You are on page 1of 2

ANG PINAKAMALAKING PANGYAYARING MAGAGANAP

(Ang Ikalawang Pagparito ni Cristo)

PANIMULA: Noong September 11, 2001, isang malaking pangyayari ang


gumulantang sa lahat ng nakatira sa daigdig. Ito ay tinawag na 9/11 terrorist attack.
Ang malaking kaganapang ito ay isa pa ring dagdag problema kasama ng buntun-
bunton nang kahirapan, paghihikahos, sakit, krimen, at kalungkutan, na para bang
wala nang solusyon. Subalit merong darating na pinakamalaking kaganapan na
siyang solusyon sa lahat ng mga pagdurusang ito.

ANG PINAKAMALAKING KAGANAPAN


A. Darating sa lahat. Lucas 21:35. Ang pinakamalaking pangyayaring ito ay
magsisimula sa pagkakahawi ng langit (Apocalipsis 6:14, 15) at magtatapos sa
pagkakatupok ng lahat ng nasa lupa (2 Pedro 3:10).
B. Pangyayaring ipinangako mahigit 2,000 taon na ang nakaraan. Juan 14:1-3;
Gawa 1:10, 11.
C. Ito ay ang IKALAWANG PAGDATING NI CRISTO.

BAKIT MULING BABALIK SI CRISTO


A. Para sa lahat ng tumanggap sa Kanya. Hebreo 9:28
B. Para ibigay ang kagantihan sa bawat isa. Mateo 16:27

BABALA NI CRISTO TUNGKOL. Mateo 24:23-26

PARAAN NG PAGPARITO NI CRISTO


A. Makikita ng lahat. Mateo 24:27; Apocalipsis 1:7
B. Maririnig ng lahat. Mateo 24:30, 31; 1 Tesalonica 4:16
C. Maluwalhati. Mateo 24:30

DALAWANG URI NG TAO NA MADADATNAN NI JESUS SA KANYANG PAGDATING


1. ANG MGA MATUTUWID
A. Ang matutuwid na patay ay bubuhayin. 1 Tesalonica 4:16
B. Ang matutuwid na buhay ay babaguhin at makakasama ng mga nabuhay
na patay sa pagsalubong sa Panginoon.
1 Tesalonica 4:17; 1 Corinto 15:51, 52
2. ANG MGA MASASAMA
A. Ang masasamang patay ay mananatiling patay. Apocalipsis 20:5
B. Ang masasamang buhay ay mamamatay. Apocalipsis 6:14-16

MGA TANDA NG IKALAWANG PAGDATING


Hindi alam ang oras at araw kung kailan magaganap ang pangyayaring ito. Ngunit
di gaya ng September 11 attack ang pinakamalaking pangyayaring ito ay may mga
palatandaan. Ang Diyos sa Kanyang kahabagan at pagmamahal ay nagbigay ng mga
tanda upang ang bawat isa ay makapaghanda.
A. MGA TANDA SA LANGIT. Mateo 24:29, 30
1. Pagdidilim ng araw. Noong May 19, 1780, natupad ang palatandaang ito.
2. Ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag. Noong gabi ring iyon,
ang buwan ay sumikat na kulay dugo.
3. Paglaglagan ng mga bituin sa langit. Ito ay naganap noong November 13,
1833.
B. MGA TANDA UKOL SA KALAGAYAN NG MUNDO
1. PISIKAL: Mga taggutom at paglindol. Mateo 24:7
2. POLITIKAL
a. Mga digmaan at bali-balita ng digmaan. Mateo 24:6, 7
b. Mga usapang pangkapayapaan. 1 Tesalonica 5:2, 3
c. Mga krimen. Mateo 24:12
3. EKONOMIYA: Pagpapayaman at panggigipit sa mga manggagawa.
Santiago 5:1-4
4. SIYENSYA: Paglago ng kaalaman. Daniel 12:4
5. RELIHIYON
a. Mga bulaang propeta o tagapagturo. Mateo 24:4, 11, 24
b. Kawalan ng pananampalataya at pagmamahal. Lucas 18:8; Mateo
24:12
c. Panahong mapanganib (Kakaibang ugali ng mga tao). 2 Timoteo 3:1-
5
d. PINAKADAKILANG TANDA: Ang pangangaral ng ebanghelyo sa lahat
ng mga bansa. Mateo 24:14

KONKLUSYON: Isa pang tanda ng pagdating ni Jesus ay mga taong manlilibak na


nagsasabi, “Nasaan ang pangako ng Kanyang pagdating? Sapagkat buhat pa ng
mamatay ang ating mga ninuno, nananatili ang lahat ng mga bagay sa dati nilang
kalagayan mula ng pasimula ng paglalang.” 2 Pedro 3:3, 4. Naririnig mo ba ang
ganitong mga panlilibak?
Kung mabubuhay ka pa ng 200 taon, mas maganda na kaya ang kalagayan ng
mundo? Inihula ng Biblia na hindi na! Subalit meron pa kayang pag-asa? Ang Biblia
ay nagbibigay ng isang pag-asa. Tito 2:13. Ito ay ang pagdating ni Cristo, ang ating
mapalad na pag-asa.
APPEAL: Ikaw ba ay handa nang kamtin ang pag-asang ito. Handa ka na bang
sumalubong sa Kanyang pagdating? Dapat mong tanggapin at kilalanin ang darating.
Kung nais mong tanggapin sa iyong puso ang darating na Hari, maaari mo ba itong
ipakita sa pamamagitan ng pagtayo (Apocalipsis 3:20). Tayo ay manalangin…

You might also like