You are on page 1of 25

S T U D E N T B O O K

LIFECLASS

ppg

CESA R C A S TE L LA N O S D.
Week 6

TUKLASIN ANG LIHIM NA


MAGPAPABAGO NG

IYONG BUHAY
(DISCOVER THE SECRET THAT WILL
TRANSFORM YOUR LIFE)

ppg
Life Class

D A Y 3 6

KINAKAILANGAN
TAYONG PERSONAL NA
MAKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS
(WE NEED TO RELATE TO GOD PERSONALLY)
Nang makilala ko si Claudia, matindi ang naging epekto nito sa
akin anupa’t sa aking isip ay wala man lang kahit katiting na pag-
aalinlangan – alam kong siya ang aking magiging asawa. Isa sa
pinakapinananabikan ko araw-araw ay dumating ang sandali na
kami’y magkikita – wala na yatang lakad na mas hahalaga pa
sa akin kaysa sa aming pagtatagpo. Masaya akong baguhin ang
aking mga nakatakdang gawin para lamang makasama ko ang
babaeng nagpatibok ng aking puso. Kapag may nagsabi sa akin,
“Huwag ka nang umalis upang makipagkita kay Claudia, maiinip
ka lang.” Sasabihin ko sa kanyang, “Ang makatabi siya ay ang
pinakakapanapanabik na bagay para sa akin! Kapag kasama
ko si Claudia, nais kong tumigil ang sandali. Nagagawa niyang
maramdaman ko na ako’y mahalaga at pinahahalagahan. Ang pag-ibig
ay isang bagay na lubhang mahirap ilagay sa salita, kaya’t nais kong
samantalahin ang bawat sandali sa tuwing siya’y aking kasama na
masabi sa kanyang,“Mahal kita.”
Katulad nito ang nangyayari sa ating relasyon sa Diyos. Kung paanong ang karanasan
ng pag-ibig ay sadyang walang katulad. Ang ating mga karanasan sa ating mga
devotion ay wala ring kapantay; ito’y lubos na mauunawaan lamang ng mga taong
naglalaan ng oras sa Diyos. Sa Biblia, matatagpuan natin ang isang lalaki na nagpakita
na ang kanyang devotional life ang pinakamahalaga sa kanya; walang kahit anong
maaaring umagaw ng kanyang panahon sa Diyos. Ang taong aking sinasabi ay si
propeta Daniel. Hindi siya natakot sa utos na isinabatas ng hari, na nagbabawal sa
kanya na manalangin sa Panginoon. Sa halip, nagpatuloy siyang manalangin katulad
ng dati: “Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan,
umuwi siya. Lumuhod siya’t nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang
silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem.
Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian.”
(Daniel 6:10). Dahil sa kanyang pakikipagniig sa Diyos, siya’y inihulog sa kulungan
ng mga leon (Daniel 6:16), subalit iniligtas siya ng Diyos at binigyan siya ng dakilang
Week 6...Day 36

katagumpayan (Daniel 6:20-22). Naudyukan ka na ba ng pag-ibig, sapat ba ito upang


labanan ang mga pangyayari, katulad nang ginawa ni Daniel? Sa iyong palagay,
bakit niya ipinagwalang-bahala ang batas at nagpatuloy sa pananalangin araw-araw
katulad nang dati niyang nakagawian, kahit na ito’y nangangahulugan ng paglalagay
sa panganib ng kanyang buhay?
Ang pakikipag-usap sa Diyos ay hindi dapat na nakakabagot, dahil ang bawat sandali
na hinahayaan niya tayo sa Kanyang presensya ay nagiging pinakakahanga-hangang
karanasan – anupa’t ito’y sadyang mahirap ipaliwanag. Ayaw nating matapos ang
sandali sapagkat wala ng mas hahalaga pa kaysa ang makasama Siya. Nagagawa
Niyang maramdaman natin na tayo ay mahalaga. Ipinapakita Niya ang Kanyang pag-
ibig sa atin, ipinapahayag Niya ang Kanyang kalooban sa atin, iniingatan Niya tayo sa
Kanyang kalinga at ipinagkakaloob ang lahat ng ating mga pangangailangan.
Lubhang napakalaki ng Diyos kaya’t napabulalas si Solomon, “Maaari bang manirahan
sa lupa ang Diyos? Kung ang langit, ang kataas-taasang langit, ay di sapat na maging
tahanan ninyo, ito pa kayang hamak na templo na aking itinayo! ‘ (1 Mga Hari 8:27).
Bagamat Siya’y napakadakila at tayo napakahamak, Siya’y nananabik na tayo ay
makasama. Sinasabi ng Panginoon sa bawat isang anak Niya, ”…halika at ang ganda
mo ay nais kong mapagmasdan, at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.”
(Ang Awit ni Solomon 2:14). Nakakamanghang ang Diyos ay nananabik na tayo ay
Kanyang marinig!
Naranasan mo na bang umibig ngunit hindi ito nasuklian? Ang Diyos na nagpakita sa
atin ng Kanyang pagmamahal sa napakaraming paraan, nakikita Niya na marami pa
rin sa Kanyang mga anak ang lumalayo at nagwawalang-bahala.
Alam mo ba na mahal ka ng Diyos? Isipin mo sandali kung paano ipinakita ng Diyos
ang Kanyang pagmamahal para sa iyo sa iyong buhay. Nais mo bang Siya’y mahalin
din o ang balewalain ang Kanyang pag-ibig? Nasa iyo ang pagpapasiya.

Maaari tayong Maaari nating


makipag-usap marinig ang
sa Diyos sa Diyos kapag
pamamagitan binasa natin ang
PANALANGIN ppg BIBLIA
Life Class

Live the Lesson

1. Magsulat nang tatlong bagay na iyong gagawin kung nais mong higit na makilala
ang isang tao kung sila ay ngayon mo pa lang nakilala.
2. Isulat kung paano mo magagawa ang tatlong bagay na iyon upang ikaw ay
matulungang makilala nang higit pa ang Panginoon.

Remember the Lesson

Nananabik ang Diyos na personal na makipag-ugnayan sa bawat


isang anak Niya.

Study the Word

 Mga Awit 36  Juan 8


Week 6...Day 37

D A Y 3 7

PAKIKINIG SA DIYOS (I)


(HEARING GOD I)

Ang pinakakapanapanabik na bagay patungkol sa isang relasyon ay ang makilala ang


isang tao. Ito’y nangyayari kapag tayo ay may panahon para sa kanila at nakikipag-
usap sa kanila. Habang higit natin itong ginagawa ay lalo natin silang makikilala.
Maaaring may naririnig tayo patungkol sa isang tao, subalit sa pamamagitan
lamang nang pagbabahagi ng mga karanasan sa isa’t isa nagsisimula natin silang
makilala. Malaki ang pagkakaiba ng may alam ka lang patungkol sa isang tao at ang
katotohanang kilala mo talaga sila. Sa panahon ng ating mga devotions (panahong
ikaw at ang Diyos lamang), maaari tayong makipag-usap sa Kanya. Kapag tayo’y
nananalangin, tayo’y nakikipag-usap sa Diyos, ngunit kapag binabasa natin ang
Kanyang mga Salita, ang Diyos ang Siyang nakikipag-usap sa atin.
Ang pangunahing kaibahan ng Biblia at ng ibang mga aklat ay nagmula sa mga kaisipan
ng tao ang mga nilalaman ng mga aklat na ito – isinusulat nila ang kanilang mga ideya,
mga natuklasan, mga pagsasaliksik, at iba pa. Ngunit ang Biblia ay kakaiba: hindi
ito pangkaraniwang aklat. Hindi ito bunga ng kaisipan ng tao o mga likhang kwento
lamang. Ito’y naglalaman ng mga salita ng nag-iisang tunay na Diyos – mga salita ng
katotohanan na punong-puno ng kapamahalaan at kapangyarihan. Sa kabila na ito’y
naisulat sa loob nang mahigit 1600 taon sa pamamagitan ng nasa 40 iba’t ibang tao,
ito ay may isang nagkakaisang mensahe at may tiyak na layunin, at ito’y nananatiling
angkop sa buong kasaysayan ng tao: “ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili
magpakailanman.” (1 Pedro 1:25).
“Katulad ng konsyerto ni Beethoven, ang salita ng Diyos ay payak at
sapat upang masiyahan ang isang paslit, at kasabay din naman nito,
sapat ang lalim upang gantimpalaan ang sinumang gumugol nang
habambuhay na pag-aaral nito. Mauunawaan nang isang tatlong taon
ang kwento ni Jonas at ang balyena, at ang isang nagtapos ng Ph.
D. sa Theology ay magagamit ang buong buhay upang maarok kung
paanong ang Diyos ay maging tao. Ang Biblia ay may laang gantimpla
kahit sa ilang minutong pagbabasa nito. Subalit ito ay may hindi
maubos-ubos na kayamanan para sa kanila na higit na masigasig.
Ang Biblia ang itinuturing na kauna-unahang aklat na nailimbag, at may higit na sipi na
nakalaganap sa buong mundo sa panahong ito higit sa ibang mga akdang pampanitikan
(hindi pa kasama dito ang mga ginagamit na digital versions). Kamangha-manghang
may mga bahagi ng Biblia na naisalin nang hindi bababa sa 2,883 wika (bilang
paghahambing, ang Universal Declaration of Human Rights ay naisalin lamang sa
443 wika at ang digital platform na Facebook ay nasa halos 100 lamang).
Life Class

Kung paanong ang kailangan lamang gawin ng Diyos ay magsalita at ang buong
sansinukob ay nalikha nang walang anumang ginamit na bagay, ang mga salita ng
Diyos na nasasaad sa Biblia ay sapat na upang magbago ng mga buhay at mga
pangyayari.
“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng
katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at
sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay
magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain” (2 Timoteo 3:16-
17). Ang mga talatang ito ay nagtuturo sa atin patungkol sa apat na kapakinabangan
na ating natatamo kapag ating pinag-aaralan ang mga Kasulatan. Ang Biblia ay:
• Nagtuturo: Ipinapahayag ng Salita ng Diyos sa atin ang kalooban ng Diyos,
ang Kanyang puso, ang Kanyang mga batas at mga utos, at ang pamamaraan
na nais Niya para sa ating pamumuhay.
• Nagsasaway: Ito’y nangangahulugan na ipanapakita sa atin ng mga Kasulatan
kapag ang isang bahagi ng ating buhay ay wala sa kaayusan at kinakailangan
ng pagbabago.
• Nagtutuwid: Hindi lamang ang mga masasamang bagay ang ipinapahayag
ng Biblia – ipinapakita din nito sa atin kung paano mamuhay at kung paano
baguhin ang direksyon ng ating mga buhay.
• Nagsasanay: Pinapatnubayan tayo nito upang makagawa tayo nang mga
tamang pagpapasya sa ating pang-araw-araw na gawain.

Tamang Saloobin sa Salita ng Diyos


• Pagtuunan ng pansin ang tinig ng Diyos (Deuteronomeo 28:1-2): Hindi
kung sino lang ang nangungusap – ito ay ang Diyos na Makapangyarihan sa
lahat. Siya ay napakadakila at napakaringal anupat ang pinakamataas mang
kalangitan ay hindi makakasapat para sa Kanya (1 Mga Hari 8:27), at lubos
Niyang batid ang lahat ng bagay, pati na ang kalaliman ng iyong puso. Isang
kabaliwan ang hindi magtuon ng pansin sa nais Niyang sabihin!
• Sundin ang Salita (Lucas 6:46): Inihahambing ni Jesus ang mga taong nakikinig
ng Salita ng Diyos, at ipinagwawalang-bahala ito, sa isang taong mangmang
na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Sa unang tanda pa lamang ng problema,
ang kanyang bahay ay gumuho at ang pagkawasak na naranasan ng lalaki
ay lubhang malaki. Mayroon lamang isang matibay na pundasyon na maaari
nating pagtayuan ng ating mga buhay, ang pagsunod sa Salita ng Diyos.
• Ibahagi sa iba kung ano ang sinasabi nito (Deuteronomeo 6:6-7): Ang
sanlibutan ay may napakalaking pangangailangan at ito’y nakikita ng
lahat. Sa kabila ng mga mabubuting intensyon at pagsisikap ng tao, ang
pangangailangang ito’y patuloy ang paglago bawat araw. Ang tanging pag-
asa para sa sanlibutan ay si Jesus. Ang lahat ng sa Kanya’y nakakakilala ay
Week 6...Day 37

may pananagutan na ibahagi sa iba ang kanilang nalalaman at ang kanilang


tinanggap mula sa Kanya.

Live the Lesson

1. Pumili nang isang utos at isang pangako mula sa mga kabanata na iyong
babasahin sa araw na ito bilang bahagi ng Study the Word, at isulat ang mga
ito sa ibaba.
Utos:
Pangako:

2. Sinusunod mo ba ang utos na ito sa iyong buhay? Kung ang iyong sagot ay
hindi, isipin kung ano ang iyong gagawin upang masimulan mong sundin ito.
3. Ang pangako bang ito ay may patakaran (conditional, ito’y nangangahulugan
na may kailangan muna tayong gawin bago natin ito maaaring angkinin bilang
atin)? Kung ito’y may kundisyon, pagbulay-bulayan kung ano ang iyong
dapat gawin at paano mo ito gagawin upang matanggap ang pagpapala na
binabanggit ng Biblia. Magpasyang ito’y iyong isagawa.

Remember the Lesson

Ang Biblia ay hindi isang pangkaraniwang aklat. Ito ay ang Salita


ng Diyos.

Study the Word

 Awit 37  Juan 9
Life Class

D A Y 3 8

PAKIKINIG SA DIYOS (II)


(HEARING GOD II)

“Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal


[ang Salita ng Diyos] upang lumago kayo sa pananampalataya
hanggang makamtan ninyo ang ganap na kaligtasan.”
(1 Pedro 2:2, ang diin ay sa may-akda)
Kung paanong kailangan nang bagong silang na sanggol ang gatas na ibinibigay
ng ina, ang isang espirituwal na sanggol ay nangangailangang kumain ng Salita ng
Diyos sapagkat ito lamang ang bagay na makatutulong sa kanila upang lumago. Nang
simulan ko ang aking mga unang hakbang sa buhay Kristiyano, nagkaroon ako nang
isang matinding pagnanasa na higit kong matutunan ang Biblia; ito ay nag-akay sa
akin upang pag-aralan ang Salita nang hindi kukulangin nang dalawang oras araw-
araw. Hindi ko ito binabasa dahil may nagsabi sa akin na gawin ito, binabasa ko ito
sapagkat nauunawaan kong ito ay pagkain ng aking espiritu, at kinakailangan kong
punuin ang aking sarili nito ng palagian.
Dapat nating mahalin ang Salita ng Diyos at ang mga katuruan nito, sinusunod ang
mga utos at sinusundan ang direksyon nito, kung paanong sinusundan ng kapitan
ng barko ang compass nito. Ang Biblia ang pinakadakila sa lahat ng kayamanan at
hawak nito ang sagot sa lahat ng ating mga kailangan. Ito ang pinakadakilang akdang
pampanitikan sa kasalukuyan dahil ito’y naglalaman ng kapahayagan ng Diyos para
sa tao. Ang dating pangulo ng Estados Unidos, na si Ronald Reagan, ay minsan
nagsabi, “Sa loob ng pabalat ng isang Aklat na iyon ay ang lahat ng mga kasagutan
sa lahat ng ating mga suliraning kinakaharap ngayon.”
Kung paanong hindi mabubuhay ang ating katawan kung hindi tayo kakain, kailangan
ng ating espiritu ang pagkain upang manatiling buhay. Kung ang isang tao ay gagawa
maghapon ng hindi kumakain nang maayos, maaari silang makaranas ng iba’t ibang
sintomas, kasama na dito ang, pagkapagod, pagkahapo, panghihina, pananakit ng
ulo, pagiging magagalitin, at iba pa.
Sinoman ang hindi maayos na pinapakain ang kaniyang espiritu araw-araw ay
magdaranas ng mga katulad na sintomas. Kinakailangan nating makagawian ang
pag-aaral ng Salita ng Diyos kung paanong natural sa atin ang pagkain. Upang ito’y
magawa kinakailangan nating maging disiplinado at tuloy-tuloy patungkol dito. Upang
matulungang mapaunlad ang kaugaliang ito, iminumungkahi ko na ikaw ay:
Week 6...Day 38

• Magtakda ng oras upang manalangin at basahin ang Biblia, mas mabuti


na parehong oras sa bawat araw (gaano man ito kahaba, ang mahalaga ay
makapaglaan ka ng oras para sa tanging layuning ito sa bawat araw).
• Maghanap nang tahimik na lugar kung saan maaari kang mahiwalay muna
sa mundo at patayin ang lahat nang maaaring makaabala sa iyo (phone
notifications, telebisyon, radio, at iba pa).
• Magkaroon ng notebook (papel man o digital) upang dito’y isulat kung ano
ang iyong naunawaan at kung ano ang ipinangusap sa iyo ng Diyos, maging
ang mga katanungan na maaari mong maisip habang ikaw ay nagbabasa.
Kung gumagamit ka ng cellphone o tablet para dito, makakatulong kung ilagay
mo ito sa airplane mode sa panahong inilaan mo para dito upang makaiwas sa
mga pagkagambala.
• Magtakda ng mithiing mabasa ang buong Biblia. Maraming gabay sa
pagbabasa ng Biblia na makakatulong sa iyo na magawa ito (ikaw ay bibigyan
nang katulad nito sa dulo ng LifeClass).
Ang Salita ng Diyos ay hindi naririto para lamang bigyang kasiyahan ang ating
pagkamausisa o ang ating kaisipan. Ito ang compass na ibinigay ng Diyos sa atin
upang tayo’y patnubayan sa mundong ito. Kung paanong ito ay ating binabasa,
gayundin naman, kinakailangan nating ipamuhay ang ating mga natututunan sa ating
pang-araw-araw na buhay.

Live the Lesson

1. Paano mo maipapamuhay ang sumusunod na talata sa iyong pang-araw-araw


na buhay?
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa,
buong pag-iisip at buong lakas” (Marcos 12:30).
2. Sumulat nang dalawang talata na iyong nabasa sa nakaraang mga linggo na
naka-agaw ng iyong pansin at ilarawan kung paano mo maipapamuhay ang
mga ito araw-araw.
Life Class

Remember the Lesson

Ang Salita ng Diyos ang pagkaing espirituwal na nagbibigay sa


atin ng lakas at tumutulong sa atin upang lumago.

Study the Word

 Awit 38  Juan 10
Week 6...Day 39

D A Y 3 9

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS (I)


(SPEAKING TO GOD (I))
Nananabik ang Panginoon na tayo ay mapalapit sa Kanya, kung paanong masaya ang
isang mapagmahal na ama na makasama ang kanyang mga anak. Kapag binabasa
natin ang Salita ng Diyos, Siya’y nangungusap sa atin: pinapatnubayan Niya tayo,
tinuturuan at ipanapakita sa atin ang Kanyang layunin at kalooban para sa ating mga
buhay. Katulad ng ibang mga pakikipag-usap, may mga sandali na kailangan din
tayong magsalita. At tayo’y nakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
Ang mga alagad ay hindi tinuruan ng Panginoon kung paano mangaral, ngunit naglaan
Siya ng oras upang sila’y turuan kung paano manalangin. Sila’y Kanyang tinipon at
sinabi, “Ganito kayo mananalangin,…” (Mateo 6:9). Maliwanag ang Kanyang mga
tagubilin patungkol sa kung paano manalangin upang ang kanilang mga panalangin
ay maging mabisa. Kung ikaw ay alagad ni Cristo, napakahalaga na iyong matutunan
kung paano makipag-usap sa Diyos.

Magsimula sa pamamagitan ng masayang pananalangin na may


pasasalamat
“Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa
presensya niya at umawit na may tuwa! Pumasok sa kanyang templo
na ang puso’y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong
banal; purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan”
(Mga Awit 100:2,4).
Wala nang makakapagdulot sa ating puso nang higit na kagalagakan kaysa sa pananatili
sa piling ng ating Diyos. Ang ating loobin tungkol dito ang siyang magpapasya ng
ating tagumpay sa panalangin – mahalagang lagi tayong puno ng kagalakan upang
tayo’y makapagpunyagi sa panalangin. Ang pusong puno ng pasasalamat ang siyang
marunong kumilala sa pagkilos ng Diyos sa bawat aspeto ng ating buhay. Ang pintuan
na nag-aakay sa atin sa Kanyang presensya ay tinatawag na “pagpapasalamat.”
Isipin ang lahat ng mga bagay na maaari mong ipagpasalamat sa Diyos. Minsan
ay sinabi ni Dr. Norman Vincent Peale sa isang lalaking puno ng hinanakit sa puso,
“Tumindig ka at maglakad sa loob ng silid na ito at simulan mong isulat ang mga bagay
na nakikita mo na magbibigay ng kasiglahan.” Siya’y naglakad-lakad at pagkatapos
ay sinabi, “Wala akong maisip o makita kahit isa.” “Masyado kang nabubulagan. Ano
ang tawag sa dalawang bagay na gamit mo sa iyong paglalakad?” “Bakit, mga paa,
syempre.” “O.K. Isulat mo ang mga iyan bilang una sa iyong listahan. Isipin mo lang
Life Class

na ikaw ay may dalawang paa, Ano ang iyong mararamdaman kung iisa lang o wala
kang kahit na isang paa? Walang katulad ang dating dalawang mabubuting paa lalo
pa’t mayroon kang mga binti na magagamit.”
Ang simpleng halimbawa ni Peale ay nakatulong sa lalaki upang patuloy niyang
matukoy ang maraming pang bagay na maaari niyang ipagpasalamat sa Diyos.
Ang pagpapasalamat ay dapat na dumaloy mula sa ating
mga puso sa lahat ng sandali, sa masama at mabuting mang
kalagayan, dahil batid nating ang lahat ng bagay na nagaganap sa
atin ay gumagawa para sa ating ikakabuti.
Sinabi ni Pablo, “at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat
ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (1
Mga Taga-Tesalonica 5:18).

Live the Lesson

Sumulat ng limang bagay na ginawa ng Diyos para sa iyo mula ng ikaw ay magsimula
sa LifeClass, at limang bagay na Kanyang nagawa bago ka magsimula, na maaari
mong ipagpasalamat.

Bago magsimula Pagkatapos magsimula


LIFECLASS LIFECLASS

Magpasyang simulang isulat ang mga bagay na iyong ipinagpapasalamat bago ka


matulog sa gabi, lalo na ang mga bagay na nangyari sa maghapon. Pasalamatan ang
Diyos sa lahat ng iyong isusulat.
Week 6...Day 39

Remember the Lesson

Ang pagpapasalamat ang susi na nagbubukas ng mga pintuan


upang makausap natin ang Diyos.

Study the Word

 Awit 39  Juan 11
Life Class

D A Y 4 0

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS (II)


SPEAKING TO GOD (II))

Ang pag-alaala at pagpapahayag ng mga bagay na ipinagpapasalamat sa Diyos ay


nagbubukas ng pintuan sa Kanyang presensya. Gayun pa man, ito ay napakaliit na
bahagi lamang ng isang napakalaking kabuuan. Ako ay nananalangin na sa loob nang
mahigit tatlumpung taon at tinitiyak ko sa iyo na wala nang higit na kapanapanabik at
kahanga-hanga pa kaysa ang manatili sa Kanyang piling.
Sinabi ng salmista, “…sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong
mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan” (Mga Awit 16:11b).
Sa buong buhay ko bilang isang Kristiyano, nagagawa kong personal na makipag-
ugnayan sa Diyos sapagkat Siya ay tunay at katulad ng mga tao sa ating paligid. Kung
nagagawa nating ibigin ang mga taong nakikita natin, magagawa din nating ibigin ang
Diyos na hindi natin nakikita.
“Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong
tagapamagitan sa atin at sa Diyos.”
(1 Timoteo 2:5)
Kapag tayo’y lumalapit sa Diyos, dapat tayong lumapit sa pangalan ni Jesus sapagkat
Siya ang tulay na nag-uugnay sa atin sa Ama. Sa ating paglapit sa Diyos sa pangalan
ni Jesus, inilalagay natin ang ating pagtitiwala sa kung ano ang ginawa ni Jesus
at hindi sa ating sariling kabutihan. Nabibihisan ng katuwiran at kabanalan, na
napagtagumpayan na ni Jesus para sa atin sa krus, panatag tayong makakapasok
sa presensya ng Diyos, katulad ng pagpasok nang isang minamahal na anak upang
makipag-usap sa kanyang ama.
“At anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan
ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan,
ito ay aking gagawin” (Juan 14:13-14). Itinuturo sa atin ng Kasulatan na maaari tayong
tuwirang makalapit sa Diyos Ama sa pangalan ni Jesus. Maaari mong ipanalangin ang
katulad nito: “Panginoon, ako ay dumudulog sa Iyo sa pangalan ni Jesus na taga
Nazaret at aking inilalahad sa Iyo ang aking mga pangangailangan (isa-isahin ang
mga ito), ako’y nagtitiwala na dahil sa Iyong makalangit na kahabagan, tatanggapin
ko ang katugunan sa bawat isa nito.”
Week 6...Day 40

Ang Diyos ang Panginoon ng lahat. Ang lahat ng kasaganaan ay sa Kanya matatagpuan
at Siya’y laging saganang magbigay sa Kanyang mga anak. Ang Kanyang kabutihan
at paglingap ay walang hangganan at nais Niyang masimulan mong tamasahin ang
lahat ng pagpapala na Kanyang inihanda para sa iyo.
Aking naunawaan na ang mga biyaya ng Diyos ay walang katapusan nang maraming
taon na ang nakalilipas nang ako at ang aking asawa ay nagsimulang manalangin
para sa 15 minutong programa sa radyo. Tinanong niya ako, “Bakit ka nananalangin
para sa 15 minutong programa sa radyo? Isang oras ang ating ipanalangin.” At ganoon
nga ang nangyari. Pagkatapos ay kanyang sinabi, “Bakit hindi natin ipanalangin sa
Diyos na bigyan tayo nang buong gabing programa sa radyo?” “Gawin natin ito,”
ang sagot ko. “Sa katunayan, bakit hindi tayo manalangin para sa isang istasyon ng
radio?” dagdag niya. Kaya sinabi ko, “O.K. Mananalangin tayo para sa isang istasyon
ng radyo.” Kaya nagsimula kaming manalangin, “Panginoon, nais naming bigyan Nyo
kami ng istasyon ng radyo bago magtapos ang taon.” Laging tumutugon ang Diyos sa
panalangin, bago pa nga matapos ang taon, mayroon na kaming istasyon ng radyo.
Batid ko na kung ang hiniling ko lang ay 15 minutong programa sa radyo, ibibigay ng
Diyos kung ano mismo ang hiningi ko; at kung hihilingin natin sa Kanya ang higit na
malaki kaysa istasyon ng radyo, ipagkakaloob din Niya ito. Wala Siyang kinikilalang
limitasyon!

Live the Lesson


1. Ano ang kaibahan ng pakikipag-usap ng isang tao sa ‘di niya kakilala at sa paraan
ng pakikipag-usap naman nang isang anak sa kanyang ama?
2. Isulat ang tatlong bagay na kailangan mo na nais mong tulungan ka ng Diyos sa
linggong ito. Ipanalangin ang mga ito (tandaan na ikaw ay anak ng Diyos) at isulat
sa tabi nito ang petsa na tinugon ang iyong mga panalangin.

Remember the Lesson


Nang dahil kay Jesus, maaari tayong makipag-usap sa Diyos
bilang mga anak nya.
Life Class

Study the Word


 Awit 40  Juan 12
Week 6...Day 41

D A Y 4 1

DEBOSYONAL
(DEVOTIONAL)

Ang oras ng ating devotion ay katulad ng isang tipanan (appointment) sa Diyos – ito
ang oras na inilalaan natin araw-araw upang makasama nang sarilinan ang Diyos.
Dito natin masasabi sa Kanya kung ano ang nilalaman ng ating puso sa pamamagitan
ng panalangin at dito din Niya ipinapahayag ang Kanyang kalooban sa atin sa
pamamagitan ng Kanyang Salita, habang ipinapamalas ang Kanyang dakilang pag-
ibig para sa atin.
Ang bagong gawaing ito ay napakahalaga para sa bawat isa sa atin – napakainam na
magpasya para sa tiyak na oras kung kailan ka mapag-iisa at maging higit na malapit
sa Kanya sa bawat araw.
Nauunawaan ni Joyce Meyer, isang manunulat at conference speaker, ang
kahalagahan ng paglalaan ng oras upang makasama nang sarilinan ang Diyos sa
pamamagitan nang isang pangyayari na naranasan nilang mag-asawa sa pasimula
ng kanilang ministeryo:
Naalala ko ang isang panahon na si Dave at ako ay nangangailangan
ng himala bawat buwan upang mabayaran ang aming mga bayarin. Ako
ay nagbitiw na sa dating trabaho upang makapagbigay nang higit na
oras bilang paghahanda para sa full-time ministry, na naging dahilan
upang mangalahati ang aming kinikita.
Sa tuwing magbabayad ako ng mga bayarin, ako’y lubhang nababahala
sapagkat hindi sapat ang aming salapi. Ito’y naging palagian, uupo ako
sa tabi ng lamesa ng isang silid, sa aking harapan ay ang ang mga
bayarin, checkbook at calculator, habang si Dave ay nasa kabilang silid
at masayang nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa mga bata.
Ito’y laging nauuwi sa mga usapang katulad nito….
Ako: Buwan-buwan wala tayong pera na pambayad sa ating mga
bayarin.
Dave: Tama, at buwan-buwan hindi tayo pinababayaan ng Diyos.
Ako: Kung ganon, paano kaya Niya tayo tutulungan sa buwang ito?
Bakit hindi ka gumawa ng paraan?
Dave: Ano ang gusto mong gawin ko? Naniniwala ka bang tayo ay nasa
kalooban ng Diyos?
Life Class

Ako: Oo naman, naniniwala ako’ng tayo ay nasa kalooban ng Diyos.


Dave: Naniniwala ka bang sinabi sa iyo ng Diyos na magbitiw ka sa
iyong trabaho?
Ako: Oo, oo…(buntong-hininga na may pagkayamot)
Dave: Okay, Joyce, tayo ay nasa kalooban ng Diyos, tayo ay
palabigay. Nangako ang Diyos na kakatagpuin Niya ang ating mga
pangangailangan… Ano pa ang nais mong gawin ko?
Ang nais ko sana ay samahan niya akong magbilang ng pera at siya din
ay mabahala. Ngunit ang kailangan kong gawin ay maglaan ng panahon
kasama ng Diyos, at hindi ang mga checkbooks.

Mga mungkahi para sa para sa panahon ng iyong devotional


• Humanap ng isang tahimik at pribadong lugar. Hanggat maaari, ay patayin
muna ang mga kagamitan na makakagambala.
• Pag-isipan kung anong oras ka magsisimula at gaano ka katagal sa paggawa
ng iyong devotion.
• Kapag ikaw ay mananalangin, maging tapat sa iyong sarili at sa Diyos.
• Laging ihanda ang Biblia at kwaderno upang maisulat dito ang mga ipapangusap
ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
• Gumawa ng listahan ng mga kahilingan na idudulog mo sa Panginoon sa
panalangin.

Paano gawin ang iyong devotional


• Simulan ito sa panalangin (alalahanin na ang pagpapasalamat ang susi na
nagbubukas ng pinto sa piling ng Diyos).
• Maglaan ng oras na magbasa ng Biblia. Isulat sa iyong kwaderno ang mga
bagay na ipinangusap sa iyo ng Diyos sa bawat araw. Bantayan ang mga
pangako para sa iyong buhay at mga utos na dapat mong sundin.
• Magtakda ng oras na pag-isipan ang iyong nabasa at kung paano mo ito
maipapamuhay. Mahalaga din na maisulat ang mga kaisipang ito sa iyong
notebook.
Week 6...Day 41

Live the Lesson

1. Isa-ayos ang mga plano sa bawat araw at tiyaking makapaglaan ng panahon upang
gawin ang iyong devotional araw-araw. Isulat ang oras ng iyong pagsisimula at
kung gaano kahaba mo ito gagawin.

“Ako’y nangangakong maglalaan ng oras sa pagitan ng ________ at


_________ araw-araw upang makasama ng sarilinan ang Diyos.”

Lagda:____________________

Remember the Lesson

Ang aking devotional ay isang personal na pakikipagtipan sa


Diyos.

Study the Word

 Awit 41  Juan 13
Life Class

D A Y 4 2

AKLAT NG MGA PANGARAP


(BOOK OF DREAMS)

Nakagawian na naming mag-asawa ang isulat ang aming mga kahilingan sa


panalangin. Hanggang ngayon ay nasa amin pa rin ang notebook na ginamit namin
sa panahon ng aming devotional noong 1983, kung saan isinusulat namin ang aming
mga kahilingan sa panalangin, ang petsa kung kailan naming sinimulan ang mga ito
na ipanalangin, at ang petsa kung kailan namin tinanggap ang bawat himala.
Sa taong ding iyon tinanggap namin ang 70% ng aming mga hiniling, kasama na
dito ang katugunan sa pinansyal at ang kaligtasan ng mga myembro ng pamilya.
Nalulugod ang Diyos kapag ipinapahayag natin sa Kanya nang detalyado ang ating
mga kahilingan sa panalangin.
Natutunan din ng aking mga anak ang prinsipyong ito. Mayroon din notebook ang
bawat isa sa kanila, na tinatawag nila na kanilang Aklat ng mga Pangarap (Book
of Dreams). Detalyado nilang inilalarawan ang mga bagay na kanilang naiibigan at
gumagamit sila ng mga larawan upang kumatawan sa bawat pangarap (madalas ay
ipini-print mula sa internet).
Laging tinutugon sila ng Panginoon, madalas ay mas mabilis kaysa kanilang
inaasahan. “Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya
ang anumang hingin natin kung ito’y naaayon sa kanyang kalooban” (1 Juan 5:14).
Ang ating mga kahilingan ay hindi dapat maging mga personal na kapritso lamang
o isang listahan ng mga bagay na unang pumasok lamang sa ating kaisipan. Dapat
tayong humingi nang naaayon sa kalooban ng Diyos para sa ating mga buhay. Ang
ating mga pangarap ay dapat na mga pangarap ng Diyos para sa atin.

Paano gawin ang iyong book of dreams:


• Maaari mong hatiin sa ilang uri (categories) ang iyong mga pangarap: espirituwal
(ang iyong relasyon sa Diyos), personal, pamilya, ministeryo at secular (pag-
aaral, hanapbuhay).
• Ipanalangin na ipahayag sa iyo ng Diyos ang Kanyang mga pangarap sa mga
bahaging iyon at isulat ang bawat isa dito.
• Magdagdag ng mga larawan sa bawat pamagat (maaari mo itong gupitin mula
sa mga babasahin o i-print ang mga ito mula sa internet) at samahan ng talata
mula sa Biblia na ibinigay sa iyo ng Diyos na may kinalaman sa iyong kahilingan.
Week 6...Day 42

• Ang ideya dito ay hindi gumawa lamang ng dream book at pagkatapos ay itatabi
na ito. Kailangan mo itong gamitin upang matulungan ka nito na manalangin
araw-araw.
• Isulat ang petsa ng kasagutan ng bawat panalangin, at sabihin sa iba ang
ginawa ng Diyos.

Live the Lesson

1. Gawin ang iyong kauna-unahang dream book. Maaari mong tanungin ang iyong
cell leader o LifeClass guide upang ikaw ay matulungan.

Remember the Lesson

Habang sinisumulan kong buuin ang aking dream book, makikita


ko ang katapatan ng Diyos at kung paano Siya tumutugon sa mga
panalangin.

Study the Word

 Awit 42  Juan 14

You might also like