You are on page 1of 8

MAKAPAGBIBIGAY KA NG HIGIT SA SALAPI

Ang ilang relihiyon ay nagtuturo sa mga tao na magbigay anuman may-


roon sila o kayay ng kanilang magagawa. Ito ay mga relihiyon ng mabubuting gawa,
na hindi naman makapagligtas. Ang paraan ng Cristiano ay nagtuturo na ikaw ay
nagbibigay kung ano ka. Kasama dito ay ang iyong panahon, lakas, talento, at salapi.
Ang lahat ng ito ay ipinahayag sa salitang pag-ibig. Ikaw ay umiibig:
kayat ikaw ay nagbibigay. Ito ay sa dahilang iniibig ng Dios ang sanlibutan na
ibinigay Niya ang Kanyang Anak sa sanlibutan upang ito ay iligtas (Juan 3:16).
Sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay ng Masaya (2 Corinto 9:7).

AANIHIN MO ANG IYONG INIHASIK
Kapag ikaw ay nagbigay ng masagana, ikaw ay aani rin ng masagana.
Sinabi ni Jesus: Mangagbigay kayo, at kayoy bibigyan; takal na mabuti, pikpik,
liglig at umaapaw, ay ibibigay nila sa iyong kandungan. Sapagkat sa panukat na
iyong sinukat ay doon kayo muling susukatin (Lukas 6:38).
Ikaw ay hindi naman talagang nagbabayad sa Dios subalit ikaw ay
naghahasik ng binhi ng pananampalataya. Ang binhing ito ay nagkakaroon ng buhay
at lumalago ng higit sa kaysa noong ito ay isang binhi pa lamang. Ikaw ay nag-
tatanim ng binhi, at ang Dios ang Siyang nagpaparami.

MGA TANONG
Bakit dapat kang magbigay sa Dios?
Bakit ang iyong pagkakaloob ay hindi lamang salapi?
Paano ka magkakaloob sa Dios?
Talastasin mo ang lahat ng nasa iyo ay nagmula sa Dios. Kung ikaw ay
nag-iikapu, ibinabalik mo lang sa Dios ang Kanyang pag-aari. At ikaw ay Kanyang
pinagpapala dahilan dito!


* * * * * * * * * * * *

I.W.A.G. Ministries
Ibajay Full Gospel Center
Laguinbanwa, Ibajay, Aklan
Tel. No. (036) 289-2440
CP. No. 09205758734 / 09285514119
E-mail: iwagministries@yahoo.com
Web: www.iwagministries.weebly.com










Kailangang
1. Akoy Manalangin
2. Basahin Ko ang Biblia
3. Dumalo Ako sa mga Gawain ng
Iglesia
4. Akoy Magpabautismo sa Tubig
5. Akoy Mabautismuhan ng Espir-
itu Santo
6. Akoy Sumaksi kay Cristo
7. Akoy Mag-ikapu

NGAYONG AKO AY ISA NANG CRISTIANO

Ngayong ako ay isang Cristiano taong ang kasalanay pinatawad ng Dios at
nabubuhay ayon sa mga turo ng Panginoong Jesu-Cristo, na nagsabing: Kung Akoy
inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang Aking mg autos. (Juan 14:15)

GINAWA MO ANG TAMANG PAGPILI
Ang iyong pagpapasiya na tanggapin si Jesus bilang iyong sariling Tagapaglig-
tas at pagpapasiya na sumali sa milyun-milyong Cristiano sa buong sanlibutan ang pinaka-
matalinong pagpili na iyong ginawa. Ikaw ay malugod naming tinatanggap sa katawan ng
mga mananampalatayang Cristiano at ikaw ay aming inaanyayahang dumalo sa pagtitipon
ng mga anak ng Dios sa Iglesya na nangangaral ng buong ebanghelyo.
Ang isa sa mga bagay na iyong mapupuna simula noong ikaw ay maging
Cristiano ay ang pagbabagong naganap sa iyong buhay. Bilang tugon sa iyong pagsisisi sa
kasalanan at pagtatalaga na sumunod kay Jesus, ang iyong mga kasalanan ay pinatawad ng
Panginoon at ginawa kang malinis at walang kasalanan sa Dios na para bang ikaw ay isang
bagong silang na sanggol. Ito ay tinatawag ni Jesus na ipinanganak na muli. Sinabi Niya:
maliban na ang tao ay ipinanganak na muli, ay hindi niya makikita ang kaharian ng Di-
os (Juan 3:3). Ang isa pang talata sa Biblia ay nagsasabi na: Kayat kung ang sino man
ay na kay Cristo, siyay bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito,
silay pawang nagging mga bago (2 Corinto 5:17)

Bilang isang bagong nilalang kay Cristo, ang iyong buhay ngayon ay
talagang iba na kaysa dati. Mabubuhay ka ng isang malinis, mabunga at mapanalangining
buhay na nakatalaga para sa layunin ng Panginoong Jesu-Cristo.

PAANO MO MALALAMAN NA IKAW NGAYON AY ISA NANG CRISTIANO?
Maaaring napuna mo na ngayon kung gaano katiyak ang ibang Cristiano sa
kanilang pananampalataya. May tatlong paraan upang matiyak na ikaw nga ay isang tunay
na Cristiano:

1. Malalaman Mo Sa Pamamagitan Ng Pananampalataya.
Ang panananampalataya ay pagkaalam at pagkakaroon ng katiyakan ng mga
bagay kahit na wala ka pang nakikitang pisikal na katibayan. Naniniwala tayo sa Dios kahit
na Siyay hindi pa natin nakikita. Naniniwala tayo na ang Biblia ay Salita ng Dios baga-
mat ito ay nasulat libu-libong taon na ang nakakalipas.
Ang isa pang mahalagang talata ay nagsasabing: Sapagkat gayon na lamang
ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang
ang sinumang sa Kanyay sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan (Juan 3:16)

1
7. NGAYONG AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG AKOY
MAG-IKAPU
Ngayong akoy isa nang Cristiano, kailangang akoy mag-ikapu. Ang
ikapu ay ikasampung bahagi, o pagkakaloob sa Dios ng 10 sentimo sa bawat
piso. Ang pag-iikapu ay isang paraan ng Dios upang ikaw ay matulungan na
maging mahalagang bahagi ng Kaharian ng Dios dito sa lupa. Nagpapaala-ala ito
sa iyo na ang lahat ng bagay na iyong pinanghahawakan ay nagmula sa Dios at
nagbibigay din ito sa iyo ng pagkakataon na maging isang mabisang katiwala.

ITO AY IYONG PAGKAKATAON UPANG MAKAPAGBAHAGI
Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay
pawing buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang
pagbabago, ni kahit anino man ng pag-iiba. (Santiago 1:17). Sa pag-iikapu at sa
pagkakaloob sa Panginoon, ikaw ay nagbabahagi ng iyong pag-ibig sa iba.

ANG KAYAMANAN AY NAGMULA SA DIOS
Itinuro ng Biblia na angDios ang nagbibigay sa tao ng kakayahan at
lakas upang kumita ng salapi. Kapag hindi nila kinilala na ang kanilang mga
kinikitang salapi ay nagmumula sa Dios, silay nagiging sakim sa pagtanggi ng
pagbabahagi ng mga ito sa Kanya. Kapag iyong kinilala na Siya ang nagkakaloob
nito sa iyo, magagalak kang magbigay ng isang bahagi nito upang ang Kanyang
Kaharian ay maging masagana dito sa lupa.

ANG PAGKAKALOOB AY PAGLALAGAY SA KANYA SA UNAHAN
Sinabi ni Jesus, Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kanyang
kaharian, at katwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa
inyo (Mateo 6:33). Kapag Siyay iyong pinarangalan ng iyong mga kinita. Siya
ngayon ang nagkaroon ng pananagutan sa iyo upang tagpuin ang lahat ng iyong
pangngailangan sa buhay.
KAILANGAN MO ANG KANYANG PAGPAPALA
Kailangan mo ang Kanyang pagpapala higit sa pangangailangan ng
Dios sa iyong salapi. Kapag inuna mo ang Dios sa iyong pagkakaloob, sa katoto-
hanan ay iyong ipinahayag ang iyong pangangailangan sa Kanya. Pinag-ibayo
Niya ang Kanyang pag-ibig sa iyo sa pamamagitan ng mga pagpapalang hindi
mabilang. Sumampalataya ka sa Kanya, at Kanyang tatagpuin ang lahat mong
pangangailangan.
Ang Kanyang panustos ay higit na marami kaysa sa iyong pangan-
gailangan. At pupunan ng aking Dios ang bawat kailangan ninyo ayon sa
Kanyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus (Filipos 4:19). Ang
Kanyang kayamanan ay walang pagkaubos.
14
ANG CRISTIANO AY KUMAKATAWAN KAY CRISTO
Ngayong ikaw ay naging tagasunod na ni Cristo, ikaw ngayon ang kanyang
personal na kinatawan sa mga kaluluwang nawawala.

Sinasabi ng Biblia: Kami ngay mga sugo sa pangalan ni Cristo (2 Corinto
5:20). Bilang Cristiano, kailangang kilalanin mo ang iyong pananagutan na ibahagi si
Cristo sa iba at gawin ang kanyang layunin. Kailangan ikaw ay magpasimula kaagad na
sabihin sa iyong sariling sambahayan, mga kamag-anak, at mga kaibigan ang ginawa ng
Panginoon sa iyong buhay.
Nang pagalingin ni Jesus ang taong inaalihan ng Demonyo na pagala-gala sa
mga puntod, sinabi Niya sa lalaki: Umuwi ka na sa sa iyong bahay, at ipahayag mo kung
gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siyay yumaon ng kanyang
lakad na ibinalita sa buong bayan, kung gaano kadakilang mga bagay ang sa kanyay gina-
wa ni Jesus (Lukas 8:39).

ANG CRISTIANO AY SUMISITAS NG BIBLIA
Nang si Jesus ay tuksuhin sa ilang, sinagot Niya ang diablo sa pamamgitan ng
pagsitas ng Kasulatan. Kailangan mo ring malaman ang Biblia upang masagot mo ng
mabisa ang mga tukso at argumento ng sanlibutan. Ang katotohanang iyong ipahayag sa
sanlibutan ay nakasulat sa Salita ng Dios, kaya nga madalas na ito ay iyong sisitasin mula
sa Biblia, ang iyong isasaksi.
Ikaw ay magpahayag na may pagtiwala na ang pagtitiwala na ang Banal na
espiritu ang Siyang patuloy na magsasalita sa tagapakinig kahit ikaw ay matagal nang
nakaaalis. Minsan isang makasalanan ang nagtanong sa isang Cristiano, Ikaw ba ay may
kapamahalaan sa Biblia? Ang Cristiano ay sumagot, Opo, sa dahilang ang karanasan ng
kaligtasan na inilarawan nito sa mga pahina ay naganap sa aking sariling buhay.

MGA TANONG
Ngayong ikaw ay isa nang Cristiano, ikaw ba ay isang saksi?
Sinasabi mo ba sa ang tungkol kay Jesus at ang mga ginawa Niya sa iyo?
Ang pagpapahayag o pagsaksi kay Cristo ay magpalpaakas sa iyo bilang
Cristiano at magbibigay sa iyo ng pagkakataong maibahagi sa iyong kaibigan ang
Mabuting Balita ng kaligtasan.






13
Kapag ikaw ay sumampalataya ng buong puso mo sa mga pangako
ng Biblia, matitiyak mo na ikaw nga ay tunay na isang Cristiano.

2. Malalaman Mo Sa Pamamagitan ng Katotohanan.
Kung ikaw ay nagsisi sa iyong mga kasalanan at tinanggap mo si
Jesus bilang sarili mong Tagapagligtas, malalaman mo sa pamamagitan ng katoto-
hanan na ikaw nga ay ligtas. Ito ay hindi nangangahulugan na isa sa mga araw na
darating ikaw ay maliligtas, kundi ngayon pa man ikaw ay ligtas na mula sa
kasalanan.

Sinabi ni Jesus: Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na
walang hanggan (Juan 3:36). Ang kaligtasan ay isang tiyak na karanasang per-
sonal na nagaganap sa isang tiyak na oras na nilinis ni Jesus ang iyong mga kasa-
lanan. Ito ay hindi isang kaparaanang ikaw ay magiging Cristiano, subalit ito ay
isang kalagayan na ikaw ay naging Anak ng Dios. Sinasabi sa Biblia: Mga
minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Dios (1 Juan 3:2)

3. Malalaman Mo Sa Pamamagitan Ng Damdamin.
Ang isa sa mga nakatutuwang palatandaan na ikaw ngayon ay isa
nang Cristiano ay ang kagalakan ng iyong mararamdaman kapag ikaw ay kasama
ng ibang mga Cristiano, kapag iyong binabasa ang Biblia, kapag iyong inaawit
ang himno at iba pang awiting pagsamba, kapag ikaw ay nananalangin sa Dios, at
kapag iyong narinig ang pangangaral ng Salita ng Dios. Sinasabi sa Biblia na ang
Espiritu ng Dios ang nagpapatotoo kasama an gating espiritu, na tayoy mga
anak ng Dios (Roma 8:16)

MGA TANONG
Ikaw ba ngayon ay isa nang Cristiano?
Paano ka nagging Cristiano?
Paano mo malalaman na ikaw ay ligtas na?
Ginawa mo ngayon ang isang napakahalagang pagpapasiya sa iyong
buhay. Magpatuloy ka sa iyong bagong pananampalataya at sa pagdalo sa iglesya
na nangangaral ng buong ebanghelyo.


1. NGAYONG AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG AKOY
MANALANGIN

Ngayong akoy isa nang Cristiano, kailangang akoy manalangin.
Ang panalangin ay isang magandang bahagi ng aking buhay Cristiano ang aking
pagkakataong makipag-ugnayan sa Dios, upang ibahagi sa Kanya ang aking mga
suliranin at mga tagumpay, at upang itaa ang aking tinig sa pagsamba sa aking
Tagapagligtas.
2
ANO ANG PANALANGIN?

Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Dios. May mga pagkakataon na ito ay
pagtawag sa Dios upang humingi ng tulong, may mga pagkakataon din naming ito ay
pagbabahagi sa Kanya ng iyong mga pangangailangan at pangangailangan ng iba, at may
mga pagkakataon ding ito ay pagpapasalamat sa Kanya dahilan sa Kanyang mga
pagpapala.

May ilang uri ng panalangin:
Petisyon. Ito ay nangangahulugan na paghingi sa Dios na tagpuin ang ilang pangan-
gailangan. Walang mali sa paghingi sa Panginoon upang ikaw ay tulungan sa bawat detalye
ng iyong buhay. Sa katunayan, hinihimok Niya tayo na ating dalhin sa Kanya ang lahat n
gating mga pangangailangan.

Pagpapasalamat. Huwag mong kalilimutan na magpasalamat sa Dios sa mga ginawa na
Niya para sa iyo. Sa katunayan, ito ay isa sa magandang paraan na iyong pasimulan ang
iyong panalangin. Nagpapatatag ito ng iyong pananampalataya upang maalaala mo ang
mga bagay na ginawa na sa iyo ng Dios.

Pagpupuri. Ito ay katulad ng nagpapasalamat subalit sa halip na ito ay nakatuon sa
kanyang mga ginawa, nakasentro ito kung Sino ang Dios.

Pagsamba. May mga pagkakataon na ang mga pangungusap ay hindi makapagpapahayag
ng iyong damdamin, at maipapahayag mo lamang ang iyong damdamin sa Dios sa pama-
magitan ng pagpupuri katulad ng luwalhati o hallelujah. May mga pagkakataon ding
ikaw ay magiging tahimik habang napupuspos ng dahilan sa Kanyang kalapitan.

Pamamagitan. Maaaring nadarama mo ang pangangailangan ng iba, hanggang sa magka-
roon ka ng pasanin upang manalangin at makatiyak na tinugon ng Dios ang iyong ka-
hilingan. Ito ay isa sa mga dakilang uri ng panalangin, sa kadahilanang dito ay iyong iniisip
ang iba. Labis na mahalaga na ipanalangin ang kaligtasan ng iyong kaibigan na hindi pa
tumatanggap kay Cristo.

KANINO TAYO MANANALANGIN?
Ang panalangin talaga ay yaong pakikipag-usap sa Dios sa pamamagitan ng
iyong sariling salita. Ang lahat n gating mga panalangin ay dapat na nakatuon sa Dios at
hindi kanino pa mang mga tao, imahen, o kapangyarihan. Sinabi ni Jesus: Sa Panginoon
mong Dios sasamba ka, at Siya lamang ang iyong paglilingkuran (Mateo 4:10).

Tayo ay may daanan sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sinabi Niya:
Kung kayoy hihingi ng ano man sa Ama, ay ibibigay Niya sa inyo sa Aking pan-
galan. (Juan 16:23).

3
6. NGAYONG AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG AKOY
SUMAKSI KAY CRISTO

Ngayong ako ay isa ng Cristiano, kailangang ako ay maging saksi ni
Cristo. Ang isang saksi ay taong nagsasabi sa iba tungkol kay Jesus sa pama-
magitan ng kanyang mga salita at mga gawa. Ngayong ako ay iniligtas na ni Jesus
mula sa kasalanan, kailangang ibahagi ko ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa
bawat isa.

ANG CRISTIANO AY ISANG SAKSI
Ngayon ay maaaring iyong napupuna kung gaano ang pananabik ng
maraming Cristiano na ipagsabi si Jesu-Cristo. Ang sino mang nagmamahal sa
Panginoon ay likas lamang na magnasang ipagsabi Siya. Ang ipagsabi ang
tungkol kay Jesus at kung ano ang kanyang ginawa sa mga tao ay isa sa mga
pinakadakilang bagay na hinihingi ni Cristo sa iyo bilang isang mananampalata-
yang Cristiano.
Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi Niya sa Kanyang mga ta-
gasunod: Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang
ibanghelyo sa lahat ng kinapal (Marcos 16:15)
Ang alagad na si Andres ang napakagandang halimbawa ng isang
tamang Cristianong saksi. Pagkatapos na si Jesus ay mabautismuhan sa ilog ng
Jordan, si Andres at si Juan ay sumunod sa kanyang tinitirahan. Pagkatapos ng
maghapong kasama ng Panginoon, si Andres ay lumabas upang hanapin ang
kanyang kapatid na si Simeon Pedro, at sinabi sa kanya: Nasumpungan naming
ang Mesias (na kung liliwanagin ay Cristo) (Juan 1:41). At kanyang dinala siya
kay Jesus.

Bagamat karamihan sa mga nahikayat ay hayagang tumangap kay
Jesus sa mga gawaing iglesya sa maraming mga pagkakataon sila ay higit na
nagkakaroon ng pagnanasa sa ebanghelyo sa pamamagitan ng matapat na pag-
saksi ng mga mananampalatayang Cristiano. May ilang mga dahilan ito:
1. Ang isang Cristiano ay tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng iba;
2. Ang isang Cristiano ay gayon na lamang ang pag-ibig kay Cristo na
hindi niya mapigilan ang maging matahimik tungkol sa Kanya; at
3. Karamihan ng mga makasalanan ay hindi pumupunta sa gawain ng
iglesyang hindi inaanyayahan.
Ang bawat tunay na Cristiano ay nagtuturing na ito ay kanyang
personal na pananagutan at kagalakan upang sumaksi kay Jesus sa bawat pagka-
kataon. Hindi naman mahirap para sabihin kung alin ang minahal natin ng gayon
na lamang.
12
ANO ANG NAGAGANAP KAPAG IYONG TINANGGAP?
Kapag ka ang isang Cristiano ay maningas na ipinananalangin ang bautismo ng
Espiritu Santo, nais niyang malaman na kanyang tinanggap ang gayunding karanasang
inilarawan sa Aklat ng Mga Gawa. Ang Dios ay nagbibigay ng gayunding katibayan katu-
lad ng Kanyang ginawa noong una pagsasalita ng ibat ibang wika ayon sa ipinagkaloob
ng Espiritu na kanilang salitain: Ikaw ay mahimalang magkakaroon ng kakayahang mag-
salita sa wikang hindi mo kailanman pinag-aralan.
Sinabi ng Biblia: At silang lahat ay nangagpuspos ng Espiritu Santo, at nan-
gapasimulang magsalita ng ibat ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanil-
ang salitain (Mga Gawa 2:4).

PAANONG ANG BUHAY MO AY MABABAGO
Ang bautismo ng Espiritu Santo ang nagbibigay ng kakayahan upang maka-
pasok sa buhay na puspos ng Espiritu Santo. Dala nito ay kapangyarihan mula sa Dios para
sa pamumuhay at paglilingkod. Bilang bunga, mararanasan mo ang isang malalim na
paghanga at paggalang sa Dios at ang walang tigil na pagdaloy ng kapuspusan ng Espiritu
Santo.
Sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhay na puspos ng Espiritu, ikaw ay
magkakaroon ng napakatinding pagtatalaga sa Dios at pagtatalaga sa Kanyang Gawain. At
ikaw ay magkakaroon ng buhay na pag-ibig kay Cristo at sa Kanyang salita, at sa mga
taong nangangailangan ng kaligtasan.
Ang bunga na lilikhain ng Espiritu sa iyong buhay ay: pag-ibig, katuwaan,
kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pag-
pipigil (tingnan sa Mga Taga Galacia 5:22).
Ang mga tanging kaloob ay maaari ding ipagkaloob sa iyo upang gamitin sa
paglilingkod sa Panginoon. Itinala ni Pablo ang siyam na mga kaloob ng Espiritu:
Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinigay ang salita ng karunungan, at sa
ibay ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu. Sa ibay ang pananampalataya, sa gayon
ding Espiritu; at sa ibay ang mga kaloob na pagpapagaling sa iisang Espiritu. At sa ibay
ang paggawa ng mga himala; at sa ibay hula; at sa ibay ang pagkilala ng mga espiritu; at
sa ibay ang ibat ibang wika; at sa ibay ang pagpapaliwanang ng mga wika (1 Corinto
12:8-10).

MGA TANONG
Tinanggap mo na ba ang bautismo ng Espiritu Santo?
Ikaw ba ay nagsalita ng ibat ibang wika samantalang nananalangin?

Maaaring tanggapin mo ngayon ang bautismo ng Espiritu Santo sa pamamagi-
tan ng maningas na panalangin sa Dios, katulad ng naganap sa mga naunang Cristiano sa
panahon ng Biblia.
11
ANO NAMAN ANG TUNGKOL SA MGA PANALANGING
HINDI TINUTUGON?
Ito ay araling mahalaga na dapat matutuhan: Ang Dios ay laging
tumutugon sa bawat panalangin. May mga pagkakataon na sinasabi Niyang
Oo, minsan sinasabi Niyang Hindi, at madalas na sinasabi Niyang,
Maghintay. Subalit ang mga oras na ating nilalaan sa panalangin ay hindi
kailanman nasasayang. Dapat mong malaman na mas matimbang sa Dios ang
ginagawa Niya sa iyong puso kaysa ano pa mang bagay.

KAILAN TAYO DAPAT MANALANGIN?
Ang karamihan ng mga Cristiano ay natatagpuang mas mainam na
magkaroon ng isa o higit na mga tanging oras upang manalangin araw-araw. Ang
Dios ay laging nakahanda na tumugon sa ating mga pananalangin.

Walang sino mang Cristiano ang maaaring mabuhay ng walang
panalangin katulad ng pamumuhay na walang kinakaing pagkain. Ikaw ay aala-
layan at bibigyan ng lakas at tutulungan ka sa lahat ng pagkakataon sa pamamagi-
tan ng pang araw-araw na pakikipag-usap sa Amang nasa langit.

MGA TANONG
Ngayong ikaw ay isa nang Cristiano, ikaw ba ay naglalaan ng ilang oras sa pana-
nalangin araw-araw?
Iyo bang sinasamba ang Dios?
Hinihingi mo ban a Kanyang katagpuin ang iyong mga pangangailangan?
Nananalangin ka ba para sa ibang tao?
Siya bay iyong pinasasalamatan sa Kanyang mga pagpapala?

Iyong alalahanin, ang pananalangin ay isang napakahalagang bahagi
ng iyong bagong buhay-Cristiano.


2. NGAYONG, AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG BASA-
HIN KO ANG BIBLIA
Ngayong ako ay isa nang Cristiano, kailangang basahin ko ang Biblia
araw-araw. Ang Biblia ay nagkakaloob ng pagkain para sa aking kaluluwang
nagugutom. Sa dahilang ang Dios ay nangungusap sa akin sa pamamagitan ng
Biblia, Siyay makikilala ko at malalaman ko ang layunin Nya para sa aking
buhay sa pamamagitan ng pagbabasa ko ng Kanyang Salita.

4
ANG BIBLIA AY SINULAT NG DIOS

Sinulat ni Apostol Pablo: Ang lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Di-
os (2 Timoteo 3:16). Ang Dios ay gumamit ng ibat ibang mga tao upang isulat ang Bib-
lia. Sila ay mga kasangkapan sa Kanyang mga kamay, subalit Siya ang pinagmumulan ng
kanilang mga kaisipan at mga isinusulat. Sinabi ng Dios sa mga propeta kung ano ang mga
sasabihin, subalit yaon ay kanilang isinulat sa kanilang mga sariling wika at ginamit nila
ang kanilang sariling salita na kanilang nalalaman. Sinabi ni Pedro: Sapagkatt hindi sa
kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: Kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa
Dios, na nangaudyukan ng Espiritu Santo (2 Pedro 1:21)

ANG BIBLIA AY TOTOO

Ang lahat ng nasa Biblia ay totoo at sa katotohanan ay Salita ng Dios. Tayo ay
naniniwala sa bawat salita ng Biblia dahilan sa:

1. Ang Ama sa langit ay mapagkakatiwalaan. Siya ang May-akda, at ang Kanyang
Salita ay katotohanan. Sakatunayan, sinabi ni Jesus: ang Salita Moy katotohan-
an (Juan 17:17). Ang Salita ng Dios ay mapawalang hanggan, sapakat sinabi ni Jesus:
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwat ang Aking mga Salita ay hindi lili-
pas (Mateo 24:35)
2. Ang mga hula ay natupad. Ang mga pag-aaral ng Biblia ay nagsasabing mahigit sa
300 mga hula tungkol kay Cristo sa Matandang Tipan ay natupad na.
3. Ang mga himala ay nagpapakita sa atin na ang Biblia ay tunay. Hindi lamang sa
mga himalang ating nababasa sa panahon ng Biblia, subalit patuloy na inuulit ng Dios ang
gayong mga himalang tugon sa mga panalangin sa kapanahunan.
4. Pinatunayan ng kasaysayan na ang Biblia ay tamang-tama. Habang pinag-
aaralan ng mga tao ang mga nakalipas na pangyayari, lalo naman nilang natutuklasan ang
katotohanan ng Biblia.
5. Ang ating mga karanasang Ctistiano ay patuloy na nagpapatunay na ang Biblia
ay totoo. Minsan may isang lalaki na nagtanong sa isang babae kung paano niya mapa-
patunayan na ang Biblia ay Salita ng Dios. Ang sagot ng babaing Cristiano ay, Paano mo
mapapatunayan na may araw sa kalawakan? Sumagot ang lalaki, Sapagkat nadarama ko
ang init nito at nakikita ko ang liwanag nito. Gayon din naman sa akin, sagot niya.
Nalalaman ko na ang Biblia ay totoo sapagkat ito ay nagpapainit sa aking kalulwa at
nagbibigay liwanag sa aking daan.

ANG BIBLIA AY KAILANGANG PAG-ARALAN
Ang Biblia ay mauunawaan ng sinumang magsisikap; at ang pagsisikap nito ay
sulit na sulit. Ang mga bagong Cristiano ay madalas na nakakakuha ng malaking tulong
mula sa pagbabasa ng mga aklat ng Bagong Tipan, katulad ng Mateo, Marcos, Lucas, Juan,
Mga Gawa, Efeso, Filipos, Colosas, Santiago, 1 Pedro, 1 Juan.
5
MGA TANONG

Ngayong ikaw ay isa nang Cristiano, iyo bang siusunod ang utos ni Jesus na
mabautismuhan sa tubig?
Sinunod mo ba ang Kanyang halimbawa?

5. NGAYONG AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG AKOY
MABAUTISMUHAN NG ESPIRITU SANTO

Ngayong akoy isa nang Cristiano, kailangang akoy mabautismuhan
ng Espiritu Santo. Kailangan ko ang ganitong karanasan upang akoy mabigyan
ng malalim na kaugnayan sa aking Panginoon, mabigyan ng kapangyarihan para
sa aking paglilingkod, at lakas upang mamuhay katulad ng iniuutos ni Jesus.

Ngayong iyo nang tinanggap si Cristo bilang sariling Tagapagligtas,
kailangan mong mapuspos ng Espiritu Santo. Ito ay personal na karanasan, tina-
tawag na bautismo sa Espiritu Santo.

ANO ANG SINASABI NG BIBLIA?
Hindi pinayagan ni Jesus ang mga alagad na magpasimula sa kanil-
ang paglilingkod sa bayan, pagkatapos na Siyay mabangon, hanggang sa kanil-
ang tanggapin ang bautismo ng Espiritu Santo. Iniutos Niya sa kanila: Na huwag
silang mag-sialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama (Mga Gawa
1:4,5)
Tungkol sa layunin ng bautismo ng Espiritu Santo, sinabi ni Jesus,
Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayoy magiging saksi Kos a Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at
hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa (Mga Gawa 1:6)
Mababasa natin sa mga Gawa, Kapitulo 2 ang paraan kung paanong
ang mga alagad ni Jesus at ang mahigit sa isandaang Cristianong mananam-
palataya ay nabautismuhan ng Espiritu Santo. At matutuklasan mo sa nasabing
kapitulo na ang lahat ng mga Cristiano ay may karapatang humingi ng kaloob ng
Espiritu Santo. Sinabi ni Apostol Pedro, At tatanggapin ninyo ang kaloob ng
Espiritu Santo. Sapagkat sa inyo ang pangako, ng nangasa malayo, maging ilan
man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa Kanya (Mga Gawa 2:38,39)
Ang lahat ng nagsitanggp kay Cristo bilang kanilang sariling Ta-
gapagligtas at Panginoon ay may karapatan at nararapat na maningas na hanapin
ang pangako ng Ama ang bautismo ng Espiritu Santo. Sinabi ng Jesus, Kung
kayo ngaay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga
anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu
Santo na nagsisihingi sa kanya? (Lukas 11:13)
10
SINUNOD NG MGA ALAGAD

Nang araw ng Pentecostes, sinabi ni Pedro sa mga tao: Mangagsisi kayo, at
mangagbautismo ang bawat isa sa inyo (Mga Gawa 2:38). Ito ang pinakaunang sermon
ng iglesya. Kasunod ng sermon yaon ay, yaon ngang nagsitanggap ng Kanyang salita ay
nangabautismuhan: at nangagpadaragdag sa kanila sa araw na yaon ang may tatlong libong
kaluluwa (Mga Gawa 2:41).

Si Felipe na isang diakono, ay nagbautismo kanyang nahikayat sa Samaria
(Mga Gawa 8:12). Gayundin naman kanyang binautismuhan ang isang pinunong taga-
Etiopia (Mga Gawa 8:36-38).

KAILANGAN NG LAHAT NG CRISTIANO
1. Ang bautismo sa tubig ay nagpapakita na ang mga bagong Cristiano ay napa-
kong kasama ni Cristo. Sinabi ni Pablo: Na nalalaman natin, na an gating datihang
pagkatao ay kalakip Niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at ng a
gayoy huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan (Roma 6:6).
2. Ang bautismo sa tubig ay nagpapakita na ang bagong Cristiano ay kasamang
namatay si Cristo. Sinabi ni Pablo: O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat ng
mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kanyang ka-
matayan? (Roma 6:3).
3. Ang bautismo sa tubig ay nagpapakita na ang bagong Cristiano ay kasamang
nabuhay ni Cristo. Sinabi ni Pablo, Datapuwat kung tayoy nangamatay na kalakip ni
Cristo ay naniniwala tayo na mangabuhay naman tayong kalakip Niya (Roma 6:8).
4. Ang bautismo sa tubig ay nagpapakita na ang bagong Cristiano ay lumalakad
sa bagong buhay. Sinabi ni Pablo: Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus
na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa Kanya (Colosas 2:6).

PARAAN NG BAUTISMO
Ang itinuturo ng Biblia na kaparaanan ng pagbabautismo ay sa pamamagitan
ng paglubog sa tubig. Ang Biblia ay nagtuturo na ang isang tao na tumanggap ng bautismo
sa tubig ay kailangang ilubog sa tubig bilang isang sagisag ng paglilibing. Sa karakarakang
pag-ahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang Espiritu na
tulad sa isang kalapati na bumababa sa Kanya (Marcos 1:9, 10).
Gayon din naman, binautismuhan ni Felipe ang pinunong taga-Etiiopia sa
pamamagitan ng paglubog sa kanya sa ilalim ng tubig, at silay kapwa lumusong sa
tubigat kanyang binautismuhan siya (Mga Gawa 8:38).

Itinuturo din ng Bagong tipan na nag bautismo sa tubig ay dapat gawin sa
ganitong paraan sa pangalan ng Ama at ng Anak at Espiritu Santo (Mateo 28:19).

9
Basahin mo ang iyong Biblia na may kasamang panalangin, at
hilingin sa Dios na buksan ang iyong pang-unawa. Ang ilang mga Cristiano ay
nasusumpungang medaling basahin ang mga bagong salin sa Tagalog na Biblia.
Kung ang pinili mo mang basahin ay English na King James Version o salin sa
Tagalog, ang pagbabasa ng Salita ng Dios ay makatutulong upan patatagin ang
iyong pananampalataya at magbubunga ng pagiging ganap na Cristiano.

ANG BIBLIA AY MAKAPAGPAPANUBAY SA IYO
Habang binabasa mo ang Biblia, sikapin mong mapasapuso mo ang
mensahe nito. Tanungin mo ang iyong sarili ng mga tanong na katulad nito: May
mga prinsipyo ba ditto na maaari kong ipamuhay? May utos ban a dapat kong
sundin? May kasalanan ban a dapat kong ipahayag? ANo ang sinasabi sa akin ng
Panginoon? Bigyan mo ng laya ang Espiritu Santo na mangusap sa iyo sa pama-
magitan ng mga pahina sa Biblia.

MGA TANONG
Ngayong ikaw ay isa nang Cristiano, binabasa mo ba ang iyong Biblia araw-
araw?
Sinusunod mo ba ang mga turo ni Jesus?
Iyo bang pinag-aaralan ang ilang mga talata na iyong isinasaulo?
Ikaw ay lalago na isang mahusay, ganap na Cristiano sa pamamagitan
ng pag-aaral ng Salita ng Dios at pagsunod sa mga itinuturo nito.



3. NGAYONG AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG DUMALO
AKO SA MGA GAWAIN NG IGLESIA
Ngayong akoy isa nang Cristiano, kailangang ako ay dumalo sa mga
Gawain ng iglesya. Hindi lamang sa aking sinusubod ang Dios, subalit mata-
tapuan ko pa rin na ang aking espirituwal na pamumuhay ay mapapalakas.

SI JESUS ANG NAGTAKDA NG HALIMBAWA
Si Jesus ay palagiang dumadalo sa pagtitipon sa sinagoga angga-
wain ng iglesya sa kanyang panahon. Siya an gating sakdal na halimbawa Bilang
Kanyang tagasunod iniibig nating Siyay mabigyang-lugod. Sinabi Niya, Kung
Akoy inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang Aking mg autos. (Juan 14:15). At
kalakip sa Kanyang mg utos ang: Kung ang sinumang tao ay ibig sumunod sa
Akin, ay tumanggi sa kanyang sarili, pasanin sa araw-araw ang kanyang krus, at
sumunod sa Akin (Lukas 9:23)
6
ITO AY UTOS NG BIBLIA
Ang mg Cristiano ng Bagong Tipan ay may mga patnubay na kanilang ipina-
mumuhay. SIla ay nagging malakas sa Panginoon at dinaig nila ang mga malalaking
hadlang upang maging makapangyarihang iglesya na umabot sa buong sanlibutan para kay
Cristo. Ang kanilang pardon ay: Na huwag nating pabayaan an gating pagkakati-
pon (Hebreo 10:25)

Ang padrong yaon ang utos sa atin. At ito ay nagsasaad pa na At lalo na kung
inyong namamalas na nalalapit na ang araw (Hebreo 10:25). Sa ibang salita, kapag iyong
nakita ang hula na natutupad at ang araw na si Cristo ay malapit ng dumating, kailangan na
tayoy magtipong palagi na kasama ang mga nak ng Dios.

KAILANGAN MO ANG PAKIKISAMA NG IBA
Ikaw ay nagkakaroon ng lakas sa pamamagitan ng pagsamasama sa mga taong
malalakas. Sa kadahilanang ikaw ay humaharap sa kasalanan at lahat ng uri ng kasamaan
araw-araw, kinakailangan mong sumama sa mga taong nakakakilala sa Panginoon at mga
taong namumuhay ng tuwid. Ang kanilang mga pag-uusap ay makapagpapatibay sa iyo.
Ang kanilang pananampalataya ay amgpapasigla sa iyo. Ang kanilang pakikipagkaibigan
ay magiging mahalaga sa iyo.

SAMBAHIN MO ANG DIOS NA KASAMA ANG IBA
Mga dakilang pagpapala ang dumarating mula sa pagsali sa iba sa pagpupuri at
pag-aawitan sa Panginoon. Ang Panginoon ay tumatahan sa mga pagpupuri ng Kanyang
bayan (Awit 22:3). Sa pagtitipon ng mga anak ng Dios upang Siyay sambahin, sila ay
nagiging isang malakas na puersa sa pagtulong sa mga kasama at sa paghihikayat sa buong
bayan.

ANG IYONG PAMILYA ANG KAILANGANG MAHIKAYAT
Ang iyong pamilya ay kailangang tumulong sa ibang pamilya at mga tao na
sumampalataya sa Salita ng Dios na iyong sinasampalatayanan. Ito ay nagbibigay sa kanila
ng tapang ng loob upang harapin ang mga kaibigang hindi mananampalataya at makatutu-
long sa kanila ito upang maging matatag.

ANG MGA TAGAPANGARAL AT TAGAPAGTURO AY MAY MGA BAGAY NA
SASABIHIN
Ikaw ay kailangang pumunta sa iglesya upang turuan ng Salita ng Dios at
mapalakas ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pangaral ng Salita ng Dios. Ang
mga pastor at guro ay tunay na nakatalaga sa pag-aaral at pananalangin at sa pagtulong sa
iyo na iyong makilala ang Dios ng higit. Ang kanilang mga sasabihin ay mahalaga.
Kailangang mong pumunta sa mga pagtitipon ng iglesya at silay pakinggan.

7
ITO AY NAKATUTUWA
Ang isa sa mga nakatutuwang pangyayari sa buhay ay ang pagpunta
sa iglesya. Ang mga mananampalataya ay nagagalak, nag-aawitan, nagpupuri,
nakikinig, nagbabahagi, nagmamahalan, at lumalabas ng iglesya upang
magbahagi ng Mabuting Balita na ang Panginoon ay kasama nila.

Sinasabi ng Biblia na: Akoy natutuwa ng kanilang sabihin sa akin,
tayoy magsiparoon sa bahay ng Panginoon (Awit 122:1)

MGA TANONG
Bakit kailangang mong palagiang dumalo sa pagtitipon ng iglesya?
Ito ba ayo ng ginagawa?
Kung hindi pa, kalian ang pinakamabuting panahon para magsimula?

Kailangan mong ang kalakasang espirituwal at pakikisama na
dumarating lamang kapag ikaw ay sumama sa ibang mananampalataya sa tahanan
ng Dios.


4. NGAYONG AKOY ISA NANG CRISTIANO KAILANGANG AKOY
MAGPABAUTISMO SA TUBIG
Ngayong akoy isa nang Cristiano, kailangang akoy magpabautismo
sa tubig. Ang bautismo sa tubig ay kaparaanang itinuturo sa Biblia upang ipaha-
yag sa madla na akin nang tinanggap si Cristo bilang sariling Tagapagligtas.

INIUTOS NI JESUS
Maliwanag na itinuro ni Jesus na ang bawat Cristiano ay kailangang
bautismuhan sa tubig.
Ang bautismo sa tubig ay iniutos ni Jesus sa pamamagitan ng
Kanyang sariling halimbawa at sa pamamagitan ng Kanyang tahasang pag-utos
nito. SInasabi sa Biblia, Nang magkagayoy naparoon si Jesus mula sa Galilea,
at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siyay bautismuhan niya (Mateo
3:13). Bago Siya umakyat sa langit, iniutos ni Jesus: Dahil ditto magsiayaon nga
kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na silay inyong
bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo (Mateo 28:19)
Ang bautismo sa tubig ay isang larawan ng ginawa ni Jesus sa iyong
puso. Ito ay isang simbolo na nagpapakita na si Cristo ang naghugas ng iyong
kasalanan at pinatawad na at nailibing na ang iyong makasalanang buhay. Ikaw
ngayoy nagging isang tunay na tagasunod ng Panginoong Jesu-Cristo.
8

You might also like