You are on page 1of 2

Disiplina para sa mga Anak ng Diyos

Hebreo 12:5-11

Panukala:
Tanggapin natin ang pagdisiplina ng Diyos sa atin sapagkat ito’y bahaging Kaniyang
mabuting kalooban para sa ating kapakanan.

Layunin:
1. Ituro sa inyo ang katotohanan tungkol sa pagdidisiplina na ginagawa ng Diyossa
lahat ng Kaniyang mga anak.
2. Ipaliwanag sa inyo ang pakayng pagdisiplina ng Diyos sa kaniyang mga anak.
3. Hikayatin kayong mamuhay na may disiplina sapagkat ito’y nakalulugod sa
Diyos.

Pangangaral:

Bakit tayo dumaan sa pagdidisiplina ng Diyos? Paano tayo dinidisiplina ng Diyos? Ano
ang pakay ng pagdisiplina sa atin ng Diyos.

I. DAHILAN NG PAGDIDISPLINA NG DIYOS (vv.5,6)

A. Ang pagdidisiplina ng Diyos sa atin ay pagpapatunay na isa tayo sa Kaniyang


mga anak.
B. Ang pagdidisiplina ng Diyos sa atin ay pagpapadama ng Kaniyang
pagmamahal sa atin.
Ang Panginoong Jesus bilang Bugtong na Anak ng Diyos ay dumaan sa
pinakamatinding pagdisiplina. Mula sa Kaniyang pagsilang, sa Kanyang paglaki, sa
Kaniyang pagmiministeryo, hanggang sa Kaniyang kamatayan sa krus ay bahagi ng
pagdisiplina ng Ama sa Kaniya.

II. PARAAN NG PAGDISIPLINA NG DIYOS (vv.7-9,11)

1. Binibigyan tayo ng mga tiisin sa buhay


2. Idinadaan Niya tayo sa iba’t-ibang uri ng kahirapan
3. Pinaparanas tayo ng mga di-kanaisnais at masakit na kalagayan
4. Ang buhay at karanasan ni Apostol Pablo ay isang patotoo na iba’t-ibang paraan
ang pagdidisiplina ng Diyos sa kanyang mga anak.

III. PAKAY NG PAGDISIPLINA NG DIYOS (vv.10-11)


Isang pakay ng Diyos sa pagdisiplina sa atin ay para sa ating ikabubuti
 Ang pinakamalalim na pakay ng Diyos sa pagdisiplina sa atin ay para
makabahagi tayo sa Kanyang kabanalan.Ang Diyos ay banal at nais Niya tayong
maging banal din katulad Niya sapagkat kung wala tayong kabanalan di natin
makikita ang Diyos (v.14)

 Isa pang pakay ng Diyos sa pagdisplina sa atin ay para magkaroon tayo ng


mapayapang bunga ng katuwiran (peaceful fruit of righteousness) na Siya
lamang ang makapagkakaloob.

Pagsasabuhay:
Ang kusa ng loob na pagsunod natin sa katuruan tungkol sa pagdisiplina sa atin ng
Diyos para labanan ang kasalanang pinakamahusay na paraan para di tayo mahulog
sa kasalanan. Ito ay itinuro sa atin para matuto tayong labanan ang tukso at mamuhay
ngayon sa kalooban ng Diyos. Sa gayon, maging halimbawa tayo sa iba, at gamitin ng
Diyos para tuturuan ang maraming kapatirang di pa marunong lumaban sa tukso at
madali pang mahulog sa kasalanan. Tandaan natin na ang Panginoong Jesus ang
modelo natin sa pakikipaglaban sa kasalanan.

You might also like