You are on page 1of 2

TAONG DALAWANG BESES IPINANGANAK

(Pagkahikayat at Bautismo)

PANIMULA: Ang huling habilin ng isang taong papaalis ay napakahalaga. Kapag


ang isang tao ay malapit nang mamatay, halimbawa, ang kanyang mga mahal sa
buhay ay naghihintay at pilit na pinakikinggan ang mga huling salita ng
naghihingalo. Nang si Jesus ay malapit nang bumalik sa langit, nagbigay Siya ng
ilang huling pananalita para sa Kanyang mga alagad. Ang ilan sa Kanyang mga
sinabi, “Dahil dito ay magsihayo kayo at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga
bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo, at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo. At
narito, Ako'y kasama ninyong palagi hanggang sa katapusan ng sanlibutan”
(Mateo 28:19, 20). Ang huling habilin ni Jesus sa Kanyang mga alagad ay,
“Humayo kayo at turuan ninyo kung paano maging alagad ang mga tao, at
pagkatapos ay bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu.” Ganon na lang marahil kahalaga ang habiling ito. Sa katunayan ang
salitang bautismo ay 80 beses na binanggit sa Bagong Tipan. Tingnan pa natin ang
kahalagahan ng tagubiling ito.

SI JESUS AT SI NICODEMO. Juan 3


1. Kailangang maipanganak na muli bago makapasok sa kaharian ng Diyos.
Talatang 3
2. Ang kapanganakang muli ay sa TUBIG at sa ESPIRITU. Talatang 4
3. Ang kapanganakang muli ay tinatawag ding Bautismo, Born Again, New
Birth, o Conversion

BAUTISMO SA TUBIG
1. Kasama ng pagsisisi. Gawa 2:38
2. Si Jesus ay nagbigay ng halimbawa sa pagpapabautismo. Mateo 3:13-15
3. Pagpapahayag sa publiko na sa biyaya ng Diyos ay gusto mo nang talikuran
ang kasamaan at tinatanggap si Cristo bilang Tagapagligtas. Gawa 2:38
4. Pagtanggap bilang kaanib ng katawan ni Cristo—ang tunay na iglesya. 1
Corinto 12:13; Colosas 1:24
5. Hindi isang pagtatapos kundi isang pasimula sa pagsasakabuhayan ng
buhay ni Cristo. Galacia 3:27; Roma 6:4
6. Ang Bautismo ay simbolo ng pagkamatay, paglilibing, at muling pagkabuhay
ng isang tao na kasama ni Cristo.
A. Pagkamatay sa kasalanan. Roma 6:3, 6, 11
B. Paglilibing sa kasalanan. Talatang 4, 7
C. Pagkabuhay na muli sa panibagong buhay. talatang 4, 12
7. Ang tamang paraan ng pagbabautismo ay sa pamamagitan ng paglulubog,
hindi wisik o buhos. Ang salitang BAUTISMO ay galing sa salitang Griyego na
baptizo na ang ibig sabihin ay “ilubog” (“to emerge”).

BAUTISMO SA ESPIRITU
1. Ang kumpletong bautismo ay kapanganakang muli sa tubig at Espiritu. Juan
3:3
2. Si Cristo ay binautismuhan sa tubig at Espiritu. Marcos 1:1
3. Si Jesus din mismo ang nagbabautismo sa Espiritu Santo. Marcos 1:8
4. Ang Espiritu ang ahensya ng muling kapanganakan. Juan 3:6, 7; Galacia 5:27

ANG MULING KAPANGANAKAN


Paano mo malalaman kung ikaw nga ay nabautismuhan na sa Espiritu? Kung
ikaw ay ipinanganak nang muli? Kung ikaw nga ay hikayat? Kung ikaw ay nag-
uumpisa na sa proseso ng pagpapakabanal?
1. Mahirap ipaliwanag ngunit madaling mauunawaan sa karanasan. Juan 3:8
2. Nakikita sa pagbabago ng buhay. Mateo 18:3. Bagong motibo, panlasa,
kagustuhan, pag-iisip, hilig, gawain, pag-uugali.
3. Ang bunga ng Espiritu ay palinaw na palinaw na nahahayag sa buhay.
Galacia 5:22, 23. Ang Espiritu ay isang kaloob (gift). Gawa 2:38. Ang
kondisyon sa pagtanggap ng kaloob na Espiritu ay ang pagsusuko ng buhay
kay Cristo sa pamamagitan ng taimtim na panalanging may pagsisisi,
pagpapahayag ng mga kasalanan, at pagpapakumbaba.
4. Ang bagong kapanganakan ay sa pamamagitan ng pagtanggap kay Cristo. 2
Corinto 5:17

KONKLUSYON: Sa Gawa 8 ay may kasaysayan ng isang eunuko (eunuch) na pinag-


aaralan ang mga propesiya ni Isaias tungkol sa Mesiyas sakay ng kanyang
karwahe. Si Felipe ay inutusan ng Espiritu na ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa
propesiya. Isinalaysay niya ang tungkol sa mapagmahal na Anak ng Diyos na
bumaba sa lupa upang mamatay para sa ating mga kasalanan. Ang eunuko ay
sumampalataya at tinanggap si Jesus. At nang mapadaan sila sa isang ilog ay
nagtanong siya, “Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang upang ako
ay mabautismuhan?” Gawa 8:36.
APPEAL: Sumasampalataya ka ba na si Jesus ang makapaglilinis ng iyong mga
kasalanan? Tinatanggap mo ba Siya bilang personal mong Tagapagligtas? Nais mo
bang sundin ang Kanyang mga halimbawa? Anong nakakahadlang upang ika’y
mabautismuhan? Bakit hindi mo ipakita sa publiko ang iyong pagtanggap at
pagsampalataya kay Jesus sa pamamagitan ng pagtayo at paglapit dito sa
harapan. Nais ko po kayong ipanalangin.

You might also like