You are on page 1of 3

THE REAL BORN AGAIN

RAPTURE
 Kahit na basahin mo ang buong Bible, hindi mo makikita ang word na Rapture. Sa halip
ay makikita mo ang kahulugan nito sa 1 Thessalonians 4:17 “Then we which are alive
and remain shall be caught up together with them in the clouds, to meet the Lord in the
air: and so, shall we ever be with the Lord.”
 Sa kasamaang palad ay hindi lahat ng tao ay masasama sa Rapture. Ang ibabahagi ko
ngayon ay kung anon ga ba ang gagawin ng isang tao upang di maiwan sa rapture,
second coming of God o Day of Redemption.

What is Born Again?


 Sa John 3:1-8, makikita ang pag-uusap nila Jesus Christ at Nicodemus na isang mataas at
matalinong Judio. Sa verse 2 “The same came to Jesus by night, and said unto him,
Rabbi, we know that thou art a teacher come from God: for no man can do these
miracles that thou doest, except God be with him.” Sabi ni Nicodemus kay Jesus. Sabi
naman ni Jesus “3 Jesus answered and said unto him, Verily, verily, I say unto thee,
except a man be born again, he cannot see the kingdom of God.” Sa verse 3. Ngunit ang
pagkakaintindi ni Nicodemus ay literal na ipapanganak ulit, na ang isang tao ay papasok
ulit sa sinapupunan ng kanyang Ina. Ngunit sabi ni Jesus sa Verse 5 “Jesus answered,
Verily, verily, I say unto thee, except a man be born of water and of the Spirit, he cannot
enter into the kingdom of God.”
 Sa Verse 5 ay nireveal ng Panginoon na ang salvation ng isang tao ay ang pagiging Born
Again, ngunit sa dalawang aspeto. Born of Water and of the Spirit. Paano?

Acts 2:38
38 Then Peter said unto them, Repent, and be baptized every one of you in the
name of Jesus Christ for the remission of sins, and ye shall receive the gift of the
Holy Ghost.
 Sa verse na ito ay makikita natin, pero bago tayo magtungo sa Born of water ang spirit
ay makikita natin na Kailangan muna natin mag-sisi o mag- repent. Kailangan nating
talikuran ang ating mga kasalanan at magbago.
Baptism in Water (born in water)
 Ang Born again in water ay ang Pagbautismo sa tubig. Napakadali lang ngunit kailangan
na ang pagbautismo ay sa tamang paraan. Kailangang gamitin natin ang Pangalan ni
Jesus Christ. Dahil sa ang Pangalan lang ni Jesus Christ ang makakapaglinis ng ating mga
kasalanan (Acts 4:12). Kung bakit sa Matthew 28:19 “baptizing them in the name of the
Father, and of the Son, and of the Holy Ghost:” ay dahil iisa ang pangalang hinihingi
(name) at nareveal kung ano ang pangalan na ito sa Acts 2:38 “baptized every one of
you in the name of Jesus Christ for the remission of sins” kaya sa bautismo ay kailangang
Gamitin ang pangalan ng Panginoong Hesu Kristo.

Receiving of the Holy Ghost (born in spirit)


 Ito ay napaka-Importante dahil sabi sa Ephesians 4:30 “30 And grieve not the holy Spirit
of God, whereby ye are sealed unto the day of redemption.” Ang Holy Ghost or holy
spirit ng Panginoon ay ang tatak o selyo natin na tayo ay sakanya. Kung wala kang Holy
Ghost or Holy Spirit hindi ka makikilala ng Panginoon sa Day of Redemption or rapture.
Meaning hindi ka makakasama o maiiwan ka.
 Malalaman mo na nakareceive ka ng Holy
Ghost kapag nagsalita ka ng ibang
lengguwahe na di mo alam habang ikaw
ay nagpupuri. Impossible? Walang
Impossible sa Panginoon at maniwala ka
sa hindi nangyari na sa amin yun. Ang
example nito ay nasa whole chapter 2 ng
Acts. Sila Apostle Paul ay dumayo sa Judea
at doon ay nagpuri sila at nahiwagaan ang
mga tao sa Judea na habang nagpupuri
sila Apostle Paul ay Biglang winika ng mga
nagpupuri ang wika nila at napagkamalan
pa silang lasing. Kung sinasabi nila na ang
pagrereceive ng Holy Ghost ay galing sa
Demonyo, Matakot ka para sa taong
nagsabi non. Dahil ang kasalanang ito ay
hindi napapatawad ng Panginoon. Isa
itong uri ng Blasphemy, "All manner of sin
and blasphemy shall be forgiven unto
men; but the blasphemy against the Holy
Spirit shall not be forgiven unto men"
(Matthew 12:31).
Proverbs 14:12
“12 There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of
death.”

 Sad to say, hindi po lahat ng Born Again ay totoo. Hindi nila sinusunod ang original
way of Salvation. Minsan ay ang way na lang ng Kaligtasan ay ang pagtanggap sa
Panginoon bilang tagapagligtas. Pero Hindi po yun ganon, diba dapat pa ng ana ang
Diyos ang tumanggap sa atin. Example, pag mag-aaply po ba ng Trabaho ang mag-
apply po ba ang tatanggap sa Boss? Diba Dapat ang Boss ang tumanggap sa nag-
aapply. At kahit basahin pa ng Tao ang buong bible wala kang makikitang
acceptance. Believe na word meron pa. But in order to believe, you must have faith
at sabi sa James 2:20 “Faith without Work is Death”. Kailangan po nating
Pagtrabahuhan ang kaligtasan natin at ang gagawin po ay ang Acts 2:38 at dapat
mag-stay ka, In Matthew 24:13 Jesus says, “He that shall endure unto the end, the
same shall be saved” (KJV).

“Salvation is a Choice”
Nasa iyo parin ang desisyon kung susundin mo ito, dahil walang makapagligtas sa iyo
kundi ikaw lang din. Alam kong hindi aksidente nakaabot sayo ang mensaheng ito, may
nakita ang Panginoon sayo. Maybe matagal ka nang naglo-long ng presensiya niya at ng
salita niya. I hope na by this, maliwanagan ka at magbunga ito sa puso at buhay mo.
Maraming Salamat sa Oras na nilaan mo para dito.

You might also like