbubuksan." (Mateo 7:7-8)

Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin
ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo." (Juan 15:7)

KAILAN MANANALANGIN: Patuloy na manalangin (Mga Taga-Roma 12:12; 1


Mga Taga-Tesalonica 5:17). "Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming
nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo." (Mga
Taga-Colosas 1:3)

SINONG IPANANALANGIN:"Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa


Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para
sa lahat ng tao." (1 Timoteo 2:1)

PAGPAPASIMULA NG 19
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


"Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway
at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo," (Mateo 5:44)

SAAN MANANALANGIN:"Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa


iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na
hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa
lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala." (Mateo 6:6)

"Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar


kung saan maaari siyang manalanging mag-isa." (Marcos 1:35)

ANONG IPANANALANGIN:"Anumang hingin ninyo sa panalangin ay


tatanggapin ninyo kung nananalig kayo.” (Mateo 21:22)

"Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo


marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa
atin, sa paraang di natin kayang sambitin." (Mga Taga-Roma 8:26)

Nais ng Diyos na makinig mula sa atin. Inaasahan Niya na magpapakita tayo ng


kagalakan sa bawat minuto na binibigay lamang natin sa Kanya. Ang panalangin
ay ang karanasan kasama ang Diyos araw-araw. Ito ang susi upang palaguin ang
ating pag-ibig na relasyon, pagsisiwalat ng kahulugan ng Kasulatan at
pagdidirekta ng ating buhay sa pagsunod sa Diyos. Ang panalangin ay ang
paghahain ng lahat ng ating naisin sa Diyos ng may mapagpakumbabang
pagtitiwala na makatatanggap tayo ng habag sa pamamagitan ni Hesu-Cristo na
ating Panginoon. "Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng
mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon
ng ating pangangailangan." (Mga Hebreo 4:16) Ikaw ay anak ng Diyos. Huwag
kang matakot na lumapit sa Kanya ng buong pagtitiwala sa naisin ng iyong
puso.

20
PAANO MANANALANGIN: Marami tayong matututunan sa Lord's Prayer, ang
modelong panalangin. Basahin ang Mateo 6:9-13. Ang unang bagay ay kung
ating aayusin ang panalangin, dapat tayong magsimula sa pagkilala sa kung
kanino tayo nakikipag-usap - sa DIYOS, ATING AMA. Kailangan din nating isama
ang pagsamba, "Sambahin ang ngalan Mo." Luwalhatiin at sambahin natin ang
Kanyang pangalan, ang Kanya mismong pagka-Diyos.

MANALANGIN, MANALANGIN, MANALANGIN!

...sa pananampalataya (Marcos 11:24; Mga Hebreo 10:22)

...ng may mapagpatawad na espiritu (Marcos 11:25)

...ng may katiyagaan (Lucas 11:8; 18:1-7)

...sa katuwiran (Mga Awit 34:15; Juan 15:7)

1. Magtalaga ng regular na oras at pumili ng pinakamainam na lugar. Ang


magulong kaisipan ay magdudulot ng magulong sarili. Ang magulong espiritu ay
nangangailangan ng panalangin upang linawan at magkaroon ng direksyon.
Gawing una ang panalangin sa iyong araw. Hanapin ang partikular na lugar sa
inyong tahanan kung saan mo mai-enjoy ang Presensya ng Diyos. Ang
panalangin ay hindi isang trabaho o pabigat, sa halip, ito ay pintuan patungo sa
isang mapagmahal, personal, at matalik na relasyon sa Diyos.

2. Magsimula ng may pasasalamat at pagpupuri. Ang pagbibigay ng


pasasalamat at pagpupuri ay ang handog ng iyong kaluluwa sa Diyos.

"Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya


at umawit na may tuwa! O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman,
tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya,
kabilang sa kanyang kawan. Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y
nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan
niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang
hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!" (Mga Awit 100:2-5)

PAGPAPASIMULA NG 21
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


3. Hayaan ang iyong puso na makipag-ugnay sa puso ng Diyos. Ang
mabisang mga salita ay: ISINUSUKO KO ANG LAHAT. Ikaw ay isang anak sa
harapan ng iyong Ama. Hayaan ang Diyos na mangusap sa'yong puso at
magministeryo sa'yong kaluluwa habang iyong ibinubuhos ang iyong puso.

4. Ideklara ang pahayag ng iyong pananampalataya. Angkinin ang mga


pangako ng Diyos. "Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y
bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y
pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat
humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay
pagbubuksan." (Lucas 11:9-10). Kung ano ang sinasabi ng Diyos, sasabihin
ko at gagawin Niya ito.

PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Sa iyong pang-araw-araw na buhay, gaano karaming oras ang ibinibigay mo sa


pananalangin, sapat ba upang mapalakas ang iyong relasyon sa Kanya? Paano
mo pamamahalaan ang mga gumagambala sa iyong oras ng pananalangin sa
Panginoon?

PANALANGIN

Panginoon, salamat po sa Iyong presensya na nagpapalakas sa akin at


pinahihintulutan ako upang gawin ang lahat para sa Iyong kaluwalhatian.
Tulungan Mo po akong paunlarin ang aking buhay ng pananalangin at lumago
sa pananampalataya sa pamamagitan ng proseso ng pagsumpong sa'Yong
Mukha araw-araw. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

22
CONSOLIDATION TOPIC 8:

PAGSAKSI – PAGBABAHAGI NG
IYONG BAGONG BUHAY SA IBANG
MGA TAO
"Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano
sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano
naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?" (Mga Taga-
Roma 10:14)

Narinig mo ang patungkol kay Hesus dahil may ibang taong nagsabi sa'yo.
Ngayon, mayroon ka ng pribilehiyo upang ibahagi ang Mabuting Balita sa iba.
Bilang mga tagasunod ni Hesu-Cristo, tayo'y isinugo upang ipaalam sa iba ang
patungkol kay Hesus at ang buhay na Kanyang inihahandog.

"Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan


ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at
gayundin sa mga Griego." (Mga Taga-Roma 1:16)

Sabihin sa mundo ang tungkol kay Hesus! Mayroon tayong kamangha-


manghang tungkulin na tinatawag na "Ang Dakilang Tagubulin" (The Great
Commission) na ibinigay ni Hesus sa lahat ng Kanyang mga tagasunod bago Niya
lisanin ang daigdig patungo sa langit. Dahil dito, nagkaroon tayo ng pangitain
upang mag-win ng mga kaluluwa at gumawa ng mga disipulo. "Kaya't habang
kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa.
Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo,
ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mateo
28:19-20)

PAGPAPASIMULA NG 23
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


Tayo'y binigyan ng pagkakataon upang maging pagpapala sa ibang mga
tao, ngunit lalong higit sa ating mga kapamilya. Kailangan nilang makarinig
patungkol kay Hesus, at para mangyari iyon, ang unang bagay na dapat
natng gawin ay ipanalangin sila. Maaari ka ring maging intensyonal sa
pagtulong, pagpapala, paglilingkod, at pagpapakita ng kabaitan sa kanila
upang magkaroon ka pa ng maraming pagkakataon para ibahagi ang iyong
buhay sa kanila.

Ibahagi ang iyong kuwento. Alalahanin mo kung ano ang buhay na wala si
Cristo, at ang maransan ang kaligtasan mula sa dati mong buhay ay
maaaring magpasiklab ng iyong pagnanais upang magbahagi sa ibang mga
tao. Matapos mong bumuo ng koneksyon doon sa tao, manalangin para sa
oportunidad na mabahagi sa kanila kung ano ang ginawa ni Hesus sa iyong
buhay.

Ang pinakamainam na paraan upang magbahagi sa ibang tao ay ang sabihin ang
iyong kuwento kung paano kumilos at binago ni Hesus ang iyong buhay.
Maghanda ng maikling salaysay ng iyong sariling "faith story" na nagsimula
mula sa masama at malungkot na istorya tungo sa buhay na iniligtas ni Hesus,
at hahantong sa istorya ng ebanghelyo. Ibahagi kung paano isinulat muli ng
Diyos ang kuwento ng iyong buhay na ngayo'y nakaayon na sa Kanyang plano.

Humingi ng isang desisyon at pangunahan sa panalangin. Sa iyong


pagbabahagi, kumikilos ang Diyos sa puso noong tao. Maging malayang
tanungin siya kung nauunawaan niya at kung nais na niyang tanggapin ang
regalong kaligtasan ng Diyos.

Kung handa na siyang magdesisyon, pangunahan sila sa panalangin ng


pagtanggap sa kung ano ang ginawa ni Hesus sa kanila. Halimbawa na
panalangin ay ito:

“Hesus, salamat po sa pag-ibig na Iyong ipinakita noong Ikaw ay namatay


sa krus upang pagbayaran ang halaga ng aking mga kasalanan. Patawarin
Mo po ako, pumasok Ka sa aking puso, maging Panginoon ng aking buhay

24
at tulungan Mo po akong mabuhay para sa'Yo mula ngayon. Sa pangalan ni
Hesus, ito po ang aking panalangin. Amen.”

Matapos nito, tulungan siya na maging matatag sa kanyang bagong


pananampalataya gaya ng iyong naranasan. Hindi magtatagal, ang taong ito ay
ibabahagi din sa iba ang kagalakan ng kanyang kaligtasan.

PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Umisip ng mga tao na nais mong bahaginan ng iyong kuwento at simulang


ipanalangin sila. Tulungan, paglingkuran, pagpalain, at pakitaan ng kabaitan ang
mga taong ito at maging handa sa oportunidad na ibibigay sa'Yo ng Diyos upang
ibahagi sa kanila kung ano ang ginawa Niya sa iyong buhay.

PANALANGIN

O Diyos, salamat po sa regalo ng kaligtasan at sa pribilehiyong tulungan ang


ibang mga tao para makilala Ka rin. Magpakita po Kayo ng mga oportunidad
upang tulungan, pagpalain at paglingkuran sila. Ngayon pa lamang po, buksan
mo na ang kanilang mga puso upang tanggapin Ka bilang kanilang Panginoon
at Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Espiritu,
inaangkin ko na po ang Iyong tagumpay sa buhay ng mga taong ito. Amen.

PAGPAPASIMULA NG 25
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


CONSOLIDATION TOPIC 9:

BUHAY NG PAGSUNOD
(PAGSUKO SA KALOOBAN NG
DIYOS)
"Kung nabubuhay man kami sa mundong ito, hindi naman kami
nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng mundong ito. Ang sandatang
ginamit namin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi
ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta.
Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, ginagapi namin ang
lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag
namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo. At kung
lubusan na kayong sumusunod, nakahanda kaming parusahan ang lahat
ng sumusuway." (2 Mga Taga-Corinto 10:3-6)

Labanan sa pagitan ng Espiritu at Laman

Mayroong tahimik na laban sa pagitan ng laman at espiritu. Ang laman ay may


posibilidad na bumagsak sa bitag ng kaaway na imoralidad, kahalayan,
masamang pamumuhay at mga bagay na magdudulot sa iyong mga mata at
puso na madaya (Mga Taga-Galacia 5:19-21). Ngunit ang pagtanggap sa Diyos
at pagpayag na kontrolin Niya ang iyong buhay ay mag-iingat sa'yo mula sa mga
bagay na iyon at ibibigay Niya ang bunga ng Kanyang Espiritu: pag-ibig,
kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,
kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. (Mga Taga-Galacia 5:22-23)

Matalinong Pagpili habang Natututunan Mong Sumunod kay Cristo

Ang ating buhay ay umiikot sa pagsunod at pagsuway. Anumang uri ng


pagsuway ay dapat mahigitan ng tindi sa ating pagsunod sa Panginoon sa
pamamagitan ng lakas ng Banal na Espiritu. Sa ating pagsunod sa Diyos,
makapapamuhay tayo ng karapat-dapat sa Kanyang pagtawag at pagtanggap
ng mga pangako Niya sa atin.

26
Ang pagsunod ay kailangan upang malagpasan natin ang mga pressure at
problema. Kung tayo'y susunod sa Diyos, isang solid na pundasyon ang
nabubuo, kaya kapag dumating ang mga pagsubok, ikaw ay hindi matitinag.
(Lucas 6:46-48)

“Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo." (Juan 14:15)

"Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon
sa mga kalooban ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una:
mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig." (2 Juan 1:6)

Tatlong Mahalagang Bahagi ng Pagsunod

1. Dapat Tayong Maging Masunurin sa Katotohanan ng Salita ng Diyos

"Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat


na ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makihalubilo
sa kanya, upang siya'y mapahiya." (2 Mga Taga-Tesalonica 3:14)

“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa


akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y
lubusang magpapakilala sa kanya.” (Juan 14:21)

2. Dapat Tayong Maging Masunurin sa Tinig ng Banal na Espiritu

Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig
ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong maghimagsik ang
inyong mga ninuno doon sa ilang, nang subukin nila ako. (Mga Hebreo 3:7-8)

PAGPAPASIMULA NG 27
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


3. Dapat Mayroong "Kagustuhan" na Sumunod

"Kung susundin ninyo ang aking sinasabi, tatamasahin ninyo ang ani ng
inyong lupain. Ngunit kung susuway kayo at maghihimagsik, tiyak na
kayo'y mamamatay. Ito ang mensahe ni Yahweh." (Isaias 1:19-20)

PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Sumunod at magpasakop sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng


pagtatama, tuntunin, at patnubay ng iyong mga leader dahil sila ay mga
hinirang na autoridad ng Diyos sa'yo. Igalang at makinig sa iyong mga
magulang at guro/amo sa pagsabi nila ng mga bagay na dapat mo pang
pagbutihan.

PANALANGIN

Isinusuko ko po ang aking buhay sa'Yo, Panginoon, at kinikilala ang Iyong Salita
bilang final authority sa aking buhay. Bigyan Mo po ako ng puso na
magpapasakop sa Iyong mga plano at sumunod sa aking mga leader sa Church,
aking mga magulang, guro/amo at lahat ng nasa autoridad. Sa pangalan ni
Hesus. Amen.

28
CONSOLIDATION TOPIC 10:

BUHAY SA LOOB NG SIMBAHAN


(PAGIGING BAHAGI NG SIMBAHAN)
Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa
kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa
ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang
loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng
Panginoon." (Mga Hebreo 10:24-25)

Ang Simbahan ay isang lugar na nakadisenyo upang magkaroon ng espirituwal


na encouragement, inspirasyon, at kaganapan. Ito'y hindi isang gusali ngunit
isang lugar kung saan ka dapat mapabilang. Ito ay isang spiritual family (people
of God) kung saan ang presensya ng Diyos ay nananahan. Ito'y lugar din ng
pagsamba kung saan makapaghahandog tayo at mapararangalan ang Diyos sa
pamamagitan ng pag-awit, pagbibigay, at pakikinig sa Kanyang Salita.

Ang Kapakinabangan ng Community sa Katawan ni Cristo

Hinihikayat tayo ni Pablo sa Mga Hebreo 10:24-25 na huwag nating kaliligtaan


ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't
isa. Kagaya ng uling na napapanatili ang kanilang ningas kapag sila'y sama-
sama, kailangan mo ng mga tao na tutulong sa atin na panatilihin ang ating
apoy. Ang simbahan ay tumutulong na tayo'y lumago at magkaroon ng walang-
pasubaling pag-ibig sa mga hindi minamahal. Tuturuan din tayo nito ng
kahalagahan ng pagiging lingkod. "Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Kung
nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba." (Mateo
20:26)

PAGPAPASIMULA NG 29
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus


Ang ating espirituwal na buhay ay hindi magtatagal kung ikaw lang. Tulad
ng isda na inialis sa tubig, o isang puno na binunot mula sa lupa, ang ating
espirituwal na buhay ay mamamatay kung ito'y hindi nakatanim sa
presensya ng Diyos. Dapat maunawaan ng lahat na kung ano ang
patungkol sa simbahan at mga dahilan bakit tayo dapat bumalik sa
simbahan.

Una sa lahat, tayo'y isang "worshipping community". Inumpisahan ni


Pablo ang kabanatang ito ng: "Kaya nga, mga kapatid... ako'y nakikiusap
na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at
kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa
Diyos. Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo
sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip..." (Mga Taga-Roma
12:1-2). Hinahayaan natin ang Diyos na hubugin at hulmahin tayo sa ating
pagdedeklara sa Kanya bilang ating Panginoon.

Pangalawa, dapat tayong gumawa bilang isang "serving community". Dito


nagiging praktikal ang "pagkakaiba-iba" ng community. Tayo'y tinawag upang
paglingkuran ang bawat isa sa pamamagitan ng mga spiritual gifts na ibinigay sa
atin ng Panginoon. Basahin ang Mga Taga-Roma 12:6-8. Binanggit ni Pablo ang
pitong spiritual gifts at napansin mo bang iba-iba ang lahat ng iyon? Iyon mismo
ang punto nito. Bawat isa sa atin at mayroong natatangi at partikular na
maibabahagi sa simbahan sa pamamagitan ng mga spiritual gifts na ibinigay ng
Diyos sa atin.

Pangatlo, tayo'y isang "loving community". Tayo'y tinawag upang maging


isang "loving community". Idinagdag ni Pablo sa kabanatang ito sa verse 9-21 ng
listahan ng mga praktikal na implikasyon para sa ating araw-araw na buhay
bilang mga tagasunod ni Hesus. At ang lahat ng iyon ay babagsak sa "pag-ibig".
Mga Taga-Roma 12:9-13: "Maging tunay ang inyong pagmamahalan...
Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid... Magpakasipag kayo at
huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon...

30
Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang
mga taga-ibang lugar." (Mga Taga-Roma 12:9-13)

Pamumuhay bilang Bahagi ng Pamilya. Hindi kailanman intensyon ng Diyos na


ang Kanyang mga anak na maging spiritual orphans. Gayon din naman sa isang
basketball player ay kabilang sa isang team at ang isang sundalo ay kabilang sa
isang pulutong, plano ng Diyos na bawat isang anak Niya ay mapabilang sa
isang pamilya. Lahat tayo ay dapat maging bahagi ng isang mas malaki sa atin at
makaranas na magkaroon ng isang spiritual family, community at fellowship
kung saan ang Diyos ang Panginoon at Ama.

PRAKTIKAL NA PAGSASABUHAY

Italaga ang iyong sarili sa simbahan at tratuhin sila bilang iyong spiritual family
na nakatuon upang ilabas ang best sa iyo. Isipin kung paano at ano ang iyong
maibabahagi sa ibang mga tao. Maki-ugnay sa ating mga church activities at
services upang ikaw ay lumagong kasama nila.

PANALANGIN

Lubos po akong nagpapasalamat sa Iyo, Panginoon, para sa paglalagay sa akin


sa isang kahanga-hangang spiritual family na tinatawag na simbahan.
Tulungan Mo po akong magtalaga sa pamilyang ito at makiugnay habang
inilalabas namin ang husay ng bawat isa patungo sa pagiging kawangis ni
Cristo at pagiging mabunga.

PAGPAPASIMULA NG 31
BAGONGBUHAY
IYONG

……………… kasama si Hesus

You might also like