You are on page 1of 2

ISANG ULO, ISANG KATAWAN

(Ang Tunay na Iglesya)


PANIMULA: Sinasabi ng mga tao na hindi mahalaga kung ano ang iyong paniniwala
basta’t seryoso ka lang daw dito. Hindi raw mahalaga ang relihiyong kinaaniban mo.
Subalit si Cristo ay nagtayo ng iglesya. Mateo 16:18. Meron Siyang sariling bayan
sa lupang ito. Ang salitang iglesya ay mula sa Griyegong Ekklesia—grupo ng mga
taong sumasampalataya kay Jesus bilang Mesiyas at tumatanggap sa Kanyang mga
turo. Pangunahing katangian ng iglesya ay dapat na kasusumpungan ng katotohanan
ng Salita ng Diyos. 1 Timoteo 3:15; Juan 17:17. Ang iglesya ay dapat na nagtuturo ng
katotohanan ayon sa salita ng Diyos. Isaias 8:20
PAGLALARAWAN NG BIBLIA SA RELASYON NG IGLESYA KAY CRISTO
A. ULO AT KATAWAN. Efeso 5:23; Colosas 1:18, 24.
a. Si Cristo ang ulo; ang iglesya ang katawan
b. Si Cristo ay may isang katawan lamang. Efeso 4:4
c. Sa buong Pilipinas ay may mahigit 117 iglesya nakatala sa SEC. Sa buong
mundo ay 2,334. Lahat ay tama—“daw”
d. Ang tanong: Alin sa mga ito ang katawan ni Cristo?
B. ASAWANG LALAKI AT ASAWANG BABAE. Efeso 5:23;
2 Corinto 11:2
a. Si Cristo ang asawang lalaki; ang iglesya ang asawang babae
b. Sa Biblia, ang BABAE ay ginagamit upang ilarawan ang bayan ng Diyos, ang
Kanyang iglesya. Jeremias 6:2; Isaias 51:16
C. PAGKAKALARAWAN SA IGLESYA BILANG ISANG BABAE
Ang Pangitain sa Apocalipsis 12 ay larawan ng iglesya sa sagisag ng isang
babae. Dito ay malinaw na makikita “Ang mga Tanda ng Tunay na Iglesya.”
a. MGA SIMBOLO
1. BABAE: ang iglesya
 Araw—liwanag ng ebanghelyo na taglay ng iglesya sa unang pagparito
ni Cristo. 1 Juan 2:8
 Buwan—lumalamlam na liwanag ng mga simbolo at anino sa Lumang
Tipan.
 12 Bituin—12 Apostol
2. PULANG DRAGON: Si Satanas na gumagawa sa pamamagitan ng mga
taong instrumento (Paganong Roma noon)
3. BATANG LALAKI: Si Jesu-Cristo
b. MGA PANGYAYARI. Nakikita sa liwanag ng pangitaing ito ang malaking
tunggalian sa pagitan ni Cristo at ni Satanas.
1. Sinikap ni Satanas na patayin si Cristo nang Siya’y ipanganak.
Apocalipsis 12:4.
2. Inusig ang iglesya noong mga Panahon ng Kadiliman (Dark Ages).
Talatang 13
3. Ipinagpatuloy ni Satanas ang kanyang pakikipaglaban sa iglesya—sa
nalabi (remnant). Apocalipsis 12:17
MGA TANDA NG TUNAY NA IGLESYA NG DIYOS SA MGA HULING ARAW.
APOCALIPSIS 12:17
A. Ang tunay na iglesya ng Diyos ay inuusig at uusigin. Juan 15:20; 2 Timoteo
3:12
B. Ang tunay na iglesya ng Diyos ay hindi ang iglesya ng nakararami. Mateo
7:13, 14
C. Ang tunay na iglesya ng Diyos ay tumutupad sa mga utos ng Diyos. Juan
14:15; Apocalipsis 14:12
D. Ang tunay na iglesya ng Diyos ay may patotoo ni Jesus. Ang patotoo ni Jesus
ay ang espiritu ng propesiya. Apocalipsis 19:10. Ang tunay na iglesya ng
Diyos ay kinakailangang merong propeta.
E. Ang tunay na iglesya ng Diyos ay magpapahayag ng panghuling mensahe.
ANG WALANG HANGGANG EBANGHELYO. APOCALIPSIS 14:6-14
F. Ipapangaral sa buong mundo. Talatang 6; Mateo 24:14. Ang tunay na
iglesya ng Diyos ay pambuong sanlibutan sapagkat ang kanilang mensahe
ay pambuong mundo.
G. ILANG BAHAGI NG KANILANG MENSAHE. APOCALIPSIS 14:7, 12
1. Matakot sa Diyos. Eclesiastes 12:13
2. Magbigay-luwalhati sa Diyos. Pagluwalhati sa pamamagitan ng mabuting
kalusugan.1 Corinto 10:31
3. Ang oras ng Kanyang paghuhukom ay dumating na. 2 Corinto 5:10.
4. Sambahin ang Manlalalang. Exodo 20:8, 11
5. Katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya. Talatang 12
6. Ang katuwirang ito ay nagbubunga ng pagsunod sa utos ng Diyos dahil
mahal nila Siya.
KONKLUSYON: Isa pang pagkakalarawan ng Biblia sa relasyon ng iglesya kay Cristo
ay ang sa Pastol at mga tupa. Juan 10:11. Si Cristo ang PASTOL; ang IGLESYA ay
ang KAWAN NG TUPA. Kilala ni Cristo kung sino ang Kanyang mga tupa, at kilala
rin naman Siya ng Kanyang mga tupa. Sila ay merong relasyon. Juan 10:14. Meron
pa ring mga tupa na wala pa sa tunay na kawan ng Diyos. Sila’y kailangang
tawagan at dalhin sa kawan ng tunay na Pastol. Sa gayo’y magkakaroon ng isang
Kawan, at iisang Pastol. Juan 10:16.
Iniisip mo bang marahil ikaw ay isa sa mga tupang wala pa sa kawan ni Cristo,
ang tunay na iglesya. Naririnig mo ba ang tinig ng Pastol? “Pinapakinggan ng aking
mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking kilala, at sila’y sumusunod sa akin.” Juan
10:27. Ano ang iyong kapasyahan? Kung naririnig mo ang tinig ni Jesus na
tumatawag sa iyong puso, bakit hindi ka tumayo at lumapit dito sa unahan. At
kayo po ay nais kong ipanalangin (Palapitin sa unahan).

You might also like