You are on page 1of 2

#4: APAT NA SIMPLENG HAKBANG NG PANANAMPALATAYA

PANIMULA: Nang nakaraan ay napag-aralan natin na ang kaligtasan ay “biyaya ng Diyos,” isang
REGALO. Ngayong Pasko, kung iabot sa iyo ng isang kaibigan mo ang isang regalo, ano ang gagawin
mo? (hintayin ang sagot: tatanggapin). Kung bigyan ka ng kapitbahay mo ng isang platong pansit,
ito’y tatanggapin mo. Sa regalo ng kaligtasan na alok ng Diyos, ang pagtanggap ay tinatawag na
pananampalataya (Efeso 2:8, 9). Nang ang bantay sa bilangguan ng Filipos ay magtanong kay Pablo
kung ano ang kanyang gagawin upang maligtas, sumagot si Pablo, “Manampalataya ka sa
Panginoong Jesus at maliligtas ka…” (Gawa 16:31).

I. ANO BA ANG PANANAMPALATAYA?


1. Katiyakan sa mga bagay na inaasahan pa lang; paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita
(Hebreo 11:1). Anong halimbawa? 1) Inaasahan pa lang nating muling babalik ang Panginoong
Jesus, ngunit tayo'y siguradung-sigurado na ito'y mangyayari; 2) Hindi natin nakikita ang Diyos,
ngunit naninindigan tayo na totoo ang Diyos; 3) Hindi natin nakitang namatay si Jesus, ngunit
alam nating tinubos nga Niya tayo sa ating mga kasalanan. Sabi ni Jesus sa Juan 20:29:
“Mapapalad ang hindi nakakita, gayunma'y sumasampalataya.” Noong panahon ni Noe, ang mga
tao kasama na ang buong sambahayan ni Noe ay hindi pa nakaranas o nakakita ng ulan, kulog, o
baha. Sinabi ng Diyos na ito’y mangyayari at 120 taon itong ipinangangaral ni Noe. Ngunit 8
lamang ang sumampalataya’t naligtas, ang karamihan ay nagtawa lamang. Napakamapanganib
ang kaisipang “To see is to believe.”
2. Pagtitiwala sa kung anong sinabi ng Diyos (Roma 10:17). Ilustrasyon: Kapag sinabi mo sa
kaibigan mo, “Pare, pahiram nga nitong inyong pala,” at sinabi niya, “Sige, kunin mo diyan,” yung
pagkuha mo sa pala ay isang gawa ng pananampalataya. Hindi mo na sasabihin pang, “Hindi ka
ba nagbibiro pare, hiramin ko ‘tong pala mo!” Iyan ay pagdududa—kawalan ng tiwala.
3. Iba ito sa pananampalataya ng mga demonyo (Santiago 2:19). Ang mga demonyo ay
naniniwala rin na si Cristo ay Anak ng Diyos, at si Cristo ay siyang Tagapagligtas—sila’y
nanginginig pa nga. Ngunit hindi nila ipasasakop ang kanilang buhay sa kontrol ng Diyos. Ganyan
ang “makademonyong pananampalataya.”
4. Buong puso, buong buhay na pagpapasakop sa Diyos (Kawikaan 3:5, 6). Nagtitiwala ka ba sa
Panginoon? Sapat ba ang tiwala mo sa Kanya para ipasakop ang iyong buhay sa Kanyang kontrol?
Ngayon naman ay tingnan natin ang mga simpleng hakbang ng pananampalataya tungo sa
pagtanggap ng kaligtasan.

II. MGA HAKBANG PAPALAPIT KAY CRISTO


1. Tanggapin at aminin na ikaw ay MAKASALANAN. Isipin na lang natin kung ilang beses tayo
nagkakasala sa araw-araw—sa isip, sa salita at sa gawa! At ang ating problema ay hindi lamang
ang kasalanan na ating nagagawa – kundi ang katotohanan na tayo’y mga makasalanan.
Ang isang taong may malalang sakit ay mamamatay kung ayaw niyang kilalanin ang kanyang
kalagayan at magpagamot. Ganon din ang sasapitin ng makasalanang ayaw kilalanin ang kanyang
kalagayang espirituwal at humingi ng tulong sa Diyos (Awit 32:5; 51:3; 1 Timoteo 1:15). Kung
hindi natin aaminin sa ating sarili na tayo’y makasalanan, hindi tayo mangangailangan ng
Tagapagligtas mula sa kasalanan.

2. Pagsisihan ang iyong mga kasalanan (Gawa 2:38). Ang pagsisisi ay pagtalikod sa kasalanan—
isang pagbabago ng direksyon. Kung ikaw ay naglalakbay patungo sa isang direksyon, ang
pagsisisi ay ang pagtalikod sa direksyong tinatahak mo tungo sa mas tamang direksyon. Ang
pagsisisi ay kalungkutan kaugnay ng iyong ginawang kasalanan. At merong 2 uri ng kalungkutan o
pagsisisi.
a. HUWAD NA PAGSISISI. Nalulungkot sa naging resulta ng ginawang kasalanan. Ito rin ang
makamundong kalungkutan na humahantong sa kamatayan (2 Corinto 7:10). Ito ang uri ng
pagsisisi ni Judas (Mateo 27:3-5).

b. TUNAY NA PAGSISISI. Nalulungkot sa mismong ginawang kasalanan, na sinasaktan niya ang


Diyos dahil sa mga kasalanan sa kanyang buhay. Ito ang maka-Diyos na kalungkutan na
humahantong sa pagsisisi at kaligtasan (2 Corinto 7:9, 10). Ito ang uri ng pagsisisi ni Pedro
(Mateo 26:69-75).

3. Pagsasabi o paghahayag sa Diyos ng mga espisipikong kasalanan (Kawikaan 28:13). Kung


paanong tinatanong ng mga magulang kung anong kasalanan ang ginawa ng isang anak na nagso-
sorry, hangad din ng Diyos na marinig mula sa atin kung anu-ano ang mga kasalanang
pinagsisisihan natin. Ito'y hindi dahil gustong malaman ng Diyos ang ating mga kasalanan—alam
na Niya ito—kundi upang madama natin kung gaano kasuklam-suklam ang kasalanan. Ang
pangako ng Diyos ay ganito (1 Juan 1:9).

4. Magpabautismo. (Marcos 16:16; Gawa 2:38). Bahagi ng pagsisisi ang pampublikong


pagpapahayag na tinatanggap mo ang isang bago at biblikal na direksyon ng buhay. Sa bautismo
ay ipinahahayag mo sa mga tao na si Cristo na ang Panginoon ng iyong buhay. Isa sa mga gabing
ito ay bibigyan po namin kayo ng pagkakataong magpasya na tanggapin si Cristo sa pamamagitan
ng bautismo. Napakahalaga po nito sapagkat ang sabi ng Juan 3:5 “Sinabi ni Jesus, Katotohanang
sinasabi Ko sa iyo, malibang ang isang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya
makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

KONKLUSYON: Simple lang ang kaligtasan. Ito’y sa pamamagitan ng biyaya—REGALO ng Diyos na


dapat tanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung ikaw ay sumasampalataya na
tinubos ka na ni Cristo sa iyong mga kasalanan, lalapit ka kay Cristo sa pamamagitan ng
pagtanggap na tayo ay makasalanan at nangangailangan ng Tagapagligtas, tayo’y magsisisi,
magpapahayag ng ating mga kasalanan at tatanggapin sa Cristo sa pamamagitan ng bautismo.

APPEAL: (Lucas 15:11-24: Ikuwento o idrama ang alibughang anak). Ang Anak ng Tao ay naparito
upang hanapin ang mga nawala (Lucas 19:10). Ako’y nagpapasalamat na dati ako’y nawala ngunit
ako’y nasumpungan ng Diyos. Totoo ang sinasabi ni Cristo sa Lucas 15:10. Hindi baga tayong
lahat ay parang mga alibughang anak? Hinihintay tayo ng ating Ama. Sino sa gabing ito ang
nangangailangan ng Tagapagligtas? Maari po bang itaas ang inyong mga kamay? Salamat po…
Narito po ang ating Panginoong Jesus. Siya po ang ating Tagapagligtas. Ngayong gabi ay gusto ko
rin pong magbigay ng isang espesyal na panawagan. Kung hindi pa po ninyo dati naunawaan ang
mensaheng inilahad dito ngayong gabi tungkol sa paglapit sa Panginoon, ngunit ngayo’y
nadarama ninyong gusto n’yo Siyang tanggapin sa inyong buhay, inaanyayahan ko po kayong
tumayo…

Tayo po'y mananalangin. At sundan po ninyo ang aking panalangin. Ibig sabihin, pagkatapos ko
po ay ulitin ninyo ang aking sasabihin.

Ama namin sa langit/puspos po kayo ng awa at pagmamahal/Nagpapasalamat po kami sa


kabutihan ninyo/Narito, kami po ay mga makasalanan/Araw-araw po naming nasasaktan ang
inyong damdamin/sa aming masasamang iniisip/sinasabi/at ginagawa/Sa sarili naming lakas/ay
hindi po namin kayang iligtas/ang aming sarili mula sa kapangyarihan ng kasalanan/Salamat
po/at ipinadala ninyo ang inyong Anak/bilang regalo mula sa langit/upang tubusin po kami sa
aming mga kasalanan/Pinagsisisihan po namin/ang aming mga kasamaan/Patawarin po kami, O
Ama/Linisin po kami/Kaawaan po ang aming kalagayan/Sumasampalataya po kami/sa inyong
Anak/na si Jesus. Amen.

You might also like