You are on page 1of 46

CHURCH OF CHRIST

ARALIN SA
PAGLAGONG
KRISTIANO

Inihanda ni:

Bro. NOEL O. DEOCAREZA


1
Mga Paksa:

ARALIN PAKSA PAHINA


Aralin 1 Ang Kristiano at 3–5
pagiging Bagong
Nilalang
Aralin 2 Ang Kristiano at ang 6–8
Espiritu Santo
Aralin 3 Ang Kristiano at ang 9 – 13
Pag-aaral ng Biblia
Aralin 4 Ang Kristiano at ang 14 – 16
Pananalangin
Aralin 5 Ang Kristiano at ang 17 – 19
Kalooban ng Dios
Aralin 6 Ang Kristiano at ang 20 – 22
Pagiging Masunurin
Aralin 7 Ang Kristiano at ang 23 – 25
Tukso
Aralin 8 Ang Kristiano at ang 26 – 29
Iglesia Lokal
Aralin 9 Ang Kristiano at ang 30 – 32
Banal na Hapunan
Aralin 10 Ang Kristiano at ang 33 – 37
Pagiging-Katiwala
Aralin 11 Ang Kristiano at ang 38 – 41
Pangangaral
Aralin 12 Ang Kristiano at ang 42 – 44
Pagbabalik ni Hesus

Paunawa:

[Ang mga araling ito ay gabay sa mga bagong Kristiano upang sila ay matulungang lumago sa
kanilang bagong pananampalayata. Upang maging epetibo ang pag-aaral ay kinakailangan na mayroong
Bibliang hawak ang nag-aaral upang kaniyang makita at mabasa ang mga tekstong pinag-aaralan.
Iminumungkahi din na sagutan ang mga katanungan na nasa huling bahagi ng bawat aralin. Ipinapayo din
sa pag-aaral na ito ay ugaliing magsaulo ng mga talatang iminumungkahi. Ugaliin na manalangin bago
magsimula sa pag-aaral. Pagpalain ka nawa ng Panginoon sa iyong pag-aaral.]

2
Aralin 1: Ang Kristiano at ang pagiging Bagong Nilalang
Ang ating pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ang siyang nagpabago sa
ating pamumuhay sa ngayon. Dahil dito ay dapat nating malaman ang tunay na pagbabago na
maaaring maganap sa atin bilang isang bagong nilalang at ang ating bagong kalalagayan sa harap
ng Dios.

“Ano ang Pagbabagong naganap sa akin ngayon bilang isang Kristiano?”

I. Tayo ay kabilang na sa bagong sangbahayan. Una ay dapat nating malaman na sa


sanlibutang ito ay mayroong dalawang malaking pamilya.

a. Ang pamilya ni Satanas (Juan 8:44. Basahin din ang Juan 8:38). Sa Mateo 25:41
ay ating makikita ang kaniyang magiging wakas.
b. Ang pamilya ng Dios (Juan 112-13). Dahil sa pag-ibig ng Dios ay itinuring Niya
tayong Kaniyang mga anak at ibinilang sa Kaniyang sangbahayan. Ito ay isang
ganap na pagbabago na nangyari sa atin!
i. Ang paglipat natin mula sa pamilya ni Satanas patungo sa pamilya ng Dios
ay sa pamamagitan ng muling kapanganakan (Juan 3:3).
ii. Ang muling kapanganakan ay nangangahulugan ng paghuhugas ng
kasalanan patungo sa bagong buhay. Paanong ang isang tao ay nagiging
bagong nilalang?
1. Ang tao ay dapat manampalataya. Ang pananampalataya ay
kailangan upang ang isang tao naman ay mabautismuhan (Marcos
16:16).
2. Ang pagsisisi naman ay pagkilala na tayo ay makasalanan at
nagnanais na mahugasan ang ating mga kasalanan at ito ay sa
panahon ng bautismo sa tubig (Gawa 2:37-38).
3. Sa ating pagbautismo, si Kristo ay ating ibinibihis (Gal. 3:27).
4. Dahil dito, tayo ay nagpapasimula sa ating bagong buhay na
kasama ni Kristo (2 Cor. 5:17).

II. Ang pangalawa na dapat nating malaman bilang bagong nilalang ay ito: Ang bawat
anak sa pamilya ng Dios ay hindi na dapat makihalubilo sa masasamang gawain ng
sanlibutan. Ang dahilan ay ito:

a. Tayo ay siya ng tirahan ng Espiritu Santo (1 Cor. 6:19). Dapat nating malaman
na ng tayo’y mabautismuhan ay nagpasimula namang manirahan sa atin ang
Espiritu ng Dios (Gawa 2:38).
b. Sinabi sa 2 Corinto 6:14-18, na hindi dapat magsama ang kaliwanagan at ang
kadiliman.
c. Ibinigay sa 2 Corinto 5:17-19 ang larawan ng isang bagong nilalang. (Basahin at
sagutin ang mga katanungan).
i. Ano ang nangyayari sa taong nakipag-isa kay Kristo (v. 17)?
ii. Ano ngayon ang turing ng Dios sa atin ng tanggapin natin si Kristo (v.
18)?
3
iii. Ngayong tayo ay nakay Kristo, ano ang ginawa ng Dios sa ating mga
kasalanan (v. 19)?
d. Bagama’t hindi natin agad mababago ang ating dating pag-uugali, gayon pa man
ay binigyan tayo ng Dios ng kaunawaan upang malaman ang katotohanan na
dapat nating isapamuhay (Tingnan ang Roma 12:1-2).

III. Ngayong tayo ay isa ng bagong nilalang, mayroon na tayong bagong ugnayan sa
ating Dios. Ito ang isa pang pagbabago na naganap sa atin!
a. Nalalaman mo bang ang Dios ngayon ay atin ng tunay na Ama? At tayo ay
Kaniyang mga tunay na anak? Noon ang turing sa atin ng Dios ay mga kaaway
(Santiago 4:4), ngunit dahil sa dugo ni Kristo, ang galit ng Dios ay napawi (Roma
5:9). At bilang Ama, ang Dios ang siyang may higit na karapatan sa ating mga
buhay ngayon hindi na ang ating sarili.
b. Bilang mga anak ng Dios, hindi na natin dapat pang tawagin ang sinumang
namamahalang espiritual na ating ama (basahin ang Mateo 23:9). Ito ay
nagpapatunay na ang Dios lamang ang dapat natin sambahin at paglingkuran ng
buong puso.
c. Narito ang napakagandang paglalarawan ng relasyon ng isang tunay na Ama sa
kaniyang mga anak:
i. Siya ay nagmamalasakit sa atin (1 Pedro 5:7).
ii. Siya ay nag-iingat sa atin (Mateo 18:14).
iii. Siya ay nagpapala sa ating mga pangangailangan sa buhay (Filipos 4:19).
iv. Siya ay nagtuturo sa atin (Juan 14:26).
v. Siya ay nagbibigay ng kalakasan sa atin (Filipos 4:13).
vi. Siya ang ngayon ay nagtutuwid sa ating mga kamalian (Hebreo 12:5-11).
vii. Siya ang dumirinig sa ating mga kahilingan (Mateo 7:11).
d. Mga bagay na dapat gawin upang tumibay sa ating pananampalataya:
i. Patuloy na ihandog ang buhay sa Dios (Roma 12:1).
ii. Tayo ay pasakop sa Dios at hind tayo gagalawin ng masama (Santiago
4:7).
iii. Manalangin upang makita natin ang daan sa pag-iwas sa kasalanan (1
Corinto 10:13).
iv. Saliksikan ang Biblia araw-araw (Gawa 17:11)
v. Mag-ingat tayo sa ating pamumuhay (1 Juan 5:18).

KARAGDAGANG PAG-AARAL

Ilan pang bagay na dapat nating maunawaan.

a. Ang isa bang Kristiano ay makakagawa pa rin ng kamalian?


i. Tulad ng isang sanggol, ang Kristiano na bago pa lamang sa
pananampalataya ay mahina, at wala pang malalim na kaunawaan sa
Biblia, kaya’t ang pag-iingat ay nararapat sa kaniya.
1. Bilang isang bagong nilalang, tayo ay pinapayuhang nasain ang
Salita ng Dios tulad ng gatas sa isang sanggol (1 Pedro 2:2).
2. At tayo’y magpatuloy sa pag-aaral upang tayo ay lumago at
tumibay sa ating paglilingkod kay Kristo.
b. Ano ang dapat kong gawin kung ako’y nakagawa ng kamalian sa harap ng Dios?
ii. Huwag ng ipagpatuloy ang masamang gawain.
4
iii. Ipahayag mo ang kamaliang nagawa sa ating Dios at tanggapin ang
Kaniyang pangako (1 Juan 1:9).

Ikaw ay isa ng bagong nilalang ngunit dapat mong tandaan na sa iyong pagbabago ang Dios ang
siyang tumutulong sa iyo sa pamamagitan ng Kaniyang Banal na Espiritu na ibinigay sa atin
nuong tayo ay nabautismuhan. Ngunit paano kumikilos sa ating buhay ang Espiritu Santo? Ito
ang ating magiging paksa sa susunod nating aralin sa bagong Kristiano.

PAGSASANAY: [ARALIN 1]

A. Ibigay ang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Anong mga pagbabago ang nangyayari sa isang bagong Nilalang (Kristiano)?

2. Paanong magiging matibay sa kaniyang pananampalataya ang isang bagong


Kristiano?

3. Anong dalawang malaking pamilya ang narito sa mundo? Ibigay din ang mga
talataang nauukol dito.

B. Alamin kung saang talataan matatagpuan ang mga sumusunod na katotohanan.

1. Tayo ay Templo ng Espiritu Santo -____________________________

2. Ang Dios ay nagmamalasakit sa atin - ___________________________

3. Sa bautismo, ating ibinibihis si Kristo - __________________________

4. Hindi maaaring magsama ang kadiliman at ang kaliwanagan -


_________________________________________________________

5. Tayo ay itinutuwid ng Dios sa ating mga kamalian - ________________

(Narito ang mga talataang katatagpuan ng mga hinihingi sa gawing itaas: Gal. 3:27; Heb 12:5-6;
1 Cor. 6:19; 2 Cor. 6:14; 1 Pedro 5:7)

C. Ipaliwanag ang sagot sa katanungang ito: Ang mga Kristiano ba ay maaari pang
makagawa ng kamalian? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5
SASAULUHING TALATA:
Juan 1:12-13

Aralin 2: Ang Kristiano at ang Espiritu Santo


Sa ating pagtanggap kay Kristo sa pamamagitang ng bautismo (Gal. 3:27), ang Espiritu Santo ay
nagpapasimula namang manirahan sa atin. Kaya ang Kristiano ay tinatawag na ‘Templo ng
Espiritu Santo’ (1 Cor. 6:19).
Bagaman ang Espiritu ay naninirahan na sa mga Kristiano ay marami pa rin ang hindi
nakakaunawa ng Kaniyang gawain sa mga mananampalataya. Ito ang layunin ng ating pag-
aaral, na malaman ang gawain ng Espiritu Santo sa ating buhay.

“Ano ang tulong na ginagawa ng Espiritu Santo sa akin bilang anak ng Dios?”

I. Ang Espiritu Santo ay gumagawa sa ating kaligtasan. Tingnan natin ang sinasabi sa
Banal na Kasulatan tungkol dito.

a. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay buhay.


i. Siya ay kasama sa paglalang ng sanlibutan (Gen. 1:2; Job 33:4).
ii. Tayo rin naman ay naging bagong nilalang sa pamamagitan ng Espiritu
Santo (Juan 3:3-8).
b. Ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo ng ating kaligtasan (1 Juan 4:13; Roma
8:16).
c. Tayo ay iniingatan Niya ngayon hanggang sa araw ng pagkatubos (Efeso 1:13, 14,
4:30).
d. Siya ay nagtuturo sa atin (Juan 14:26; 16:13-15).
e. Siya ay umaaliw sa ating buhay (Juan 14:15-18; 2 Cor. 1:3,4).
i. Isa sa tawag sa Espiritu ay ‘Mangaaliw.”
ii. Sa wikang Griego ito ay “paracletos” – na nangangahulugan na “isa na
nasa ating tabi.”
iii. Ang Espiritu ay laging nasa tabi natin upang alalayan tayo sa ating
pamumuhay.
f. Siya ay namamagitan sa ating pananalangin (Roma 8:26-27; Efeso 2:18).
g. Siya ay nagbibigay sa atin ng kalakasan (Efeso 3:16).

II. Ang Espiritu Santo ay naninirahan sa atin. Paano ko malalaman na nasa akin ang
Espiritu Santo?

a. Sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi sa pakiramdam o ‘emotion.’ Ang


wika sa atin ng Banal na Kasulatan ay ating tatanggapin ang Banal na Espiritu sa
oras na tayo ay mabautismuhan (Gawa 2:38). Nararapat nating sampalatayanan
ang katotohanang ito.

6
b. Isa pang patunay na nasa atin ang Espiritu Santo ay ang paglago ng bunga ng
Espiritu sa ating pamumuhay. Ang bunga ng Espiritu ay matatagpuan sa Galacia
5:22-23:
i. Pag-ibig (Love)
ii. Katuwaan (Joy)
iii. Kapayapaan (Peace)
iv. Pagpapahinuhod (Longsuffering)
v. Kagandahang-loob (Gentleness, Kindness)
vi. Kabutihan (Goodness)
vii. Pagtatapat (Faithfulness)
viii. Kaamuan (Meekness)
ix. Pagpipigil (Temperance)
III. Ang mga Kristiano ay patuloy na pinupuspos ng Espiritu Santo.

a. Hindi ito ang tinatawag na Bautismo sa Espiritu.


i. Dalawang beses lamang nangyari sa aklat ng mga Gawa ang bautismo sa
Espiritu Santo:
1. Sa mga Apostol (Gawa 2:1-4).
2. Sa sambahayan ni Cornelio (Gawa 10).
ii. Ang ‘mapuspos ng Espiritu’ ay patuloy na nangyayari sa mga Kristiano.

b. Ano ang ibig sabihin ng ‘mapuspos ng Espiritu?’


i. Basahin ang Efeso 5:18 at pag-aralan ang paghahambing na ginawa ni
Apostol Pablo:
1. Ang isa ay kontrolado ng bisa ng alak.
2. At ang isa ay nasasakop ng Espiritu.
ii. Ang salitang ‘puspos’ ay nangangahulugan na ‘puno o hawak ang buong
pagkato ng isang higit na makapangyarihan’ sa kaniya.
iii. Dito ay ating mauunawaan na ang puspos ng Espiritu ay yaong
napasasakop sa buong kalooban ng Dios. Dapat nating tularan ang buhay
ni Apostol Pablo sa Galacia 2:20 ng kaniyang sabihin na “…hindi na ako
ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin…”
iv. Panatilihin nating nagniningas ang Espiritu Santo sa ating mga buhay
upang ating lubos na masunod ang kalooban ng Dios (1 Tesalonica 5:19).

c. Paano nating mapapantili ang ningas ng Espiritu sa ating buhay?


i. Ipaghambing ang Efeso 5:18-19 at Colosas 3:16. Makikita nating ang
Salita ni Kristo ay nananahan sa mga taong sumusunod sa Kaniyang
kalooban. Ang mga Kristiano ay nararapat na puno ng Kaniyang mga
salita upang patuloy na mapuspos ng Espiritu Santo.
ii. Sa mga Gawa 4:31 ay makikita natin kung bakit sila napuspos ng Espiritu
—ito ay sa pamamagitan ng kanilang mataimtim na pananalangin.
iii. Hayaan nating si Kristo ay manahan sa ating buhay. Sapagkat kung saan
naninirahan si Kristo ay duon naman nananahan ang Espiritu Santo.
iv. Patuloy na lumakad sa gabay ng Espiritu Santo (Gal. 5:16). Ang
‘paglakad’ ay ang pang-araw-araw nating pamumuhay na kasama si
Kristo. Ang paglago ay hindi biglaan, ito ay natatamo natin sa ating
patuloy na paglilingkod sa Dios.

7
Tandaan natin na ang Espiritu ay naninirahan na sa atin. At Siya’y maaaring malungkot o
mapighati kung makikita Niyang ang Kaniyang tirahan (ang ating katawan) ay gumagawa pa rin
ng kasamaan. Hayaan nating ang Espiritu na ang siyang magturo sa atin ng nararapat nating
isapamuhay. Ngunit paano tayong tinuturuan ng Espiritu Santo? Ito ay sa pamamagitan ng
Salita ng Dios – ang Biblia. Habang binabasa natin ang Biblia, Siya’y patuloy na gumagawa sa
atin at nagtuturo sa atin upang tayo ay lumago sa ating pananampalataya.

Sa susunod na aralin ay ating aalamin ang kahalagahan ng Biblia sa ating buhay bilang
bagong Kristiano.

PAGSASANAY: [ARALIN 2]

A. Sagutin kung Tama O Mali ang mga sumusunod na pangungusap:

_____1. Isa sa tawag sa Espiritu Santo ay Mangaaliw.

_____2. Malalaman nating nasa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng


pakiramdam.

_____3. Si Apostol Pedro ang nagsabi nito: “… Hindi na ako ang nabubuhay, kundi si
Cristo ang nabubuhay sa akin:…”

_____4. Ang Espiritu Santo ay natatanggap sa oras na ang isang tao ay mabautismuhan.

_____5. Ang Bautismo sa Espiritu at ang mapuspos ng Espiritu ay pareho lamang.

B. Ibigay ang hinihinging kasagutan ayon sa katanungan:

1. Magbigay ng 3 bunga ng Espiritu Santo ayon sa Gal. 5:22-23.


a.
b.
c.

2. Magbigay ng 4 na gawain ng Espiritu Santo na tumutukoy sa ating kaligtasan.


a.
b.
c.
d.

3. Paano nating malalaman na nasa atin ang Espiritu Santo? Magbigay ng 2 kaparaanan.
a.

b.

8
4. Kanino lamang nangyari ang Bautismo sa Espiritu Santo na natala sa Aklat ng mga
Gawa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SASAULUHING TALATA:
1 CORINTO 6:19
GALACIA 5:22-23

Aralin 3: Ang Kristiano at ang Pag-aaral ng Biblia


Ang kaibahan ng Kristiano sa ibang relihiyon ay ang hawak nitong katibayan mula sa Dios – ang
Biblia. Ang Biblia ay mahalaga sa paglago ng isang Kristiano. Ang basehan ng pamumuhay ng
Kristiano ay matatagpuan sa Banal na Kasulatan. Kaya dapat natin itong patuloy na pag-aralan,
maging sa grupo o sa sariling pag-aaral.
Ang layunin ng ating pag-aaral ay upang lalo nating maunawaan ang ilang mahahalagang
bagay tungkol sa Biblia at ang tamang paraan ng pag-aaral nito.

“Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Biblia sa akin bilang anak ng Dios?”

I. Ang pag-aaral ng Biblia ay mahalaga upang malaman ng tao ang daan ng kaligtasan.
a. Ang pananampalataya ay nagsisimula sa ating pakikinig ng Salita ng Dios (Roma
10:17).
b. At ang Salita ng Dios na natanim sa ating mga puso ay “. . . makapagliligtas ng
inyong mga kaluluwa.” (Santiago 1:21).
c. Tayo ay ipinanganak sa pamamagitan ng Salita ng Dios ( 1Pedro 1:23).
d. Ang Kasulatan ay nagtuturo sa atin sa kaligtasan at tungkol sa ating Panginoong
Hesus (Juan 5:39).

II. Ang Banal na Kasulatan ay tumutulong sa atin sa paglagong Kristiano.


a. Kung sa pamamagitan ng Biblia ay nalalaman natin ang katotohanan tungkol sa
kaligtasan, ang Biblia din ang siyang dapat nating maging gabay sa ating paglago
bilang Kristiano.
b. Tayo ay lumalago sa Salita ng Dios. Ang Salita ng Dios ang ating pagkain upang
tayo ay lumago sa pananampalataya. Ito ang naging pagkain ni Propeta Jeremias
(Jer. 15:16). Narito ang ilang pagtutulad ng Salita ng Dios sa pagkain:
i. Gatas (1 Pedro 2:2).
ii. Pulot (Awit 119:103).
iii. Tinapay (Lucas 4:4).
iv. Matigas na pagkain (Heb. 5:13-14).

III. Ang pag-aaral ng Banal na Kasulatan ay tumutulong sa atin upang makapaglingkod


ng lubos.
9
a. Tayo ay nagiging handa sa gawain. Ang Biblia ay tumutulong sa ating
pagsasanay upang ihanda tayo sa paglilingkod (2 Tim. 3:16, 17; Efeso 6:10-18).
b. Ang Salita ng Dios ay naglilinis sa ating buhay upang maging kalugod-lugod sa
harap ng Dios (Awit 119:9-11; Juan 15:3).
c. Ang mga banal ay inihahanda sa gawaing paglilingkod upang ang katawan, ang
Iglesia, ay tumibay (Efeso 2:11-13).

IV. Mga bagay na dapat nating makita sa pag-aaral ng Biblia.


a. Katotohanan na dapat paniwalaan.
b. Utos na dapat sundin.
c. Pangako na ating matatamo.
d. Babala (warnings) na dapat iwasan.

KARAGDAGANG PAG-AARAL:

I. Pasimula sa pag-aaral ng Biblia.

a. Ilang mahahalagang bagay tungkol sa Biblia


i. Ang Biblia ay mula sa salitang Griego na ‘biblos’ na ang kahulugan ay
‘aklat.’
ii. Ito ay naglalaman ng 66 na mga aklat.
1. 39 na aklat sa Matandang (o Lumang)Tipan.
2. 27 na aklat sa Bagong Tipan.
iii. Ito ay isinulat ng halos apat napung (40) tao na kinasihan ng Dios.
iv. Walang kamalian sa kaniyang sarili, maging sa kasaysayan, hula at iba pa.
v. Walang halong kathang isip o kalooban ng sinumang tao.

b. Dapat tandaan sa pag-aaral ng Biblia.


i. Ang Espiritu Santo ang siyang mangunguna at magtuturo sa atin. Ang
Dios ay maaaring gumamit ng iba’t-ibang kaparaan, ngunit ang Espiritu
Santo ang naglalahad ng katotohanan (Juan 14:24; 16:13-15).
ii. Huwag umasa sa ating sariling kaalaman. Hayaang ang Biblia ang
magpaliwanag sa kaniyang sarili (1 Cor. 2:9-16).

c. Paano kung hindi ko maunawaan ang Biblia?

i. Huwag manghina. Ito ay ipahahayag din sa iyo ng Dios sa tamang


panahon, kung ikaw ay handa na (Juan 16:12).
ii. Manalangin sa Dios (Santiago 1:5).
iii. Ngunit kung ito ay maunawaan mo, dapat itong tuparin at ibahagi sa hindi
pa nakakaalam nito.

II. Pag-aaral ng Biblia

a. Ang layunin sa pag-aaral ng Biblia.

10
Ang magandang pasimula ng pag-aaral ng Biblia ay ang unang
pangungusap nito: “Nang pasimula ay nilikha ng Dios…” Ang mga tao ay
humuhula lamang at nagkukunwaring may kasagutan sa pasimula ng mga bagay,
ngunit ang Biblia ay gumamit lamang ng simpleng pangungusap sa bagay na ito.
Tunay na ang Dios ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Ang layunin ng pagtuturo
ng Biblia sa ibang tao ay upang makilala din nila ang Dios. Kung ang nalalaman
lamang natin ay ang laman ng Biblia at hindi ang may akda nito – ang Dios, ay
masasabi nating bigo tayo, at bigo din ang Biblia sa kaniyang talagang layunin.

b. Saan ako magsisimula sa pag-aaral?

i. Bilang bagong Kristiano, magandang magsimula sa Bagong Tipan. Ito ay


naglalahad ng buhay ni Kristo, kung paano Siya tatanggapin, at kung
paano mamuhay bilang isang Kristiano.

1. Ang apat ng Ebanghelyo (Mateo, Marcos, Lucas, Juan). Ang mga


aklat na ito ay nagsasaad ng buhay ni Kristo – ang Kaniyang
kapanganakan, pangangaral, kamatayan at pagkabuhay na maguli.
2. Aklat ng Kasayasayan (Mga Gawa). Ito ay nagsasaad kung paano
maging isang Kristiano. Inilalahad din nito ang kasaysayan ng
unang Iglesia.
3. Ang Mga Sulat (Epistle). Mga aklat ng Biblia mula sa Aklat ng
Roma hanggang sa aklat ng Judas. Mababasa naman natin dito ang
tamang katuruan sa pamumuhay Kristiano.
4. Ang Aklat ng Hula (Apocalipsis/Pahayag). Ito ay nagpapatunay
ng pagtatagumpay ng mga anak ng Dios laban sa kasamaan.

c. Gabay na dapat sundin sa pag-aaral.

i. Unang gabay:
Alin mang talata sa Banal na Kasulatan na nais pag-aralan ay dapat
isa-isip ang tuntuning ito:
 Alamin kung sino ang nagsasalita;
 Sino ang pinagsasalitaan;
 Sa anong kapanahunan sinabi;
 At, anong layunin ng kaniyang pagkakasabi.

Dapat nating isa-isip na bagama’t ang Biblia ay Salita ng Dios, ito


ay naglalaman ng mga pangungusap ng iba’t-ibang mga tauhan sa mga
kasaysayang nasulat dito, maliban sa pangungusap ng Dios, ni Kristo, ng
Espiritu Santo at ng mga taong kinasihan ng Dios.
Ganuon din ang Salita ng Dios ay nasulat sa iba’t-ibang
kapanahunan: panahon ng Patriarka, panahon ni Moses at panahon ng
Kristiano, ayon sa pagpapahayag ng Dios.
Ang Banal na Kasulatan ay naglalaman din ng mga kautusang para
lamang sa isang panahon at kalalagayan o kaya ay para lamang sa isang
grupo ng mga tao. Ang kautusang ibinigay sa mga Kristiano ay iba sa
mga taong hindi pa nagiging Kristiano.

11
Narito ang ilang halimbawa:
1. “Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na anak ng Dios? . . .”
(Mateo 8:29). Ito ay pangungusap na nanggaling sa demonio.
Hindi natin ito dapat gayahin.
2. “. . . ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.”
(Apoc. 22:17). Ito ay isinulat ni Apostol Juan, ngunit ang salitang
ito ay sinabi ng Espiritu na nangungusap sa lahat ng tao.
3. “. . . magsisigawa kami ng tatlong tabernakulo” (Marcos 9:5). Ito
ay pangungusap ni Pedro na nagbigay ng maling mungkahi kay
Kristo, ngunit itinuwid naman agad ng Dios.
4. “. . . at ilapit mo sa iyo si Aarong iyong kapatid at ang kaniyang
mga anak na kasama niya, mula sa gitna ng mga anak ni Israel,
upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote” (Exodo
28:1). Ito ay pananalita mismo ng Dios, ngunit ito ay sinabi
lamang sa isang tao (Moses) at para lamang sa isang kapanahon
(panahon ni Moses/kautusan). Hindi ito iniutos sa mga Kristiano.

ii. Pangalawang gabay sa pag-aaral ng Biblia.

Ang kasulatan ay dapat ipaliwanag sa liwanag ng isang talata. Dapat


nating malaman ang kabuuan ng isang talata, ang mga talatang nauuna at
sumusunod sa talatang pinag-aaralan (context). Halimbawa: Sa Bagong
Tipan ay may iba’t-ibang kasagutan sa tanong na “ano ang dapat gawin
upang maligtas.” May sinasabing dapat manampalataya, mayroon namang
nagsasabing dapat magsisi, at sa iba naman ay dapat magpabautismo.
Gayun man, kapag ito ay binigyan ng malinaw na pasasaliksik ay
malalamang kailangan lahat ang mga ito. Kaya lamang sinabi ang isa ay
maaaring ang pinagsasabihang tao ay mayroon ng pananampalataya o kaya
naman ay nakapagsisi na.

Ang Biblia ay ibinigay sa atin ng Dios upang ipabatid sa atin ang


Kaniyang kalooban ng sa gayon ay atin itong masunod. Sa ating pag-aaral
ng Kaniyang mga Salita ang Dios ay nakikipag-usap sa atin. Ngunit paano
tayong makikipag-usap sa Kaniya? Ito ay sa ating pananalangin. Ito ang
ating magiging paksa sa susunod na aralin.

PAGSASANAY: [ARALIN 3]

A. Mga katanungan tungkol sa Biblia:

1. Saan nagmula ang salitang Biblia?_______________________________________


2. Ilan ang aklat na matatagpuan sa Lumang Tipan?_________________________
3. Ilan ang aklat na matatagpuan sa Bagong Tipan?__________________________
4. Ilang aklat mayroon ang Luma at Bagong Tipan?_________________________
12
5. Ilan lahat ang sumulat ng aklat ng Biblia?________________________________
6. Ilan lahat ang aklat ng Ebanghelyo na naglalaman ng buhay ni Hesus? Sinu-sino ang
sumulat nito?____________________________________________________

B. Ibigay ang mga bagay na dapat makikita sa pag-aaral ng Biblia. Punan ang mga patlang
upang mabuo ang pangungusap:

1. Katotohanan na dapat ___________________.


2. Utos na dapat _________________________.
3. Pangako na ating _______________________.
4. Babala (warning) na dapat ________________.

C. Ibigay ang mga talataan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Anong talataan ang nagsasabi na ang pananampalataya ay nagsisimula sa pakikinig ng


Salita ng Dios?

2. Anong talataan ang nagsasabi na ang Salita ng Dios ay natanim sa ating puso?

3. Saang talataan masusupungan na ang Salita ng Dios ay tulad sa matigas na pagkain?

4. Saang talataan matatagpuan na ang mga banal ay inihahanda sa paglilingkod upang


ang
katawan – ang Iglesia ay tumibay?

5. Anong talataan ang nagtuturo sa atin na saliksikin ang Banal na Kasulatan upang
masumpungan natin ang kaligtasan at ang tungkol kay Kristo?

D. Ano ang dapat gawin kung hindi pa maunawaan ang Biblia?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

13
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SASAULUHING TALATA:

JUAN 5:39

Sauluhin ang mga Aklat ng Bagong Tipan (27 na Aklat)

Aralin 4: Ang Kristiano at ang Panalangin


Ang panalangin ay isang pakikipag-usap sa Dios. Sa Banal na Kasulatan ay nadidinig natin ang
Kaniyang tinig, sa panalangin naman ay dinirinig ng Dios ay ating daing at pagsamo. Ang ating
relasyon sa Dios ay hindi lalago kung walang tamang pakikipag-ugnayan sa Kaniya.
Ang layunin ng ating pag-aaral ay upang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa
buhay pananalangin nang sa gayon ay magkaroon tayo ng tamang pakikipag-ugnayan sa ating
Ama sa langit.

“Gaano kahalaga ang panalangin sa aking buhay bilang anak ng Dios?”

I. Tayo ay may nakakamtan sa patuloy na pananalangin. Una ay atin munang alamin


kung ano ang layunin ng panalangin. Bakit kinakailangang gawin ito ng mga
Kristiano? Dapat nating tandaan na ang panalangin ay hindi isang paraan upang
baguhin ang kalooban ng Dios, kundi isang paraan upang tayo ay mabago at masunod
ang Kaniyang kalooban. Narito ang ilang nagagawa sa atin ng pananalangin.
a. Ang pananalangin ay nagdudulot ng kapayapaan sa ating puso at pag-iisip
(Filipos 4:6-7).
b. Ang patuloy na pananalangin ay naglalapit sa atin sa Dios (Mateo 7:7; Santiago
1:5).
c. Sa pananalangin ay nadadala natin sa Dios ang ating mga pasanin (Filipos 4:6-7;
1 Pedro 5:7).
d. Tayo ay nagkakaroon ng lakas na labanan ang tukso kung tayo ay laging
mananalangin (Mateo 6:13; 26:41; 2 Tesalonica 3:1-3).

II. Ilang maaaring maging hadlang sa ating pananalangin. Bagama’t ang panalangin ay
isang pakikipag-usap sa Dios ito ay maaaring mahadlangan. Ito ay dapat nating
malaman upang ang ating mga pananalangin ay maging patuloy at kalugod-lugod sa
Dios. (Tingnan ang diagram sa gawing ibaba at ang mga nagiging hadlang sa ating
pananalangin sa may gawing kanan ng diagram).

14
DIOS
1. WALANG PANANAMPALATAYA
2. MASAMANG LAYUNIN
HADLANG 3. HINDI HUMIHINGI
==================
4. KASALANAN
5. HINDI AYON SA KALOOBAN
NG DIOS.

PANALANGIN

TAO

Nasa itaas ang Dios na ating dinadalanginan at ang tao ay sa ibaba. Ang panalangin ng tao sa
Dios ay nahahadlangan ng mga sumusunod:

1. Kawalan ng pananampalataya (Santiago 1:5-8).


2. Nang masamang layunin sa paghingi (Santiago 4:5).
3. Dahil hindi tayo humihingi (Mateo 21:22).
4. Nang ating kasalananghindi naaalis sa ating puso (Awit 66:18).
5. At ng paghingi na hindi ayon sa Kaniyang kalooban (1 Juan 5:14-15).

III. ILANG KATANUNGAN TUNGKOL SA PANANALANGIN.

a. Paano tayo dapat manalangin? Bagama’t sinabi sa Roma 8:26, 27 na tayo ay


hindi marunong manalangin ng nararapat, ay may mga gabay sa Banal na
Kasulatan na dapat nating sundin:
i. Laging manalangin (1 Tesalonica 5:17; Lucas 18:1).
ii. May isa lamang tagapamagitan na dapat tawagan – si Kristo (1 Timoteo
2:5; Efeso 2:18).
iii. Huwag maging paulit-ulit sa pananalangin (Mateo 6:7).
iv. Gumamit ng iba’t-ibang sangkap sa pananalangin:
1. Pagluwalhati at pagsamba (Daniel 9:3-4).
2. Pagpapahayag (1 Juan 1:9).
3. Pagpapasalamat (Colosas 3:17).
4. Kahilingan para sa ibang tao (1 Timoteo 2:1-3).
5. Personal na kahilingan (Filipos 4:6).
v. Maging mapagpatuloy sa pananalangin (Lucas 11:5; 18:1; Roma 1:9).
b. Ano ang tamang posisyon sa pananalangin? Sa Banal na Kasulatan ang taong
nananalangin ay maaaring:
i. Nakatayo (Gen. 24:12-14) v. Nakayuko (Exodo 34:8)
ii. Nakataas ang kamay (1 Tim. 2:8) vi. Nakadapa (Mateo 26:39)
iii. Nakaupo (Hukom 20:26)
iv. Nakaluhod (Marcos 1:40)

15
c. Kailan tayo dapat manalangin? Sa lahat ng oras at pagkakataon. Maaari tayong
manalangin ng:
i. Tatlong beses (Daniel 6:10)
ii. Sa gabi ( 1 Hari 18:36)
iii. Bago kumain (Mateo 14:19)
iv. Pagkatapos kumain (Deut. 8:10)
v. Sa pagtulog (Awit 4:4)
vi. Sa hatinggabi (Gawa 16:25)
vii. Sa araw at gabi (Lucas 2:37; 18:7)
viii. Habang bata pa (Jer. 3:4)
ix. Kapag matanda na (Daniel 9:2-19)
x. Sa oras ng kababagan (2 Hari 19:3, 4)
xi. Araw-araw (Awit 86:3)
xii. Palagi (Lucas 18;1; 1 Tesalonica 5:17)
d. Tandaan na sa pananalangin ang Dios ay hindi tumitingin sa anyo, lugar, oras, o
maging sa haba man ng ating pananalangin, kundi ang Kaniyang tinitingnan ay
ang puso ng taong sa Kaniya ay tumatawag.

Pagtatapos:
Ang Kristianong nananalangin ay lumalago sa pananampalataya at karunungan. At
habang ang Kristiano ay lumalago, ang kalooban ng Dios ay kaniyang naliliwanagan. Dahil dito
ay lalo tayong nalalapit sa ating Panginoon.
Sa ating susunod na aralin ay ating pag-aaralan ang tungkol sa kalooban ng Dios. Nawa
ay patuloy tayong mag-aral ng Kaniyang mga Banal na Salita at tumawag lagi na sa kaniyang
dakilang Pangalan.

PAGSASANAY: [ARALIN 4]

A. Magbigay ng 4 na halimbawa ng iba’t-ibang posisyon sa pananalangin na matatagpuan


sa Banal na Kasulatan.

1.
2.
3.
4.

B. Anu-ano ang mga sangkap sa pananalangin na maaari nating gamitin? Ibigay ang 5
sangkap na ating napag-aralan.

1.
2.
3.
16
4.
5.

C. Ang pananalangin tulad ng pakikipag-usap ay maaaring mahadlangan. Ibigay ang 5


bagay na maaaring makahadlang sa ating pananalangin.

1.
2.
3.
4.
5.

Sasauluhing mga Talata:

1 Tesalonica 5:17

Mateo 6:7
Aralin 5: Ang Kristiano at ang Kalooban ng Dios
Ang Kristiano ay hindi dapat mangamba sa kaniyang pamumuhay sapagkat siya ay binigyan ng
Dios ng gabay upang alamin ang Kaniyang Banal na kalooban. Hindi na tayo isang bulag, wala
na tayo sa kadiliman. Tayo ay inilipat na ng Dios sa isang kaliwanagan upang ating malaman at
masunod ang Kaniyang kalooban sa atin. Ito ang pagtatagumpay – na masunod ang Kaniyang
layunin sa atin.
Ang ating pag-aaral ay naglalayon na maunawaan ang kalooban ng Dios sa atin upang
tayo ay makapamuhay ng naaayon sa Kaniyang paningin.

“Paano ko malalaman ang kalooban ng Dios?”

I. Ang plano ng Dios sa tao.


Basahin ang Jeremias 29:11 at Roma 12:2. Ang mga talatang ito ay naglalarawan
ng Kaniyang plano sa atin. Hindi sa kasamaan kundi sa ating ikabubuti. Ating alamin
ang mga katangian ng Kaniyang plano:
a. Ito ay isang magandang plano.
b. Ito ay makabubuti sa atin sapagkat ito ay mula sa nakakaalam ng lahat ng bagay –
ang Dios.
c. Ito ay walang kapintasan, walang kakulangan, sapat sa ating buhay, hindi lamang
ngayon kundi sa darating pang panahon.

II. Ang Dios ay may pangako sa mga nagnanais na malaman ang Kaniyang kalooban.
a. Ipinangako Niyang bibigyan ng gabay at tulong ang sinumang susunod sa Kaniya
(Awit 24:9, 10; Isaias 30:20-21).
b. Ipinangako Niyang bibigyan ng sapat na karunungan ang sinumang magnanais na
sumunod sa Kaniya (Col. 1:9; Santiago 1:5).
17
c. Ipinangako Niyang Siya ay sasa atin kung tayo ay gaganap ng Kaniyang kalooban
(Filipos 2:13).
d. Ipinangako Niyang bibigyan ng babala ang sinumang malilihis sa Kaniyang
kalooban. Ang babalang ito ay ang kapayapaan ni Kristo.

Kung sakaling mawala ang kapayapaan sa ating buhay, dapat na nating itigil ang
ating ginagawang kamalian at tayo ay lumapit sa kaniya. Sa Colosas 3:15 ay ganito ang
sinasabi: “. . . maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Kristo. . .” ang salitang
‘maghari’ (rule) ay mula sa salitang Griego na tumutukoy sa hatol ng isang hukom sa
isang paligsahan. Kung ang isang manlalaro ay magkamali agad siyang tinatawagan
upang pigilin siya sa kaniyang kamalian at ituwid sa kaniyang paglalaro. Ganuon din
naman tayo, kung tayo ay naliligaw ng landas nawawalan tayo ng kapayapaan. Ito ay
isang panawagan sa atin upang magbago at ituwid ang ating pamumuhay.

III. Hakbang sa pag-alam sa kalooban ng Dios. Narito ang ilang bagay na maaari nating
gawin upang malaman ang kalooban ng Dios.
a. Ibigay ang sarili sa Panginoon bilang isang handog (Roma 12:1).
Napakahalagang malaman na bilang isang Kristiano ay hindi na tayo ang siyang
dapat masunod kundi si Kristo na. Tularan natin si Pablo sa pagsasabing, “Hindi
na ako ang nabubuhay, kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin.” (Gal. 2:20).
b. Pag-aralan ang Salita ng Dios (Josue 1:8; Awit 119:105). Lahat ng nais ipaalam
ng Dios sa atin ay nakahayag ng malinaw sa Banal na Kasulatan. Ating hingin
ang tulong ng Banal na Espiritu habang ating binabasa at pinag-aaralan ang
Kaniyang Salita.
c. Maging masunurin sa kaniyang mga utos (1 Juan 3:22). May dalawang dahilan
kung bakit natin dapat sundin ang kaniyang mga utos: Una, ito ay patunay na
ating nalalaman ang Kaniyang kalooban at, pangalawa, upang patuloy na maging
malinaw ang Kaniyang kalooban sa atin. (Ating bibigyang pansin ang pagiging
masunurin sa ating susunod na aralin). Sa ngayon ay sapat nang malaman natin
na mahalaga ang pagsunod upang malaman ang kalooban ng Dios.
d. Alamin ang magagandang karanasan (spiritual experiences) ng ibang mga
Kristiano. Tingnan ang Kawikaan 11:14. Ang payo ng marurunong ang isa sa
makapagpapatibay sa atin. Bagama’t hindi sila ang dapat nating tingnan kundi si
Kristo, gayun paman ay napakahalagang malaman ang payo mula sa kanilang
espirituwal na karanasan. Maaaring makita natin sa kanilang buhay ang kalooban
ng Dios na dapat nating tularan. Tulad ni Apostol Pablo, ating tularan ang
kaniyang pagsunod sa Dios (1Corinto 11:1).
e. Patuloy sa pananalangin (Mateo 7:7-8; Filipos 4:6-7; Santiago 1:5). Sa
pananalangin, ang ating pag-iisip ay nababago at nagiging malinaw ang mga
bagay na hindi natin maunawaan. At habang lumalago ang ating buhay
pananalangin, tayo ay lalong nalalapit sa Panginoong Dios.

HAKBANG SA PAG –ALAM


SA KALOOBAN NG DIYOS

Patuloy sa
Pananalangin
(Mat. ng
7:7,8; Fil. 18
Payo iba na
4:6, 7;Sant.1:5)
Sumasamplataya
(Prov. 11: 14)
Bilang isang bagong nilalang ay ating sikaping mamuhay ng naaayon sa kalooban ng Panginoon.
Maraming mga bagay sa mundong ito ang maaaring makapaglayo sa atin sa Dios ngunit kung
tayo ay mananatili sa pagsunod sa kalooban ng Dios ay hindi tayo maliligaw sa landas na ating
nilalakaran.
PAGSASANAY: [ARALIN 5]

A. Magbigay ng 3 katangian ng plano ng Dios sa ating buhay.

1.
2.
3.

B. Ano ang pangako ng Dios sa mga nagnanais na sumunod sa Kaniyang kalooban?


Magbigay ng 4 na pangako na ating napag-aralan.

1.
2.
3.
4.

C. Ibigay ang mga hakbang na maaaring makatulong sa atin upang malaman ang kalooban
ng Dios.

19
1.

2.

3.

4.

5.

D. Sa mga hakbang sa pag-alam sa kalooban ng Dios, alin sa mga ito ang hindi mo pa
naisasagawa? Bakit?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------

SASAULUHING TALATAAN:
Jeremias 29:11
Roma 12:1-2

Aralin 6: Ang Kristiano at ang Pagiging-Masunurin


Ang pagsunod ay isang susi sa pagtatagumpay. Sa 1 Juan 2:3 at 4 ay ipinahahayag na ang
pagsunod ay tanda ng ating tunay na kaligtasan sapagkat ating nakikilala ang tunay na
Tagapagligtas ng ating buhay.
Ang layunin ng ating pag-aaral ay matutunan ang mga katotohan tungkol sa pagsunod
ngunit bago natin pag-aralan ang paksang ito ay itanong muna natin sa ating mga sarili ang
katanungang ito; “Ako ba ay nakagaganap sa mga ipinaguutos sa akin ng Dios?”

“Paano ko maisasakatuparan ang utos ng Dios?”

I. Una ay atin munang alamin kung ano ang ibig sabihin ng ‘pagiging masunurin.’
Kung isasalin natin sa sariling wika ang pahayag ni Ginoong Webster ay ganito
ang kaniyang pakahulugan sa ‘pagkamasunurin’: “Pagpapasakop sa kalooban ng iba.”
Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay tumitingin sa isang may mataas na
kalalagayang higit sa inuutusan. Bilang isang Kristiano, ang Dios ang siyang itinuturing
nating higit na mataas at makapangyarihan. Atin namang alamin ang mga maling
kaisipan tungkol sa pagiging masunurin:

20
a. Pagsunod sa sariling pamantayan (standard). Ang pagsunod sa Dios ay hindi sa
ating sariling kalooban kundi sa Kaniyang kalooban. Huwag nating pasunurin
ang Dios sa atin, kundi tayo ang siyang sumusnod sa Kaniya. Huwag nating
pangunahan ang Kaniyang kalooban sa atin.

b. Pagiging relihiyoso o panatiko. Ang ating pagsunod sa Dios ay ayon sa


katotohanang ipinaalam sa atin sa pamamagitan ng pag-aaral ng Banal na
Kasulatan. Hindi sa pagiging relihiyoso o pagiging panatiko, na ang inaasahan ay
ang kanilang lider o kaya naman ay ang kanilang kinagisanang paniniwala na
hindi nasasalig sa Salita ng Dios.

II. Bakit kinakailangan nating maging masunurin?

a. Sapagkat ipinakita ng Dios ang Kaniyang tunay na pag-ibig sa atin. Dahil dito
Siya ay nararapat sundin at ibigin. Sa ating buay bilang tao ay hindi tayo
nahihirapang sundin ang isang taong tumutulong sa atin, ang Dios pa kaya na
nagbigay sa atin ng buhay. (Basahin ang 1 Juan 4:16; 5:2; Apoc. 4:11).

b. Ito ay iniutos ng Dios sa atin. Tingnan ang Deut. 10:12, 13; 1 Tim. 6:14; Santiago
1:22; at 1 Juan 5:2, 3.

III. Paano tayong magiging masunurin sa Dios?

a. Alamin ang Kaniyang mga utos. Mahirap sundin ang isang bagay na hindi natin
alam. Dapat nating pag-aralan ang Banal na Kasulatan upang ating malaman ang
kaniyang Banal na Kalooban (Awit 119:11, 105, 130; 2 Tim. 3:16, 17).

b. Humingi ng lakas sa Panginoon (Gawa 1:8; Gal. 2:20; Efeso 5:18; Filipos 4:13).

c. Magkaroon ng tamang pag-uugali. Ang pagsunod ay nangangailangan ng tamang


pag-uugali upang maging patuloy ang ating paglilingkod. Narito ang ilan na
dapat nating ugaliin sa pagsunod:

i. Maging masaya sa paglilingkod sa Dios (awit 40:8).

ii. Maging maingat sa pamumuhay (Deut. 26:16; 1 Juan 5:18).

iii. Maging tapat sa pananampalataya (Lucas 8:15; 1 Cor. 4:2).

d. Paglabanan ang tuksong dumarating sa atin. Ang pagkakasala ay dumarating sa


atin kung tayo ay napadadaig ng tukso. Ngunit kung tayo ay mananalig sa Dios
ay magkakaroon ng pagtatagumpay ang ating buhay laban sa tukso (1 Cor. 10:13).

Sa ating susunod na aralin ay ating tatalakayin ang paksa tungkol sa ang ‘Kristiano at ang tukso.’
Narito ang ilang katanungan na ating tatalakayin.

21
 Bakit ang Kristiano ay natutukso?
 Ano ang pinagmumulan ng tukso?
 Paano ko ito mapagtatagumpayan?

Nawa ay patuloy nating pag-aralan ang Salita ng Dios upang tayo ay makasunod sa Kaniyang
mga
utos at nang sa ganuon tayo ay lumago at tumibay sa ating pananampalataya.

PAGSASANAY: [ARALIN 6] Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa paksang


iyong pinag-aaralan.

1. Ano ang kahulugan ng pagiging masunurin?


_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Ibigay ang dalawang maling kaisipan tungkol sa pagsunod:

a. ____________________________________________________________

b. ____________________________________________________________

3. Sa pagsunod ay nararapat na tayo ay magkaroon ng tamang pag-uugali. Magbigay ng


tatlong magagandang pag-uugali na dapat makita sa atin:

a. ____________________________________________________________

b. ____________________________________________________________

c. ____________________________________________________________

4. Sa iyong sariling pagpapaliwanag, bakit kinakailangan nating maging masunurin sa


Dios?________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

22
SASAULUHING TALATA:

1 Juan 2:3, 4

Aralin 7: Ang Kristiano at ang Tukso


Bilang bagong nilalang, dapat nating maunawaan kung paano haharapin ang tukso upang tayo ay
maging matagumpay sa ating pamumuhay bilang Kristiano. Ang tukso ay isang pag-akit sa
buong katauhan upang gumawa ng kasalanan. At kung ito ay hindi mahahadlangan ay
magbubunga ng kamatayan.
Ang ating pag-aaral ay naglalayon na maunawaan ang pinagmumulan ng tukso at kung
paano ito mapagtatagumpayan.

“Paano ko mapagtatagumpayan ang tukso sa aking buhay?”

I. Alamin ang pinagmumulan ng tukso. Ating tingnan ang sinsabi ng Biblia tungkol sa
pinagmumulan ng tukso.

a. Si Satanas – mula sa unang aklat ng Biblia hanggang sa kahuli-hulihang bahagi


nito ay makikita natin na si Satanas ay aktibo sa pagbibigay ng tukso sa mga tao
23
upang sila ay mailigaw ng landas. Bilang mga anak ng Dios dapat nating
malaman ang iba’t-ibang estratehiya ni Satanas upang huwag tayong mailigaw sa
katotohanan. (Basahin ang Gen. 3:1-5; 1 Pedro 5:8; Apoc. 20:1-3; 2 Cor. 11:14;
2:11).
b. Makalamang (fleshly) hangarin – Ito ay mula sa ating dating pagkatao ng hindi pa
natin tinatanggap si Kristo. Ang lumang pagkataong ito ay nakikipaglaban sa
atin, upang balikan ang dati nating masasamang gawain (Roma 8:5-13; Gal. 5:16-
26).
c. Ang Sanlibutan – Ito ay isa sa pinagmumulan ng tukso. Pinipilit ng sanlibutan na
bulagin ang isip ng mga tao sa pagiging materyalismo, nang sa ganoon ay huwag
nating hanapin ang ukol sa espiritu. Ilan sa tukso ng sanlibutan ay ito:
i. Karangyaan at katanyagan.
ii. Kasiyahan ng pagiging malaya sa lahat ng bagay, maging sa kasamaan.
iii. Kapangyarihan (power, authority) upang sundin ng tao.

Bilang mga Kristiano ay dapat nating maunawaan na ito ay hiwalay sa kalooban


ng Dios. Gaya ng sinasabi sa Juan 16:33; Roma 12:2; 1 Timoteo 6:10; 1 Juan 2:15.

II. Alamin ang mga maaaring makatulong sa ating pamumuhay Kristiano. Narito ang
mga hakbang upang mapagtagumpayan ang tukso.

a. Maging handa. Dapat nating panghawakang matibay ang ating


pananampalataya. Kaya maraming Kristiano ang nahuhulog sa tukso ay dahil
iniisip nilang kaya nila ito o kaya naman ay hindi sila madadala nito. Kaya ang
Kristiano ay dapat manatiling handa sa anumang maaaring dumating sa kaniyang
buhay, hindi lamang ang kahirapan, kabiguan, o kalungkutan kundi maging ang
tukso (1 Cor. 16:13; 1 Pedro 5:8; Apoc. 3:2).

b. Maging puspos ng Espiritu Santo. Hindi natin kayang talunin ang tukso ng ating
sarili lamang. Mapagtatagumpayan natin ang tukso sa pamamagitan ng tulong
ng Espiritu Santo. Dahil dito, dapat tayong pasakop sa kapangyarihan ng Espiritu
upang ang tukso ay hindi manaig labang sa atin (Gawa 1:8; Efeso 5:18; Filipos
4:13).

c. Alamin natin ang itinuturo ng Banal na Kasulatan tungkol dito. Ang Banal na
Kasulatan ay naglalaman ng mga katotohanan at gabay kung paano maiisawan
at mapagtatagumpayan ang tukso. Ang Awit 119:11, ay nagsasaad ng
kahalagahan ng Salita ng Dios sa atin upang hauwag tayong magkasala. Ayon
kay Apostol Pablo ay ipagkakaloob ng Dios ay daan upang makaiwas tayo sa
tukso (1 Cor. 10:13). Kaya dapat tayong laging manalagin upang huwag tayong
pumasok sa tukso.

d. Ipanalangin ang iyong pagtatagumpay. Ang panalangin ay mahalagang


sangkap sa pagtatagumpay at paglagong Kristiano. Hindi natin dapat kalimutan
ito. (Basahin ang Mateo 26:41 at Marcos 14:38).

III. Alamin ang magandang bunga ng ating pagtatagumpay. Narito ang bunga ng ating
pagtatagumpay laban sa tukso at pagsubok.

24
a. Higit na maraming kaluluwa ang mahihikayat dahil sa magandang halimbawa na
ating isinasapamuhay (Gawa 4:13).
b. Magiging matibay ang ating pananampalataya. Ang bahay na subok sa panahon
ay isang matibay na bahay, gayundin naman ang ating pananampalataya (1
Pedro 1:6-7; Santiago 1:12).
c. Matatamo ang gantimpalang ipinangako sa mga magtatagumpay (Santiago 1:12).

Ang Kristiano ay may kalakasan upang mapaglabanan ang tukso. Ang Espiritu
Santo ang Siyang tumutulong sa atin upang maging matagumpay sa buhay na ito at
maging tapat na lingkod ni Kristo. Hayaan nating ang Espiritu Santo ang manguna sa
ating buhay at magturo sa atin ng mga bagay na dapat natin gawin.

PAGSASANAY: [ARALIN 7] Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa paksang


iyong pinag-aralan.

A. Punan ang mga patlang upang mabuo ang pangungusap:

1. Ang tukso ay isang _________ sa buong katauhan upang gumawa ng ________.

2. Mapagtatagumpayan natin ang tukso sa pamamagitan ng tulong ng _____________.

3. Ang ________________ ay naglalaman ng mga katotohanan at gabay kung paano


maiisawan at mapagtatagumpayan ang __________.

4. Ang _______________ ay mahalagang sangkap sa pagtatagumpay at paglagong


Kristiano.

5. Ang bahay na subok sa panahon ay isang ___________ na bahay.

B. Ibigay ang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang 3 bagay na pinagmumulan ng tukso.

a.
b.

c.

2. Ano ang mga hakbang na maaari nating gawin upang magtagumpay sa tukso?

a.

b.

25
c.

d.

3. Ano ang maaaring maging resulta ng ating pagtatagumpay sa tukso?

a.

b.

c.

SASAULUHING TALATA:

1 Pedro 5:8; 1 Cor. 10:13

Aralin 8: Ang Kristiano at ang Iglesia Lokal


Ang Dios ay nagtayo ng tatlong malalaking institusyon: Ang pamilya, pamahalaang sibil, at ang
Iglesia. Dito sa Iglesia inihabilin ni Kristo ang pagpapatupad sa layunin ng Dios na akayin ang
naliligaw ng landas at papanumbalikin sa Kaniya. Ang layuning ito ng Dios, na siyang misyon
ng Iglesia, ay maisasakatuparang higit kung ating gagampanan ang ating bahagi sa Kaniyang
katawan—ang Iglesia.

“Ano ang kahalagahan ng aking pagdalo sa gawain ng Iglesia?”

26
I. Atin munang alamin ang kahulugan ng ‘Iglesia’.

a. Ito ay hindi isang gusali.


i. Tayo ay sumasamba sa Dios sa Espiritu at sa katotohanan (Jn. 4:24).
ii. Tayo ay Templo ng Dios (1 Cor. 6:19).
b. Hindi din ito isang denominasyon o sekta ng anumang relihiyon.
c. Ang Iglesia ay isang kalipunan o grupo ng mga mananampalataya na tinawag ng
Dios mula sa sanlibutan sa gawaing pagliligkod.
Mula sa salitang Griego na ‘ekklesia’, dalawang salitang pinagsama. Ang
‘ek’ – (sa labas), at ‘kaleo’ – (tinawag). Ang Iglesia ay nangangahulugang
“tinawag
buhat sa labas.”
i. Ang Iglesia ay siyang katawan ni Kristo dito sa lupa.
1. 1 Cor. 12:27 – katawan ni Kristo.
2. 1 Cor. 12:14-27 – iihalintulad sa katawan ng isang tao:
a. Iba’t-iba ang gawain (vv. 14-20)
b. Lahat ay gumagawa (v. 21)
c. Mahalaga ang bawat isa (v. 23,24).
d. Maraming sangkap (vv. 25-27).
ii. Ang salitang ‘Iglesia’ ay ginamit sa dalawang kahulugan:
1. Minsan ay ginagamit ito sa pangkalahatang gamit
(general/universal)
2. Minsan naman ay tumutukoy sa isang dako lamang na siyang
tinatawag na Iglesia lokal.

II. Ang mga mahalagang gawain ng Iglesia. Anu-ano ba ang mga gawain ng Iglesia?

a. Ang Iglesia ay may magandang layunin na dapat makita sa ngayon. Sa Gawa


2:41-47 ay makikita natin ang iba’t-ibang gawain ng Iglesia:
i. Pagtuturo ng salita ng Dios – v. 42
ii. Pagsasama-sama ng bawat mananampalataya – v. 42
iii. Pananalangin – v. 42
iv. Pagtupad sa ordinansa ng Iglesia:
1. Bautismo – v. 41
2. Banal na Hapunan – v. 42
v. Pangangaral – vv. 43, 46, 47
vi. Pagsamba sa Dios – v. 47

b. Ang isa pang gawain ng Iglesia na napakahalaga ay papagtibayin ang


pananampalataya ng bawa’t isa (Efeso 4:11-16).

III. Ang kahalagahan ng pagdalo sa mga gawain ng Iglesia?


Ang sabi ng isang manunulat sa wikang banyaga ay ganito: “The devil get same
people to murder, some to steal, some to drink, and some to just stay away from church.”
Hindi dapat magtagumpay si Satanas sa mga anak ng Dios. Ang hindi pagdalo ay
kagustuhan ng Diablo upang tayo ay mailayo sa ating Panginoon. Narito ang ilang
kadahilanan ng ating pagdalo:
27
a. Upang sundin ang tunay na Dios (Heb. 10:25).
b. Upang sambahin ang tunay na Dios (Juan 4:24).
c. Upang alalahanin ang ginawa ni Kristo (1 Coir. 11:23-25).
d. Upang makasama ang iba pang mga kapatid sa pananampalataya (Awit 133:1).
e. Upang magkaroon ng kalakasan sa pangaraw-araw na gawain (1 Cor. 11:23-30).

IV. Paano ako makapaglilingkod sa katawan ni Kristo?

a. Sa ating paglilingkod bilang Kristiano ay dapat tayong lumago at ito ay sa tatlong


hakbangin:
i. Mag-aral at tuparin ang Kaniyang mga utos (Mateo 11:28-30). Ang unang
dapat nating isipin ay pasakop sa Kaniyang kalooban.
ii. Gumanap sa iba’t-ibang tungkulin na ginaganap sa Iglesia lokal. Darating
ang panahon na sa ating paglago ay kinakailangan nating ipaglingkod ang
mga natutunan sa ating pag-aaral (Mateo 4:19; Santiago 1:22-25).
iii. Maging tagapanguna. Kung paanong tayo ay tinutulungan upang lumago,
ay kinakailangan din naman nating tulungan ang nagpapasimula sa
kanilang pananampalataya (2 Timoteo 2:2).

b. Ang tatlong hakbanging ito ay maihahalintulad natin sa ating pisikal na paglago:


i. Una, tayo ay naging isang bata. Tulad ng isang sanggol na
nangangailangan ng gabay, ang bagong Kristiano ay nangangailangan din
ng gabay. Isang gabay na ibinigay sa mga Kristiano ay ang Espiritu
Santo.
ii. Pagkatapos nating maranasan ang pagiging bata, tayo ay nagging isang
kabataan. Nikikisalamuha na tayo sa ating kapwa. Marunong na tayong
makipag-usap sa kanila ng may katalinuhan.
iii. At tayo ay nagiging matanda o may gulang. Dito ay nagkakaroon na tayo
ng sariling pamilya, nagkakaroon ng anak na siya naman nating tinuturuan
ngayon na lumakad, magsalita at maging malakas. Tayo naman ngayon
ang nagtuturo sa iba.

c. Kung ihahalintulad natin ito sa ating pananampalataya bilang Kristiano, tayo ay


naging mga bata, at tayo ay lumago sa pagkakilala sa ating Panginoon at tayo ay
nagkaroon ng bunga na siya nating dinadala sa paanan ng ating Panginoong
Hesus.

Karagdagang Pag-aaral:

I. Ang kahalagahan ng mga tagapanguna sa Iglesia. Ang Iglesia bilang kalipunan ng


mga tao ay may mga tagapangasiwang inilagay ang Dios (Efeso 4:11-12)

a. Pansamantalang tagapanguna (foundational)- Efeso 2:20


i. Apostol
ii. Propeta

b. Mga kahaliling tapagpanguna (functional).


i. Ukol sa pamamahala:
28
1. Pastor (Obispo, matanda)- Fil. 1:1; Gawa 20:28; 1 Ped. 5:1-4; 1
Tim. 3:1-7.
2. Diakono (Filipos 1:1; 1 Tim. 3:8-13).
ii. Ukol sa pagpapatibay o paglago:
1. Tagapagturo – Efeso 4:12
2. Mangangaral, Ebanghelista – Efeso 4:17; Roma 15:15-16; 4:7;
Col. 1:23.

c. Layunin ng mga tagapanguna (Efeso 4:11-12):


i. Pagtibayin ang mga kaanib.
ii. Turuang makapaglingkod.

Napakahalaga ng pagdalo sa Iglesia. Dito ay tinuturuan tayong matuto at lumago sa kaalaman at


pananampalataya. Hindi lamang ito kundi atin pang nakakasama sa pagpupuri ang ating mga
kapatid sa pananampalataya. Ito ay hindi natin madarama kung ating ilalayo ang sarili sa ating
mga kapatid sa pananampalataya.

PAGSASANAY: [ARALIN 8]

A. Ibigay ang mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang ibig sabihin ng ‘Iglesia’?


_________________________________________________________________

2. Sino ang dalawang mga unang tagapanguna ng Iglesia?.


a.
b.

3. Ano ang layunin ng tagapanguna? Ibigay ang dalawang layunin nito?

a.

b.

4. Ibigay ang dalawang ordinansa ng Iglesia.

a.
b.
5. Ano ang tatlong hakbangin upang ang isang Kristiano ay lumago?

a.
b.
c.
29
6. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit ang Kristiano ay dapat dumalo sa Iglesia.

a.
b.
c.

SASAULUHING TALATA:
1 CORINTO 12:27
EFESO 4:11-12

Aralin 9: Ang Kristiano at ang Banal na Hapunan


Ang puso ng pananambahan ng mga Kristiano ay ang Banal na Hapunan. Ito ay itinatag ni
Kristo bago Siya mamatay at ipinagtagubilin na isagawa ng mga Kristiano hanggang sa
Kaniyang muling pagbabalik.
30
Narito ang mga talataang may kaugnayan sa ating paksa: Mateo 26:26-30; 1 Cor. 10:16,
17; 11:23-32; Lucas 22:14-20; Gawa 2:42; 20:7; Marcos 14:22-25.
Ang ating pag-aaral ay naglalayon na malaman kung bakit ito dapat gawin ng mga
Kristiano at ang kahalagahan nito sa paglagong Kristiano.

“Ano ang kaugnayan ng Banal na Hapunan sa aking pananampalataya kay Kristo?”

I. Ito ay iniutos na dapat ganapin ng mga Kristiano.

a. Ganito ang wika sa Banal na Kasulatan “. . . gawin ninyo ito sa pag-alaala sa


akin.” (1 Corinto 11:24; Lk. 22:19).
b. Ano ang ipinapahayag sa atin ng Banal na Hapunan kaya dapat nating ganapin
ito?
i. Ito ay pagpapahayag sa kamatayan ni Kristo (1 Cor. 11:26). Itinuturing
natin na ang kamatayan ni Kristo ay tunay sa atin at tayo ay lubos na
naniniwala na dahil sa Kaniyang kamatayan tayo ay nagkaroon ng buhay.
ii. Ito ay isang pakikipagkaisa sa Kaniyang hirap at kamatayan (1 Cor.
10:16).
iii. Ito ay pagpapahayag ng bagong pakikipagtipan ni Kristo (Mateo 26:28;
Lk. 22:20).

II. Ito ay ginanap ng mga unang Kristiano.

a. Ang mga Kristiano ay nagtatakda ng tanging panahon ukol dito. Ang Kristiano
nuong unang panahon ay nagkakatipon tuwing unang araw ng sanlinggo na ang
layunin ay magputol-putol ng tinapay (Gawa 20:7). Ang iniwang halimbawa na
ito ng mga unang Kristiano ang siya nating ginagawa sa ngayon sa tuwing unang
araw ng sanlinggo.
b. Narito ang maaari nating gawin sa pagtanggap ng Banal na Hapunan.
i. May paghahanda. Sapagkat ang pagtanggap ng Banal na Hapunan ay
isang pag-alaala sa kamatayan ng ating Panginoong Hesus, dapat nating
gawin ito na may malinis na puso at pagiisip. Kaya sinabi ni apostol
Pablo ang ganito, “ … Siyasatin ang sarili bago tumanggap. . . “ 1 Cor.
11:28).
ii. May paggalang. Dapat itong gawin na may kaayusan at katahimikan.
Ang pag-iisip ay dapat nakatuon sa banal na gawaing ito. Narito ang ilang
bagay na maaari nating gawin habang tumatanggap ng saro at tinapay:
1. Manahimik at ihanda ang sarili.
2. Alisin o iwasan ang anumang maaaring makasagabal sa
pagtanggap tulad ng pakikipag-usap sa iba at ang pagtingin-tingin
sa paligid.
3. Magbasa ng Biblia habang hinahantay ang tagapag-dulot ng saro at
tinapay.
4. Manalangin pagkatapos tumanggap. Magpasalamat sa Dios dahil
kay Kristo na nagbigay ng buhay alang-alang sa atin.
c. Iba’t-ibang katawagan ng Banal na Hapunan sa Bagong Tipan:
i. Tinatawag itong Dulang ng Panginoon – 1 Cor. 10:21.
ii. Tinatawag nila itong Hapunan ng Panginoon - 1 Cor. 11:20).
iii. Tinatawag din itong pagpuputol-putol ng tinapay – Gawa 2:42; 20:7
31
III. Mga bagay na nakakamtan ng mga Kristiano sa Banal na gawaing katulad nito.

a. Bagong kalakasan. Sa tuwing ginaganap natin ito ay lalo tayong nalalapit sa


Panginoon. Patuloy tayong nakapaglilingkod sa Kaniya. At sapagkat nalalaman
natin na Siya ay buhay, masaya nating napaglalabanan ang mga pagsubok na
dumarating sa atin.

b. Malinis na pamumuhay. Sa tuwing gaganapin natin ang Banal na hapunan ay


nakikilala natin ang ating sarili na mahina at nangangailangan ng patuloy na
paggabay ng Espiritu Santo upang makaiwas sa anumang karumihan. At dahil
nasisiyasat natin ang ating mga sarili, nalalaman natin ang ating mga kakulangan
at agad natin itong inilalapit sa Panginoon nang sa ganuon ay maiharap natin ang
ating mga sarili na banal at kalugud-lugod sa harapan ng ating Panginoon. Ang
kalinisan ng buhay na ito ay nararapat nating panatilihin habang tayo ay
nabubuhay.

c. Katapangan sa pangangaral ng Ebanghelyo. Sa tuwing ginaganap natin ang


Banal na Hapunan ay naipapangaral natin ang mabuting balita tungkol kay Kristo
-- ang Kaniyang kamatayan, paglilibing at muling pagkabuhay sa mga patay.
Kaya nararapat nating gawin ang tagubilin na ito ng ating Panginoon hanggang sa
Kaniyang muling pagparito.

Huwag nating ipagwalang bahala ang napakahalagang gawaing ito ng mga Kristiano
tuwing unang araw ng Sanlinggo. Ngunit huwag nating isipin na ito lang ang dapat nating gawin
tuwing araw ng Linggo. Sa Gawa 2:42 ay makikita natin ang kahalagahan ng pag-aaral ng Salita
ng Dios na itinuro ng mga Apostol, ang pagsasama-sama ay makakatulong sa ating paglago at
ang pananalangin kasama ng buong Iglesia. Bilang bagong Kristiano ay napakahalaga na gawin
natin ang mga ito upang tayo ay patuloy na lumago sa ating pananampalataya.

PAGSASANAY: [ARALIN 9]

1. Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap: (gumamit ng bagong salin na Biblia).

a. “Gawin ninyo ito sa ________ sa akin” (1 Cor. 11:24).

b. “Siyasatin ang _________ bago tumanggap” (1 Cor. 11:28)

2. Magbigay ng tatlong katawagan sa Banal Hapunan sa Bagong Tipan.

a. _________________

b. _________________

c. _________________
32
3. Habang tayo ay tumatanggap ng saro at tinapay, ano ang mga bagay na dapat nating
gawin upang magkaroon ng kaayusan ang ating pagtanggap? Magbigay ng apat ayon sa
ating napag-aaralan:

a. ____________________

b. ____________________

c. ____________________

d. ____________________

4. Magbigay ng tatlong talataan o higit pa na nagsasabi tungkol sa Banal na Hapunan:

5. Kailan ginaganap ng mga unang Kristiano ang Banal na Hapunan? (Gawa 20:7)

6. Sa iyong sariling karanasan, ano ang mga bagay na nakahahadlang sa isang Kristiano
upang tumanggap ng Banal na Hapunan tuwing Linggo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SASAULUHING TALATA:

1 Corinto 15:3-4

33
Aralin 10: Ang Kristiano at ang Pagiging Katiwala
Ang pagiging katiwala ay napakahalagang malaman ng mga bagong Kristiano. Ito ay
nagpapahayag ng ating pagkilala sa Dios na Siyang nagmamay-ari ng lahat ng bagay, maging ng
ating tinatangkilik. Ang ating pag-aaral ay nahahati sa dalawang bahagi: ang kahulugan ng
pagiging katiwala at ang paraan ng pagbibigay.

“Ano ang aking tungkulin bilang katiwalang Kristiano?”

Unang Bahagi:

I. Una ay atin munang alamin ang kahulugan ng ‘Katiwala’ sa Banal na Kasulatan.

A. Ang kahulugan nito:


Sa Bagong Tipan ay may dalawang salitang ginagamit sa salitang ‘Katiwala.’ Ito
ay ang ‘epitropos’  na ang kahulugan ay "tagapamahala, tagapagpatupad, o katiwala."
Ito ang ginagamit sa tungkulin sa pamamahala sa bayan o sa bansa. Sa Bagong Tipan ay
ginamit ito bilang tagapagbantay sa isang bata o ‘guardian’ tulad ng kahulugan sa Galatia
4:1-2.
At isa pang salita ay ang ‘oikonomos.’ Nangangahulugan din ito na "katiwala,
tagapangasiwa o administrador." Ito ang madalas na ginagamit sa Bagong Tipan sa
salitang ‘katiwala’. Ngunit napakaraming kahulugan ng salitang ‘oikonomos’ sa Bagong
Tipan maliban sa salitang ‘katiwala’.
Ang isang katiwala ay yaong binigyan ng tungkulin na mamahala sa pag-aari ng
nakatataas sa kaniya. Dahil dito, ang katiwala ay karaniwang iniuugnay sa isang alipin.

B. Ang halimbawa nito sa Banal na Kasulatan.


Ang katiwala sa Banal na Kasulatan ay karaniwang ginagamit sa mga alipin.
Ngunit hindi lamang tumutukoy ang pagiging Katiwala sa mga gawaing-bahay.
Narito ang halimbawa ng katiwala at ng kaniyang gawain sa Banal na Kasulatan:
1. Ang nangangaral ng Salita at tagapagturo ay isang katiwala– 1 Cor. 9:17-18.
2. Ang Pangunguna sa Iglesia ay gawain ng isang katiwala – Tito 1:7
3. Ang mga mananampalataya na binigyan ng iba’t-ibang kaloob ay isang
katiwala – 1 Pedro 4:10

II. Ang tungkulin ng isang Katiwala. Dahil ang katiwala ay namamahala sa mga bagay na
hindi niya pag-aari ay nararapat na makita sa kaniya ang katangian ng isang katiwala.

A. Siya ay nararapat na gumaganap ng kaniyang tungkulin – Lk. 12:42-43.


B. Nararapat na ang isang katiwala ay maging tapat – 1 Cor. 4:2.
C. Maging tagapaglingkod ng kaniyang mga kaloob – 1 Pedro 4:10
D. Papurihan ang kaniyang Panginoon – 1 Pedro. 4:11

Ikalawang Bahagi:

I. Ang katiwala at ang pagbibigay.


34
Ang pag-bibigay ay isang paksa na lubos na tinutuligsa ng mga tao. Marahil ang
isang dahilan ay sa naririnig nila at nakikitang mga pangyayari sa ibang mangangaral at
denaminasyon nasisira dahil sa salapi. Maaari ding ang isang dahilan nito ay ang
kahirapan at pangangailangan ng tao kaya nila sinasansala ang katuruang ito. Ngunit
kung ating pag-aaralang mabuti ang paksang ito ay ating malalaman na ang Banal na
Kasulatan ay may mahalagang itinuturo tungkol sa pagbibigay.
Ang bahaging ito ay naglalayon na maituro ang ating responsibilidad tungkol sa
pagiging katiwala ng ating tinatangkilik at kung paano natin ito maisasakatuparan.

“Bakit kinakailangan kong magbigay bilang anak ng Dios?”

A. Sa pagbibigay ay mahalaga na matutunan muna nating ibigay ang ating sarili.

1. Tayo ay binili sa halaga, ng mahalagang dugo ni Hesus. Dahil dito


tayo ay naging Kaniyang pag-aari (1 Corinto 6:19-20).
2. Dapat nating ihandog ang ating sarili na isang haing buhay sa Dios
(Roma 12:1).
3. Dapat nating tularan ang ginawa ng mga taga Macedonia (2 Cor.
8:1-5).
i. Sila ay masaya sa kanilang pagbibigay.
ii. Sila ay nagbibigay ng higit sa kanilang kakayanan.
iii. Kanilang ibinigay muna ang sarili sa Panginoon.
4. Ang pagbibigay ayon sa Banal na Kasulatan ay dapat gampanan ng
mga anak ng Dios.

B. Ano ang dahilan upang ako ay magbigay ng aking tinatangkilik?

1. Ang pagbibigay ay nagpapatunay ng ating pag-ibig sa Dios (2 Cor. 8:8).

2. Ang pagbibigay ay tanda ng isang mabuting pag-uugali.


i. ito ay isang pagsunod sa halimbawang ginawa ng Dios at ni
Kristo. Ibinigay ng Dios si Kristo na Kaniyang bugtong na
Anak , at ibinigay naman ni Kristo ang Kaniyang sariling
buhay para sa atin.
ii. Ang pagbibigay ay pagkilala natin na ang Dios ang
pinagmumulan ng lahat ng ating tinatangkilik.

3. Ang pagbibigay ay isang paraan na itinuro ng Banal na Kasulatan upang


magtamo ng kasaganaan, hindi lamang dito sa lupa kundi sa darating na
buhay.
i. Sinabi sa 2 Corinto 9:6 na ang naghahasik ng marami ay mag-
aani ng marami.
ii. Ang pagbibigay ay tulad din ng paghahasik: Ang nagbibigay
ng sagana ay aani naman ng sagana.

4. Mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap (Gawa 20:35). Ang kaisipan ng


tao ay kabaligtaran ng sinasabi sa Banal na Kasulatan. Iniisip nila na ang
tumatanggap ang siyang mapalad dahil nakatanggap siya. Ngunit ang

35
katotohanan, hindi ang tumatanggap ang pinagpapala kundi ang nagbibigay.
Dahil ang Dios ay magbibigay naman ng kapalit sa nagbibigay.

C. Saan ko dapat dalhin ang aking kaloob?

1. Ang pangunahin mong responsibilidad ay sa lokal na Iglesia na iyong


pinaglilingkuran. Sa Bagong Tipan, ang pagbibigay ay may kaugnayan sa
gawain ng Iglesia lokal (Basahin ang 1 Cor. 16:1-2). Ang pagbibigay sa ibang
tao ay isang magandang gawain, gayun pa man ay hindi ito dapat ipalit sa
ating tungkulin sa Iglesia.

2. Narito ang isang paglalarawan ng ating pinag-aaralan.

DIOS

KAYAMANAN BUHAY
PAGPAPALA KALAKASAN

KATIWALA
TAO

EDUKASYON PANGANGARAL

MINISTERYO
PAGTULONG SA MGA
NANGANGAILANGAN
PAGSISIKAP CHURCH
PAGTULONG SA MGA
KRISTIANO
HHH MANGAGAWANG
KRISTIANO

Sa Ilustrasyon na ito ay makikita natin na ang lahat ng bagay ay mula sa Dios at ang tao ang
Kaniyang katiwala ng lahat ng ipinagkaloob sa kaniya ng Dios. Ang buhay , kalakasan, at iba pa
ay pawang buhat sa Dios. Bilang pagkilala at pagpapasalamat sa Dios na pinagmumulang ng
lahat ng bagay ay nagbibigay tayo sa Kaniya. Ngunit sa paanong paraan? Ito ay ating dinadala
sa Kaniyang Banal na Iglesia upang ang Iglesia ay makaganap sa lahat ng ipinaguutos sa kaniya
ng Dios.

3. Ang Iglesia ang dapat mabigyan ng kaluwalhatian at hindi ang sinumang tao,
upang sa pamamagitan ng Iglesia ay maluwalhati ang ating Panginoong
Hesus.

D. Saan napupunta ang aking kaloob? Sa ilustrasyon sa itaas ay makikita natin kung
saan dinadala ng Iglesia ang ating ibinibigay.
36
1. Ito ay naitutulong sa mga tagapaglingkod ng ebanghelyo ni Kristo (1 Cor.
9:13-14; Gal. 6:6; 1 Tim. 5:17, 18).
2. Sa iba’t-ibang ministeryo ng Iglesia (Filipos 4:15-16).
3. Sa mga tapat na Kristianong nangangailangan ng kalinga ng iglesia (Gawa
6:1; 1 Tim. 5:16, 9-10).
4. Sa iba’t-ibang pangangailangan ng Iglesia (2 Cor. 8:4; Gawa 11:27-30).
5. Ang nakikinabang sa ating mga kaloob ay walang iba kundi ang mga anak din
ng Dios – ito ang kalooban ng Dios.

E. Ano ang pamantayan natin sa halaga na ating ipinagkakaloob?


1. Ang bahagi ng tinatangkilik na sinasabing sa Panginoon o nauukol sa
Panginoon ay ang ika-sampung bahagi (Lev. 27;30), ito ang ikapu. Ang ikapu
ay ang ika-sampung bahagi ng ating tinatanggap o kinikita. Bagama’t ito ay
ika-sampung bahagi, ang mga Judio ay may iba’t-iba pang pagbibigay sa
kanilang mahahalagang okasyon (Deut. 12:5-7; 14:22,23,28-29). Sa
kalahatan, ang mga Judio ay nagbibigay ng may 25 hanggang 30 porsyento ng
kanilang tinatangkilik.
2. Ang ikapu ay siyang naging batayan ng mga Judio noong unang panahon. At
ang mga unang Kristiano ay masasabi rin nating naging batayan ito, sapagkat
maraming mga Judio ang naging Kristiano nuon. Ngunit may malaking
pagkakaiba ang pagbibigay ng Judio at ng mga Kristiano:
1. Una, Sapagkat ang Bagong Tipan ay higit na mataas ang
pamantayan kaysa Matandang tipan. Sa pamumuhay, sa mga utos,
maging sa pangako ay iba ang pamantayan sa Bagong Tipan. Dahil
dito ang pagbibigay ng Kristiano ay higit na mataas kaysa mga Judio
sa lumang Tipan.
2. Pangalawa, sinabi ni Kristo na dapat nating mahigitan ang
katuwrian ng mga Fariseo. Ang mga Fariseo ay nagiikapu din ngunit
mayroon silang napapabayaang gawin. Kung ang ating pagibigay ay
tulad lamang ng kanilang ginagawa ay wala tayong anumang kahigitan
sa kanila (Mateo 5:20; 23:23).
3. Ang ikapu ay tamang pasimula sa pagbibigay ngunit sa lumalagong Kristiano,
ang pagbibigay ay dapat makakitaan din ng paglago, ito ay higit pa sa ikapu.
Isang masaganang pagbibigay na may kagalakan sa ating puso.

PAGSASANAY: [ARALIN 10]


A. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

37
1. epitropos - __________________________________________________________

2. oikonomos - ________________________________________________________

3. Katiwala - __________________________________________________________

4. Ikapu - ____________________________________________________________

B. Magbigay ng tatlong katangian ng isang katiwala.

a.
b.
c.

C. Ano ang mga dahilan bakit dapat magbigay ang Kristiano. Magbigay ng dalawang dahilan
ayon sa ating pinag-aralan.

a.____________________________________________________________________

b. ___________________________________________________________________

D. Saan ginagamit ng Iglesia ang mga kaloob ng mga banal.


________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

E. Ayon sa iyong natutunan, bakit dapat higit sa ikapu ang ibinibigay ng mga Kristiano?
________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Sasauluhing Talata:

Mateo 5:20; 23:23

2 Corinto 9:6

38
1 Corinto 4:2

Aralin 11: Ang Kristiano at ang Pangangaral


Bago umakyat si Kristo sa langit ay ibinigay Niya ang dakilang komisyon sa mga Apostol na
sinasabi “… humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang mabuting balita”
(Marcos 16:15). Ang mga apostol ay naging masunurin sa utos na ito ng Panginoon at maraming
tao ang nakarinig ng Mabuting Balita. Kahit na sila ay pinag-uusig ay matapat nilang sinunod
ang dakilang tagubilin ng Panginoon, “at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang
salita”(Gawa 8:4). At dahil sa pangangaral ay nakarating sa atin sa panahong ito ang mabuting
balita. Ngunit hindi natin dapat isipin na tapos na ang tungkulin ng pangangaral, sapagkat
sinasabi sa Mateo 24:14 ang ganito: “At ipangangaral sa buong sanlibutan ang mabuting balita
tungkol sa paghahari ng Dios upang ito’y makilala ng lahat ng bansa. Saka darating ang wakas.”
Hangga’t hindi dumarating ang wakas ay kailangan nating tuparin ang utos ng ating Panginoon.
Ang ating pag-aaral ay naglalayong makatulong sa bagong Kristiano na malaman ang
ebangelio at kung bakit natin ito dapat ipangaral sa lahat. Atin ding aalamin ang simpleng
pamamaraan sa paghahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan.

“Bakit kinakailangan kong magbahagi ng Salita ng Dios?”

I. Atin munang alamin ang kahulugan ng Ebanghelyo at ang nilalaman nito:

a. Ang kahulugan:

i. Sa Roma 1:16 ay sinabi ni Apostol Pablo “. . . hindi ko ikinahihiya ang


ebangelio. . .” Ang ‘ebangelio’ ay siyang ipinanagral ni Apostol Pablo sa
mga taga-Corinto na kanila namang tinaggap (1 Cor. 15:1).

ii. Ang Ebangelio ay nangangahulugan na ‘Mabuting Balita’, ito ay


Mabuting Balita tungkol kay Kristo.

b. Ang nilalaman:

39
i. Sa 1 Corinto 15:3,4 ang ebangelio na ipinangaral ni Apostol Pablo ay ang
kamatayan, paglilibing, at ang pagkabuhay na maguli ni Kristo. Ito ay
ayon sa Kasulatan.

ii. At ito ay isang mabuting balita sa atin sapagkat ginawa ito ni Kristo alang-
alang sa ating kaligtasan. Kung walang ebangelio ay walang
maipangangaral at hindi magkakaroon ng kaligtasan ang tao.

II. Bakit natin dapat ipangaral ang Ebangelio?


Hindi magiging Mabuting Balita ang kaligtasan kung ito ay atin lamang itatago.
Sapagkat tayo rin ang siyang kawawa kung ito ay hindi natin maipapahayag sa iba. “. . .
sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang mabuting balita. . .” ang wika ni Apostol Pablo sa
1 Corinto 9:16. Narito ang ilan pang katotohanan na dapat nating malaman:

a. Ang pangangaral ng ebangelio ay pagsunod sa utos ni Kristo.

i. Tayo ay inutusan ni Kristo upang mangaral (Mateo 28:19-20).

ii. Kung ating iniibig si Kristo, susundin natin ang Kaniyang mga utos (Juan
14:15).

b. Ang pangangaral ng ebangelio ay tanda ng ating pag-ibig sa ating kapwa.

i. Alam nating ang lahat ay nagkasala (Roma 3:23).

ii. At ang wala kay Kristo ay walang magagawa sa kaniyang sarili (Juan
15:5).

iii. Kaya kailangan natin silang dalhin kay Kristo gaya ng halimbawang
ginawa ni Andres sa kaniyang kapatid (Juan 1:40-42).

c. Ang pangangaral ng ebangelio ay pagbibigay ng kaluwalhatian sa Dios.

i. Ang Kristiano bilang alagad ni Kristo ay dapat lumago. At isa sa tanda ng


kaniyang paglago ay ang bunga ng pangangaral. At dito ay
napaparangalan ang Dios at ating naipapakita natin na tayo ay Kaniyang
mga alagad (Juan 15:8).

d. Ang pangangaral ng ebangelio ay nagbibigay sa atin ng tunay na kagalakan.

i. Isang kagalakan sa atin na makita ang ating mahal sa buhay na nagbabago.


Ito rin ang dapat nating madama sa pangangaral, ang katuwaang madala
ang isang makasalanan sa harap ng Dios.

ii. Kung paanong ang mga anghel ay nagagalak sa isang taong nagsisi, ganun
din naman tayo ay dapat maging Masaya sa paglapit ng tao sa Panginoon.

40
iii. Ito rin ang kagalakan ni Apostol Pablo na makita ang mga Kristiano sa
Filipos at makapangaral ng mabuting Balita (Filipos 2:16).

III. Simpleng pamamaraan sa pangangaral. Narito ang ilang pamamaraan na maaari


nating magamit sa ating pagpapasimula sa pangangaral.

a. Magkaroon ng tamang pag-uugali.

i. Maging mapanalanginin.

ii. Maging mapalakaibigan sa kapwa-tao.


1. Ngunit bigyan ng limitasyon ang iyong pakikisama.
2. Lumapit sa tao ngunit huwag sa kaniyang masamang gawain.

iii. Maging natural at totoo sa pinangangaralan.


1. Huwag gumamit ng labis na pagpapatotoo.
2. Huwag maging sobrang matalino sa pinangangaralan.

iv. Maging mapagpasiyensa at matiisin sa anumang sitwasyon.

v. Gamitin ang ‘common sense’ sa pangangaral.

b. Hakbang sa pangangaral.

i. Pumunta kung saan naroon ang tao (Juan 4:6).

1. Lugar ng pagsamba. May mga taong sumasama sa pagsamba


ngunit hindi pa tumatanggap sa Panginoon.
2. Lugar ng gawain o pinagtatrabahuhan.
3. Lugar na tinitirhan.

ii. Magtakda ng oras sa pakikipag-usap.

1. Huwag sa oras na abala ang kausap.


2. Huwag maging mapilit sa oras ng usapan.
3. Bigyan ng limitasyon ang pakikipag-usap.

iii. Bigyan ng panahon ang pagpapakilala sa isa’t-isa. Gamitin ang dalawang


pormat sa ibaba:

H -- HOBBIES F -- FAMILY
E -- EXPERIENCE O -- OCCUPATION
L -- LOVE ONES R -- RECREATION
P -- PLAN OF M -- MISSION
SALVATION

iv. Gabayan ang tao sa tunay na paksa.

1. Huwag maging hukom sa kinakausap.


41
2. Huwag makipagtalo.
3. Igalang ang ‘opinion’ ng iyong kausap.

v. Tapusin ang paksa at muling magtakda ng oras kung kinakailangan.

1. Ang 30-minuto ay sapat sa pagbabahagi kung ikaw ay handa.


2. Hayaan ding magsalita ang kausap tungkol sa kaniyang nalalaman.
3. Maglaan ng mga tanong na madaling sagutin at hindi mapapahiya
ang kausap.
4. Kung may mga tanong, maging magalang sa iyong pagsagot.

vi. Magpaalam ng maayos pagkatapos manalangin.

Maaari tayong gumamit ng iba pang mga paraan ayon sa ating ikagiginhawa. Ngunit ang
mahalaga ay madala natin sa mga tao ang Mabuting Balita tungkol kay Hesus upang sila ay
manampalataya sa ating Panginoon at Tagapagligtas.

PAGSASANAY: [ARALIN 11]

1. Ano ang ibig sabihin ng ‘Ebanghelio’?________________________________


______________________________________________________________

2. Ibigay ang tatlong nilalaman ng Ebanghelyo ayon sa 1 Corinto 15:3,4?


a. _______________
b. _______________
c. _______________

3. Sa ating pag-aaral, ibigay ang apat na kadahilanan kung bakit tayo dapat mangaral ng
Salita ng Dios:
a. _______________________
b. _______________________
c. _______________________
d. _______________________

4. Upang tayo ay makapangaral, nararapat na tayo ay magkaroon ng tamang pag-uugali.


Magbigay ng 5 magagandang ugali na ating napag-aralan.
a. _______________________
b. _______________________
c. _______________________
d. _______________________

42
e. _______________________

5. Magbigay ng maikling pagpapahayag ng iyong karanasan sa pangangaral ng Salita ng


Dios.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

SASAULUHING TALATA: (Ang mga talataang ito ay magagamit sa iyong pangangaral)

Juan 3:16 – Tumutukoy ito sa pag-ibig ng Dios sa mga tao.

Roma 3:23 – Tumutukoy ito sa kasalanan ng tao.

Roma 6:23 – Tumutukoy ito sa mangyayari sa taong makasalanan at sa ginawa ni Kristo

Juan 14:6 – Tumutukoy ito kay Kristo na siyang tanging daan sa kaligtasan.

Aralin 12: Ang Kristiano at ang Muling Pagbabalik ni


Hesus
Ang pagbabalik ni Hesus dito sa mundo ay itinuturing na isang nakamamanghang pangyayari na
nagbibigay sa mga tao ng iba’t-ibang kaisipan. Pinaniniwalaan ng marami na ang pagdating ni
Hesus ay mangyayari sa malayong hinaharap. Dahil dito ay ay marami ang ipinagwawalang
bahala ito at iniisip to ay hindi mangyari sa panahong ito. Ngunit kung iisipin natin na anumang
panahon ay maaaring dumating si Hesus, tayo ay magiging handa lagi na sa Kaniyang
pagbabalik. Dapat nating tandaan na ang panahon natin ay huling panahon kaya ang pagdating
ni Hesus ay tiyak na mangyayari sa panahong ito – ang huling panahon.

Ang ating pag-aaral ay hindi lamang naglalayon na malaman ang katiyakan ng pagdating ni
Hesus, kundi upang malaman din kung ano dapat gawin ng mga Kristiano habang hinihintay ang
muling pagbabalik ni Hesus.

“Ano ang dapat kong gawin habang hinihintay ang pagbabalik ni Hesus?”

I. Dapat nating malaman ang katotohanan na itinuturo sa Banal na Kasulatan tungkol sa


pagbabalik ni Hesus.

A. Ang pagdating ni Hesus ay itinuro ng mga Apostol ni Kristo.


1. Tiniyak ni Apostol Pedro na muling babalik si Hesus (Gawa 3:19-21).
2. Si Apostol Pablo ay nagpatotoo tungkol dito (Tito 2:11-13).
3. Sinabi ito ni Apostol Juan (1 Juan 3:2).
B. Ang mga anghel ay nagsabi tungkol sa muling pagbabalik ni Hesus (Gawa 1:10-11).
C. Si Santiago, na kapatid ni Hesus, ay nagpahayag tungkol sa pagbabalik ni Hesus(Santiago
5:7-8).
43
D. Si Hesus mismo ay nangako na Siya ay babalik (Juan 14:2, 3; 21:22).

Ang katiyakan ng pagdating ni Hesus ay sinasabi sa Banal na Kasulatan ngunit ang panahon
ng pagdating ay walang nakakaalam maliban sa Ama (Mateo 24:36). Dahil dito ay dapat maging
maingat ang mga Kristiano dahil maraming bulaang guro ang lilitaw at magsasabi tungkol sa
Mesias upang iligaw ang marami (Mateo 24:23-26).

II. Dapat nating ikamangha ang kaluwalhatian ni Hesus sa Kaniyang pagbabalik. Ang panahon
ng pagbabalik ni Hesus ay hindi malalaman ng tao ngunit sa Kaniyang pagdating, Siya ay tunay
na makikita ng lahat ng tao (Mateo 24:27; Rev. 1:7). Hindi ito malilihim kundi isang
paghahayag ng Kaniyang tunay na kaluwalhatian. Tingnan natin ang kaluwalhatian ni Hesus sa
Kaniyang pagbabalik na isinasaad sa Banal na Kasulatan.

A. Tulad na Kaniyang pag-akyat sa langit, sa pagbabalik ni Hesus Siya ay nasa mga ulap
(Mateo 24:30; tingnan ang Gawa 1:9).
B. Sa Kaniyang pagbabalik ay kasama Niya ang kaniyang mga anghel (Mateo 16:27).
C. Siya ay nasa gitna ng naglalagablab na apoy (2 Tess. 1:8).
D. May sigaw ng arkanghel at tunog ng trumpeta (1 Tess. 4:16).
E. Ang pagbabalik ni Hesus ay bilang isang Hari na nakaluklok sa Kaniyang trono (Mateo
25:31).

III. Dapat nating ikagalak ang layunin ng pagbabalik ni Hesus.


Ang unang pagpunta ni Hesus dito sa lupa ay naglalayon na iligtas ang tao sa
pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili. Sa kaniyang muling pagbabalik ay may
mahalagang layunin na isinasaad sa Banal na Kasulatan. Narito ang ilan sa layunin ng
Kaniyang pagbabalik:

A. Sa pagdating ni Hesus ay ipakikita Niya ang Kaniyang kaluwalhatian at kapangyarihan


(Mateo 24:30).
1. Sa Kaniyang pagbabalik ay ipahahayag na Siya ang Panginoon (Fil 2:11).
2. Ipahahayag Niya sa lahat ang Kaniyang kaluwalhatian at kapangyarihan (2 Tess.
1:7)
3. Makikita ng tao na Siya ay buhay. Ito ay lubos na kaaliwan ng mga Kristiano na
makita na ang ating Panginoong Hesus ay buhay, ngunit kalungkutan sa mga
kaaway ni Kristo dahil alam nilang si Kristo ay magpaparusa sa kanilang
pagsalangsang.

B. Upang parangalan ang mga nagtapat sa kanilang pananampalatayang tinanggap


(1 Pedro 1:7), at parusahan ang mga hindi nagsisunod sa Mabuting Balita (2 Tess.
1:8)
1. Kaniyang titipunin ang lahat ng Kaniyang tagasunod, ang mga namatay at ang
mga naratnang buhay (Mateo 24:31; 2 Tess. 2:1; 1 Tess. 4:15-17).
2. At Kaniyang bubuhayin ang mga namatay kay Kristo (1 Cor. 15:22-23).
3. Sa Kaniyang pagdating ay Kaniyang lilipulin ang taong suwail (man of
lawlessness) (2 Tess. 2:8).

44
Ang pagpapakita ni Hesus sa Kaniyang pagbabalik ay siyang ating ‘mapalad na
pag-asa’ (Tito 2:13).

VI. Ngayong nalaman natin na si Hesus ay muling babalik, ano ang dapat nating gawin habang
hinihintay ang ating ‘mapalad na pag-asa’?

A. Habang hinihintay natin ang pagbabalik ni Hesus ay sikapin nating mamuhay ng malinis
at payapa (1 Juan 3:2, 3; 1 Tess. 3:13; 2 Pedro 3:14), at magpatawaran (Efeso 4:32).
B. Dahil hindi natin alam ang panahon ng pagbabalik ni Hesus, maging handa tayo lagi na
upang huwag tayong madaya ng sanlibutan (Marcos 13:32-37; Mateo 24:36-39; 42-44; 2
Pedro 3:11), at laging manalangin (Mateo 9:37, 38; Santiago 5:16; Rev. 22:20)
C. Maging matiyaga at matatag sa pananampalataya (Mateo 10:22; Santiago 5:7, 8; 1 Pedro
1:13).
D. Maging tapat at magpatuloy sa paglilingkod (1 Cor. 1:7; 15:58; 1 Pedro 4:10; Matt.
25:31-40).
E. Ipangaral ang Mabuting Balita hanggang sa dumating ang wakas (Mateo 24:14). Ang
Panginoon ay sasa-atin hanggang sa wakas ng panahon (Mateo 28:20).
F. Tayo ay mag-aliwan sa isa’t-isa dahil sa katotohanang ito (1 Tess. 4:18).

Nawa ay matagpuan tayo ni Hesus na tapat na naglilingkod hanggang sa Kaniyang muling


pagparito at tamuhin ang kaharian na inihanda na nauukol sa mga pinagpala. Maranatha! (1 Cor.
16:22).

“. . . Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo


ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.”
[Mateo 25:34]

PAGSASANAY: [ARALIN 12]

I. Sabihin kung Tama o Mali ang sinasabi sa pangungusap:

1. Si Kristo ay nagsabi na Siya ay muling babalik. _______

2. Walang nakakaalam ng panahon ng pagbabalik ni Hesus maliban sa Ama. _______

3. Ilang tao lamang ang makakakita ng pagdating ni Hesus. _______

4. Walang sinasabi ang mga anghel tungkol sa pagbabalik ni Hesus. _______

5. Ang pagdating ni Hesus ay nagbibigay ng kaaliwan sa mga Kristiano. _______

II. Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

1. Sa pagdating ni Hesus, Siya ay makikita ng lahat ng tao. Magbigay ng 3 patotoo


tungkol sa katotohanang ito.

a.
b.

45
c.

2. Ano ang layunin ng pagbabalik ni Hesus. Ibigay ang dalawang layunin ng muling
pagbabalik ni Hesus.

a.

b.

3. Ano ang dapat gawin ng mga Kristiano habang hinihintay ang pagbabalik ni Hesus?
Ibigay ang anim na kasagutan:

a.

b.

c.

d.

e.

f.

SASAULUHING TALATA:

Mateo 24:36
Juan 14:2

46

You might also like