Professional Documents
Culture Documents
mga Katoliko?"
Pagpapari: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na mas mataas ang kalagayan ng mga pari
kaysa sa mga karaniwang lingkod sa simbahan, samantalang itinuturo naman ng
Bibliya na ang lahat ng mananampalataya ay saserdote ng katas-taasang Diyos at
pantay pantay sa paningin ng Diyos (1 Pedro 2:9).
Sagot: Itinatag ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas noong 1914. Ang
salitang "Iglesia ni Cristo" ay Tagalog (ang wika sa Pilipinas) para sa "Church of Christ."
Nakalulungkot na habang inaangkin nito ang sarili bilang "tunay na iglesya" ang iglesya
ni Cristo ay nagpapakita ng mga pangunahing elemento ng pagiging kulto. Ang una at
pangunahing elemento ng pagiging kulto ng relihiyong ito ay ang pagaangkin ng
karismatiko at una nitong lider na nakatanggap siya umano ng isang espesyal na
rebelasyon o pahayag mula sa Diyos. Si Felix Manalo ay isang dating katoliko na iniwan
ang Katolisismo noong kanyang kabataan. Nageksperimento siya sa pamamagitan ng
pagsapi sa ilang denominasyon ng mga Protestante at pagsapi sa Saksi ni Jehovah.
Nagumpisang magtayo ng kanyang iglesia si Manalo noong 1914. Nang magkaroon ng
pagkakahati hati sa iglesia noong 1922, sinimulan niyang angkinin na siya ay isang
propeta ng Diyos sa pagtatangka na magkaroon ng kapangyarihan at protektahan ang
kanyang pangungunga sa kanyang iglesia.
Isa kanyang mga inaangkin ay hinulaan diumano ang paglabas ng iglesia ni Cristo sa
Bibliya. Ang partikular na hula ay sinipi mula sa Isaias 43:5-6, "Huwag kang matakot,
sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at
pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa
timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa
malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa." Itinuturing ng
iglesia ni Cristo na ang salitang Silanangan ay ang "malayong silangan" (base sa isang
maling salin ng Bibliya) at ipinapalagay na iyon ay ang iglesia ni Cristo na matatatag sa
Pilipinas, ang "malayong Silangan".
Inaangkin ng Iglesia ni Cristo na ito ang nagiisa at tunay na iglesia ni Cristo dahil sila ay
tinatawag sa pangalang "iglesia ni Cristo" o "Church of Christ" at kanilang
pinatutunayan ito sa pamamgitan ng paggamit ng ilang mga talata sa Bibliya kung saan
ginagamit ang salitang "iglesia ni Cristo." Ang pinakapopular sa mga talatang kanilang
ginagamit ay ang Roma 16:16 kung saan sinasabi, "Mangagbatian kayo ng banal na
halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo." Gayunman, sa talatang ito ang
"mga iglesia ni Cristo" ay hindi tumutukoy sa pangalan ng isang partikular na iglesia
kundi sa lahat ng mga iglesia na binisita ni Pablo na sumusunod kay Kristo. Binabasa
rin nila ang maling salin ng Gawa 20:28 kung saan mababasa, "iglesia ni Cristo" ngunit
ang aktwal na salitang Griego ay iglesia ng Diyos. Hindi mahalaga kung ang pangalan
ba ng isang relihiyon ay nasa Bibliya o hindi. Maraming mga iglesia ang nagtataglay ng
pangalang "iglesia ni Cristo" ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit sila naging tunay
na iglesia.
Ang isa pang halimbawa ng depektibong doktrina ng iglesia ni Cristo ay ang kanilang
pagkakilala kay Cristo. Itinatanggi nila ang pagka-Diyos ni Hesu Kristo (gaya ng
ginagawa ng lahat ng kulto at ng mga bulaang relihiyon) at pinapangatawanan na si
Hesus ay nilikha lamang ng Diyos at binigyan ng kakayahan na gumawa ng mga
mahimalang gawa ng Diyos. Tinatanggihan nila ang doktrina ng Trinidad. Itinuturo nila
na ang Banal na Espiritu ay isa lamang kapangyarihan. Inaangkin din nila na ang unang
Kristiyanong iglesia ay tumalikod sa Diyos at ang iglesia ni Cristo ang nagbalik sa
dating kalagayan ng tunay na iglesia na nawala noong unang siglo; at ito ay sa
pamamagitan ng huling sugo na si Felix manalo, ang tagapagtatag ng Iglesia ni Cristo.
Ang isa pang tanda ng pagiging kulto ng iglesia ni Cristo ang ay pagaangkin nito na sila
lamang ang tanging pinagmumulan ng katotohanan at kaligtasan. Ito ay kakaiba dahil
ang sang-kakristiyanuhan sa kabuuan ay nagaangkin na sila din lang ang maliligtas.
Ang pagkakaiba ay, habang inaangkin ng mga grupo ng Kristiyano ang parehong
deklarasyon, ang mga indibidwal na iglesya at denominasyon ay hindi nagaangkin (at
hindi dapat magangkin) na sila lamang ang tanging pinanggagalingan ng katotohanan
at sa gayon sila lamang ang ligtas. Kinikilala ng tunay na iglesia na may ibang mga
Kristiyano sa labas ng kanilang denominasyon na totoong mga Kristiyano din naman.
Maaaring magkakaiba ang kanilang paniniwala sa mga hindi gaanong mahahalagang
doktrina, ngunit sila ay ligtas din. Sinabi mismo ng Panginoong Hesus na sa Kanya
lamang matatagpuan ang kaligtasan at Siya lamang ang daan patungo sa Ama (Juan
14:6). Hindi makakamit ang kaligtasan sa pagiging miyembro ng isang partikular na
iglesia.
Narito ang ilang mga katuruan ng mga iglesia ni Cristo na hindi ayon sa Bibliya:
" Naniniwala sila na kailangan makarinig ang isang tao ng mensahe ng Ebanghelyo
mula lamang sa mga ministro at tagapagpahayag na binigyan ng awtorisasyon ng
iglesia ni Cristo.
" Naniniwala sila na ang opisyal na pangalan ng tunay na iglesia ay "iglesia ni Cristo:
Ang ibang pangalan ay hindi tunay na pangalan ng iglesia at dahil doon sila ay mga
palsong iglesia.
" Naniniwala sila na kailangang maging kasapi ng iglesia ni Cristo ang isang tao at
mabawtismuhan sa tubig upang maligtas.
" Naniniwala sila na kailangang iwasan ng tao ang kumain ng dinuguan.
" Ang kanilang mga miyembro ay hindi dapat sumali sa mga unyon o samahan ng
manggagawa.
" Dapat na iwasan ng kanilang mga miyembro ang mga kaso sa korte.
" Dapat nilang iboto ang mga kandidatong ini-endorso ng kanilang relihiyon. Itinuturing
na kasalanan sa Diyos ang pagsuway sa kautusan ng relihiyon.
" Ang pagdalo sa pananambahan ay sapilitan.
" Dapat silang magbigay ng ikapu sa kanilang iglesia.
Sang-ayon sa iglesia ni Cristo, ang mga nasabing batas at alituntunin ay dapat gawin
ng sapilitan upang maligtas ang isang tao. Ngunit itinuturo ng Bibliya na ang "kaligtasan
ay regalo ng Diyos, hindi sa pamamagatian ng mabubuting gawa upang walang
sinuman ang magmalaki" (Efeso 2:8-9)
Malinaw na ipinakikita ng mga katuruang nabanggit sa itaas na isang kulto ang iglesia
ni Cristo. Tinatanggihan nila ang mga makasaysayang doktrina ng Kristiyanismo gaya
ng Trinidad at ang pagka-Diyos ni Kristo. Mayroon silang hindi matatawarang kontrol sa
kanilang mga miyembro habang ipinapatupad nila ng sapilitan ang mga paglilingkod at
mga gawaing itinuro lamang ng tao. Hinulaan ng Panginoong Hesus na maraming mag-
aangkin na sila ang Kristo at dadayain ang marami (Mateo 24:5). Salamat na binigyang
katiyakan din naman Niya na ang mga tunay na mananampalataya ay hindi Niya
itataboy kailanman (Juan 6:37).
Bilang mga tunay na Kristiyano, kailangan nating magingat sa mga bulaang mesiyas at
sa mga kulto sa Kristiyanismo gaya ng iglesia ni Cristo. Dapat tayong maging malalim
sa salita ng Diyos upang madali nating makilala ang mga nagtuturo ng kasinungalingan.
Kailangan din nating maintindihan na ang mga taong nabitag ng mga kultong ito ay
nangangailangan din ng kaligtasan na matatagpuan lamang kay Hesu Kristo" ang
bugtong na Anak ng Diyos - gaya din naman natin noon noong tayo ay nasa atin pang
makasalanang kalagayan.
Tanong: "Sino ang mga Saksi ni Jehovah at ano ang kanilang pinaniniwalaan?"
Ano ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehovah? Ang isang masusing pagaaral sa
kanilang doktrina sa mga mahahalagang paksa katulad ng pagka Diyos ni Kristo,
Trinidad, Banal na Espiritu at ng katubusan ay nagpapakita ng tahasang paghiwalay sa
katuruan ng mga unang Kristiyano. Sinasalungat nila ang mga katuruan ng Bibliya gaya
ng kanilang turo na si Hesus ay siya ring Miguel Arkanghel, ang pinakamataas sa lahat
ng nilikha ng Diyos. Salungat ito sa katuruan ng Bibliya na si Hesus ay Diyos (Juan 1:1,
14; 8:58, 10:30). Naniniwala ang mga Saksi ni Jehovah na ang kaligtasan ay
makakamit sa pamamagitan ng kumbinasyon ng pananampalataya, mabubuting gawa
at pagsunod. Sinasalungat ito ng napakaraming mga talata ng Bibliya na nagtuturo na
ang kaligtasan ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. (Juan 3;16;
Efeso 2:8-9; Tito 3:5). Tinatanggihan ng mga saksi ni Jehovah ang Trinidad at
naniniwala sila na si Hesus ay isa lamang nilikha ng Diyos at ang Banal na Espiritu ay
walang buhay na kapangyarihan lamang ng Diyos. Tinatanggihan ng mga saksi ni
Jehovah ang konsepto ng paghalili ni Hesu Kristo para sa mga makasalanan at sa halip
ay pinaniniwalaan ang teorya ng pagbayad ng ransom sa kasalanan ni Adan.
Paano ipinagtatanggol ng mga Saksi ni Jehovah ang kanilang mga katuruan? Una,
itinuturo nila na ang iglesia ay naligaw sa loob ng daan daang taon kaya't muli nilang
isinalin ang Biblia sa tinatawag nilang "New World Translation". Iniba ng Watchtower
Bible and Tract Society ang mga teksto sa Bibliya upang suportahan ang kanilang
maling doktrina sa halip na ibase ang kanilang paniniwala sa aktwal na itinuturo ng
Bibliya. Dumaan ang "New World Translation" ng mga Saksi ni Jehovah sa
napakaraming edisyon habang natutuklasan nila ang napakaraming katuruan ng Bibliya
na sumasalungat sa kanilang doktrina.
Wala na sigurong relihiyon sa buong mundo na kasing sigasig ng mga Saksi ni Jehovah
sa pagbabahagi ng kanilang mga katuruan. Sa kasamaang palad, ang kanilang
menshae ay puno ng pagbaluktot, pandaraya at maling doktrina. Nawa ibukas ng Diyos
ang mga mata ng mga Saksi ni Jehovah sa katotohanan ng Ebanghelyo at sa tamang
katuruan ng Salita ng Diyos.
Tanong: "Kulto ba ang Mormonismo? Ano ang pinaniniwalaan ng mga
Mormons?"
Sagot: Ang relihiyong Mormon (mormonismo) na ang mga tagasunod ay kilala sa tawag
na Mormons o Latter Day Saints (LDS) ay itinatag kulang-kulang dalawandaang taon
ang nakalilipas ng isang tao na nagngangalang Joseph Smith. Inaangkin ni Joseph
Smith na binisita siya diumano ng Diyos Ama at ni Hesu Kristo na siyang nagsabi sa
kanya na ang lahat ng mga relihiyon at katuruan ay kasuklam suklam sa Diyos.
Pagkatapos noon, inumpisahan ni Joseph Smith ang isang bagong relihiyon na nag-
aangkin na siyang "nagiisang totoong iglesia sa buong mundo". Ang problema sa
Mormonismo ay ang pagsalungat nito, pagbago at pagda-dagdag sa katuruan ng
Bibliya. Walang dahilan upang hindi paniwalaan ng mga Kristiyano na ang Bibliya ay
totoo at sapat at ang tunay na maniwala at magtiwala sa Diyos ay ang maniwala sa
Kanyang Salita, at ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos kaya't ito'y nanggaling
sa Kanya (2 Timoteo 3:16).
Ito ang paniniwala ng mga Mormons tungkol sa Diyos: Ang Diyos ay hindi dating
pinakamakapangyarihan sa buong sangkalawakan. Nakamit lamang niya ang
kalagayang ito sa pamamagitan ng matuwid na pamumuhay at sariling pagsisikap.
Naniniwala sila na ang Diyos Ama ay mayroong katawan at buto na gaya ng sa tao.
Kahit na inabandona na ang katuruang ito ng mga lider ng Mormons sa panahong ito,
itinuturo ni Brigham Young na si Adan ay siya mismong Diyos at Ama ng Panginoong
Hesu Kristo. Kabalintunaan ng paniniwalang ito ng mga Mormons ay ang paniniwala
ang mga Kristiyano na mayroong iisang Diyos lamang (Deuteronomio 6:4; Isaias 43;10;
44:6-8) at Siya ay ay naroon na sa pasimula pa at walang hanggan (Deuteronomio
33:27; Mga Awit 90:2; 1 Timoteo 1:17), at hindi Siya nilikha kundi Siya ang lumikha
(Genesis 1; Mga Awit 24:1; Isaias 37;16). Ang Diyos ay perpekto at walang sinuman
ang kagaya Niya (Mga Awit 86:8; Isaias 40:25). Ang Diyos Ama ay hindi tao, o naging
tao kailanman (Mga bilang 23:19; 1 samuel 15:29; Oseas 11:9). Siya ay Espiritu (Juan
4:24) at ang Espiritu ay walang laman at walang buto (Lukas 24:39).
Malinaw na mayroon lamang isang paraan upang maligtas ang tao at iyon ay ang
kilalanin ang Diyos Ama ang kanyang Anak na si Hesu Kristo (Juan 17:3). Hindi ito sa
pamamagitan ng gawa kundi sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 1:17; 3:28).
Maaring makamit ng tao ang kaloob na kaligtasan sa kabila ng kanyang makasalanang
kalagayan at ng kanyang mga nagawa (Roma 3:22). "At sa kanino mang iba ay walang
kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao,
na sukat nating ikaligtas" (Gawa 4:12).
Sagot: Kung hindi susuriin ng malalim, ang Freemasonry, Eastern Star, at iba pang
katulad na “sikretong” organisasyon ay tila mga hindi nakakapinsalang organisasyon.
Maraming relihiyon at organisasyon ang sa biglang tingin ay nagsusulong ng
pananampalataya sa Diyos, gayunman, kung susuriing mabuti, makikita natin na ang
tanging kinakailangan upang sumapi sa mga ito ay ang hindi maniwala sa isang Tunay
at Buhay na Diyos, sa halip, ang isang tao ay kinakailangang maniwala sa pagkakaroon
ng isang “Diyos” na maaaring mga “diyos” ng Islam, hinduismo o kahit anong relihiyon.
Ang mga paniniwalang hindi ayon sa Bibliya at mga gawang laban sa Kristiyanismo ay
itinatago sa likod ng panlabas na mga paniniwala na ipinagpapalagay na kasundo ng
pananampalatayang Kristiyano. Ang mga sumusunod ang paghahambing sa sinasabi
ng Bibliya at sa opisyal na posisyon ng Free Masonry:
Ang pananaw ng Bibliya: Si Hesus ang naging handog para sa kasalanan ng tao sa
harapan ng Diyos ng Kanyang ibuhos ang Kanyang dugo para sa katubusan ng mga
kasalanan ng lahat ng mga mananampalataya sa Kanya (Efeso 2:8-9, Roma 5:8, Juan
3:16).
Ang pananaw ng Mason sa Bibliya: Ang Bibliya ay isa lamang sa ilang mga “sipi ng
Banal na Kautusan,” at ang lahat ng mga kasulatan bukod sa Bibliya ay pantay ang
awtoridad ayon sa Free Masonry. Ang Bibliya ay isang mahalagang aklat, ngunit para
lamang sa mga Kristiyano, gaya naman na ang Koran ay isang ring mahalagang Aklat
para sa mga Muslim. Hindi itinuturing ng Free Masonry ang Bibliya na eksklusibong
Salita ng Diyos o pinaniniwalaan man na tanging ito kapahayagan ng Diyos ng Kanyang
sarili sa sangkatauhan. Sa halip, ito ay isa lang sa mga saligan ng pananampalataya ng
mga relihiyon. Ito ay isang mabuting gabay para sa moralidad. Ang Bibliya ay
pangunahing ginagamit bilang simbolo ng kalooban ng Diyos na maaaring matagpuan
sa iba pang Banal na Kasulatan gaya ng Koran ng mga Muslim o Rig Vedas ng mga
Hindu.
Ang pananaw ng Bibliya: Mayroon lamang iisang Diyos. Ang iba’t ibang pangalan ng
Diyos ay tumutukoy sa Diyos ng Israel at ang bawat pangalan ay nagpapahayag ng
partikular na katangian ng Diyos. Ang pagsamba sa ibang diyos o pagtawag sa mga
diyus diyusan ay karumaldumal sa Diyos (Exodo 20:3). Tinukoy ni Pablo na isang
napakalaking kasalanan ang pagsamba sa diyus diyusan (1 Corinto 10:14) at sinabi ni
Juan na ang mga sumasamba sa diyus diyusan ay mapapahamak sa apoy ng
impiyerno (Pahayag 21:8).
Ang pananaw ng Free Masonry: Ang lahat ng miyembro ay kinakailangang maniwala sa
isang “diyos.” Kinikilala ng iba’t ibang relihiyon ang parehong Diyos at tinatawag lamang
nila ang Diyos sa iba’t ibang pangalan. Iitnuturo ng Free Masonry sa mga tao na kahit
na gumamit sila ng iba’t ibang pangalan para sa ‘Isang walang pangalan na may daan
daang pangalan,’ tumatawag silang lahat sa iisang Diyos at Ama nating lahat.
Ang pananaw ng Bibliya: Si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao (Mateo 1:18-24, Juan
1:1). Si Hesus ang ikalawang persona ng Trinidad (Mateo 28:19, Markos 1:9-11).
Habang narito sa mundo, Siya ay naging tunay na tao (Markos 4:38, Mateo 4:2) ngunit
nanatiling tunay na Diyos (Juan 20:28, Juan 1:1-2, Gawa 4:10-12). Dapat na
manalangin ang mga Kristiyano sa pangalan ni Hesus at ipahayag Siya sa lahat ng tao,
gaano man ito kasakit sa pandinig ng mga hindi Kristiyano (Juan 14:13-14, 1 Juan 2:23,
Gawa 4:18-20).
Ang pananaw ng Free Masonry: Hindi eksklusibo si Hesus o ang tatlong persona sa
iisang Diyos, ang Ama, Anak at Espiritu Santo; kaya nga walang doktrina tungkol sa
pagka-Diyos ni Kristo. Hindi katanggap tanggap para sa mga Mason na banggitin ang
pangalan ni Hesus sa pananalangin sa kanilang grupo. Ang suhestyon na si Hesus
lamang ang tanging Daan patungo sa Diyos ay pagsalungat sa prinsipyo ng
pagtanggap sa lahat ng relihiyon. Dapat na alisin ang pangalan ni Hesus sa mga talata
sa Bibliya na ginagamit sa mga ritwal ng mga Mason. Si Hesus ay hindi natatangi sa
halip, kapantay lamang ng iba pang mga lider ng ibang relihiyon.
Ang pananaw ng Bibliya: Ang lahat ng tao ay isinilang na may makasalanang kalikasan
at walang kabutihan sa kanyang sarili na katanggap tanggap sa Diyos. Dahil dito ang
lahat ng tao ay nangangailangan ng Tagapaglitas mula sa kanilang mga kasalanan
(Roma 3:23, Roma 5:12, Awit 51:5, Efeso 2:1). Itinatanggi ng Bibliya na may kakayahan
ang tao sa kanyang sarili na maging perpekto ang moralidad (1 Juan 1:8-10, Roma
1:18-25).
Ang pananaw ng Free Masonry: Sa pamamagitan ng mga simbolo at tatak, itinuturo ng
mga Mason na hindi makasalanan ang tao kundi “magaspang lamang at hindi perpekto
sa kalikasan.” Maaaring mapaunlad ng sangkatauhan ang kanilang mga gawa at
paguugali sa iba’t ibang kaparaanan, kasama rito ang pagkakawang gawa, pamumuhay
ng moral, at boluntaryong pagganap ng mga tungkulin sa sosyedad. Nagtataglay ang
sangkatauhan ng kakayahan na umunlad mula sa pagiging hindi perpekto patungo sa
pagiging perpekto. Ang pagiging perperkto sa moralidad at espiritwal ay matatagpuan
sa kaibuturan ng puso ng lahat ng tao.
Kung nanunumpa ang isang Kristiyano bilang isang Mason, sumusumpa siya na
susundin ang mga sumusunod na doktrina na ayon sa Diyos ay maling katuruan at
kasalanan laban sa Kanya:
Sagot: Ang Doulos for Christ World Harvest Ministry (DCWHM) ay isang Pentecostal-
Charismatic na iglesya na itinatag ni Oriel Ballano, isang dating manggagawa ng Jesus
is Lord Church Worldwide (JILCW). Ayon sa kay Ballano, "sinabi sa kanya ng Diyos na
magkaroon siya ng isang ministeryo na lalago at magkakaroon ng maraming miyembro
na magmumula sa mga campuses." Noong 1998, inumpisahan ni Ballano ang pagtuturo
sa isang maliit na grupo ng magaaral mula sa Far Eastern University hanggang sa ang
grupo ay maging isang iglesya at makilala sa tinatawag ngayon na Doulos for Christ.
Nang ipatupad ng Doulos for Christ World Harvest Ministry ang G12, nakaranas ito ng
mabilis na pagdami ng miyembro. Ngayon, tinatayang may mahigit 20,000 miyembro na
ang iglesya. Ang layunin ng DCWHM sa ministeryo ay "Ibigin ang Diyos at Ibigin ang
tao," ang pangitain naman ay "magligtas ng mga kaluluwa at gumawa ng mga alagad,"
at ang hantungan ay "gawing tagapanguna ng mga tagapanguna ang bawat
mananampalataya, upang maging daan ng pagbabago ng bansa." Noong Pebrero
2010, inordinahan si Ballano ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC)
para maging isang Obispo. Mula noon, mas madali ng nakapasok ang G12 sa mga
iglesyang miyembro ng PCEC at naipakilala ang sistema nito ng paniniwala at
pagsasanay na naging dahilan naman sa pagkakahati-hati ng maraming iglesya at
denominasyon.
Istriktong ipinapatupad ng Doulos for Christ World Harvest Ministry ang "G12 ladder of
Success" (mga hagdan sa tagumpay ng G12) na may apat na estratehiya: Magligtas,
Magtipon, Magdisipulo, at Magsugo. Ang mga hagdang ito ng tagumpay ay magagawa
sa pamamagitan ng pagdadaos ng tinatawag na Pre-encounter, Encounter God at post-
encounter retreats sa mga target na tao. Ang mga tagapanguna naman ng mga cells ay
kinakailangang dumaan sa pagsasanay na tinatawag na PEPSOL 1, 2 at 3. Ang mga
libro ni Cesar Castellanos na gaya ng "Pre-Encounter," "Win through the G12 Vision —
G12." "Change Your Spiritual DNA," "144: The Key to Multiplication," "Declarations of
Power," "The Revelation of the Cross," "Successful Leadership through the Government
of 12," atbp. ang mga pangunahing materyal na pinagkukunan ng katuruan. Hinihingi
ang ganap na pagpapasakop at pagsunod sa mga miyembro at inirerekomenda ang
pagbabasa sa libro na "Undercover" ni John Bevere para ituro sa mga miyembro na
ang paglaban sa mga may awtoridad na inilagay ng Diyos sa iglesya ay paglaban sa
Diyos at ang pagpuna sa mga lider ng G12 ay pagpapakita ng kawalan ng takot at
paggalang sa Panginoon at isang gawain ng antikristo na aani ng hatol ng Diyos.
Hindi mairerekomenda ang pagdalo sa DCWHM. May mga dating miyembro na umalis
sa G12 ang ngayon ay nagpapatotoo gamit ang Social Media kung paanong naranasan
nila ang manipulasyon at panghihiya ng kanilang dating mga cell leaders. Tinatakdaan
sila na tapat na magbigay ng ikapu kasabay ang pangako ng pagyaman at sagot ng
Diyos sa panalangin, pinagbebenta din sila diumano ng tiket ng mga kumperensya ni
Ballano sa kanilang mga kaibigan at kakilala ngunit kailangan nilang bayaran ang mga
tiket na hindi nila naibenta. May ilang mga miyembro na tumanda na rin at hindi
nakapagasawa dahil pinapayuhan na hindi dapat magasawa hangga't hindi nakakabuo
ng 144 na tagapanguna. Ang karamihan sa mga ito ay mga magaaral sa kolehiyo na
nabulag ng pangako ng kalusugan at magandang hinaharap bilang bahagi ng mga
mananagumpay na "maghahari" sa mundo. Ang mga nagpapahayag ng pagdududa sa
mga paniniwala at pagsasanay ng DFCWHC ay pinagbabantaan ng pag-ani ng sumpa
ng Diyos habang ang mga hayagan namang sumasalungat ay pinagtatawanan, hinihiya
sa pulpito, sinisiraan sa grupo at itinitiwalag. Kamakailan lamang may isinampang
kasong paninirang puri si Ballano laban sa dalawang dating miyembro na nadismiss
dahil sa kawalan ng merito.
– May sangkap ng katawan ng tao ang Diyos gaya ng kamay, mata, paa at maging ng
puwet. Ngunit wala Siyang tuhod dahil kahit maraming diyos, hindi Siya sasamba sa
ibang diyos dahil Siya lamang ang Diyos na dapat pagukulan ng pagsamba. Ngunit
sinasabi sa Kasulatan na ang Diyos ay walang pisikal na sangkap o anyo dahil Siya ay
Espiritu (Juan 4:24).
– Nakatira ang Diyos sa Kanyang sariling planeta na nasa isang dako ng kalawakan.
Ang katuruang ito ay may pagkakahawig sa doktrina ng Mormonismo na ang mga diyos
na bumaba sa lupa ay nagmula sa langit malapit sa planetang “kolob.”
– Hindi sumasalahat ng dako ang Diyos. Maaring gustuhin ng Diyos na pumunta sa
isang dako ngunit wala Siya sa isa pang dako. Tahasan nitong sinasalungat ang
katuruan ng Bibliya na ang Diyos ay nasa lahat ng dako. “Ako ay Diyos na nasa lahat
ng dako, at hindi nananatili sa iisang lugar lamang.” “Walang makakapagtago sa akin;
makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako'y nasa lahat ng lugar sa langit
at sa lupa” (Jeremias 23:23-34).
– Ipinagbabawal sa MCGI ang pagdiriwang ng mga piyesta at pasko dahil ang mga ito
ay mga uri ng pagsamba sa mga diyus diyusan. Ipinagbabawal din ang pagiinom ng
alak, panonood ng sine at pagkokolorete ng mukha, pagsusuot ng pantalon, pagsusuot
ng damit na lapat sa katawan para sa mga babae.
Marami sa mga doktrina na Dating Daan o Mga Miyembro ng Iglesia ng Diyos ang hindi
naaayon sa Bibliya. At tiyak din na hindi ayon sa Bibliya ang ginagawang pagmumura at
pagalipusta ni Soriano sa kanyang mga kadebate gaya ng sinabi ni Pablo kay Timoteo,
“Ang lingkod ng Diyos ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging
mabuti sa pakikitungo sa lahat, mahusay magturo at matiyaga” (2 Timoteo 2:24). Sa
kabila ng kasikatan at pagkakawanggawa ng Dating Daan, ang relihiyong ito ay dapat
na iwasan.
Tanong: "Ano ang Calvinism (Calvinismo) at naaayon ba ito sa Bibliya? Ano ang
limang puntos ng Calvinism?"
Total Depravity o radikal na kawalan ng kakayahan ng tao na iligtas ang sarili – Dahilan
sa pagbagsak ni Adan sa pagkakasala, naapektuhan nito ang buong sangkatauhan;
ang lahat ng tao ay namatay sa espiritu dahil sa kanilang mga kasalanan at pagsuway.
Walang kahit anong kakayahan ang tao upang iligtas ang kanyang sarili (Genesis 6:5;
Jeremias 17:9; Roma 3:10-18).
Unconditional Election o walang kundisyong pagpili ng Diyos – Dahil patay ang tao sa
kasalanan, wala siyang kakayahan na kusang lumapit sa Diyos; kaya nga sa walang
hanggang nakalipas, pumili na ang Diyos ng mga taong Kanyang ililigtas. Ang pagpili at
pagtatalaga ng Diyos ay walang kundisyon; hindi ito dahil sa pagtugon ng tao (Roma
8:29-30; 9:11; Efeso 1:4-6, 11-12) dahil hindi kayang tumugon ng tao sa Diyos sa
kanyang sariling kakayahan bukod sa ayaw niya talagang tumugon sa Diyos.
Bagama’t ang lahat ng katuruang ito ay may basehan sa Bibliya, marami ang
tinatanggihan ang lahat kung hindi man ang ilan sa mga puntos na ito. Tinatanggap ng
mga tinatawag na “four-point Calvinists” ang Total Depravity, Unconditional Election,
Irresistible Grace, at Perseverance of the Saints. Ang tao ay ganap na makasalanan at
hindi kayang sumampalataya sa Diyos sa Kanyang sariling kakayahan. Pinili ng Diyos
ang sariling Kanya ayon sa Kanyang mabiyayang kalooban – hindi ayon sa anumang
gawa na Kanyang nakita sa taong Kanyang pinili. Ang lahat ng pinili ng Diyos ay lalapit
sa Kanya sa pananampalataya at ang lahat ng mga tunay na isinilang na muli ay
magpapatuloy sa kanilang pananampalataya hanggang wakas. Gayunman tungkol sa
limitadong pagtubos o limited atonement, naniniwala ang mga four-point Calvinists na
para sa lahat ng tao ang pagtubos ni Kristo, hindi lamang para sa Kanyang mga pinili
“Sapagkat si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at
kasalanan din ng lahat ng tao” (1 Juan 2:2). Ang iba pang mga talata na sumasalungat
sa limitadong pagtubos ay ang Juan 1:29; 3:16; 1 Timoteo 2:6; at 2 Pedro 2:1.
Sa kabilang banda may nakikitang problema ang mga five-point Calvinists sa mga four-
point Calvinists. Una, ikinakatwiran nila na kung totoo ang ganap na kawalang
kakayahan ng tao na lumapit sa Diyos, hindi totoo ang pagtubos para sa lahat ng tao
dahil kung namatay si Hesus para sa kasalanan ng bawat tao, lalabas na ang
kamatayan ni Kristo ay nakadepende sa pagtanggap ng tao kay Kristo. Ngunit gaya ng
aming pagpapakahulugan sa ganap na kawalang kakayahan ng tao, sa kanyang likas
na kalagayan, wala anumang kapasidad ang tao na piliin ang Diyos o kagustuhan man
na lumapit sa Diyos. Bilang karagdagan, kung totoo ang pagtubos ng Diyos sa lahat ng
tao, puno kung gayon ang impiyerno ng mga taong kinamatayan ni Kristo. Ibinuhos
Niya kung gayon ang Kanyang dugo ng walang kabuluhan para sa kanila. Para sa mga
5 point Calvinists, hindi nila ito kayang pagkasunduin. Pakatandaan lamang: Ang
artikulong ito ay isang maiksing pagbubuod lamang ng limang puntos ng Calvinism.
Para sa mas malalimang pagtalakay, mangyaring bisitahin ang aming mga sumusunod
na pahina: Total Depravity, Unconditional Election, Limited Atonement, Irresistible
Grace, at Perseverance of the Saints.
Answer: The term hyper-grace has been used to describe a new wave of teaching that
emphasizes the grace of God to the exclusion of other vital teachings such as
repentance and confession of sin. Hyper-grace teachers maintain that all sin, past,
present, and future, has already been forgiven, so there is no need for a believer to ever
confess it. Hyper-grace teaching says that, when God looks at us, He sees only a holy
and righteous people. The conclusion of hyper-grace teaching is that we are not bound
by Jesus’ teaching, even as we are not under the Law; that believers are not
responsible for their sin; and that anyone who disagrees is a pharisaical legalist. In
short, hyper-grace teachers “pervert the grace of our God into a license for immorality”
(Jude 1:4) and flirt with antinomianism.
Jesus’ words to the seven churches in the book of Revelation strongly contradict the
idea that Christians never need to repent. To the church at Ephesus, Jesus said,
“Consider how far you have fallen! Repent and do the things you did at first. If you do
not repent, I will come to you and remove your lampstand from its place” (Revelation
2:4). Jesus rebukes five of the seven churches and demands repentance from them
(Revelation 2:4, 6, 20; 3:3, 15–19). Far from believers being unaccountable for their sin,
they must answer to Jesus for their disobedience (see also 2 Corinthians 5:10).
Preachers of hyper-grace doctrine discount the Old Testament and the Ten
Commandments as irrelevant to New Testament believers. They even teach that Jesus’
words spoken before His resurrection are part of the Old Covenant and no longer
applicable to born-again believers. But is this true?
In Mark 13:31, Jesus said, “Heaven and earth will pass away, but my words will never
pass away.” Before Jesus ascended into heaven, He promised that the Father would
send the Holy Spirit who “will teach you all things and will remind you of everything I
have said to you” (John 14:26). If Jesus’ words are no longer applicable to believers,
why would we need to be reminded of them?
Hyper-grace teaching is a good example of mixing truth with error. An emphasis on the
beauty and power of God’s grace is good, but some teachers are neglecting what Paul
called the “whole counsel of God” (Acts 20:27). For example, it is true that Christians
have been forgiven by God. But that doesn’t mean we never have to confess our sin.
James 5:16 says, “Confess your sins to each other and pray for each other so that you
may be healed.” If we are to confess our sins to each other, why would we not need to
confess them to God, since every sin is ultimately a sin against God (Psalm 51:4)?
Also, 1 John 1:9 gives clear instruction to believers about confessing sin. It begins with
the word if: “If we confess our sin, He is faithful and just to forgive our sin and to cleanse
us from all unrighteousness.” This is a cause/effect statement implying that we cannot
have the second without the first. As blood-bought children of God, we do not continue
to confess our sin in order to be saved from hell. We confess and repent in order to
reestablish an intimate relationship with our Father. We are “positionally righteous” but
“practically sinful.”
To counter this argument, hyper-grace preachers deny that John’s letters were written
to believers. However, 1 John 2:1 begins with this: “My dear children, I write this to you
so that you will not sin. But if anybody does sin, we have an advocate with the Father—
Jesus Christ, the Righteous One.” John is clearly writing to believers whom he
personally knew. He indicates that his believing friends may indeed sin, and that, when
they do, they need to confess it.
Hyper-grace preachers also claim the Holy Spirit will never convict Christians of their
sin. Mature Christians should recognize this fallacy right away. Every disciple of Christ
has felt the overwhelming conviction of the Holy Spirit when he or she has sinned.
Jesus calls the Holy Spirit “the Spirit of Truth” (John 15:26). Truth, by its very definition,
will not tolerate anything false. When the Spirit of Truth abides in a believing heart (1
Corinthians 6:19), He brings conviction about anything that is not truth.
In summary, much of what the hyper-grace preachers teach is valid. We are indeed
saved by grace, not our works (Ephesians 2:8–9). And God’s grace is marvelous, great,
and free (1 Timothy 1:14). However, hyper-grace teaching is out of proportion to the rest
of Scripture. Any time one doctrine is emphasized to the exclusion of the rest, we fall
into error because we fail to “correctly handle” the Word (2 Timothy 2:15).
Jesus was full of both “grace and truth” (John 1:14). The two are in delicate balance,
and a tip to either side can result in a false gospel. We must always compare any new
teaching with the “whole counsel of God” and learn to disregard anything that veers
even slightly from the truth (1 John 4:1).