You are on page 1of 11

How to Be Blessed by God?

Psa 1:1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga
makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

Psa 1:2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya
nagbubulaybulay siya araw at gabi.

Psa 1:3 At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na
nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang
gawin ay giginhawa.

Psa 1:4 Ang masama ay hindi gayon; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin.

Psa 1:5 Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng
mga matuwid.

Psa 1:6 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay
mapapahamak.

How to Be Blessed by God?

Sino sa atin ang gustong maranasan ang pagpapala ng Dios?

Sino ang gusto na payamanin sya ng Dios?

(ayaw nyong pagpalain kayo ng Dios sa kayamanan?) gusto nyo bang manatili kayong mahirap lang?

Sino ang gusto ritong pagpalain sya ng Dios sa kayamanan?

Sa lahat ng nagtaas ng kamay na yan “I decree and declare payayamanin kayo ng Dios ang favor ng Dios
ay sasainyo…”

Ang Psalms 1 ay nagbibigay sa atin ng gabay kung paano natin mararanasan ang pagpapala ng Dios, Ang
buhay na may pabor ng Dios, at pinararami ng Dios. Di lamang ito kundi nagbibibgay din sa atin ito ng
babala

Psa 1:1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, (isa sa mga halimbawa dito yun hindi ka
nagpapakontrol o

sumusunod sa mga pamahiin, tradisyon at mga kasabihan kung paano ka susuwertihin) ni tumatayo man
sa daan ng mga

makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. (tulad ng mga pinupuntahang mga lugar na
sinasabi nilang “naghahapi-
happy lang ang magbarkada,light lang naman itong aming iniinom, pangtanggal lang ng problema, kung
baga unwind lang at pared-

wine red wine lang naman” katwiran pa nila “porke ba cristiano na, di na ba pwedeng uminom para
makipagsosyalan, Para makisaya

sa kanila?” ano ba ang sabi ng sunod na talata?...

Psa 1:2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; ibig sabihin, dito sya nag-eenjoy
sa salita ng Dios. At sa mga pangako ng Dios sya nakakarelax... at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya
araw at gabi.(sa pagbabasa niya ng Biblia nakakapag unwind sya, Bakit? dahil ang Dios ang katagpo niya

Ngayon, kung Ang isang tao ay pinagpapala ng Dios, ibig sabihin- na-eenjoy niya ang favor ng Dios, gayon
din ang approval ng Dios at ang empowerment mula sa Dios. Now Sino dito ang gustong makaranas ng
pabor ng Dios, sabihin mo ngayon “Lord favor ibigay nyo po sa akin in Jesus Name!” iclaim nyo na yan-
bibigyan Niya kayo, matatanggap nyo ang favor ng Dios.

Narito ang ilang mga gabay para maenjoy natin ang lahat ng pagpapala ng Dios at maging pagpapala rin
tayo sa iba

1. SATURATE yourself with the word of God - punuin mo ang iyong kaisipan attitudes, pamumuhay ng mga
bagay na mula sa salita ng Dios. Pagyamanin mo ang salita ng Dios sa lahat ng iyong adhikain at sa
pamumuhay mo. At Kapag binubulay natin ang salita ng Dios, kaakibat nito ay ang pakikinig, makinig ka
sa sasabihin ng Holy Spirit sa yo. at marunong ka rin dapat makinig sa mga godly counsel. At ang buhay na
dapat mong ipamuhay, ay buhay na sumusunod sa utos ng Panginoon at nasa kalooban ng Dios. At wag
mong hayaan na madistract ka at malagyan ang isip mo ng mga mga bagay na negative at makakasira sa
iyong kaisipan at mag paparumi. Lalo na sa mga napapanood natin at maging sa internet, kailangan iwas
tayo sa mga panooring malalaswa, dahil iyan ang magpaparumi sa ating kaisipan, halos mababalewala ang
iyong mga nabasa sa Biblia, Sapagkat sa gayong paraan nananakaw ni satanas ang spiritual na binhi na
itinatanim sa ating kaisipan, na tila ito yun nagiging peste sa spiritual na binhi, bagay, upang hindi tayo
lumago sa spiritual At kapag nagkaka-gayon nahahadlangan ang blessing na dapat sanang mapasaatin.
Naaantala pa ang pagdating, at kung minsan lilihis pa, sa iba napupunta…

2. SITUATE yourself by the living word - sabi ng Panginoong Jesus sa Joh 7:38 “Ang sumasampalataya sa
akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.”

dapat nating malaman ang pakikipag ugnay sa Dios ay pakikipag communion sa ating tagapagligtas, ang
ating Manunubos, ang nag-aayos ng buhay natin. At napakahalaga na Maglaan tayo ng oras sa Panginoon
sa kanyang salita at pananalangin tuwing umaga bago tayo lumabas ng bahay

si David meron siyang sinabi


Psa 143:8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako
tumitiwala: ipabatid mo sa akin

ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.

Bakit kaya sinabing sa kinaumagahan, hindi sinabi sa katanghaliaan o sa kinagabihan? ‘Kinaumagahan’


dahil ito ang pasimula ng

araw, bago ka lumabas ng iyong bahay. Para paglabas mo dala mo ang salita ng Dios na siyang gagabay
sayo sa lahat ng iyong

lalakaran o kung saan ka man mapunta. Pero kadalasan ang nangyayari masyado na tayong nagmamadali
na makaalis ng bahay na

di na muna natin nabubuklat ang Biblia, kaya ano ang madalas na nangyayari sa buong maghapon?
Nariyan nagiging bugnutin,

mainit ang ulo, meron ka pang nakakaaway sa daan, sa opisina o sa school kung saan man yang
pinipuntahan mo pa at kung anu-

ano pa na mga pangyayaring di inaasahan, Bakit? Dahil hindi ipinagkatiwala sa Dios ang kanyang lakad.

3. SATISFY yourself with God’s word, His will and His way. Hindi sapat na mag-iisip lang tayo ng mga bagay
na mabuti, dapat na maganap sa buhay natin kung ano ang nais at kalooban ng Dios sa atin. Binanggit ng
ating Panginoon Jesus sabi Niya sa

Joh 4:34 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo,
at tapusin ang

kaniyang gawa. At kaya Niya sinabing “ang pagkain ko.” ibig sabihin ito yung makagaganap sa buhay Niya,
ang alin? Ang gawin

ang kalooban ng Dios at tapusin kung ano ang ipinagagawa ng Dios. Kaya ang sabi sa

Mat 5:6 “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin”.

nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran- ibig sabihin nito, ito yun laging gumagawa ng matuwid, di
nanloloko - meron kasing

mga tao na kumita lang, kahit manloko ay gagawin… para daw meron siyang ipakain sa pamilya niya- Tama
ba yun? Na ang

ipapakain mo sa iyong pamilya ay galling sa panloloko? Mali!. The more na ginagawa nila yun lalo lang
silang nababaon at

nangangailangan. Pero kung ikaw ay gumagawa ng matuwid at ang nasa isip mo ay kung ano ang
makalulugod sa Panginoon,…

ang sabi ng karugtong ng talata “sila'y bubusugin” pupunuin ka ng Dios, Bubuhusan ka ng pagpapala ng
Dios, hindi ka Niya
pagkukulangin at ang favor ng Dios ay nasa iyo. Nasubukan na ba ninyo na tumanggap ng favor mula sa
Dios? Napaka inam na

meron kang favor mula sa Dios, at sinusundan ka ng favor ng Dios.

4. SEPARATE yourself from the world. Ang babala sa atin ng mga Awit ay wag tayong lalakad ni uupo o
tatayo sa daan ng ungodly, ni wag tayong makikisama sa kanila. Sabi ni Paul..

2Ti 2:22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang
pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa
pusong malinis.

2Ti 2:23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na
namumunga ng mga pagtatalo. Mga kapatid kailanman walang nananalo sa pakikipagtalo, bakit? Sinabi
ba itong pakikipagpanalo? Hindi! ang sabi ay “pakikipagtalo”, so umpisa pa lang pareho ng talo, walang
mananalo. KUHA NYO! Ang madalas pang nangyayari pagkatapos away pa.

2Ti 2:24 At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, (utos ito ng Biblia “hindi nararapat
na makipagtalo) kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin,

2Ti 2:25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios
ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan,

2Ti 2:26 At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.

Alam ng diablo kung paano tayo pagpapalain ng Dios, alam din niya kung paano naman niya tayo
paghihirapin, at alam din niya

kung paano naman niya tayo mabibihag, Kaya nagbigay ang Dios ng guidelines para wag tayong masilo ni
satanas

Anu ang mga ito, ayon sa ating nabasa?

a. layuan mo ang masasamang pita – na ang mga ito ay lust of the flesh and lust of the eyes, pag sinabing
layuan, layuan... hindi

lalapitan at di rin tititigan pa… naintindihan po?

b. sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga
nagsisitawag sa Panginoon

mula sa pusong malinis. mga godly people ito. pag sinabi nating godly people ito yun mga taong spiritual.
“Spiritual” hindi lang sa nguso. Madali kasing sabihin na “spiritual akong tao marami akong alam na verse
sa Bible” pero di naman Makita sa buhay nya ang kabanalan. Merong ka pang maririnig sa kanyang mga
negativong salita na magpapahina sa iyong pananampalataya. At meron pa siyang kagalit, at
kinasasamaan ng loob, Nasaan sa kanya ang pag-ibig at kapayapaan? Tandaan nyo mga kapatid “merong
mga taong nagmumukhang spiritual, pero hindi naman namumuhay ng spiritual” tanong nyo sa katabi
nyo “Ikaw ba yun?
c. tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal- bakit? dahil ang nangyayari lang ay puro
pagtatalo, hindi ito

nakakalugod sa Dios, nagsasayang ka lang ng oras sa mga usapang walang kabuluhan

d. di dapat nakikipagtalo, kundi maamo sa lahat… (ipakita mo sa katabi mo ang iyong maamong mukha)

e. marunong kang magsaway na may kaamuan sa gumagawa ng mali at lumalabag sa utos ng Dios. Meron
kasing pagkakataon sumasagi sa isip natin na hinahayaan na lang natin ang iba na gumawa sila ng
kasalanan, di na natin sila pinapaalalahanan. Ang hindi mo alam pareho na kayong nabibihag ng diablo
kaya ka nagkakaproblema, at hindi mo makuha ang favor ng Dios, bakit dahil nabihag ka ng diablo

5. SANCTIFY yourself in the truth

Joh 17:17 “Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan”. Hayaan natin na ang salita
ng Dios ang maglinis ng ating pag-iisip motive at pang-unawa. nangyayari iyon kapag tayo ay patuloy na
nagbubulay ng salita ng Dios. Hindi lang yun basta nagbabasa ka lang o nakikinig kundi ito ay iyong
inuunawa kung ano ang nakasaad sa salita ng Dios.

6. SUBMIT yourself to God Unawain nating mabuti, na ito ay patuloy na pagpapasakop kung ano ang
ipinagkakatiwala natin sa Dios. At hingin mo ang biyaya ng Dios na ang puso mo kaluluwa, lakas, at pag-
iisip ay ma-please mo ang Panginoon upang makapamunga ka sa lahat ng mabuting gawa. At nag-iincrease
dapat ang kaalaman mo tungkol sa Dios. Dahil Ito ang magpapalakas sa iyo, ayon sa kanyang
maluwalhating kapangyarihan.

Col 1:9 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng
pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang
kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,

Col 1:10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga
sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;

Col 1:11 Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa
buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;

Ano ang halimbawa ng sinasabi dito

a. na huwag tumigil sa panalangin upang tayo ay mapuspos ng kaalaman ng kalooban ng Dios

b. na lumalakad ng nararapat sa Panginoon

c. namumunga sa bawat gawang mabuti

d. at lumalago sa kaalaman ng Dios ito ang talagang ibig sabihin ng SUBMIT yourself to God
7. STAND firmly on His promises. Unawain mong lubos na ang kanyang mga pangako ay hindi magmamaliw
at patuloy na gagawa ang Dios sa buhay mo sabihin mo sa iyong sarili “may gagawin ang Dios sa buhay
ko” sa katabi mo “ may gagawin ang Dios sa buhay mo” may pangako ang Dios sayo

2Pe 1:3 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na
nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa
pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;

2Pe 1:4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako;
upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan
sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.

Ano pa ba ang hahanapin natin, sinabi dito na

a. ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay

b. mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan

c. ipinagkaloob din Niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako, unawain lang natin
ito, panghawakan natin ang Kanyang mga pangako, hindi Niya tayo pagkukulangin, ang favor at ang
pagpapala ng Dios ay nasa atin, niloloko lang tayo ni satanas, sinasabi niya na dapat daw tayong dumanas
ng hirap, part daw ito ng pagsubok ng Dios, kasinungalingan! Joh 10:10 binanggit ni Jesus na si satan ay
pumaparito upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ngunit si Jesus sinabi Niya “ako'y naparito upang
sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.”

Si satan ang umaagaw ng mga blessing na dapat sana nating matamo at dahil sa di natin pagkaalam
nakukuha niya yun ng madali

sa atin, bakit? dahil ang inilagay mo sa kaisipan mo ay dadanas ka ng kahirapan, kaya ka ngayon ganyan,
tama ang Biblia ang sabi

sa Proverbs 23:7 “kung ano ang iniisip mo sa sarili mo ganun ka ”pag iniisip mo na mahirap ka lang di ka
yayaman! bakit di mo isipin ngayon na yayaman ka, sabihin mo sa sarili mo “yayaman ako” pagpapalain
ako ng Dios, may gagawin ang Dios sa buhay ko na napakaganda, pasasaganain Niya ang buhay ko!

common ulitin mo… “yayaman ako” pagpapalain ako ng Dios may gagawin ang Dios sa buhay ko na
napakaganda, pasasaganain

Niya ang buhay ko- Now utusan mo si satan sabihin mo.. “satan ibalik mo ang lahat ng inagaw at ninakaw
mo sa akin ibalik mo in

Jesus Name at pinasasanctify ko yan sa blood of Jesus in Jesus Name!

Mga kapatid hindi kasakiman sa kayamanan ang magpray ka na gawin kang milyonaryo ng Dios for the
Glory of God, kung makakatulong ka naman para sa gawain ng Dios. Pero kung mali ang motibo mo at
gusto mo lang maghiganti o magmayabang sa mga lumait sayo, hindi ka pakikinggan ng Dios.

Tignan natin si Jabez sa Biblia:


1Ch 4:9 At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang
pangalan na Jabes, na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.

1Ch 4:10 At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at
palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na
huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.

Sa umpisa si Jabes ay hindi ho agad naging bantog hindi sya tinawag agad na kagalang-galang hindi rin sya
politician na para tawaging honourable. Ang sabi ipinanganak siya ng nanay nya na may kahirapan na tila
para syang pinagtaksilan ng panahon at puro kalungkutan na lang ang nararanasan nya, na tila
gumagapang sya sa hirap, pero naniniwala ako na kinatagpo siya ng Dios at naranasan niya ang Inner
Healing mula sa Dios, pinagaling sya ng Dios mula sa sakit ng kalooban na kaniyang dinala ng mahabang
panahon. At kinilala niya ang kapangyarihan ng Dios ang kadakilaan ng Dios at kung ano ang magagawa
ng Dios sa buhay nya. Naging mapananalanginin siya araw-araw hindi lang ito isang beses niyang
ipinalangin kung ano ang kanyang kahilingan, at buo ang kanyang pagsampalataya ng pagpapalain siya ng
Dios, merong magagawa ang Dios sa buhay niya, kaya hindi sya bumitaw sa marubdob nyang pananalangin
na pagpalain sya ng Dios, sabi nya sa Dios “bless me indeed…” kaya sa araw-araw lumalakad sya na
matuwid sa harap ng Dios, at hindi nya hinayaan na mawalan sya ng dignidad bilang isang
sumasampalataya sa Dios at nananangan siya sa mga pangako ng Dios na kaya siyang pagpalain ng Dios.
At nakita ng Dios kay Jabez na tama ang kanyang puso at motibo, kaya inonor ng Dios ang kanyang
panalangin. Pinayaman siya ng husto. At ang kamay ng Dios ay sumasa kanya, nandun ang protection ng
Dios sa buhay nya upang di na siya maghirap, at hindi na maagaw pa ng diablo ang yaman na bigay ng Dios
sa kanya, kaya ang prayer nya din “and that thou wouldest keep me from evil,” katulad ito ng prayer na
itinuro sa atin ng Panginoong Hesus sa Matt 6 “ and deliver us from evil” dahil napakahalaga nito sa buhay
natin na madeliver tayo, AMEN!… ito ang naging dahilan kaya pinagpala ng Dios si Jabes naranasan niya
ang Inner Healing and deliverance, Gusto nyong pagpalain kayo ng Dios? Magpa Inner Healing and
deliverance ka, ibi-bless ka ng Dios. Kaya ko sinasabi ito dahil naranasan namin ito. Dati lagi na lang akong
napapabuntong hininga…” naku paano na ang buhay namin” ngayon nakakapag relax na kami,
nararanasan namin ang pagkilos ng kamay ng Dios

8. SUCCEED through the power of His word, His Spirt and His will.

Psa 1:3 At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na
nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang
gawin ay giginhawa

At wag nating kalilimutan kung ano ang sabi ng Biblia upang tayo ay maging successful

Jos 1:8 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw
at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y
iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Jos 1:8 This book of the law shall not depart out of thy mouth; but thou shalt meditate therein day and
night, that thou mayest observe to do according to all that is written therein: for then thou shalt make thy
way prosperous, and then thou shalt have good success.

Ilagay mo sa isip mo “pasasaganin ng Dios ang buhay ko at ako ay magiging successful” common sabihin
mo “pasasaganin ng Dios ang buhay ko at ako ay magiging successful” I decree and declare sa lahat ng
nagsabi nyan mangyari nawa sa iyo! InJesus Name!

9. SEE spiritual purposes in every situation.

Rom 8:6 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at
kapayapaan.

Rom 8:7 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa
kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:

Rom 8:8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.

Kung tayo man ay merong kinakaharap na problema, isipin natin, na ito ay maaaring maging magandang
pagkakataon, upang sa kabutihan lamang ng Dios tayo tumingin. Sa halip na ituon natin ang pansin sa mga
kaguluhan o kahirapan na nakikita natin sa ating kapaligiran, sa Dios tayo tumingin.

Pag dyan mo itinuon ang iyong pansin sa kahirapan, Panghihinaan ka lang, kung anu-ano pa ang mga iisipin
mo na hindi maganda, manglalambot ka lang. - Totoo Pinapayagan ito na dumating sa ating isipan, ngunit
hindi para panghinaan tayo ng loob, kundi upang lalo mo pang bulayin ang Kaniyang salita. Kausapin mo
ang Dios, kapag naruun ka sa ganung sitwasyon, tumatag ka at Makita mo ito sa magandang perspective,
halimbawa wala kang pera at meron kang malaking pangngailangan sa halip na mangutang ka, kausapin
mo ang Dios, at umasa ka na merong gagawin ang Dios sa iyo, maghihimala ang Dios sa buhay mo, nasasabi
ko ito sa inyo dahil ginawa ko ito at nangyari ito sa amin,

Testimony:

Nung time halos wala na akong pera 3piso na lang, may tumawag sa akin pinapupunta nya ako sa ofc nya
araw ng Lunes yun. Sabi ko sir nakakahiya mang sabihin wala po akong pamasahe papunta riyan, eh
kinukulit ako dahil meron kasi akong importanteng pipirmahan sa kanila. Pumunta ka manghiram ka muna
dyan ng pamasahe ibabalik ko, so ibabalik nya sabi nya, dahil ayako kasing mangutang gusto kong subukin
ang Dios nung araw din yun, dahil bago pa man sya tumawag nagself deliverance ako nun umaga. And
dami kong ikinast-out sa buhay ko, na nagpapahirap sa akin lalo na ang spiritu ng kahirapan at kalungkutan
at ang mga devourer sa buhay namin ikina-cast out ko. Nagdedeclare ako at nagpapagpag kung anumang
spiritu ang nakakapit sa buhay ko na parang naglalagay ng bigat sa balikat ko kaya ang bigat ng
pakiramdam ko, lumong-lumo ako. Kaya ang ginawa ko nun nagtatalon ako nun, na nag-aact ako na tila
meron akong ipinapagpag sa katawan ko,.. kun meron ngang nakakita sa akin nun time na yun iisipin nilang
nasisiraan ako-- nasa labas ako ng bahay, pero nasa loob pa rin ng bakuran. Pagkatapos kong magself
deliverance nagdeklara ako ng blessing at inutusan ko ang blessing sabi ko “blessing pasok!... pera
pasok”…alam nyo nun araw ding yun pagkatapos kong pirmahan yun papeles, nagtxt ako sa may ari ng
papel na pinirmahan ko sabi nya antayin ko sya so nag-antay ako… parang natetempt pa nga akong magtxt
sa kanya na “pwede ba makahiram ng 500…” pero sabi ko sa sarili ko “hindi ako mangungutang, may
gagawin ang Dios sa buhay ko” pero battle pa rin sa isip ko “manghiram ka na, wala kayong kakainin” hindi
ako mangungutang, gusto kong subukin ang Dios… alam nyo bukod dun meron ding tumawag sa akin
nung araw ding yun na naghahanap ng mauupahang warehouse ASAP. yung hinihintay kong tao meron
syang warehouse sa guiguinto bulacan kaya nung dumating sya sinabi ko na gustong Makita yun
warehouse nya, tinawagan namin yun client at gustong Makita kinabukasan, sila na ang nag-usap at
nagmeet, pagkatapos nilang mag usap sa celpon inabutan ako ng 1,000 sabi ko buti na lang di ako
nanghiram ng 500, kinausap yun ng Dios na bigyan ako ng 1,000. So martes nagkita sila nagustuhan ang
site at nagkasundo sila sa contrata, Mierkules binigyan ako ng commission na 20,000. Ang galing at ang
bait ng Dios, magtiwala ka lang sa Dios at wag kang humakbang ng sarili mong hakbang, wag kang
mangutang hindi yan pamamaraan ng Dios mag-antay ka sa Dios may gagawin Siya para sa iyo,
masosorpresa ka, mamamangha ka sa kapangyarihan ng Dios

Subukan nyo pagkatapos mong kausapin ang Dios at nailapit mo sa kanya ang pangangailangan mo utusan
mo ang blessing na pumasok sa inyo “blessing pasok” “pera pasok” at wag nyong gawing katatawanan,
totohanin ninyo, magugulat pa kayo sa gagawin ng Dios sa inyo

10. STABILIZE yourself when you are worried, anxious or unsure of your direction.

Isa 26:3 Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y
tumitiwala sa iyo. Nakanino ba ang ating pag-iisip pag tayoy naguguluhan at walang direction?, sa Dios ba
natin itinutuon ang ating pag-iisip o duun nakatuon ang isip natin sa sitwasyon? kaya ka siguro hirap na
hirap

Sinabi ni Jesus

Joh 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan.
Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang
sanglibutan. Dinaig na ni Jesus ang sanlibutan tinalo na rin Niya ang kahirapan. ang gusto ni Jesus ay laksan
natin ang ating loob wag tayong patatalo kay satan, wag tayong makikinig sa mga kasinungalingan ni satan,
na wala na raw tayong pag-asa at wala na raw tayong magagawa pa hayaan na lang daw. Kasinungalingan
lamang ito ni satan. May magagawa si Jesus sa buhay natin. Sabihin mo “may gagawin si Jesus sa buhay
ko” makakaranas ako ng pagkilos ng Dios sa buhay ko, “pagpapalain ako ng Dios” ibi-bless ako ng Dios,
payayamanin ako ng Dios, pagagalingin ako ng Dios AMEN!

Isa pang patotoo mga kapatid


Pagpasok nitong taon ng January 2011 nagdeclara ako na merong magandang gagawin ang Dios sa buhay
namin. At Madalas naming inaawit ang "blessings flow like a river No one can stop it from flowing Blessings
cometh to me".

Nung unang lingo ng January sinubukan ako ng Dios.Meron akong nakausap gustong palagyan ng muhon
yun lote nila sa Tagaytay nagtanong ng presyo kung magkano, nagpresyo ako ng 6,000 nagkasundo kami.
Pero ang totong presyo lang naman ng kasama kong geo.engr ay 5,000 lang. usapan namin sa 5000
bibigyan nya ako ng 1,000 ginawa kong 6k para may patong ako na 1k para ang kita ko ay 2k, pero
namoblema ako paano ko itatago kay engr na meron akong patong na 1k hihingi pa ng resibo yun kausap
ko, mabibisto ako ni engr baka mapagalitan pa ako. Alam nyo nung umaga na papunta na kami sa tagaytay
ang lamig ng aircon ng sasakyan ni engr. Pero ang pakiramdam ko para akong sinisilaban, dahil iniisip ko
paano ko palulusutin yun 1k na patong ko paano mapupunta sa akin yun, nung oras na yun pinabasa sa
akin ng Dios ang Psalms ch.1-7 dun sa mga talatang yun na binasa ipinocus ng Dios ang mata ko sa mga
salita na righteousness, integrity Ps 5:12 For thou, LORD, wilt bless the righteous; with favour wilt thou
compass him as with a shield. At ganito ang sinasabi sa akin, gusto mong pagpalain ka ng Dios? Maging
tapat ka wag kang magsinungaling wag mong hayaan na mawalan ka ng igtegridad para sundan ka ng
pabor ng pabor ng Dios. “Gusto ko pagpalain ako ng Dios, maging tapat dapat ako”, sa madaling salita
sinabi ko kay engr na 6k ang presyong sinabi ko sa client kasi malayo para di naman kami lugi sa gasoline,
yun ang idinahilan ko, alam nyo nakamit ko agad ang pabor ng Dios naging mabait sa akin si engr at
tinanong pa ako kung gusto ko raw kumain at ano ang gusto ko… pabor yun. Pagkatapos naming magsukat
binigyan nya ako ng 1k pagkaabot nya sa akin ng perang yun, nangusap ang Dios sa akin,na ibigay ko ang
pera bilang first fruit, eto nangangatwiran na naman ako Lord 1k lang ito maliit lang ito bigyan mo ako ng
malaking kita para malaki ang maibigay ko na first fruit sabi ni Lord yan ang ibigay mo di ko kailangan ang
malaki yan ang iyong first fruit. Nangatwiran uli ako Lord wala akong pera need po namin. Ibigay mo yan
para pagpalain kita, naku po eh halos yun lang ang pera ko Lord pwede ba Tithe lang muna? First fruit,
ibigay mo yan, Lord paano, ang liit lang naman nito, pinaala-ala ng Dios sa akin ang balong nagbigay ng
barya lang pero mas iyun ang pinuri ng Panginoon kaysa sa mga taong ang ibinigay ay malalaking halaga,
pero ang mga yun ay sobra lang sa kanilang mga pera, di talaga taos sa puso nila ang pagbibigay,
samantalang yun balo halos yun ang buong kabuhayan nya ibinigay nya pa sa Panginoon, nakita ng
Panginoon yun kaya mas yun balo ang pinuri ng Dos. So sa madaling salita ibinigay ko ang 1k bilang first
fruit. Pagkabigay ko nun sinabi ko Lord pagpalain mo ako ha, umaasa ako na meron kang malaking gagawin
sa buhay ko. Alam nyo binalik din agad ng Dios sa akin yun, may mga nag-abot sa akin ng pera bilang love
gift merong tig 500 merong 3,500-- 4,500 agad ang bumalik sa akin nun January samantalang 1k lang ang
binigay ko sa Dios at nung February nagkaroon uli ako ng client na magpapasukat din ng lote sa Agoo ang
ibinigay sa skin ni engr 3,500. At ito pa itong palang aking asawa ay nananalangin na magkaroon din sya
ng pagkakakitaan nya. Nung buwan din yun may tumawag sa akin isang company na napakaraming
property na dapat ayusin na mga titulo at namimili pa at ibinebenta din kinausap ako at nakipagkontrata
ako bilang servis provider nila pero hindi ako arawan o empleyado nila hawak ko ang oras ko basta tapusin
ko lang ang trabaho ko sa kanila, kasama ko ang mrs ko sa paglalakad ng mga docs kaya may trabaho na
rin siya buwan buwan may tinatanggap kami. Nung march nagkarun ako ng transaction kumita ako ng
130,000 at hanggang nagkasunod sunod na ang transaction namin, monthly may pumapasok na sa amin
na pera, meron ng Junior saving si Penuel, sa aming mag-asawa joint account at time deposit biniless kami
ng Panginoon. Nagdecklara ako ng blessing inutusan ko ang blessing na pumasok sa amin sabi ko ”blessing
pasok… pera pasok.” Dininig ng Dios ang prayer namin. Nag-umpisa lang ako sa first fruit na 1k lang ang
naibigay ko pero para sa akin yun na ang lahat ng buhay ko dahil wala akong pera at ngangailangan pa
kami, pero ang ibinalik ng Dios sa akin daang libo. Ganun magpala ang Dios, sumunod ka lang sa kanya,
magtiwala ka lang sa kanya na may magagawa Siya para sa iyo. Gusto nyong subukan ang Dios magdeclara
tayo, para sa Buhay natin. ,

You might also like