You are on page 1of 2

Jesus the Great Minister

Christian Education
Discipleship Curriculum

Aralin: Ang Bagong Kapanganakan

I. Layunin ng Aralin
a. Maunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng Bagong Kapanganakan.
b. Ano ang nagdadala ng sa Bagong Kapanganakan.
c. Ang pagpapala sa mga bagong kapanganakan

II. Ang Buod ng Aralin


Nang tayo ay ipinanganak ng ating ina, ang Diyos ay binigyan na tayo ng kasarian, kutis, taas at
timbang, pakikisalamuha sa kapwa, maging ang mga hilig at naisin. Ngunit kailangan pa rin nating
ipanganak na muli upang makamit natin ang espirituwal na buhay at pag-iisip na nagmumula kay
Hesus.

Sa mahabang panahon, ang tao ay naghahanap ng mga kasagutan sa problema ng sangkatauhan.


Nag-iisip sila ng mga paglilibangan, mga gawain upang masolusyonan ang mga suliranin pero
nakaligtaan nila na ang ugat ng mga problemang ito ay ang pagkahiwalay ng tao sa Diyos. Kapag tayo
ay nagkaroon ng tamang relasyon sa Diyos, masosolusyunan ang lahat ng mga suliranin kahit na hindi
na mag-isip ng kung anu-ano pang libangan. Ang kapanganakang muli ay isang hakbangin ng Diyos.
Ang pananampalataya ng tao ang siyang makikipagkaisa sa Banal na Espiritu, ito ay nagdudulot ng
bagong puso at espiritu.

III. Bakit nag lahat ay kailangang ipanganak na muli?


1. Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu Juan 3:6
Kung si Hesus ay nagsalita kay Zaceo (magnanakaw) o kay Maria Magdalena (makasalanan) o
kahit ang isang magnanakaw na nakapakong kasama niya sa krus ng maliban na ipanganak na
muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos. Ito ay madaling sabihin sa isang taong
makasalanan pero sinabi din niya ito kay Nicodemo na isang guro ng kasulatan, na nananalangin
ng dalawang oras sa isang araw, nag-aayuno ng dalawang beses sa isang linggo at panatiko sa mga
kautusan ni Moses.

Ang pagpupumilit ng isang tao na magbago ay hindi isang matibay na pamamaraan upang
magbago nga sila. Ang inaalok ng Diyos na Bagong Kapanganakan ay hindi lamang sa isip pati na
rin sa espiritu.

2. Ang nagdadala ng Bagong Kapanganakan?


a. Ang Salita ng Diyos
Niloob niyang tayoy maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang
matangi tayo at maging higit sa lahat ng kanyang mga nilalang. Santiago 1:18
Ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihan upang mabago at magbigay ng bagong buhay. Ito
ay my kapangyarihan upang magkaroon tayo ng totoong pagbabago sa ating buhay.

Makilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. Juan 8:32

Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay Juan 14:6

b. Ang Banal na Espiritu


Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay, hindi ito magagawa ng laman. Ang salitang sinasabi ko
sa inyo ay espiritu at buhay. Juan 6:63

Ang kapanganakang muli ay magaganap lamang sa pamamagitan ng pagtanggap sa Banal na


Espiritu. Para matanggap mo ito ay kailangang mamatay ka muna sa iyong mga kasalanan.
Ang Banal na Espiritu ay banal at naninirahan lamang sa mga taong tinubos ng dugo at
binago ni Hesus.

Binigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay
gagawin kong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking espiritu upang makalakad kayo ayon sa
aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos. Ezekiel 36:26-27

Ang bagong kapanganakan ay diretsong nagmumula sa Banal na Espiritu na sa pamamagitan


ng pananampalataya ay marami ang sumpampalataya.

3. Mga Pagpapala sa Bagong Kapanganakan


Ang espirituwal na tao lamang ang nakakakita ng kaharian ng Diyos. Ang kanyang mga mata ay
nabuksan, at kanyang nababatid ang mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong tao.

Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, hindi pa rin nasasagi sa isip ng tao. Ang
inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya. I Corinto 2:9
1. Ang espirituwal na mata ay nabuksan - Ang kasalanan ang bumubulag sa atin, pero ng
tinanggap natin si Hesus, itoy nabuksang muli.

2. Mula sa kadiliman patungo sa liwanag - Ang kasalanan ang nagdadala sa atin sa kadiliman
simula n tayoy ipinanganak na muli ay nabago na ang ating mga hakbang tungo sa liwanag.

3. Mula sa pamamahala ni Satanas patungo sa Diyos - Ang kasalanan ang umalipin sa atin at
naghari si Satanas sa buhay natin. Nang tayo ay tumanggap sa Diyos tayo ay lumaya na at
napailalim sa pamamahala ng Diyos.

4. Kapatawaran sa kasalanan - Alam ni Hesus na kaparusahan ang dapat sa taong nagkasala,


pero si Hesus ang nagbata ng lahat ng hirap para sa atin.

5. Mana kasama ng mga binanal - Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang anak kundi ibinigay
para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang anak, hindi ba niya
ipagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay Roma 8:32

IV. Ang Paglalapat sa Ating Buhay.


Ang lahat ng tao ay kailangang ipanganak na muli ano man siyang klaseng tao. Hindi natin kayang
baguhin ang sarili natin. Ang kapanganakang muli ay mula sa Diyos.

Ang kapanganakang muli ay makakamit sa pamamagitan ng pananampalataya. Kailangan nating


tanggapin ang kapahayagan ng pagiging bagong tao at namatay na ang dati nating pagkatao.

Katanungan:
1. Naranasan mo na ba ang bagong buhay?
2. Natanggap mo na ba ang bunga ng pagiging bagong nilalang?
3. Kung nakaya niyang ibigay ang kanyang anak, kaya kaya niyang ibigay ang lahat ng bagay?

You might also like